ARMELLE LUNA
Maya't maya ang silip ko sa kabilang pintuan habang nakaupo sa sofa sa sala. Nasa tapat ako ng pintuan ng housemate ko dahil hinihintay ko ang paglabas nito. Kailangan ko kasi sabihin sa kanya na may pasok ako sa school bukas. Baka kasi pagbalik ko ay hindi na ako makapasok dahil pinalitan na niya ang padlock ng main door.
Isang oras na ako naghihintay ay hindi pa rin siya lumalabas. Nakaramdam na ako ng gutom kaya tumayo na ako. Hindi pa man ako nakahahakbang ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.
"Good morning!" masiglang bati ko na ikinatigil naman niya sa paghikab. Salubong ang kilay na tiningnan niya ako.
"Good morning," wala sa loob na sagot nito.
"Nagluto na ako ng almusal. Kumain na tayo," yaya ko saka lumapit rito. Hinawakan ko ito sa kamay at iginiya sa dining area.
"You prepared this?" manghang tanong nito ng makita ang pagkain na nasa mesa.
"Oo. Maupo ka na at kumain na tayo. Nagugutom na rin ako," nakangiting tugon ko at naupo sa bakanteng upuan.
Nang tapunan ko siya ng tingin ay mataman siya na nakatitig sa akin. Alanganin akong ngumiti at nagsimula ng kumain.
"Tell me. May kailangan ka sa 'kin kaya ang bait mo, ano?"
Naiwan sa ere ang kutsara ko na may lamang pagkain. Awtomatiko akong napatingin sa gawi niya.
"May pasok kasi ako bukas. Baka kasi pagbalik ko ay palitan mo ang padlock ng pintuan para hindi ako makapasok. Hindi ko maaaring ipaalam sa mama ko na may kasama ako dito dahil baka mag-alala iyon. Ayaw ko na mahirapan pa siyang maghanap ng malilipatan ko. Hayaan mo muna ako dito dahil malapit na rin naman ako magtapos. Isa pa, ako naman ang nauna rito," mahabang litanya ko.
"I can't believe you. Ikaw ang nakikiusap na kailangan pa na ipagdiinan na ikaw ang nauna rito," hindi makapaniwala na sambit nito.
"Totoo naman," giit ko pa at sunod-sunod na sumubo ng pagkain.
"Okay, fine…" anito dahilan para sumilay ang ngiti ko sa labi. "On one condition."
Ang kanina lang na ngiti ko ay nawala na parang bula dahil sa huling sinabi nito.
"Ano 'yon?"
"You will wash my clothes," may ngisi sa labi na sabi nito.
Napamaang naman ako sa sinabi nito. Wala akong nagawa kundi ang tumango bilang pagsang-ayon.
Kinabukasan ay maaga akong umalis dahil kailangan ko pa mag-adjust ng oras sa pagpasok. Medyo malayo kasi ang tinutuluyan ko sa university. Kailangan ko pa gamayin ang pasok ko.
Muntik na akong mapatalon ng may bumusinang sasakyan sa likuran ko. Nang lingunin ko ay ang seryosong mukha ng housemate ko ang aking nakita.
"Where are you going?" tanong nito habang sinabayan ako ng sasakyan niya sa aking paglalakad.
"School," sagot ko. Muntik na akong matawa sa naging reaksyon nito. Umikot kasi ang mata nito na animo'y hindi sang-ayon sa naging sagot ko.
"I know, you already told that. I mean, saan ang daan mo?"
"Isasabay mo ako?" malawak ang ngiti sa labi na tanong ko. Huminto naman ang sasakyan nito.
"Hop in. Sa terminal na lang kita ibababa," anito.
Mas mainam sana kung pati sa university ay ihahatid ako nito para l***i na rin sa pamasahe. Pero mukhang hindi yata iisa ang way naming dalawa.
"Sana araw-araw ganito," bulong ko.
"Ngayon lang dahil maaga pa naman. Pero kapag alanganing oras ay hindi kita maisasabay," dahilan nito.
"Nagbabakasakali lang naman," nakasimangot na sabi ko. "Huwag mo akong sasaraduhan ng pinto, ha. Wala akong matutuluyan. Hindi ako maaaring makituloy sa bestfriend ko dahil marami sila sa bahay nila," maagap kong wika.
"Marunong akong tumupad sa usapan, Armelle," saad nito.
"Hala, naalala mo ang pangalan ko?" hindi makapaniwala na usal ko.
Napangiti ako ng tumawa siya.
Binaba nga niya ako sa terminal ng mga jeep. Tulad nga ng inaasahan ko, magkaiba ang way naming dalawa.
Hindi naman traffic kaya maaga akong nakarating sa university. Papasok palang ako sa gate ay sinalubong na ako ng kaibigan kong si Lea Mae. Nabanggit ko kasi na may sasabihin ako. Pero dahil may klase pa kami ay hindi muna ako nagkwento.
Nagsisimula na rin kami gumawa ng thesis kaya hindi pinapatagal ng mga professor namin ang klase. Medyo kailangan namin mag-concentrate lalo na at malapit na ang end ng klase.
"Girl, ano na nga ang sasabihin mo sa 'kin?" pag-uungkat na sabi ni Lea Mae habang nasa canteen kami kumakain. Bahagya pa ako nitong siniko sa tagiliran.
Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay huminga ng malalim.
"Atin lang ito, girl, ha. Huwag mo ipagkakalat kahit na kanino. Kapag nakalabas ito, wala akong paghihinalaan kundi ikaw," sabi ko rito at pinandilatan ito ng mata.
Inirapan ako nito saka muling tinuon ang atensyon sa pagkain.
"Parang hindi mo naman ako kilala, girl. Marunong ako magtago ng sikreto lalo na pagdating sa 'yo. Hindi ko sisirain ang pagkakaibigan nating dalawa dahil lang sa hindi ko mapigilan mag-kwento sa iba," tila nagtatampong saad nito.
Nakonsensya naman ako sa binitawan kong salita. Kapag-kuwa'y marahan ko itong siniko saka alanganing ngumiti ng sulyapan ako.
"Ito naman, hindi na mabiro," panunudyo ko rito sabay kinurot sa tagiliran nito.
Nagbuga ako ng hangin at seryosong tumitig sa kanya. Marami na akong sikreto na sinabi sa kanya pero kakaiba ang sasabihin ko ngayon. Tiyak ako na magugulat ito kapag sinabi ko ang tungkol sa nangyari sa paglipat ko sa bago kong tirahan.
"Ganito kasi 'yon, hindi ba lumipat ako ng apartment?" panimula ko. Tumango naman ito bilang pagtugon. "May kasama ako sa apartment, girl."
Kumunot ang noo nito sa huli kong sinabi. Tila natural na lang rito ang sinabi ko.
"Ano'ng bago ro'n? Tiyak na kagustuhan ni Tita Arnie na may kasama ka sa apartment para hindi ka na magluluto pagdating mo galing sa school," sabi nito saka muling nagpatuloy kumain.
"Hindi mo ako naiintindihan, girl. Lalaki ang kasama ko sa apartment at hindi babae," paglilinaw ko rito.
Kasabay ng panlalaki ng mata nito ay ang pagsinghap at pagtutop nito sa bibig. Tila hindi ito makapaniwala sa binitawan kong salita.
"Nagsasama na kayo ni Jacob, girl?" eksaherada na tukoy nito sa boyfriend ko dahilan para umikot ang mata ko.
"Hindi. Ano ka ba? Wala pa sa plano ko ang ganyang bagay at alam ni Jacob 'yon. Ibang lalaki ang kasama ko sa bahay," pagtatama ko na mas ikinalaki ng mata nito.
"Oh, my gosh! Eh, sino ang kasama mo? Alam ba ni tita?" sunod-sunod na tanong nito.
"Nong sabado ng gabi kami nagkaharap. Nagulat ako ng pag-gising ko ay bukas ang ilaw sa kusina. Ayon nga, may kasama pala ako sa apartment. Tulad ng una naming pagkikita, hindi rin maganda ang ikalawa naming pagtatagpo," paliwanag ko rito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagugulumihanan na tanong nito.
"Naalala mo n'ong hindi ako nakapasok sa major subject natin dahil sa nangyari sa akin sa daan?" pagpapa-alala ko rito isang buwan na ang nakalipas. Tumango-tango naman ito senyales na naalala nito ang nangyari sa akin. "Siya rin ang kasama ko ngayon sa apartment."
"What?!" bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mata.
"Oo, s'ya nga. Pinipilit niya na siya raw ang may-ari ng apartment. Ang sabi ko, ako ang nauna kaya hindi niya ako maaaring paalisin. Sumang-ayon naman siya pero sa isang kondisyon…" pinutol ko ang sasabihin at marahas na nagbuga ng hangin.
"Ano?"
"Ako ang maglalaba ng mga damit niya."
"At pumayag ka naman."
Tumango ako bilang tugon.
"Alam ni tita?"
"Hindi. Ayoko sabihin dahil baka maghanap pa si mama ng malilipatan ko. S'ya na naman mahihirapan. Pagtiisan ko na lang hanggang maka-graduate tayo. Isa't kalahating buwan na lang din naman," katwiran ko at tinuon na ang atensyon sa pagkain.
"Ano'ng pangalan ng bastos na lalaking kasama mo?" tila nanggigigil na tanong nito.
"Hanz Timothy Silvestro," sagot ko.
Napasinghap ito dahilan para sulyapan ko at nagtatanong ang mata ang ipinukol ko rito.
"As in, Hanz Timothy Silvestro, girl?" ulit pa nito sa pangalan na binanggit ko.
Tumango lamang ako bilang tugon.
"Teka, teka. Kailangan ko masiguro kung siya nga. Wait lang," sabi nito na hindi magkandatuto na kinuha ang cellphone na nakapatong sa mesa.
Salubong na ang kilay nito habang tumitipa sa keyboard ng cellphone nito. Nagulat na lang ako ng impit itong tumili.
"Bakit?" puno ng pagtataka kong tanong.
"Ang swerte mo, girl!" sabi nito saka muling tumili. Kapag-kuwa'y tinapat sa mukha ko ang cellphone nito.
Unti-unting nanlaki ang mata ko sa nakita at nabasa ko. Ang impormasyon ay galing sa isang sikat na magazine at si Hanz ang laman niyon. Hindi maaaring magsinungaling ang internet. Isang bilyonaryo ang kasama ko sa apartment. Bukod sa isa itong bilyonaryo, isa rin itong tinaguriang playboy at walang kahit sino man na babae ang nakakaligtas dito.
"Ingat ka, girl. Isang certified playboy ang kasama mo sa apartment," bilin pa sa akin ni Lea Mae bago kami naghiwalay na dalawa.
ARMELLE LUNAHindi nawawala ang ngiti ko sa labi habang abala ako sa ginagawa ko. Lagi pumapasok sa isip ko ang naganap kanina lang sa loob ng opisina ni Hanz. Ilang segundo rin tumagal ang halikan naming dalawa kaya ng makaramdam ako ng pang-iinit ng katawan ay ako na ang unang gumawa ng hakbang para putulin iyon. Napakamot pa siya sa ulo at alanganing ngumiti. Tinaboy na rin niya ako palabas ng opisina dahil baka raw lumagpas pa sa halik ang gawin niya kapag nanatili pa ako ng matagal sa loob ng opisina. Tama nga si Ate Bea, gentleman si Hanz. Mula sa screen ng computer ay napasulyap ako sa phone ko na nasa ibabaw ng office table. Kumunot ang noo ko ng makita ko na si Tito Harold ang tumatawag. Simula ng magtrabaho ako rito hindi ko na siya nakausap. Hindi kaya may nahanap na siyang papalit sa akin? Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Kung kailan naman okay na kami ni Hanz ay saka naman ako aalis. Matamlay na dinampot ko ang phone. Hindi dapat ako pahalata na apektado a
ARMELLE LUNANakailang buga ako ng hangin habang nasa harap ng pintuan ng opisina ni Hanz. Kinakabahan ako dahil ito ang unang paghaharap namin simula ng huli naming pag-uusap. Ayaw ko man harapin siya ay hindi maaari dahil kailangan ko mag-remind ng mga meetings niya ngayong araw. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago kumatok at pumasok. Sumikdo ang puso ko ng tapunan niya ako ng tingin. Ilang segundo kami nagkatitigan. Ngumiti ako pero parang kinurot ang puso ko ng hindi man lang niya tinugon ang ngiti ko saka hinarap ang laptop niya.Dismayado man ay pumasok pa rin ako. Gagawin ko na lang ang trabaho ko ngayong araw. Magiging natural sa harap niya na parang walang nangyari. "Good morning, sir. I just remind you of your meeting at 9 o'clock with the board members and lunch meeting with Mr. Alonzo. After the lunch meeting, you will meet with your investors, Mr. Millanes."Pagkatapos ko iyon sabihin ay wala man lang ako narinig na salita mula sa kanya. Kahit man lang sana tum
ARMELLE LUNANaramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa ulo ko ng bumangon ako. Nagpalinga-linga ako at kinurap-kurap ang mata para alamin kung nasaan ako. Napangiti ako ng napagtanto ko na nasa bahay na pala ako. Humihikab na tumayo ako at lumabas ng silid. Nagsalubong ang kilay ko ng nanuot sa ilong ko ang amoy na parang may nagluluto. "Kagagaling lang ni mama no'ng isang araw, ah," puno ng pagtataka na sambit ko. Dahil mabango ang naaamoy ko, tinungo ko ang kusina. Bigla kasi kumalam ang sikmura ko. Ngunit para akong tinulos na kandila sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang abala na nagluluto sa kusina. "Ikaw?" Pumihit siya paharap ng marinig ako. "Oh, hi. Good morning, Luna. I'm sorry if I interfered in your kitchen. Ayoko na magluto ka pa paggising mo," nakangiting bungad niya. "A-ano'ng ginagawa mo dito? Bakit nandito ka ng ganito kaaga?" nagugulumihanang tanong ko. Lumawak ang pagkakangiti niya. Hinarap muna niya ang niluluto at ilang sandali lang ay muli akong hina
ARMELLE LUNAApat na baso ng Margarita pa lang ang nainom ko pero parang nararamdaman ko na ang pamamanhid ng katawan ko. Bahagya na rin umiikot ang paningin ko at dumudoble na ang tingin ko sa mga kasama ko pero wala akong balak na huminto sa pag-inom. Ano ba naman iyon pagbigyan ko sila sa nais nila. Gusto ko rin makalimutan ang pagkadismaya at pagkabigo ko ngayong araw. Nang iwan niya ako sa loob ng opisina na mag-isa at lumabas kasama ang babaeng dumating kanina ay saka ko napagtanto na pinaglalaruan nga lang niya ang nararamdaman ko. Ang walang-hiyang iyon, pagkatapos akong halikan ay iiwan ako na parang basura sa loob ng opisina niya. Sabagay, sino ba naman ako para piliin niya kumpara sa asawa niya. Mas ngayon ko napatunayan na hindi pa rin siya nagbabago, isa pa rin siyang dakilang babaero. "Ano, Armelle, kaya pa ba?" malawak ang ngiti na tanong ni Mica sa akin. Ngumisi ako sabay tungga ng natitirang laman na inumin sa aking baso. "Ako pa talaga ang hinamon n'yo. Kahit abut
ARMELLE LUNASimula umaga ay naging abala na ako. Sunod-sunod din ang meeting ni Hanz sa mga board members ng kompanya, iba pa iyong meeting sa mga investors niya. Syempre, ako naman itong secretary, bago magsimula ang meeting ay inaayos muna ang conference table para pagdating ng mga ka-meeting nito ay uupo na lang at titingnan ang mga files na naka-ready na at bubuklatin na lang sa ibabaw ng table. Halos okupado ng trabaho ang isip ko dahil bawat importante na sinasabi ni Hanz sa mga ka meeting niya ay nakalagay lahat sa iPad na hawak ko. Simula meeting niya sa umaga hanggang hapon, basta lahat ng mahahalaga ay nakatala. Mas mainam ng may ibibigay akong minutes sa mga naganap na meeting niya para wala siyang masabi sa 'kin. Anyway, gawain naman talaga iyon ng sekretarya.Heto nga at parang pagod na pagod ang katawan ko kaya parang hindi ko kayang tumayo at kumain sa labas kahit niyaya ako ng mga kasama ko. Ewan ko ba, nakaupo lang naman ako maghapon pero ang isip ko, parang ayaw na
ARMELLE LUNAGusto ko na paalisin si Hanz para magkasarilinan na kami ni mama. Marami ako gusto itanong sa magaling kong ina pero mukhang nag-e-enjoy pa ito at si Hanz mag-usap. Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagsimula na sila magkwentuhang dalawa dito sa sala. Nakatutok lang ang atensyon ko sa pinapanood ko dahil wala naman ako balak na makisingit sa usapn nilang dalawa. Minsan ay tinatanong ako ni mama, kapag nasagot ko na ay tinutuon kong muli ang atensyon sa TV. Bagamat nakatutok ang mata ko sa pinapanood ko ay hindi nakakaligtas sa gilid ng mata ko ang panaka-nakang pagsulyap sa 'kin ni Hanz. Marahil ay humihingi ito ng saklolo sa 'kin para patigilin si mama sa kadaldalan nito. Pero dahil gusto ko bumawi sa pananakit niya sa damdamin ko ay hinayaan ko lang siya. Bahala siyang marindi sa boses ni mama. "Anak, ihatid mo na si Hanz sa labas," pukaw sa 'kin ni mama. Nakahinga ako dahil mukhang nagsawa na ito makipagkwentuhan. Tumayo ako saka tinungo ang pintuan. "Thank you po, t