Share

CHAPTER 4

Author: Bri Xie
last update publish date: 2026-10-27 23:55:12

Matapos tulungang makatayo ni Morris si Serena, galit na galit niyang tinitigan si Brixie.

“Brix, Ano to? bakit mo itinulak si Serena?!”

Nakasandal si Serena sa mga bisig ni Morris habang bahagyang nakapout.

“Love, hindi naman kasalanan ni Brix. Gusto na niyang umuwi, pero gusto ko pang makipag-bonding. Kaya naisip kong pigilan muna siyang umalis. Hindi ko lang inaasahang bigla siyang magagalit...”

Lalong nag sumiklab ang galit ni Brixie.

“Kalokohan! Hindi naman ganun ang nangyari!”

Hindi kailanman inakala ni Brixie na gagawa ng ganoong kwento si Serena sa harap niya mismo.

“Ang dami mong masasakit na sinabi sa akin! Hinawakan mo pa ang kamay ko. Inalis ko lang ang kamay mo, pero hindi naman ako gumamit ng malakas na pwersa para matumba ka. Halatang sinadya mong magmukha akong masama!”

Ngunit ang tanging narinig ni Morris ay ang pag-amin ni Brixie na inalis niya ang kamay ni Serena, na naging dahilan upang matumba ito.

Lalong kumunot ang noo niya.

“Brix, simula noong birthday mo, para ka nang ibang tao! Ang hirap mo nang pakisamahan. Gusto lang naman ni Serena na manatili ka nang kaunti pa. Bakit kailangan mong pagbuntunan siya ng galit?!”

Sinasabi nilang nagiging t**nga ang mga taong umiibig.

Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Brixie ay hindi lamang naging t**nga si Morris—tila tuluyan na itong naging bulag.

Kaya niyang tanggapin ang katotohanang hindi siya mahal ng lalaki.

Ngunit hindi niya kayang tanggapin na kakampi pa ito kay Serena upang apihin siya!

Nang maisip iyon, itinuro niya ang CCTV camera sa itaas nila.

“Kung gusto mong malaman kung sino talaga ang may kasalanan, bakit hindi natin tingnan ang CCTV footage?”

Dalawang beses pa lamang nakikita ni Serena si Brixie.

Batay sa mga kuwento ni Morris tungkol sa babae, naisip niyang mahina ang loob nito at madaling apihin.

Kaya naglakas-loob siyang mambully kay Brixie kapag wala si Morris sa tabi nito.

Hindi niya inaasahang magagalit nang ganoon si Brixie.

Nang marinig ang pagbanggit nito sa CCTV, bigla siyang kinabahan.

Paano kung malaman ni Morris ang katotohanan?

“Morris, hindi talaga kasalanan ni Brixie. Huwag mo na siyang awayin dahil sa akin. Tingnan mo, wala naman akong sugat. Hayaan na lang natin ito.”

Ngunit hindi ganoon kadaling palampasin ni Brixie ang nangyari.

“Paano naman pwedeng ganoon? Hindi ako papayag na ako ang sisihin sa isang bagay na hindi ko naman kasalanan!”

Pagkasabi ni Brixie nun, naglakad siya patungo sa counter ng restaurant.

Hindi maintindihan ni Morris kung bakit ipinagpipilitan pa ni Brixie ang usapin gayong handa nang palampasin ni Serena ang nangyari.

Galit siyang sumigaw mula sa likuran.

“Sa tingin mo ba, pag-aari mo ang restaurant na ito at pwede kang magpaimbestiga kahit kailan mo gusto?!”

Pagkarinig niyon, agad na nakahinga nang maluwag si Serena.

“Morris, hindi ba pwedeng tingnan na lang natin ang CCTV footage?”

Napasinghal si Morris. Lalong nagdikit ang kaniyang makakapal na kilay.

“Pinapalaki mo lang ang maliit na bagay! Hindi pa ba sapat ang kaguluhang ito?!”

Bahagyang nag-pout si Serena.

“Napakataray pala ni Brixie. Hindi siya katulad ng ikinuwento mo sa akin.”

Nag-aalab din sa galit si Morris.

Hindi niya maintindihan kung bakit nitong mga nakaraang araw ay palaging sumasagot si Brixie sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ni Serena at sinundan si Brixie patungo sa counter.

Pagdating nila roon, narinig nila ang pakikipag-usap ni Brixie sa lobby manager.

“Pasensya na po, ma'am. Hindi sa ayaw naming tumulong, pero may karapatan din sa privacy ang ibang customer. Hindi po namin maaaring basta ipakita ang CCTV footage nang walang pahintulot. Sana ay maintindihan ninyo.”

Mula sa malayo, narinig iyon ni Serena. Hindi niya napigilang mapangiti nang palihim.

Ngunit biglang umubo si Morris.

“Brixie, tama na. Wala namang sinasabi si Serena!”

Kinagat ni Brixie ang kaniyang labi.

Naalala niyang kakilala ng ate niya ang may-ari ng restaurant. Nag-aalinlangan siya kung tatawagan ba niya ito upang humingi ng tulong.

Sa sandaling iyon, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng suit ang pumasok sa restaurant, kasama ang isang matangkad at matipunong lalaki.

Agad na nakilala ng lobby manager si Kuya Connor.

Mabilis itong lumapit upang magbigay-galang.

“Mr. Ocampo, welcome po!”

Bahagyang tumango si Connor. Ngunit nang mapansin niya si Brixie na nakayuko, bigla siyang huminto.

Sinenyasan niya ang mga kasamang lalaki na mauna nang pumasok bago lumapit sa direksiyon ni Brixie.

“Ano'ng nangyari?”

Una munang nakita ni Brixie ang isang pares ng makintab na leather shoes bago niya narinig ang pamilyar na boses.

Nag-angat siya ng tingin at nagulat nang makitang si Connor iyon.

“Kuya?”

Mahinang sumagot si Connor.

“Bakit ganyan ang itsura mo parang problemado ka?”

Matalinong tao ang lobby manager. Nang marinig niyang tinawag ni Brixie na Kuya si Connor, agad siyang kinabahan.

At nang marinig niyang nagtatanong si Connor tungkol sa nangyari, mabilis siyang lumapit upang ipaliwanag ang sitwasyon.

“CCTV footage lang ba ang kailangan?”

Tumango si Brixie.

Batay sa tono ni Connor, tila napakadali lamang para sa kanya na maayos ang problemang ito.

Umaasa siyang tumingin sa lalaki.

Hindi pa man nakakapagsalita si Connor, agad nang sumagot ang lobby manager.

“Dadalhin ko po kayo sa monitoring room ngayon din.”

...

Sama-samang nagtungo sa monitoring room ang limang tao, kabilang ang manager.

Umupo si Brixie sa isang upuan habang nakatayo sa likuran niya ang iba.

Nakasandal si Morris kay Serena, na para bang naiinip na siyang matapos ang lahat.

Samantala, bahagyang yumuko si Connor. Isang kamay niya ang nakapatong sa sandalan ng upuan ni Brixie habang maingat na pinagmamasdan ang footage sa monitor.

Unti-unting kumalat sa hangin ang banayad na amoy ng sandalwood.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, unti-unting kumalma ang damdamin ni Brixie.

Sa CCTV footage, malinaw na nakita ang pagtatanong ni Serena kung may gusto ba si Brixie kay Morris.

Biglang nakaramdam ng hiya si Brixie.

Palihim siyang sumulyap kay Morris at napansing kumunot ang noo nito. Lalong tumigas ang braso nitong nakayakap kay Serena.

Pagkatapos, malinaw na narinig sa footage ang masasakit na salitang binitiwan ni Serena.

Nakita rin nilang lahat kung paano ito sadyang bumagsak sa sahig.

Maya-maya, lumabas si Morris at sunod-sunod na pinagsabihan si Brixie nang hindi man lang inaalam ang katotohanan.

Natapos ang footage.

Sa wakas, malinaw nang nakita ng lahat kung sino talaga ang may kasalanan.

Bumaling si Brixie kay Morris.

“Ngayong nakita na natin ang lahat, alam na natin kung sino ang tama at kung sino ang mali, hindi ba?”

Hindi inakala ni Serena na ganun kabilis mabubunyag ang kaniyang kasinungalingan.

Agad na nagbago ang kulay ng kanyang mukha.

“Love, hayaan mong magpaliwanag ako.”

“Tumahimik ka!”

Hindi kailanman inakala ni Morris na hahantong sa ganoong sitwasyon ang lahat.

Habang pinakikinggan niya ang sunod-sunod na masasakit na salitang sinabi ni Serena kay Brixie, may kung anong kirot na sumaksak sa kaniyang dibdib.

“Serena, hindi ko akalain na may ganyan kang pag uugali?!

Natahimik so Serena at hindi na nakapag salita.

Muling lumapit si Morris kay Brixie.

“Brix, kasalanan ko ang lahat. Hindi sana kita pinagdudahan at pinaratangan nang walang dahilan.”

Iniwas ni Brixie ang tingin.

“Morris, simula ngayon, huwag na tayong mag-usap o magkita pa, putulin na natin kung ano man ang ugnayan na mayroon tayo sa isa't isa.”

Pagkasabi niyon, tumayo siya at naglakad palabas.

Kusang humakbang si Morris upang habulin siya, ngunit humarang si Connor sa kanyang daanan.

Malamig na tanong nito, “Napag-isipan mo na ba kung sino ang dapat mong piliin?”

Natigilan si Morris.

Samantala, mabilis na kumapit si Serena sa braso niya habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha mula sa mga mata nito.

“Love, please, hayaan mo akong magpaliwanag. Nagkamali lang ako dahil masyado kitang mahal...”

Hindi pa nagtatagal ang relasyon nina Morris at Serena. Nasa getting to know each other phase pa sila ng kanilang pag-iibigan.

Kaya nang makita ni Morris ang magandang babaeng umiiyak sa harap niya, hindi niya napigilang lumambot ang kaniyang puso.

Tungkol naman kay Brixie, hindi naman ito ang tipo ng taong nagtatanim ng galit.

Bukas na lang niya ito susuyuin.

Malinaw na nakita ni Connor ang lahat ng pagbabago sa ekspresyon ni Morris.

Ngunit wala siyang ipinakitang anumang emosyon.

Tahimik siyang tumalikod at naglakad palayo.

...

Naglakad si Brixie  hanggang sa makalabas siya ng restaurant. Saka lamang siya nakahinga nang maluwag.

Bagama't nakagagaan ng loob na sa wakas ay lumabas din ang katotohanan, hindi niya maiwasang mahiya.

Napakaraming tao ang nakarinig sa CCTV footage habang sinasabi ni Serena na may gusto siya kay Morris.

Para sa kanya, isa iyong malaking social disaster.

Determinado siyang hindi sumakay sa kotse ni Morris pauwi, kaya nagpasya siyang mag-taxi na lamang.

Nang makasakay na siya, saka lamang niya naalala na nakalimutan niyang pasalamatan si Connor.

Hayaan na nga muna. Pasasalamatan ko na lang siya sa susunod na magkita kami.

Pagdating ni Brixie sa bahay, lampas alas-nuwebe na ng gabi.

Nakapagpahinga na ang kanyang mga magulang, ngunit bukas pa rin ang ilaw sa kwarto ng ate niyang si Nathalie.

Kumatok siya bago pumasok.

Nakita niya ang ate niyang nakakulot sa isang wicker chair habang umiinom ng red wine.

Namumula ang mga pisngi ni Nathalie, at halatang namamaga ang paligid ng kanyang mga mata.

“Brixie, nakauwi ka na pala.”

Napatingin si Brixie sa ilang walang lamang bote ng alak sa mesa.

Lumapit siya at lumuhod sa tabi ng mga binti ng ate niya.

“Ate, bakit ang dami mo na namang ininom?”

Hindi sumagot si Nathalie. Sa halip, muli siyang uminom ng red wine.

“Brixie, sa tingin mo, ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?”

Saglit na nag-isip si Brixie bago sumagot.

“Para sa akin, dapat mabuhay ang mga tao para gawin ang mga bagay na gusto nila at makita araw-araw ang mga taong mahal nila.”

Mahinang humuni si Nathalie bilang tugon. Dahil sa kalasingan, malambot at nanghihina ang kanyang boses.

“Pero kapag pinakasalan ko si Connor, hindi ko na muling makikita ang taong mahal ko.”

Biglang natigilan si Brixie.

Tumingin siya sa ate niya.

“Ate, ano'ng ibig mong sabihin? Ibig mong sabihin... hindi mo mahal si Kuya Connor?”

“Hindi. Hindi ko siya mahal. Kahit kaunti, wala talaga.”

Nanginig ang boses ni Nathalie habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

“Alam kong iniisip ng lahat na mabuti siyang lalaki. Guwapo, mabait, at galing sa magandang pamilya. Pero sa pag-ibig, may nauuna at may nahuhuli. Ang totoo, may isang taong naunang nakapasok sa puso ko...”

“Ang taong iyon?”

Napatingin si Brixie sa kaniyang ate, sabik na malaman kung sino ang lalaking tunay nitong minamahal. Hindi niya kailanman inakalang may lihim palang iniingatan si Nathalie sa likod ng nalalapit nitong pagpapakasal kay Connor.

Sino ang lalaking tunay na minamahal ni Nathalie, at bakit kailangan pa niyang pakasalan si Connor kung iba naman ang laman ng puso niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 7

    Maya-maya, napunta ang tingin nito sa kakaibang disenyo ng cat stand na nasa gilid.Tahimik na pinagmasdan ito ni Brixie nang ilang sandali bago maingat na nagtanong.“Kuya, gusto mo ba talaga si Ate?”Pagkarinig sa tanong na iyon, dahan-dahang itinaas ni Connor ang kanyang makikitid na mga mata sa likod ng salamin at sinalubong ang tingin niya.“Bakit mo naitanong?”Marahil ay dahil masyadong malakas ang presence ni Connor, kahit tahimik lamang itong nakatayo at may taglay na itong natural na awtoridad na nakapagpapailang sa mga tao.Hindi nangahas si Brixie na salubungin nang matagal ang tingin nito. Tahimik niyang iniwas ang mga mata niya.“Oo”Bahagyang kumislap ang mga mata ni Connor bago ito muling bumaling sa cat stand.Mahahaba at maninipis ang mga daliri nito. Malinis at makinis ang mga iyon, na parang puting jade na kumikinang sa liwanag.“Siya ang mapapangasawa ko.”Dahil ba magiging asawa niya ang ate ko kaya niya ito gusto?Bahagyang natigilan si Brixie.Naalala niya ang

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 6

    Bahagyang sumama ang tingin ng ama ni Brixie sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan? Paki bigyan mo nga ng tsaa sa magiging bayaw mo.”“Ah…”Namula ang pisngi ni Brixe. Agad siyang tumayo, sumunod sa sinabi ng ama, at muling pinuno ang teacup ni Connor bago magalang na inilapag iyon sa tabi nito.“Kuya, tsaa po para sayo.”Malambing at matamis ang boses niya. Dahil nakatulog siya kanina, biglang may naalala si Connor at napangiti ito.……Habang kumakain sila, halatang wala sa sarili si Nathalie. Panay ang tingin niya sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa habang halos hindi niya napapansin ang pagkaing isinusubo niya.Paulit-ulit siyang binibigyan ng makahulugang tingin ng kanyang ina.“Nathalie, kuhanan mo naman ng pagkain si Connor. Huwag mong sarilinin ang lahat.”“Ah, okay.”Kinuha ni Nathalie ang pagkain, ngunit bago pa niya maihain ang pagkain kay Connor, biglang tumunog ang cellphone niya.Kinabahang sumulyap siya sa kanyang cellphone bago biglang tumayo.“Excuse me. Sasagutin ko lan

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 5

    Tumango si Nathalie.“Napakatalino niya. Marunong siyang magpinta at tumugtog ng piano. Wala pa akong nakilalang taong mas romantiko kaysa sa kanya.”Hindi pa kailanman narinig ni Brixie ang ate niya na magsalita nang ganoon tungkol sa isang lalaki.Dahil dito, saglit siyang natigilan.“Kung ganoon, bakit ka pumayag na ma-engage kay Kuya Connor?”Napatawa nang mapait si Nathalie.Bahagyang nanginig ang kanyang labi habang dumulas ang isang luha mula sa sulok ng kanyang mata.“Akala mo ba gusto ko ito? May isa sa atin na kailangang magsakripisyo para sa pamilya. Bata ka pa, at lumaki kayong magkasama ni Morris. Paano ko matitiis na ikaw ang magbigay ng ganoong sakripisyo?”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Brixie.Sa loob ng maraming taon, akala niya ay malungkot lamang ang kanyang ate matapos ma-engage dahil ayaw nitong maitali sa responsibilidad ng pag-aasawa nang maaga.Hindi niya kailanman naisip na tahimik palang nagsasakripisyo ang ate niya para sa kanya....Nang gabing iy

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 4

    Matapos tulungang makatayo ni Morris si Serena, galit na galit niyang tinitigan si Brixie.“Brix, Ano to? bakit mo itinulak si Serena?!”Nakasandal si Serena sa mga bisig ni Morris habang bahagyang nakapout.“Love, hindi naman kasalanan ni Brix. Gusto na niyang umuwi, pero gusto ko pang makipag-bonding. Kaya naisip kong pigilan muna siyang umalis. Hindi ko lang inaasahang bigla siyang magagalit...”Lalong nag sumiklab ang galit ni Brixie.“Kalokohan! Hindi naman ganun ang nangyari!”Hindi kailanman inakala ni Brixie na gagawa ng ganoong kwento si Serena sa harap niya mismo.“Ang dami mong masasakit na sinabi sa akin! Hinawakan mo pa ang kamay ko. Inalis ko lang ang kamay mo, pero hindi naman ako gumamit ng malakas na pwersa para matumba ka. Halatang sinadya mong magmukha akong masama!”Ngunit ang tanging narinig ni Morris ay ang pag-amin ni Brixie na inalis niya ang kamay ni Serena, na naging dahilan upang matumba ito.Lalong kumunot ang noo niya.“Brix, simula noong birthday mo, para

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 3

    Kinabukasan, palabas ng classroom si Brixie kasama ang isang lalaking kaklase habang pinag-uusapan nila ang kanilang research topic.Mula sa malayo, nakita sila ni Morris.Agad itong umapit at hinawakan ang braso ni Brixie.“Halika rito. May sasabihin ako sa iyo.”May balak din naman si Brixie na ibalik ang kwintas sa kanya, kaya nagpaalam muna siya sa kaklase at sinabing itutuloy na lamang nila ang kanilang pag-uusap sa cafeteria mamaya.Nang makitang lumalayo ang lalaki, lalong dumilim ang mukha ni MorrisKumunot ang noo niya bago mapairap.“Brixie, sino ang lalaking iyon?”Malamig ang naging sagot ni Brixie“Ano naman ang pakialam mo?”Lalong nagdikit ang mga kilay ni Morris“Pinapaalalahanan lang naman kita. Huwag kang masyadong lumapit sa mga lalaking iyan. Karamihan sa kanila, may ibang motibo.”Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon mula kay Morris.Noon, iniisip ni Brixie na dahil may gusto rin sa kanya ang lalaki, ayaw nitong may ibang lalaking lumalapit sa kanya

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 2

    Wavy ang buhok ng babae, makakapal ang kilay, malalaki ang mga mata, at matingkad na pula ang lipstick. Taglay niya ang mapang-akit na ganda ng isang femme fatale sa hatinggabi.Hindi pa kailanman nakita ni Brixie ang babaeng ito sa grupo ng mga kaibigan ni Morris.Bubuksan pa lamang sana niya ang bibig upang tanungin kung sino ito nang biglang tumayo si Morris at naglakad palapit sa babae.Sa harap ng lahat, ipinalibot niya ang braso sa balikat nito at hinalikan ito sa pisngi.“Hindi ka naman late. Halika, ipakikilala kita sa kanila. Siya si Serena, girlfriend ko.”Pagkarinig ni Brixie sa mga salitang iyon, para bang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa loob ng kaniyang ulo.Biglang natahimik ang buong private room.Salit-salitang napunta ang mga tingin ng lahat kina Brixie at Serena. Ilang segundo lamang ang lumipas, ngunit para kay Brixie, tila isang buong siglo ang bawat sandali.Pagkatapos, biglang sumabog ang tawanan, hiyawan, at panunukso ng mga naroon.“Grabe ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status