Share

Chapter 32.1

Maganda ang vacation house ng mga Villacorda. Isa iyong modern bungalow house. May floor to ceiling glass wall ang ikalawang palapag na tamang-tama para makita ang view ng dagat na walking distance lamang ang layo.

Labis iyong nagustuhan ni Amber. Tila ba hindi kumpleto ang kanyang araw kung 'di siya pupunta sa dagat. Sa tuwing pinapanood niya kasi ang dagat ay tila nakakaramdam siya ng kapayapaan. Tuwing dumadampi ang malamig na hangin sa kanyang balat ay tila ba napapanatag siya. Pakiramdam niya ay tinatangay ng hangin ang kanyang mabigat na dalahin.

Umupo siya sa upuang gawa sa kahoy. Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa kulay asul na dagat. Tulad ng araw-araw niyang ginagawa sa nakaraang dalawang linggo ng pamamalagi nila roon.

Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang pag-iyak. Hindi na katulad noon na kung pwede lang ay umiyak siya ng umiiyak hanggang sa wala na siyang mailuha. 

Nawala ang atensiyon niya sa dagat nang huminto sa 'di kala

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status