Share

My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend
My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend
Author: KittyCatty26

Prologue

Prologue

“CALIX, PLEASE baby naman huwag malikot.” Halos lumabas ang litid niya sa kakasigaw sa anak niya.

Hindi na alam ni Janice kung ano ang uunahin niya, kung sasawayin ba ang anak niya, ang harapin ang niluluto niya, ang sagutin ang nag-iingay niyang cellphone o ang tignan kung sino ang kumakatok sa may pintuan nila. Litong-lito na si Janice sa kung ano ba ang uunahin.

Ang hirap maging single-mom.

Single na nga, literal pang silang dalawa lang ng kaniyang anak ang nasa bahay. Kaya trabaho niya lahat, mula sa paglilinis ng bahay, laba, luto, at pag-aalaga ng napakalikot na anak.

“Mommy! Look at me I’m going to fly!” tumatawag sigaw pa nang apat na tanong gulang na anak ni Janice na si Calix.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Janice nang malingunan ang anak niya. Halos liparin na niya ang sala para lang sapuhin ang anak niya. Nalingunan lang ba naman niyang nakatayo sa arm rest nang sofa nila ang bata at handa nang tumalon. Nakataas pa talaga ang isang kamay na parang si Superman.

Janice catch her son just right on time, habol ang hininga at parang tambol ang tibok ng puso ni Janice habang buhat-buhat ang anak. Takot na takot na baka nasaktan ang anak niya.

Sinamaan nang tingin ni Janice ang anak niya, na hindi man lang natakot at talagang tumatawa pa sa kalokohan na nagawa.

Pagagalitan pa lang sana niya ang bata nang sunod-sunod na katok na naman ang narinig niya sa may pintuan ng kanilang bahay.

“Mamaya ka sa akin, Calix.” Banta niya sa bata nang maibaba niya ito sa sofa.

The kid just put out his tongue, grinning like he’s having the time of his life. Malalim na humugot ng hininga si Janice habang pinagmamasdan ang anak niya. Hindi talaga nakatakot sa kaniya ang anak niya.

Kaya hindi ko masyadong miss ang daddy mo, kamukhang-kamukha mo lang naman siya. Para kayong pinagbiyak na anirolang mag-ama.  

Bigla na lang naalala ni Janice ang ama ng kaniyang anak, kung kumusta na ba ang lalaking iyon at kung ano ang ginagawa nito ngayon. Hindi niya rin naiwasang isipin kung ilan na kaya ang abs ng lalaking iyon ngayon. Kung magandang lalaki pa rin ba ito at kung maganda pa rin kaya ang katawan nito.

Marahas na napailing si Janice nang dahil sa iniisip niya. Dapat iyong kumusta lang kaya ang Tatay ni Calix ang nasa isip niya, bakit pati ang katawan nito naalala niya.

Hindi lang basta naalala ang peg niya, parang may replay pa sa utak niya ang lahat ng mga nangyari sa kanila ng Ama ng anak niya. Iyon bang kung paano nila binuo ang kanilang anak.

Ilang taon na niyang hindi nakikita ang lalaki, kung gaano na ba katanda ang kanilang anak, plus the year that she’s pregnant with her son. Five years to be exact. Limang taon na ang matuling na lumipas, and she’s now wondering if that man still thinking of her.

Kung nami-miss din kaya siya nito at kung hinahanap kaya siya ng lalaki.

Nabulahaw ang pag-iisip nang malalim ni Janice nang muling kumatok ang tao sa labas ng bahay nilang mag-ina. Yamot na nilapit na ni Janice ang pintuan para ipagbukas ang kung sinomang gustong gumiba ng kanilang pintuan.

“Sandali lang naman!” hiyaw pa ni Janice.

Sino naman kaya ang taong bibisita sa kaniya ngayon, wala siyang kahit na sinong inaasahan na dadalaw sa kaniya. Sabagay wala naman siyang masyadong kakilala sa lugar na ito, at lalong walang nakakaalam sa mga kakilala niya noon na dito sila nakatira ng anak niya.

Nilingon ni Janice ang anak niyang nagsisimula na namang maglumikot sa kanilang sala. Pinanlakihan niya ito ng mata, pero wala itong takot sa kaniya gaya ng nauna, nginisihan lang siya ng bata.

“Calix! Huwag makulit sabi!” saway niya sa bata.

Humiyaw din ang anak niya kasunod nang pagbukas niya ng pintuan nila. Iyong hindi naman tili, humihiyaw ang anak niya dahil sa galak kasi tumatalon na ito ngayon sa sofa.

“CALIX!” sigaw ni Janice kahit na nakabukas na ang pintuan.

Naagaw lang ang pansin ni Janice nang makarinig siya nang pagtikhim mula sa taong nakatayo sa labas ng bahay nila. Halos malaglag ang panga ni Janice nang mapagsino ang taong kulang na lang ay gibain na ang pintuan nila sa pagkatok.

Ang bilis-bilis ng pintig ng puso ni Janice habang nakikipagtitigan sa lalaki. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso niya nang ngumisi ito.

“Dito lang pala kita makikita, it’s nice to see you again, Janice.” Anito sa mababang boses.

Iyong boses na siyang nagpakilig sa kaniya noon, ang boses na siyang dahilan bakit siya may makulit na Calix ng mga sandaling ito.

Ang lalaking nasa labas lang naman ng kanilang pintuan ay walang iba kung hindi ang kaniyang ex-boyfriend. Si Calvin. Ang lalaking minahal niya ng todo-todo noon, hanggang ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status