Share

CHAPTER 2

Author: Bri Xie
last update publish date: 2026-10-27 23:50:12

Wavy ang buhok ng babae, makakapal ang kilay, malalaki ang mga mata, at matingkad na pula ang lipstick. Taglay niya ang mapang-akit na ganda ng isang femme fatale sa hatinggabi.

Hindi pa kailanman nakita ni Brixie ang babaeng ito sa grupo ng mga kaibigan ni Morris.

Bubuksan pa lamang sana niya ang bibig upang tanungin kung sino ito nang biglang tumayo si Morris at naglakad palapit sa babae.

Sa harap ng lahat, ipinalibot niya ang braso sa balikat nito at hinalikan ito sa pisngi.

“Hindi ka naman late. Halika, ipakikilala kita sa kanila. Siya si Serena, girlfriend ko.”

Pagkarinig ni Brixie sa mga salitang iyon, para bang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa loob ng kaniyang ulo.

Biglang natahimik ang buong private room.

Salit-salitang napunta ang mga tingin ng lahat kina Brixie at Serena. Ilang segundo lamang ang lumipas, ngunit para kay Brixie, tila isang buong siglo ang bawat sandali.

Pagkatapos, biglang sumabog ang tawanan, hiyawan, at panunukso ng mga naroon.

“Grabe ka, Morris! Ang galing mong magtago ng sikreto! Hindi man lang namin nalaman kung kailan ka nagka-girlfriend!”

Tumawa nang malakas si Morris. Punong-puno ng lambing ang mga mata niya habang nakatingin kay Serena.

“Almost a month na kami. Nahihiya kasi si Serena at ayaw niyang masyadong maagang ipaalam sa publiko ang relasyon namin. Ngayon lang siya pumayag na ipakilala ko siya sa inyo dahil birthday ni Brixie.”

Pagkasabi nito, hinawakan ni Morris ang kamay ni Serena at dinala ito sa harap ni Brixie.

“Brix, ipakikilala ko sa iyo ang girlfriend ko. Si Serena.”

Pagkatapos, bumaling siya sa babae.

“Serena, siya naman si Brixie. Pwede mo siyang tawaging Brix, gaya ng tawag ko sa kaniya.”

Kumislap ang magagandang mata ni Serena. Para bang matagal na silang magkakilala, agad nitong hinawakan ang kamay ni Brixie.

“Brixie, palagi kitang naririnig na binabanggit ni Morris. Sa wakas, nagkita na rin tayo nang personal! Ang ganda mo pala talaga. Happy birthday!”

Habang hawak ni Serena ang kamay niya, may kumislap dahil sa tama ng ilaw sa wrist nito ang bracelet na sumisimbolo sa Eternal Love.

Napako ang tingin ni Brixie sa bracelet.

Buong araw niyang inisip kung paano kaya isusuot ni Morris ang bracelet sa kaniya. Hindi niya kailanman inakalang sa ibang babae pala iyon mapupunta.

Alam niyang kailangan niyang magsalita, ngunit ramdam niya ang naglalakihang mga matang nakatuon sa kaniya.

Ilang beses niyang ibinuka at isinara ang bibig, ngunit sa huli, iisang pangungusap lamang ang nagawa niyang sabihin.

“Excuse me. Magre-restroom lang ako.”

Pagkatapos, halos tumakbo siyang palabas ng private room.

Matagal na nagkulong si Brixie sa banyo.

Nang tumingin siya sa salamin, nakita niya ang sarili niyang maputlang mukha at mapupulang mga mata. Para siyang isang babaeng iniwan matapos lokohin at paglaruan ang damdamin.

Pakiramdam niya, isa siyang malaking biro.

Siya ang naging dahilan ng mga tawanan at panunukso sa private room nang gabing iyon.

Gusto na niyang umalis, ngunit dahil sa sobrang pagmamadali, naiwan niya ang kaniyang bag at cellphone.

Wala siyang ibang pagpipilian kundi lakasan ang loob at bumalik sa private room.

Ngunit habang hawak niya ang doorknob, narinig niya ang galit na boses ni Russel mula sa loob.

“Morris, ano ba talaga ang turing mo kay Brixie sa lahat ng mga taon na magkasama kayo?!”

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Brixie sa doorknob.

Pagkatapos, narinig niya ang mahinang tawa ni Morris. Kaswal at walang bahid ng pag-aalala ang kaniyang tinig.

“Russel,  anong problema mo?”

“Syempre, childhood sweetheart ko si Brixie. Ano pa ba ang dapat kong itawag sa kaniya?”

Sa sandaling iyon, malinaw na narinig ni Brixie kung ano talaga siya kay Morris, naramdaman niya sa unang pagkakataon ang sakit na dulot ng pag ibig.

Para bang biglang bumaligtad ang mundo niya. Ramdam niya ang matinding kirot na tila sasabog mula sa kanyang dibdib.

Dahan-dahang bumitaw ang kamay niyang nakahawak sa doorknob.

Pagkatapos, tahimik siyang umalis sa club na para bang isa siyang kaluluwang wala nang buhay.

Isang malamig na bugso ng hangin ang dumaan, dahilan upang mangilabot ang mga braso niyang nakalantad.

Yumakap siya sa sarili at kinuskos ang magkabilang braso bago mapait na ngumiti.

Nakakatawa talaga.

Nag-abala pa siyang bumalik sa dorm niya upang magpalit ng bagong damit para sa birthday party na ito.

Kung iisipin niya ngayon, napaka-ironic ng lahat.

Tumingala siya sa kalangitan. Madilim at mabigat ang mga ulap, katulad ng nararamdaman niya.

Hay... Mukhang hindi pala ganoon kasaya ang ika 20th birthday niya.

Sinipa niya ang isang maliit na bato sa gilid ng kalsada at naglakad nang walang tiyak na direksiyon.

Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang marinig niya ang tunog ng mga gulong ng sasakyan sa likuran.

Maya-maya, dahan-dahang huminto sa tabi niya ang isang pamilyar na kotse. Bumaba ang salamin sa likurang bintana, at lumitaw ang malinaw at malalim na mukha ni Connor.

“Kuya?”

Bahagyang itinaas ni Connor ang baba niya at sinulyapan ang magkabilang braso ni Brixie na nakayakap sa sarili.

“Saan ka pupunta? Ihahatid na kita.”

Nag-alinlangan si Brixie. Gusto sana niyang tumanggi, ngunit naalala niyang naiwan niya ang kanyang bag at cellphone sa private room.

Kung tutuusin, wala naman siyang dahilan para magmatigas pa.

“Ah... Sige po.”

Tahimik niyang binuksan ang likurang p***o at sumakay.

Maluwang ang back seat ng kotse. Magkahiwalay silang naupo ni Connor, na para bang may invisible wall sa pagitan nila.

May banayad na amoy ng sandalwood sa loob ng sasakyan.

Ngunit habang naaamoy iyon ni Brixie, biglang sumikip ang kanyang dibdib at bago pa niya mapigilan ang sarili, tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.

Abala si Connor sa pagbabasa ng mga dokumento nang makarinig siya ng mahinang pagsinghot mula sa tabi niya.

Agad siyang nag-angat ng tingin.

“Ano'ng nangyari?”

Mabilis na umiling si Brixie at nagmamadaling pinunasan ang kanyang mga luha.

Ngunit habang lalo niyang pinupunasan ang mga iyon, lalo lamang dumadaloy ang mga ito.

Nang halos hindi na niya malaman kung saan ilalagay ang sarili sa sobrang hiya, biglang may lumitaw na isang dark blue handkerchief sa harap niya.

Kasunod nito ang malalim at malumanay na boses ni Connor.

“Punasan mo muna ang luha mo. Magkwento ka kapag tapos ka nang umiyak.”

Pagkatapos, inutusan niya ang driver na huminto sa gilid ng kalsada.

Bumaba siya ng kotse at iniwan si Brixie na may sapat na espasyo upang ilabas ang lahat ng kanyang nararamdaman.

Umiyak si Brixie hanggang sa mamaga ang kanyang mga mata at unti-unting kumalma ang kanyang damdamin.

Sa pamamagitan ng bintana, nakita niya si Connor na nakasandal sa kotse. May nagbabagang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri, at bahagyang kumikislap ang pulang baga sa bawat galaw niya.

Nakonsensiya si Brixie dahil matagal niyang pinaghihintay ang lalaki.

Nilinaw niya ang kanyang lalamunan at ibinaba ang salamin ng bintana.

“Kuya, okay na po ako. Pwede ka nang sumakay.”

Tumingin sa kaniya si Connor, saka pinatay ang sigarilyo.

Pagkatapos, napunta ang tingin niya sa isang store na hindi kalayuan.

“Sandali.”

Pagkasabi niyon, humakbang siya patungo sa tindahan.

Inakala ni Brixie na bibili ito ng sigarilyo, kaya ibinaling na lamang niya ang kanyang tingin at tahimik na naghintay sa loob ng kotse.

Makalipas ang ilang sandali, muling bumukas ang p***o.

Sumakay si Connor, dala ang bahagyang amoy ng tabako, at iniabot sa kanya ang isang strawberry cake.

“Happy birthday.”

Biglang nag-angat ng tingin si Brixie.

“Kuya, paano mo nalaman na birthday ko ngayon?”

Ngumiti si Connor.

“Nabanggit ng ate mo ilang araw na ang nakalipas.”

“Ah...”

Bakit hindi niya naisip iyon na maaring ate nga niya ang nagsabi

Bahagyang pinisil ni Brixie ang mga labi niya.

“Thank you, Kuya.”

Akala niya, magtatapos ang kanyang kaarawan sa isang malungkot na pangyayari—ang pagtanggi sa kanya ng lalaking matagal na niyang minamahal.

Hindi niya inaasahang makakakain pa siya ng birthday cake sa huling sandali ng araw na iyon.

Kumuha siya ng maliit na subo gamit ang tinidor.

Masarap ang cake, at kahit paano, gumaan nang kaunti ang pakiramdam niya.

Nang mag-angat siya ng tingin, napansin niyang tahimik siyang pinagmamasdan ni Connor

Natigilan siya at biglang naisip na baka nakalimutan niyang mag-alok sa lalaki.

“Sorry, Kuya. Nakalimutan kong tanungin kung gusto mo rin.”

Umiling si Connor at muling ibinaling ang pansin sa mga dokumento.

“Hindi ako mahilig sa matatamis. Sa iyo na iyan.”

Tahimik na ipinagpatuloy ni Brixie ang pagkain.

Ngunit mula sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya ang kamay ni Connor na nakapatong sa mga dokumento.

Maputi at mahaba ang mga daliri nito, at malinaw ang pagkakahubog ng mga kuko, na parang isang pamaypay na yari sa jade.

Biglang pumasok sa isip niya ang isang kasabihan:

“Isang lalaking kasingganda ng jade, walang kapantay sa buong mundo.”

Siyempre, mas magiging angkop ang paglalarawan kung hindi lamang ganoon kalamig ang personalidad nito.

Nang maubos ni Brixie ang cake, nakarating na sila sa entrance ng University.

Bago bumaba, tumingin siya kay Connor

“Kuya,  pwede bang huwag mong sabihin sa ate ko ang nangyari ngayong gabi?”

Lately, mukhang maraming iniisip ang ate ko. Ayokong madagdagan pa ang mga problema niya dahil sa akin.

Nag-isip si Connor nang dalawang segundo.

“Kaya mo bang ayusin nang mag isa iyan?”

May kung anong kumirot sa puso ni Brixie

Tunay ngang sanay na sanay si Connor sa mundo ng negosyo. Sa iilang salita lamang, nabigyan niya siya ng pagkakataong harapin ang kaniyang problema habang pinoprotektahan din ang kanyang dignidad.

Tumango siya.

“Kaya ko po.”

Bahagyang nagtaas ng kilay si Connor.

“Kung ganoon, hindi ko sasabihin sa ate mo.”

...

Kakabalik pa lamang ni Brixie sa dormitory nang sumunod na dumating si Russel

“Ang kulit mo! Bakit hindi mo sinabi sa akin na babalik ka na pala dito? Halos libutin ko na ang buong club kakahanap sa iyo!”

“Nakuha mo ba ang cellphone at bag ko?”

“Nakuha ko na.”

Maingat na sinuri ni Russel ang mukha ng kaibigan. Nang makita niyang namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak, lalo siyang nagalit.

“Brixie huwag ka nang umiyak dahil sa walang kwentang si Morris! Hindi siya worth it!”

“Tinanong ko siya kung ano ang turing niya sa iyo, at alam mo ba ang isinagot niya? Childhood sweetheart ka raw niya! Diyos ko! Paano niya nagawang sabihin iyon?!”

Mahinang sumagot si Brixie.

“Baka ako lang ang nagkamali ng pagkaintindi. Wala naman talagang anumang espesyal sa relasyon namin.”

Napasinghal si Russel.

“Bakit mo pa sinisisi ang sarili mo?! Siya itong laging nakadikit sa iyo! Kahit sinong may mata, iisipin talagang may relasyon kayo!”

Kinuha ni Brixie ang cellphone niya mula sa bag, kasama ang kahon ng alahas.

Ngunit aksidenteng nahulog ang kahon sa sahig at bumukas.

Isang hugis-pusong kwintas ang tumilapon mula rito.

Agad itong dinampot ni Russel

“Diyos ko! Sinasabi mo pa ring misunderstanding lang?! Kung wala talaga siyang ganoong nararamdaman para sa iyo, bakit palagi siyang gumagawa ng mga bagay na nagbibigay sa iyo ng pag-asa?!”

Napatingin si Brixie sa kwintas.

Bigla niyang naalala ang bracelet na suot ni Serena—ang bracelet na tinawag na “Eternal Love”

Isang mapait at masakit na pakiramdam ang unti-unting bumalot sa kanyang puso.

Kinuha niya ang kwintas mula kay Russel at ibinalik sa kahon.

“Beb, pwede bang huwag mo na muna akong kausapin tungkol dito? Habang lalo kang nagsasalita, lalo kong nararamdamang katawa-tawa ako.”

Gumalaw ang mga labi ni Russel, ngunit sa huli ay pinili niyang manahimik. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng kaibigan.

“Sorry talaga, Brixie. Kasalanan ko rin. Akala ko kasi, para sa iyo ang bracelet na binili ni Morris. Kung alam ko lang na hindi, sana hindi ka na umasa nang ganoon.”

Umiling si Brixie.

“Panahon na para tanggapin ko ang katotohanan. Malalaman ko rin naman iyon sooner or later.”

“Kung ganoon, itatago mo pa ba ang kwintas na iyan?”

Kaswal na inilapag ni Brixie ang kahon sa mesa.

“Ibabalik ko sa kanya ang kwintas bukas.”

Sa pagkakataong ito, hindi na siya aasa. Kung hindi siya kayang mahalin ni Morris bilang higit pa sa isang childhood sweetheart, panahon na para tuluyan niyang bitawan ang mga damdaming matagal niyang iningatan.

Ngunit kaya ba talaga niyang talikuran ang lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 7

    Maya-maya, napunta ang tingin nito sa kakaibang disenyo ng cat stand na nasa gilid.Tahimik na pinagmasdan ito ni Brixie nang ilang sandali bago maingat na nagtanong.“Kuya, gusto mo ba talaga si Ate?”Pagkarinig sa tanong na iyon, dahan-dahang itinaas ni Connor ang kanyang makikitid na mga mata sa likod ng salamin at sinalubong ang tingin niya.“Bakit mo naitanong?”Marahil ay dahil masyadong malakas ang presence ni Connor, kahit tahimik lamang itong nakatayo at may taglay na itong natural na awtoridad na nakapagpapailang sa mga tao.Hindi nangahas si Brixie na salubungin nang matagal ang tingin nito. Tahimik niyang iniwas ang mga mata niya.“Oo”Bahagyang kumislap ang mga mata ni Connor bago ito muling bumaling sa cat stand.Mahahaba at maninipis ang mga daliri nito. Malinis at makinis ang mga iyon, na parang puting jade na kumikinang sa liwanag.“Siya ang mapapangasawa ko.”Dahil ba magiging asawa niya ang ate ko kaya niya ito gusto?Bahagyang natigilan si Brixie.Naalala niya ang

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 6

    Bahagyang sumama ang tingin ng ama ni Brixie sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan? Paki bigyan mo nga ng tsaa sa magiging bayaw mo.”“Ah…”Namula ang pisngi ni Brixe. Agad siyang tumayo, sumunod sa sinabi ng ama, at muling pinuno ang teacup ni Connor bago magalang na inilapag iyon sa tabi nito.“Kuya, tsaa po para sayo.”Malambing at matamis ang boses niya. Dahil nakatulog siya kanina, biglang may naalala si Connor at napangiti ito.……Habang kumakain sila, halatang wala sa sarili si Nathalie. Panay ang tingin niya sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa habang halos hindi niya napapansin ang pagkaing isinusubo niya.Paulit-ulit siyang binibigyan ng makahulugang tingin ng kanyang ina.“Nathalie, kuhanan mo naman ng pagkain si Connor. Huwag mong sarilinin ang lahat.”“Ah, okay.”Kinuha ni Nathalie ang pagkain, ngunit bago pa niya maihain ang pagkain kay Connor, biglang tumunog ang cellphone niya.Kinabahang sumulyap siya sa kanyang cellphone bago biglang tumayo.“Excuse me. Sasagutin ko lan

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 5

    Tumango si Nathalie.“Napakatalino niya. Marunong siyang magpinta at tumugtog ng piano. Wala pa akong nakilalang taong mas romantiko kaysa sa kanya.”Hindi pa kailanman narinig ni Brixie ang ate niya na magsalita nang ganoon tungkol sa isang lalaki.Dahil dito, saglit siyang natigilan.“Kung ganoon, bakit ka pumayag na ma-engage kay Kuya Connor?”Napatawa nang mapait si Nathalie.Bahagyang nanginig ang kanyang labi habang dumulas ang isang luha mula sa sulok ng kanyang mata.“Akala mo ba gusto ko ito? May isa sa atin na kailangang magsakripisyo para sa pamilya. Bata ka pa, at lumaki kayong magkasama ni Morris. Paano ko matitiis na ikaw ang magbigay ng ganoong sakripisyo?”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Brixie.Sa loob ng maraming taon, akala niya ay malungkot lamang ang kanyang ate matapos ma-engage dahil ayaw nitong maitali sa responsibilidad ng pag-aasawa nang maaga.Hindi niya kailanman naisip na tahimik palang nagsasakripisyo ang ate niya para sa kanya....Nang gabing iy

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 4

    Matapos tulungang makatayo ni Morris si Serena, galit na galit niyang tinitigan si Brixie.“Brix, Ano to? bakit mo itinulak si Serena?!”Nakasandal si Serena sa mga bisig ni Morris habang bahagyang nakapout.“Love, hindi naman kasalanan ni Brix. Gusto na niyang umuwi, pero gusto ko pang makipag-bonding. Kaya naisip kong pigilan muna siyang umalis. Hindi ko lang inaasahang bigla siyang magagalit...”Lalong nag sumiklab ang galit ni Brixie.“Kalokohan! Hindi naman ganun ang nangyari!”Hindi kailanman inakala ni Brixie na gagawa ng ganoong kwento si Serena sa harap niya mismo.“Ang dami mong masasakit na sinabi sa akin! Hinawakan mo pa ang kamay ko. Inalis ko lang ang kamay mo, pero hindi naman ako gumamit ng malakas na pwersa para matumba ka. Halatang sinadya mong magmukha akong masama!”Ngunit ang tanging narinig ni Morris ay ang pag-amin ni Brixie na inalis niya ang kamay ni Serena, na naging dahilan upang matumba ito.Lalong kumunot ang noo niya.“Brix, simula noong birthday mo, para

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 3

    Kinabukasan, palabas ng classroom si Brixie kasama ang isang lalaking kaklase habang pinag-uusapan nila ang kanilang research topic.Mula sa malayo, nakita sila ni Morris.Agad itong umapit at hinawakan ang braso ni Brixie.“Halika rito. May sasabihin ako sa iyo.”May balak din naman si Brixie na ibalik ang kwintas sa kanya, kaya nagpaalam muna siya sa kaklase at sinabing itutuloy na lamang nila ang kanilang pag-uusap sa cafeteria mamaya.Nang makitang lumalayo ang lalaki, lalong dumilim ang mukha ni MorrisKumunot ang noo niya bago mapairap.“Brixie, sino ang lalaking iyon?”Malamig ang naging sagot ni Brixie“Ano naman ang pakialam mo?”Lalong nagdikit ang mga kilay ni Morris“Pinapaalalahanan lang naman kita. Huwag kang masyadong lumapit sa mga lalaking iyan. Karamihan sa kanila, may ibang motibo.”Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon mula kay Morris.Noon, iniisip ni Brixie na dahil may gusto rin sa kanya ang lalaki, ayaw nitong may ibang lalaking lumalapit sa kanya

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 2

    Wavy ang buhok ng babae, makakapal ang kilay, malalaki ang mga mata, at matingkad na pula ang lipstick. Taglay niya ang mapang-akit na ganda ng isang femme fatale sa hatinggabi.Hindi pa kailanman nakita ni Brixie ang babaeng ito sa grupo ng mga kaibigan ni Morris.Bubuksan pa lamang sana niya ang bibig upang tanungin kung sino ito nang biglang tumayo si Morris at naglakad palapit sa babae.Sa harap ng lahat, ipinalibot niya ang braso sa balikat nito at hinalikan ito sa pisngi.“Hindi ka naman late. Halika, ipakikilala kita sa kanila. Siya si Serena, girlfriend ko.”Pagkarinig ni Brixie sa mga salitang iyon, para bang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa loob ng kaniyang ulo.Biglang natahimik ang buong private room.Salit-salitang napunta ang mga tingin ng lahat kina Brixie at Serena. Ilang segundo lamang ang lumipas, ngunit para kay Brixie, tila isang buong siglo ang bawat sandali.Pagkatapos, biglang sumabog ang tawanan, hiyawan, at panunukso ng mga naroon.“Grabe ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status