LOGINHindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Ark nang makatanggap ako ng tawag mula kay Rina na sunduin ko raw ito sa airport dahil nasa Pilipinas na siya.Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Tanjiru, basta ang alam ko naglayas siya sa mansyon ng mga Aravazon at ngayon, doctor na siya. Ngayon lang din niya ako kinontak pagkatapos ng ilang taon, walang update sa isa't-isa o anuman, as in ngayon lang. Maraming baon 'to na chika kaya sorry na lang si Ark dahil mukhang hindi muna matutuloy ang loving-loving na gusto niya. Siya muna ang magbabantay sa mga bata since ako ang susundo kay Rina."Oh ba't nakasimangot ka dyan? Hindi ka ba masaya na magkakasama na kami ni Rina?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya at naglahad ng kamay. Hilaw akong ngumiti sa kanya dahil hihiram lang naman ako ng kotse. Marunong naman ako magdrive at may kotse rin, kaso sa taas ng gasolina ngayon, mas gusto ko na lang magcommute para tipid. "Hiram ako ng susi ng sasakyan mo? Sigurado kasing mar
Hindi na ako nakaprotesta nang itulak-tulak ako nang mga anak ko sa Papa nila sa kusina. Ang ending dalawa na kami ni Ark ang nag-aasikaso, siya taga hiwá ng mga rekado, ako naman sa mga karne saka isda. Gusto nga niya na magpalit kami, pero ayoko. Mas gusto ko ang ginagawa ko. Nakakaiyak ang sibuyas, bahala siya umiyak.Hindi ko mapigilan tumawa nang mapansin kong sumisinghot na siya at naluluha."Fvck, saktan mo na lang ako asawa ko para naman worth itong paghihiwá ko ng sibuyas," aniya dahilan para lumakas ang tawa ko. "Mas gusto ko pang iyakan ka kesa dito.""Nagvolunteer ka dyan eh. Hindi ko na kasalanan kung umiyak ka," sabi ko, natatawa pa rin."Kiss mo na lang kaya ako?" hirit pa niya. "Para tears of joy—" Humagalpak siya ng tawa nang hampasin ko siya sa braso. "Iyan gusto ko sa'yo eh, napipikon na may kasamang lambing ng hampas.""Leche ka. Tumigil ka nga dyan. Pag iyan nahiwá mo daliri mo—Ark!" Napasigaw ako nang dumulas ang kutsily0 sa daliri niya, kunti lang 'yong nahiwa,
Nang mabili namin ang lahat, naglakad na kami pabalik sa sasakyan. Agad na inilagay ni Ark ang mga pinamili sa compartment bago mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Sa pagkakataong ito, hindi na ako nagreklamo o lumipat sa likod. Pumasok na ako agad dahil pagod na rin ang mga binti ko sa paglalakad.Pagkaupo niya sa driver's seat, binalot muli kami ng aircon ng sasakyan. Agad niyang iniabot sa akin ang isang malamig na bottled water na nakalagay sa cup holder."Inom ka muna. You walked a lot," aniya.Ininom ko 'yon nang mabilis dahil nauuhaw na rin ako. Habang nagmamaneho siya pabalik sa apartment, hindi ko na napigilang itanong ang isang bagay na kanina pa tumatakbo sa isip ko."Ark... paano 'yong kumpanya? I mean, binili mo 'yon, 'di ba? Tapos ngayon, nag-file ka pa ng leave para sa akin. Paano ang trabaho mo bilang bagong CEO?"Sumulyap siya sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. "I have a board of directors and a highly competent management team, Tri
Napapailing na lang ako habang nakasunod sa kanya sa paglalakad. No'ng makita niyang maraming lalaki sa mga nakaparadang lamesa, bigla siyang lumapit sa akin, sa sobrang lapit, napa-reklamo na ako."Bakit?" Tiningala ko siya, siya naman nagbaba ng tingin sa akin. Siya na talaga ang matangkad. Nakakangawit minsan tumingala sa lalaking 'to. "Bakit ang lapit mo? Hindi naman mangangain ang mga 'yan?"Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. "Mga 'yan? So alam mo?"Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Alam ko na ano? You're being paranoid, Ark. Nagbebenta lang ang mga 'yan to survive, maghanapbuhay, hindi didiskarte ng mga babae.""So... may dumiskarte na sa'yo dito?"Napanganga ako. Bakit parang ako ang nababaliktad dito? Binabato niya ako pabalik ng tanong."Alam mo, ewan ko sa'yo, bumili na tayo ng isda nang makauwi na," napapailing kong sabi at inunahan na siyang maglakad, ngunit bago pa man ako makalayo, inakbayan na niya ako saka taas-noo'ng tumingin sa madla, na para bang gusto niyang ipags
Natahimik si Ark sa sinabi ko. Ramdam ko ang pagbigat ng tension, at sa gilid ng mata ko, nakita kong humigpit ang hawak niya sa kambyo.Nasaktan ba siya sa sinabi ko?"I will, Trina. I will prove it to you every single day," puno ng kumpyansa ngunit may pakiusap na sagot niya. "Kahit gaano katagal, maghihintay ako."Hindi na ako sumagot. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana at pinanood ang mga naglalakihang billboard at mga sasakyang nadadaanan namin sa C5. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero maigi nang manahimik at baka mas lalo ko siyang masaktan.Nang makarating kami sa palengke, agad na humanap si Ark ng mapaparking-an. Sabado ng umaga kaya asahan mong dagsa ang mga tao, maraming nakikisiksik, maiingay na sigaw ng mga tindero at tindera lalo na sa isdaan, at medyo maputik ang sahig dahil umulan kagabi.Iba 'to sana nakasanayan naming palengke, ito iyong mas malapit sa apartment kesa doon sa mansyon.Pagkababa ko ng sasakyan, agad na sumunod si Ark sa tabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sa'yo. Aalis na ba tayo? Discharged na ba?""Yes, Mommy!" sabay na sagot ni Nicole at Nathan. "Pero nagpa-order po si Papa ng breakfast natin kaya po we'll eat po muna," ani Nicole. "Nath, sa sala na tayo."Napasapo na lang ako ng noo nang tumakbo ang dalawa papuntang sala. Ang energetic ni Nathan na para bang hindi galing sa sakit mula kahapon.Kapag talaga kasama niya ang ate niya, ang kulit. Pero titigil 'yan sila kapag sinaway, pero hinayaan ko na lang. Mukhang okay naman na ang pakiramdam niya.Nagbreakfast kami pagdating no'ng in-order ni Ark, pagkatapos nag-asikaso na rin ako sa mga bata. Si Ark na 'yong naghandle sa mga papers para sa discharge.No'ng makauwi na kami sa apartment, kinausap ni Ark ang pinagkakatiwalaan niyang secretary pati nurse na bantayan ang mga anak namin dahil mamamalengke kami. Wala pa naman si Nanay Cora dahil umuwi muna sa kanila. Kanina ko lang nalaman no'ng tumawag siya sa akin. Kinamusta rin ang mga bata. Babalik
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinabol ko siya. Pababa na sana siya ng hagdan nang mahuli ko ang pulsuhan niya. I'm not here to beg or kneel, I'm here to end everything. Nawala na sa isip ko ang mga bata na baka nanonood na sa amin ngayon.Huminga ako ng malalim habang nanlalabo ang
Ark stopped, keeping his distance. Binitiwan niya ang bitbit niyang bag sa ibabaw ng kama at hinarap ako. "I'm not acting, Trina. I'm tired. Marami akong iniisip sa camp.""Tired? O sadyang ayaw mo lang akong makita? Makausap?" Bahagyang tumaas ang boses ko pero agad ko ring hininaan nang maalala k
Trina's POVNakipagtitigan ako kay Ark, panandaliang nakalimutan ang mission at mga tao sa paligid namin. I only cared about my husband now, our relationship, kung bakit nauwi kami sa ganito, na pwede namang pag-usapan, hindi kailangan ng distansya at tratong nakakasikip ng dibdib.Hanggang kailan
Napalunok si Trina nang mapagtantong siya nga, si Ark, ang asawa niya. Alam nila pareho ang mission, pero dahil hindi na gusto ni Ark na isama pa si Trina, mukhang lalala pa ang away nila.Ark was wearing a tailored charcoal-gray three-piece suit that framed his broad shoulders perfectly. His hair w







