Yakap ni Brandon si Alex sa baywang habang nasa ibabaw niya si Alex na nakatulalang nakatingin kay Cynthia na bagong dating. Ilang segundo pa ang itinagal at nagsalita na si Brandon.Ilang beses pang napapapikit si Cynthia sa nasaksihan niya. Parehas na lamang nakatulalang nakatingin si Cynthia at Engr. Narvaez sa dalawang magkapatong na nakahiga sa sahig.“Miss Bautista,” mahina ngunit malamig ang boses ni Brandon na tila ba naiinis sa nangyari.“Alex,” pag-uulit na bulong ni Brandon. At doon na lamang napagtanto ni Alex na nasa ibabaw parin siya ni Brandon.“S-sorry,” Nauutal niyang paghingi ng paumanhin saka nagmamadaling tumayo at nagpagpag ng kanyang damit.Tumayo na din si Brandon. Bakas sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa nangyayari. Hindi dahil kay Alex kundi dahil naaksidente si Alex dahil sa kableng nakaharang at sa hindi pagiging maingat ng dalaga sa kanyang paglalakad dahilan upang siya ay madisgrasya.Palipat-lipat naman ang tingin ni Cynthia na tila ba hindi pa rin mak
Lumapit na si Brandon sa kanila. Kalmado na ang mga matang tumingin kay Alex si Brandon.“Tara na,” saad nito.At tila ba natural na sa kanya na bitbitin ang dalang gamit ni Alex. Kinuha niya ang laptop ni Alex na ikinagulat muli ng dalawang dalaga.“Ako na.” habol ni Alex at pilit kinukuha ang laptop na nakasilid sa bag nito.“Mukha ka kasing nabibigatan sa bag mo kanina. Kaya kinuha ko na.” sabi niya at lihim pang kumindat sa dalaga.“???” tila naman di nakapagsalita na si Alex at hindi nalang kinuha ang bag. ‘At bakit may pagkindat?’ tanong niya na lamang sa sarili. ‘Gusto niya bang malaman ni Cynthia na magkakilala kami?’ di mapakali si Alex sa kanyang iniisip. ‘Paano kung makahalata si Cynthia? Naku walang kamatayang pag-usisa nito,’“Ah. Mabigat din ang bag ko.” pag-iinarte ni Cynthia, pero sinamaan ito ng tingin ni Alex.“Tumigil ka na nakakahiya sa kanya.” pagsaway ni Alex, na ikinanguso na lamang ni Cynthia.Nasa loob na sila ng elevator at kating-kati si Alex na magtanong ku
“Ako ito. Labas ka muna saglit at pumunta sa room ko.” ‘Ano kayang kailangan niya? Bakit niya ako pinapapunta sa kanyang room?’ Sumilip si Alex sa gawi ng banyo kung saan naliligo si Cynthia.‘Hindi naman siguro iyon lalabas agad ano? Bibilisan ko nalang ang pagpunta.’ Sabi ni Alex sa sarili.Nagmadaling magbihis si Alex at magsuklay. Hindi na niya binlower ang buhok dahil baka magtatagal pa siya at mahuhuli siya ni Cynthia na pumunta sa kabilang kwarto.Dahan-dahan siyang lumabas at kumatok sa katapat na pintuan kung saan ang kwarto ni Brandon. Agad naman itong binuksan ng binata at hinatak siya papasok ng bahay, dahilan upang mabigla si Alex.“Wait-” Hindi na makapagsalit si Alex ng pinaupo siya ni Brandon.“Kamusta na ang tagiliran mo? Masakit ba? Nagkapasa ba?May sugat ba?” sunod-sunod na tanong ni Brandon.“Hmmm… Medyo?” sagot ni Alex.“Bakit mo pala ako pinapapunta dito?” tanong ni Alex.“Saan pa ang masakit? May sugat ka pa ba sa ibang parte ng katawan mo? Yung paa mo, natap
Hindi na nakakapagtaka kung iaadd siya ni Brandon dahil magkakilala naman sila at ngayon ay magkatrabaho pa. At mas convenient kung pati sa socmed ay pwede siyang mareach-out nito in case na hindi niya dala ang kanyang phone. Naalala ni Alex na i-save ang numero ni Brandon para sa future transactions or communication nila. At nagreply muna si Alex sa kaibigan, at hindi niya muna naaccept ang friend request ni Brandon.“Mamaya ko na siya iaaccept. Baka isipin pa niyang mabilis ko siyang iaccept as friend sa socmed.” bulong niya.To Grace: Naging busy ako, girl. May ikekwento ako sayo pala. Gising ka pa?Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin siyang natatanggap na reply mula sa kaibigan.“Baka pagod na iyon at nakatulog na.”Muli rin niyang binuksan ang mensahe ni John.To John: Naku kuya! Sorry. Medyo busy pa ako sa amusement park. Wala pa ako ngayon sa maynila. Siguro mga after namin ito matapos, saka tayo mamamasyal. Itotour kita.Nagulat naman si Alex nang magreply agad si
‘Hindi niya ako inadd sa SocMed dahil sa work… Pero para tanungin ako kung pwede ako ligawan. Sa tingin niya ano magiging reaksyon ko kapaga makita ko siya? Awkward yun. Ano na ang gagawin ko ngayon? I can’t help but think about what he had just sent me.’Nakatulalang nakatingin lamang si Alex kay Brandon matapos nitong bumati. Napangiti na lamang si Brandon sa reaksyon ni Alex. Pinatunog ni Brandon ang kanyang mga daliri (snap!) upang mabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex.“Hey. Ganyan ba ako kagwapo sa paningin mo at natutulala ka na lamang dyan?” pagbibiro niya.Napairap na lamang si Alex sa sinambit ng lalaki.“Tss. Hindi ka gwapo, ano!” Indenial na sagot ni Alex.“Oh baka iniisip mo hanggang ngayon ang sinabi ko.”Biglang namula ang pisngi ni Alex at hindi na makatingin ng derecho kay Brandon. “H-hindi ah! A-alam ko naman na nagbibiro ka lamang.” pagtanggi niya na mas lalong ikinatawa ni Brandon.“Huwag ka mag-alala. I won’t pressure you. Take your time, at hayaan mo ako
Ligtas na nakarating si Alex sa kanyang trabaho kahit na biglang nagpreno ang kanyang kaibigan habang sila ay bumabyahe. Matapos ang pag-uusap ni Alex at Grace ay napabalik na ito agad sa Manila matapos makatanggap ng emergency call mula sa ospital.Pagkarating sa trabaho ay agad na nagpunta si Alex sa pantry upang doon kumuha ng maiinom na tubig Kailangan ni Alex na uminom ng maraming tubig upang di siya madehydrate. Sinamahan na din niya ng pagbili ng sandwich. Papabalik si Alex sa guards house nang mapansing nagsisimula nang magtrabaho si Brandon kahit na alas-otso pa lamang ang oras ng pasok nila at mag-aalas siyete pa lamang ng umaga ang oras. Agad na dumapo ang tingin ni Alex sa hawak niyang sandwich at isang litrong tubig.‘Nag-almusal na kaya siya? Ang aga naman niya magsimula magtrabaho, samantalang ako nag-aalmusal pa lang.’ Napabuntong hininga ang dalaga. ‘Kung hahayaan ko lamang isyang maunang magtrabaho baka sabihin niyang incompetent ako.’Muling ibinaling ni Alex ang ti
“Sir, kung ano man po ang gusto niyong sabihin, sabihin niyo na at marami pa po kaming ginagawa dito.”“Sino yun?” tanong ni James.Napakunot naman sa noo si Alex sa pagtataka kung sino ang tinutukoy niya.“Huh?”“Yung lalaki kanina. Sino iyon?”“Si Engineer Brandon Montenegro, head of electrical engineering ng pinagbilhan natin ng mga ilaw. Sila iyong mga umaayos ng ilaw na may problema ngayon. Sinama na nila sa pagcheck ang mga linya ng kuryenteng nakakonekta sa mga rides at iba pa.”“Iyan lang ba ang itatanong mo?”“No,” sagot ni James na nakakunot na ang noo.“Ano pa po?” tanong ni Alex.“Wala akong pakialam kung ayaw mo nang magpakasal sakin. At wala din akong pakialam kung may lalandiin kang ibang lalaki. Pero utang na loob, huwag naman si Timothy. Parang kapatid na ang turing ko doon. Kung kating-kati ka maghanap ng iba. Edi maghanap ka!”Ikinuyom ni Alex ang kanyang mga kamao sa pagpipigil na masampal ang lalaki at makagawa ng eskandalo sa oras ng trabaho. Huminga siya ng mala
“Miss. Last na to. Curious lang ako. Napapansin ko kasi ang paglapit ni Sir Brandon sayo na para bang matagal na kayong magkakilala, at natural na sa kanya ang pag-aalaga sayo. Sigurado ka bang hindi kayo magkakilala?”“Paano mo nasabi?” tanong ni Alex.“Kasi yung mga tingin niya sayo lang nakatingin. Para bang kagay ng takip ng mga mata ng kabayo para di makita ang gilid at nakasentro lamang ang tingin sa gitna. Tyaka the way na mag-alala siya sa iyo. Siya mismo ang nagpainum sayo ng gamot at nagcheck ng bibig mo. Kung titingnan para talaga kayong magkasintahan.” kumunot ang noo ni Alex sa mga sinabi ni CYnthia.“Ewan ko sayo. Hindi ba at ikaw ang may gusto sa kanya?”“Miss… Kahit ang boxer, marunong maghagis ng puting tela kung alam niyang wala na siyang mailalaban sa kalaban.” Napailing na lamang si Alex sa sinabi ng kasama.Maya-maya pa ay biglang napapalakpak si Alex na tila ba ay may nakakatuwang naiisip at ang kanyang mga mata ay kumikinang nang may magandang naiisip.“Ito na a
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakakas
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na
Dahil sa nangyari, hindi na hininitay ni Alex ang isa pang araw at nilapitan na niya si Ezekiel upang maipagbigay alam sa mga boss nito ang nangyayaring crisis sa kompanya.“Sir… Pasensya na po pero kailangan niyo na pong malaman. At alam ko pong kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi mag-aalisan ang mga investors sa project na pinahawak mo sa akin.”Ngumiti si Ezekiel at tinapik ang balikat ni Alex upang aluin. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Normal lang ang ganyang bagay sa industriyang ito. Kung nagsialisan sila, ibig sabihin hindi sila para atin. Ipagpatuloy mo lang ang paggawa mo at pagdevelop ng mga bagong ilaw. Makakahanap din tayo ng investors para diyan. At huwag ka magpaapekto sa problema ngayon.”Gumaan ang loob ni Alex sa sinabing pampatibay ng loob ni Ezekiel. Na kahit sa kabila ng pambabatikos ng ibang mga kasamahan niyang nawalan ng tiwala sa kanya, ay may isang taong naniniwala sa kanyang galing at kahusayan sa larangang ito.“Maraming salamat sa