salamat po sa mga nagbabasa.❤❤❤
Albrey "I think you can get ready to get married this month," sabi sa akin ni grandpa. Kasalukuyan akong naririto sa silid niya rito sa ospital at ipinagbabalat ko siya ng prutas. Maliban sa akin ay mga personal nurs ang nag-aalaga sa kanya. We still have relatives, but they only think of business and money. Wala silang amor kay grandpa. Napahinto naman ako sa sinabi niya. "Grandpa, I made a statement with you before. Sav and I are indeed in a relationship. But the two of us are not suitable for marriage," paliwanag ko kay grandpa. I could see the sadness on his face. Sabay naman kaming napalingon ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto. Si doctor Mendez. "Professor Ford, can I talk to you in my office," he said. "Yes, Doc." Kaagad naman akong tumalima. "It's about the specific situation. The patient biopsy report shows a quite bad result." Napakunot ang aking noo sa sinabi niyang iyon. "Please tell me." "The patient can only live about one year. It is recommended that famil
SavannahNagmamadali kong tinungo ang pinto ng kwarto ni Albrey dahil nakatanggap ako ng mensahe galing sa kapatid ko na uuwi na siya bukas ng Pilipinas at hinihingi niya ang address ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali. Paano ko ibibigay ang address ko at paano ko sasabihin sa kan'ya ang lahat ng ito? Lord help me.Tatlong sunod na katok ang ginawa ko bago bumukas ang pinto. Nagulat pa ako dahil wala na naman siyang pantaas na damit ng bumungad siya sa akin. Naka cotton short lang siya at nakabalandra ang kanyang mga pandesal. Bahagyang gulo-gulo ang kanyang buhok na halatang galing sa pag-higa. Alas-nuebe na ng gabi kaya malamang ay patulog na siya. Hindi ba siya nilalamig? Naramdaman ko kasi ang paglabas ng malamig na hangin mula sa silid niya na marahil ay galing sa nakabukas na aircon. Sana nagdamit man lang siya bago niya binuksan ang pinto.Parang gustong-gusto talaga niya na laging ipakita sa akin ang hubad niyang katawan. Hindi pa rin talaga ako sanay. Oo, mag
Savannah Kita ko ang pagkamangha sa mukha ng kapatid ko nang makapasok siya sa unit ni Albrey. Kagaya ng pagkamangha ko rin noong unang makapasok ako rito. Napaka-ayos at napakalinis, maaliwalas ang buong paligid na pinanatili ko naman noong naririto na ako. "You have a nice place, Albrey," may ngiting sabi ng kapatid ko kay Albrey. "Thank you. Feel at home," masayang tugon naman ni Albrey sa kan'ya. Maya-maya ay nagpaalam si Albrey na may pupuntahan daw siya kaya naman naiwan kami ni ate Sha. Nagkwentuhan kaming dalawa. Matagal kaming hindi nagkita kaya naman ang dami naming napagkwentuhan. Nagkwento siya ng mga nangyari sa kanya sa Canada at sa trabaho niya. Nang tanungin ko siya kung may nobyo siya ay may imosyong biglang dumaan sa kanyang mga mata at nag-iwas siya ng tingin. Hindi ko alam kung para saan iyon. Hindi niya sinagot ang tanong ko at iniba niya ang usapan. Ibinigay niya sa akin ang mga dala niyang pasalubong para sa akin. Damit iyon at pabango. Hindi naman na ako na
Savannah Tahimik kaming nag-almusal at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig. Nakatutok ang mga mata ko sa aking pagkain at hindi ko magawang tumunghay sa kanila. Ngunit ramdam ko ang pagsulyap nila sa akin. Nag-iinit ang aking mukha dahil sa labis na kahihiyan Hindi ko talaga matandaan kung ano ang nangyari kagabi kaya hindi ko magawang tumingin kay Albrey. Tapos nahuli pa niya ako na pinagnanasaan ang mga abs niya. Nakakahiya talaga. Gayon din kay ate dahil naman sa pagtulog ko sa kwarto ni Albrey kagabi. Baka ini-isip niya na nagtatabi na talga kami matulog. Gusto ko na lang talaga magpalamon sa sahig. Ngunit isang tanong mula sa kapatid ko ang nagpatunghay sa akin. "Kumusta pala ang graduation mo, Sav? Hindi mo man lang ako tinawagan or kahit nag-send ka lang sana ng picture mo na naka-toga," may pagtatampong sabi ni ate Sha. Halos mabulunan ako sa tanong niya at hindi ko malaman ang sasabihin ko. Kaagad naman akong inabutan ni Albrey ng tubig. Napatingin ako kay Albrey
Savannah Nagluto ako ng masarap na hapunan para sa aming dalawa ni Albrey. Sabay kaming kumain. Nasabi ko na din sa kanya ang tungkol sa pag-alis ni ate Sha. Tumango lang naman siya at walang anumang reaksiyon. "I've already chosen the groomsman. And your sister will be the bridesmaid, right? Let's discuss it tomorrow with the wedding organizer," sabi ni Albrey sa mahinahong boses at may ngiti sa labi habang nagsasalita. Tumango-tango at ngumiti lang din ako, bilang tugon ko sa mga sinabi niya. "I've something else to discuss with you." Parang napakaamo ng kan'yang mukha ngayon, kumpara sa mga nagdaang mga araw na napakaseryoso at napakasungit. Mas lalo naman siyang gumaguwapo habang tumatagal. Mahinahon din ang pagsasalita niya na ang sarap sa tainga. "During this year, every day I'll spend three hours at least, tutoring your homework. In this case, I can make sure that you can pass your thesis defense." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Three hours?!" Sobra naman yatang aba
Third person Hindi nakatulog buong magdamag si Sav kakaisip sa dapat niyang gawin. Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Patuloy sa pagtatalo ang kanyang isip at puso. Gusto niyang ituloy ang kasal ngunit paano ang ate niya? Tiyak na magagalit ito ng husto sa kanya. Iniisip niya rin si Albrey at Grandpa. Nagpaikot-ikot na siya sa kanyang higaan. Sa kabilang silid ay hindi rin makatulog si Albrey. Nakatulala ito habang nakatitig sa kisami at nakapatong ang kanan niyang braso sa kanyang noo. Kinaumagahan ay maagang umalis si Albrey, kaya't hindi sila nagkita ni Sav. Hindi na siya nag-abalang pang magluto ng almusal. Naisipan nalang niyang makipagkita sa mga kaibigan niya. Nagbabakasakali siya na matulungan siya ng mga ito na magdesisyon ngunit natapos ang araw ay hindi pa rin siya makapagdesisyon. Habang si Albrey naman ay itinuon ang sarili sa trabaho buong maghapon. Pauwi na sana si Sav sa condo ni Albrey nang makatanggap ito nang tawag mula sa kapatid niya. Tinanong siya nito kung na
Savannah "Akala namin ay cancel na ang kasal, Beshie. Anong nangyari?" tanong ni Bea habang inaayusan niya ako dito sa k'warto ko. Nandirito rin si Avin na nakatunghay sa akin. Sa akin nga ba? Mukhang kay Bea ata siya nakatingin at hindi sa akin. Bakit hindi pa kasi niya ligawan, napakahinang nilalang. "Pinilit ka ba ni Prof? Pinagbantaan ka ba niya? Sinasabi ko na nga ba at pinlano niya ito," ani ni naman ni Avin na kaagad kong dinipensahan. "No! Kayo talaga. Hindi ganoon. ‘Wag nga kayong nag-iisip ng ganyan sa kan'ya," may-inis kong sabi. "Ayiii....Hindi pa kayo kasal pero nagsisimula ka ng protektahan siya," halos sabay nilang sabi. Parehas talaga sila ng na-isip? Ako naman ay nangiti lang na maslalo pa ata nilang binigyan ng kahulugan. "Is it an agreement or real this time?" may mapang-asar na ngiti sa labi ni Bea. Ako naman ay napangiti lang muli na waring kinikilig. "Ayan, tapos na," ani ni Bea nang matapos na niya akong make-up-an at ayusan ng buhok. Napakaganda ng mga ngi
SavannahDahil kakaunti lang naman ang imbitadong bisita ngayon sa kasal namin ay sa isang fine dining restaurant na lang ginanap ang reception ng aming kasal. Masaya kaming nagsalo-salo. May kwentuhan at tawanan. Nang matapos sa pagkain ay saglit silang nanatili at di naglaon ay isa-isa na rin silang nagpaalam."Sir Albrey, Ma'am Sav. Kailangan na pong bumalik ni Chairman Ford sa ospital," sabi ng isa sa mga personal nurs ni Grandpa. Saglit lang kasing pinayagan ng doctor na makalabas si Grandpa. Kasama niya ang tatlong personal nurs na nakaalalay sa kanya.Kaagad naman kaming lumapit kay Grandpa para magpaalam."Congratulations sa inyo. I'm so happy for the both of you," masayang ani ni Grandpa ng makalapit kami sa kan'ya. Halata naman sa kan'ya na halos wala ng paglagyan ang kaligayaha niya, nag nining ang kanyang mga mata."Salamat, Grandpa," masaya kong tugon sa kan'ya. Si Albrey naman ay nakangiti lang din kay Grandpa. Alam kong masaya siya dahil sa sayang nakikita niya ngayon s