Mag-log inTahimik na napatango si Yaji. Lumapit ang kamay nito sa ibabaw ng mesa at patagong tinapik ang likod ng kamay ni Rina. "I won't pry further. Pero gusto ko lang malaman mo, Rina... nandito ako. Hindi ako nagmamadali."Tumingin si Rina sa mga mata ni Yaji. The genuine sincerity she had sought for so long was right there. It was refreshing to be with someone who was content to wait without demanding guarantees or making heavy promises."Salamat, Yaji," mahinang sagot ni Rina. "I appreciate you so much."Nang ihatid siya ni Yaji sa condo building niya bandang alas-nuebe ng gabi, nagpaalam lang sila nang maayos. Hindi na sumama si Yaji pataas at nagpasalamat lang si Rina bago pumasok sa lobby.Habang nasa loob siya ng elevator patungo sa kaniyang floor, nakahinga nang malalim si Rina. She thought the night would end peacefully and quietly. But the moment she stepped out of the elevator onto her floor, her footsteps froze.Nakatayo sa tapat ng pinto ng kaniyang unit si Tanjiru.Naka-casual
Dire-diretsong naglakad si Rina pabalik sa opisina niya, halos marinig ang mabilis na pagtambol ng dibdib niya sa matinding inis at halo-halong emosyon. Pagkapasok na pagkapasok niya, agad niyang isinaradong maigi ang pint0 at napasandal doon.Bakit ba napakatigas ng ulo ng lalaking 'yon? Nakakainis na sa kabila ng lahat ng panlalamig at pagtataboy niya, hindi man lang ito naitutulak palayo. Mas lalo lang siyang nanggagalaiti kasi alam niyang apektado pa rin siya. Nakakapag-isip siya nang tuwid kapag wala si Tan, pero kapag nandiyan na ito, kapag nagtatagpo ang mga mata nila, bumabalik lahat ng galit, sakit, at ang nakaraan na pilit niyang binabaon sa limot.Kinuha niya ang kape na pinalamig na ng oras sa ibabaw ng mesa at ininom 'yon nang mabilis. Kailangan niyang maging busy. She needed a distraction, anything to stop her from thinking about that wall that refused to budge.Kinuha niya ang cellphone niya para mag-text kay Yaji.To: YajiFree ka ba tonight? Kain tayo sa labas. My tr
Tumingin si Rina kay Tan. Sa pagkakataong ito, wala siyang oras para makipag-matigasan o magpalit ng surgeon tulad ng ginawa niya kahapon. Buhay ng pasyente ang nakataya."Fine," matigas niyang sagot. "Get prepped."Sa loob ng Operating Room, tahimik at tensyonado ang paligid. The only sounds filling the room were the steady beeping of the anesthesia monitor and the metallic clinking of surgical instruments being set onto the tray.Nakatayo si Rina sa kabila ng operating table habang si Tan naman ang nasa tapat niya bilang assistant surgeon. Sa kabila ng mask at cap na nagtatakip sa mukha nila, ramdam na ramdam pa rin ang bigat ng presensya ng isa't isa."Suction," utos ni Rina.Agad na ikinilos ni Tan ang suction tool para linisin ang dugo sa operative field. Napakabilis ng response time nito, tila ba nababasa agad nito ang susunod na kailangan ni Rina bago pa man ito magsalita."Forceps," sabi muli ni Rina.Bago pa man maabot ng scrub nurse ang gamit, maingat na inabot na ito ni Tan
Muling tinitigan ni Tan ang cellphone niya, tila malalim ang iniisip kung anong susunod niyang gagawin pagkatapos ng tawag. He knew Rina had blocked him, but he couldn't bring himself to move. Naninikip ang dibdib niya sa kung paano siya tratuhin ng babaeng mahal niya. If only he could bring back the time, mas gugustuhin niyang mawalan na lang ng trabaho kesa mauwi sila ng ganito, but knowing Rina, alam niyang against din ito, he just realized na nagkulang siya sa assurance sa dalaga, kaya naiintindihan niya kung bakit ito galit sa kanya. He stayed leaned against the steering wheel while her voice rang repeatedly in his head, her firm words, the bitterness in every line, and the utter hopelessness he had felt in her voice.Huminga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili bago pinaandar ang sasakyan para umuwi. He knew this was going to be a long, heavy battle, but he was ready to face the consequences of his every move.Kinabukasan sa ospital, sinubukan ni Rina na maging n
Tahimik na umalis si Tan kasama si Rain, habang si Mira naman naiwang nakatayo sa lobby, hawak ang sariling clipboard at napapailing na lang sa mga nangyayari. Alam niyang mahihirapan ang dalawa, pero sa lalim ng sugat ni Rina, hindi na niya masisi ang kaibigan kung bakit ganun na lang ang lamig ng pakikitungo nito kay Tan.Habang nasa loob ng kotse ni Yaji, nakatitig lang si Rina sa bintana habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palabas ng hospital compound. Hawak pa rin niya ang iced coffee na binili nito, pero hindi na niya iyon naiinom. Ang kaninang magaan at maayos niyang mood habang nakikipagkwentuhan kay Yaji ay biglang naglaho noong magtagpo ang mga mata nila ni Tan.Ang sikip ng pakiramdam niya. Hind niya maalis sa isip niya ang lungkot na expression ni Tan."Hey, are you okay?" mahinang tanong ni Yaji, pansin ang biglang pagtahimik ng dalaga. Bahagya niyang inilipat ang tingin sa rearview mirror bago pumuwesto sa pangunahing kalsada. "Parang bigla kang nawala sa mood noon
Pagkababa niya sa lobby, agad niyang nakita si Yaji na nakasandal sa pader malapit sa coffee shop sa ground floor. Naka-casual attire lang ito, cream polo jacket at maong pants, may hawak na iced coffee sa kabilang kamay at panibagong cup sa kabila. Noong makita siya nito, agad itong ngumiti at kumaway."Para sa paborito kong busy doctor," inabot ni Yaji ang kape sa kaniya nang makalapit siya."Salamat, Yaji. kailangan ko talaga 'to ngayon," maluwag na sabi ni Rina sabay sipsip sa straw. "Bakit ka nga pala napadaan?""May dine-visit lang akong client malapit dito. Naisip kita bigla. Plus, sabi ko naman sa'yo, I'm always available if you need a distraction," biro nito sabay kindat.Natawa si Rina nang bahagya. Si Yaji ang naging daan para hindi siya tuluyang malunod sa kalungkutan nitong mga nakaraang araw. He didn't ask too many questions about her past, hindi rin ito nagmamadali. He just listened whenever she wanted to talk, and distracted her whenever she wanted to forget."Mabuti n
Sasagutin na sana ako ng mayordoma nang biglang bumalik ulit si Ark."Sir." Yumuko nang bahagya si Arabella.Tumingin ako kay Ark, pero pinanliitan lang niya ako ng mata sabay lipat ng tingin kay Arabella."Na-tour mo na ba ang babaeng 'yan sa mansyon, Arabella? Did you instruct her about her wo
"Bakit na naman, Sir?" reklamo ko, pero hinatak na niya ako sa braso at kinaladkad palayo sa lugar.Halos mapangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ko, pero tiniis ko. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Kaya kong magtiis kahit masakit na talaga!
"Hindi," sagot ko, halos taasan ko na ng kilay. As far as I can remember, hindi kami close ng lalaking 'to para akbayan niya ako. "Sir, baka nakakalimutan mong kasambahay ang role ko rito, hindi close friend?" paalala ko sa kanya sabay tabig sa kamay niya.Napatingin sa amin ang ilan. Kahit si Jun,
Nakangiwi akong umiling sa babae. "Ha! Malabo po 'yon mangyari! Gurang 'yon, paano pa ako iibig?"Napapikit ako at napahawak sa braso nang bigla akong hampasin ni Rina. "Prenuhan mo nga 'yang bibig mo! Baka marinig ka ng amo natin, palayasin ka pa. 'Pag iyon nasagad ang pasensya, naku, baka tuluya







