Teilen

Chapter 83

last update Veröffentlichungsdatum: 26.11.2026 21:38:14

GIA’S POV

Limang araw na akong halos hindi umuuwi sa mansion.

Tuwing umaga, maaga akong umaalis bago pa magising ang lahat. Dito ako sa farm nagpapalipas ng buong araw. Tinutulungan ko si Mang Ador sa pagtatanim sa may ilog, sinasamahan ko si Mang Jun sa pagpapaligo sa mga kabayo, at minsan, nakatulala lang ako sa veranda habang nakatanaw sa tubig.

Gabi na ako kung umuwi, kapag tulog na silang lahat.

Ayaw kong makita ang mukha ni Simeon at ang buong pamilya ko. At higit sa lahat, ayaw kong salu
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 83

    GIA’S POVLimang araw na akong halos hindi umuuwi sa mansion.Tuwing umaga, maaga akong umaalis bago pa magising ang lahat. Dito ako sa farm nagpapalipas ng buong araw. Tinutulungan ko si Mang Ador sa pagtatanim sa may ilog, sinasamahan ko si Mang Jun sa pagpapaligo sa mga kabayo, at minsan, nakatulala lang ako sa veranda habang nakatanaw sa tubig.Gabi na ako kung umuwi, kapag tulog na silang lahat.Ayaw kong makita ang mukha ni Simeon at ang buong pamilya ko. At higit sa lahat, ayaw kong salubungin ang tingin ni Nathan.Alam niya. Matagal na niyang alam. Pero kahit minsan, hindi niya iyon sinabi sa akin.Bukas na lalabas ang resulta ng DNA test. Isang gabi na lang.Hapon na nang marinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas. Nasa kuwadra ako noon habang sinusuklay ang buhok ni Luna.“Senyorita,” tawag ni Mang Jun mula sa pintuan ng kuwadra. Nag-aalangan ang mukha niya. “Nandito po si Sir Nathan.”Natigilan ako pero hindi ako lumingon. Ipinagpatuloy ko lang ang pagsusuklay kay Luna.“Sab

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 82

    GIA’S POVBuong biyahe pauwi, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Celia.Alam ni Nathan.Tatlong buwan bago ang kasal niya, alam na niya. Pero ni minsan, hindi niya iyon sinabi sa akin. Kahit noong ipinakita niya ang litrato ni Kuya Gab sa hotel. Kahit noong nagkuwentuhan kami sa bodega.Mahigpit kong hinawakan ang manibela hanggang sa pumuti ang mga buko ng daliri ko.Pero hindi ko muna siya kokomprontahin. Hindi pa. Kailangan ko munang makasiguro.Kailangan ko ng patunay na hindi nila kayang itanggi.Kinagabihan, umalis sina Papa at Mama para sa isang dinner kasama ang mga mayor ng probinsya. Si Francheska, nagkulong sa kwarto niya. Si Nathan naman, nasa opisina niya sa unang palapag habang may kausap sa telepono.Ito na ang pagkakataon ko.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa master bedroom sa dulo ng pasilyo. Hindi iyon naka-lock. Pumasok ako at maingat na isinara ang pinto sa likuran ko.Amoy pabango ni Mama at sigarilyo ni Papa ang buong kwarto. Dumiretso ako sa banyo nila. S

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 81

    GIA’S POVKinabukasan, maaga akong umalis ng mansion.Sinabi ko kay Manang Lyn na pupunta ako sa farm para tingnan si Mang Jun. Pero hindi iyon ang totoo. Dumiretso ako sa malayong bayan sa dulo ng Abra, kung saan nakatira si Celia Bautista.Nakaabang na ang dalawang bodyguard ni Nathan sa labas ng maliit na bahay nang dumating ako. Tumango lang sila sa akin at pinapasok ako.Nasa kusina si Celia habang nagsasalang ng kape. Nang makita niya ako, agad na lumiwanag ang mukha niya.“Senyorita Gia! Hindi po kayo nagsabing darating kayo—”Pero agad na nawala ang ngiti niya nang makita niya ang mukha ko.Hindi ako nagsalita. Inilapag ko lang sa mesa ang dalawang bagay. Ang sulat ni Lolo para kay Rosalind, at ang printed copy ng birth certificate ko.Bumaba ang tingin niya roon. Unti-unti, nakita kong namutla ang buong mukha niya. Nanginig ang kamay niya hanggang sa mabitawan niya ang tasa na hawak niya. Nabasag iyon sa sahig.“Celia,” mahinang sabi ko. Kalmado ang boses ko kahit ramdam ko a

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 80

    GIA’S POVHindi ako mapakali buong umaga.Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang sulat na kinuha ko sa opisina ni Papa. Paulit-ulit kong binabasa ang unang linya ng sulat ni Lolo hanggang sa halos mapunit na ang papel sa higpit ng hawak ko.Lumalaki na ang anak natin. Her hair is as red as mine.Napatingin ako sa salamin sa tapat ko. Kulot at pulang-pula ang buhok kong nakalugay hanggang baywang.Imposible, ani ko sa isipan ko. Pero bakit hindi ko maalis sa isip ko ang bagay na ito?Hindi na ako nakatiis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Colonel Villareal.Ilang ring lang, sumagot agad siya. “Gia? May problema ba?”“Colonel, may ipapakiusap ako sa’yo.” Lumunok ako at hininaan ko ang boses ko kahit naka-lock ang pinto. “Kailangan ko ang kopya ng birth certificate ko. Hindi ‘yung kopya na nasa bahay. ‘Yung original record mismo sa civil registry o sa PSA. At kung pwede, lahat ng record ng Mama ko noong taon na ipinanganak ako.”Ilang segundong tahimik si Colonel sa kabi

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 79-PX-17

    NATHAN’S POVMatagal akong nakatayo sa harap ng mansion kahit matagal nang nawala ang sasakyan ni Glenn.Ramdam ko pa rin ang higpit ng yakap ng kapatid ko. Kung may ibang nakakita sa amin kanina, siguradong iisipin nilang mahal na mahal namin ang isa’t isa bilang magkapatid.Pero hindi nila narinig ang ibinulong niya sa tenga ko.“Give her to me, Kuya.”Malamig ang boses niya. Hindi iyon ang malambing na Glenn na kilala ko. Mahigpit ang yakap niya sa akin pero ramdam ko ang pagkamuhi sa bawat salitang binitawan niya.“I really like her. I like Gia. Wala akong pakialam kung maging unfaithful ka sa asawa mo. But please, leave Gia alone. I will make sure that she will end up with me.”Pagkatapos, humiwalay siya sa akin at ngumiti na para bang wala siyang sinabing kahit ano. Tinapik pa niya ang balikat ko bago pumasok sa sasakyan. Hindi na siya lumingon kahit minsan. Kita ko ang katatagan sa mga salita niya.Mariin akong napapikit habang nakakuyom ang kamao ko sa loob ng bulsa ko.Buong b

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 78

    GIA’S POVBuong Linggo, hindi ko nakausap nang maayos si Glenn.Maaga siyang umalis kaninang umaga para ayusin ang ilang papeles sa bayan. Pagbalik niya bandang hapon, dumiretso siya sa kwarto niya at nag-empake. Paminsan-minsan, rinig ko ang pagbukas at pagsara ng mga drawer mula sa kabilang kwarto.Ilang beses akong tumayo sa tapat ng pinto niya para kumatok. Pero ilang beses din akong umatras dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.Alas-nuwebe na ng gabi nang sa wakas ay kumatok ako. Ilang segundo bago bumukas ang pinto.Nakatayo si Glenn sa harapan ko, nakasuot ng puting t-shirt at gray na pajama. Magulo ang buhok niya at may bahagyang pamumula sa ilalim ng mga mata niya. Nang makita niya ako, ngumiti siya sa akin. Iyon pa rin ang matamis na ngiti na ibinibigay niya sa akin araw-araw. Pero ngayon, kita ko ang lungkot sa likod niyon.“Hey,” mahinang bati niya. “Come in.”Pumasok ako. Nakabukas ang malaking maleta niya sa ibabaw ng kama at maayos nang nakatupi ang mga

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status