Share

Chapter 103

Amber Pov

Mabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses.

"Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.

Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala."

"Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko.

"Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"

Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.

Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status