Share

CHAPTER 3

Author: Bri Xie
last update publish date: 2026-10-27 23:52:58

Kinabukasan, palabas ng classroom si Brixie kasama ang isang lalaking kaklase habang pinag-uusapan nila ang kanilang research topic.

Mula sa malayo, nakita sila ni Morris.

Agad itong umapit at hinawakan ang braso ni Brixie.

“Halika rito. May sasabihin ako sa iyo.”

May balak din naman si Brixie na ibalik ang kwintas sa kanya, kaya nagpaalam muna siya sa kaklase at sinabing itutuloy na lamang nila ang kanilang pag-uusap sa cafeteria mamaya.

Nang makitang lumalayo ang lalaki, lalong dumilim ang mukha ni Morris

Kumunot ang noo niya bago mapairap.

“Brixie, sino ang lalaking iyon?”

Malamig ang naging sagot ni Brixie

“Ano naman ang pakialam mo?”

Lalong nagdikit ang mga kilay ni Morris

“Pinapaalalahanan lang naman kita. Huwag kang masyadong lumapit sa mga lalaking iyan. Karamihan sa kanila, may ibang motibo.”

Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon mula kay Morris.

Noon, iniisip ni Brixie na dahil may gusto rin sa kanya ang lalaki, ayaw nitong may ibang lalaking lumalapit sa kanya.

Kaya kusang-loob niyang hinayaang kontrolin siya nito.

Sa katunayan, natutuwa pa nga siya sa bahagyang pagiging possessive ni Morris.

Ngunit ngayon, kapag naaalala niya ang nangyari kagabi hindi maiwasang makaramdam ng matinding awa sa sarili

Mas lalo pang naging malamig ang kaniyang tinig.

“Kung ganoon, kanino ba dapat ako lumapit? Sa iyo?”

Napansin ni Morris na talagang masama ang pakikitungo ni Brixie sa kaniya ngayong araw.

Dahil dito, nawalan din siya ng pasensiya.

“Brix, ano ba ang ibig mong sabihin? Concern lang ako sayo, At isa pa, bakit ka umalis kagabi nang walang paalam? Nag-abala pa akong mag-imbita ng maraming kaibigan para ipagdiwang ang birthday mo!”

May dalang ilang libro si Brixie habang tahimik na bumababa ng hagdan.

“Sorry. May nangyari lang kaya hindi na ako nakapagpaalam.”

“Ano bang pwedeng mangyari na mas mahalaga pa sa birthday mo?”

Hindi siya pinansin ni Brixie at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

“Birthday lang naman iyon. Hindi ganoon kahalaga.”

Maraming beses nang nagtalo sina Morris at Brixie mula pagkabata, ngunit ngayon lamang niya nakita ang ganitong klaseng pag-uugali mula sa babae.

“Hindi ka ba pwedeng makipag-usap nang maayos?”

Huminto si Brixie

Dahan-dahan siyang humarap kay Morris at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.

“Paano ba ako hindi nakikipag-usap nang maayos? Tanungin mo ang sarili mo. Kagabi ba talaga ang espesyal na okasyon para ipagdiwang ang birthday ko, o pagkakataon mo lang iyon para ipakilala ang girlfriend mo sa lahat?”

Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Morris

“Hindi ba pwedeng pareho? Brix,  pareho kayong mahalaga sa akin ni Serena. Akala ko, matutuwa ka kapag ipinakilala ko siya sa iyo sa birthday mo.”

Hindi malaman ni Brixie  kung talagang walang muwang si Morris o sadyang nagkukunwari lamang itong walang alam.

Napatawa siya nang mapait.

“Talagang masayang-masaya ako. Maraming salamat sa effort mo.”

Pagkasabi niyon, nilampasan niya si Morris  at nagpatuloy sa paglalakad.

Dalawang segundong napatigil so Morris bago mabilis na humabol at muling hinawakan ang braso ni Brixie.

“Brixie, totoo ba ang sinasabi nila? May gusto ka sa akin? Kaya ka ba nagseselos kay Serena?”

Medyo malakas ang kanyang boses, kaya napalingon ang ilang estudyanteng dumaraan.

Namula ang mukha ni Brixie at agad niyang inalis ang kamay nito sa kanyang braso.

“Sino ang may gusto sa iyo?! Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo!”

Pagkarinig sa sagot niya, para bang nakahinga nang maluwag si Morris.

Dinilaan niya ang likod ng kanyang mga ngipin at ngumisi nang pilyo.

“Sabi na nga ba! Paano ka magkakagusto sa akin? Ilang taon na tayong magkaibigan. Pure revolutionary friendship lang tayo, best buddies! Walang kinalaman sa love!”

Lalong sumama ang pakiramdam ni Brixie

Kinuha niya mula sa bulsa ang kwintas at iniabot iyon sa kanya.

“Kaya sana, huwag mo na akong bigyan ng mga ganitong bagay.”

Natigilan si Morris habang hawak ang kwintas.

“Hindi, sandali! Ano bang problema sa kwintas na ito? Bakit hindi kita pwedeng regaluhan?”

Kumunot ang noo ni Brixie.

“Ano ang ibig mong sabihin? Puro simbolo ng pag-ibig ang kwintas na iyan! May nagbibigay ba ng heart-shaped necklace sa best friend lang?”

Binuksan ni Morris ang kahon at nakita ang hugis-pusong kwintas sa loob.

Napahampas siya sa noo gamit ang malaking palad.

“Damn it! Kasalanan ko ito. Sinabi ko lang sa sales assistant na para sa isang babae ang regalo, kaya siya na ang pumili. Sino ba ang mag-aakalang heart-shaped pala ang ibibigay niya?”

Pakiramdam ni Brixie ay para siyang taong walang halaga sa tagal ng pinagsamahan nila tila hindi man lang ito nag effort na pumili ng regalo na para sa kanya.

Iyon pala, ang birthday gift na matagal niyang hinintay ay hindi man lang personal na pinili ni Morris

Sa katunayan, matapos itong piliin ng ibang tao para sa kaniya, hindi man lang niya iyon tiningnan nang mabuti.

Sa puntong iyon, parang biglang nagliwanag ang lahat.

Sa loob ng maraming taon, baka siya lang talaga ang nag-iilusyon.

Patuloy pa rin sa pagsasalita si Morris

“Maghintay ka rito. Mamayang gabi, pupuntahan ko ang jewelry store at papalitan ko ito. Ako na mismo ang pipili sa susunod. Sisiguraduhin kong hindi na kung anu-anong kakaibang design ang ibibigay nila sa akin.”

“Hindi na kailangan.”

“Hindi naman sa kailangang-kailangan kong bumili ka ng regalo para sa akin. Marami na akong ganitong alahas sa bahay.”

Pagkatapos, tuluyan na niyang iniwan si Morris at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa mga sumunod na araw, sinadya ni Brixie na iwasan ang mga lugar na madalas puntahan ni Morris. Gusto niyang mabawasan hangga't maaari ang mga pagkakataong magkita sila.

Ilang beses siyang niyaya ni Morris sa library at cafeteria sa pamamagitan ng mga mensahe, ngunit binubura lamang niya ang mga iyon matapos masilip nang isang beses.

Pagsapit ng holiday, kakalabas pa lamang ni Brixie ng campus nang makita niya si Morris na nakasandal sa kanyang kotse.

Nasa tabi nito si Serena, na nakasuot ng hapit na knit dress at nakayakap sa braso ng lalaki.

Pareho silang kaakit-akit, at dahil sa mamahaling sports car ni Morris, agad silang naging sentro ng atensiyon ng mga estudyanteng dumaraan.

Sumulyap si Brixie mula sa malayo at nagbalak nang lumiko sa ibang direksiyon.

Ngunit bago pa siya makalayo, narinig niya ang pagtawag ni Morris sa pangalan niya.

Ilang hakbang lamang ang ginawa nito bago siya naabutan.

“Iniiwasan mo ba ako? Kanina pa kita hinihintay! Halika, sabay tayong mag-dinner.”

Sa kaibuturan ng puso ni Brixie, ayaw na ayaw niyang sumama.

“Hindi na. May iba akong gagawin.”

“Halika na! Ano ba ang gagawin mo?”

Habang nagsasalita, hinawakan ni Morris ang kamay niya at hinila siya patungo sa kotse.

“Noong nakaraan, bigla kang umalis kaya hindi man lang nakapag-usap nang maayos si Serena at ikaw. Ngayon, personal siyang pumunta rito para makita ka. Mag-dinner tayong tatlo at mag-bonding.”

Napaisip si Brixie.

Kung gusto nilang mag-date, bakit kailangan pa nila akong isama? Gusto ba nilang gawing third wheel ang buhay ko?

Kusang sinubukan niyang bawiin ang kamay niya.

“Talagang hindi ako sasama. Darating si Mang Ben para sunduin ako.”

“Pinauwi ko na si Mang Ben. Pagkatapos nating mag-dinner, sabay na tayong uuwi.”

Nawalan na ng idadahilani si Brixie.

Ilang hakbang na lamang ang layo niya kay Serena. Kung tatanggi pa siya ngayon, baka lalo lamang maging awkward ang sitwasyon.

“Sige, sasama ako. Pero bitawan mo muna ang kamay ko. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag nakita nila tayong ganito?”

Atubiling binitiwan ni Morris ang kamay niya. Nang marinig nitong pumayag siyang mag-dinner kasama nila, muling lumitaw ang ngiti sa kanyang mga labi.

“Ano naman kung makita nila? Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan ko ang kamay mo.”

“Hindi nga ito ang unang beses. Pero ito na ang huli.”

Hindi malinaw na narinig ni Morris ang sinabi niya.

“Ano'ng sabi mo?”

Kinuskos ni Brixie ang kamay niyang bahagyang namula dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.

“Sabi ko, may girlfriend ka na. Dapat marunong kang umiwas sa mga bagay na maaaring pagmulan ng maling akala. Huwag mo nang basta-bastang hawakan ang kamay ko.”

Nang marinig ni Morros ang mga salitang umiwas sa maling akala mula mismo kay Brixie, may kakaibang pakiramdam na biglang sumulpot sa kanyang dibdib.

Para bang may isang bagay na tahimik na dumulas palayo sa kaniya.

Masyadong mabilis iyon upang mahuli niya.

Ngunit tumagal lamang nang isa o dalawang segundo ang kakaibang pakiramdam na iyon.

Nang lumapit si Serena at muling yumakap sa kanyang braso, tuluyan na niya itong nakalimutan.

...

Pumunta silang tatlo sa isang sikat na restaurant.

Sa buong oras ng kanilang pagkain, halos hindi mapaghiwalay sina Morris  at Serena

Maging ang pagsubo nila ng pagkain sa isa't isa ay hindi nila pinalampas.

Hindi talaga maintindihan ni Brixie  kung bakit kailangan pa siyang isama.

Ano ba ang silbi ng pag-yaya sa kaniya kung ipapakita lamang nila sa harap niya ang kanilang pagiging sweet sa isa't isa?

Ibinaba na lamang niya ang tingin at itinuon ang sarili sa pagkain. Gusto niyang matapos na agad upang makaalis na siya.

Pagkatapos nilang kumain, pumunta si Morris sa cashier upang magbayad.

Samantala, naiwan sina Brixie at Serena sa entrance ng restaurant upang hintayin siya.

Biglang nagsalita si Serena.

“Brixie, may gusto ka kay Morris, hindi ba?”

Ang matamis nitong ngiti noong nasa loob pa sila ng restaurant ay napalitan ng mapanukso at matalim na ekspresyon.

Nagulat si Brixie at hindi agad nakasagot.

Bahagyang pumikit si Serena, at naging mas mapang-akit ang tingin nito.

“Nahalata ko na noong birthday mo. Ano, pumunta ka ba roon dahil akala mo magko-confess sa iyo si Morris?”

Agad na namutla si Brixie.

Pakiramdam niya, biglang hinubaran ng babae ang lahat ng kaniyang sikreto sa harap ng ibang tao, dahilan upang maramdaman niyang wala na siyang natitirang dignidad.

“Pinapayuhan kitang tigilan na ang pag-iilusyon mo. Tingnan mo ako, pagkatapos tingnan mo ang sarili mo. Para kang tubig na walang lasa—walang anumang espesyal. Kaya naman pala, sa lahat ng mga taon na magkasama kayo, kapatid lang ang turing sa iyo ni Morris.”

Hindi kailanman inakala ni Brixie na kayang magsalita ng ganoon kasakit ang isang babaeng may napakagandang mukha.

Dahil sa maayos na pagpapalaki sa kaniya, alam niyang hindi niya kailangang makipagtalo sa mga taong gaya nito sa gitna ng kalsada.

Kaya kalmado siyang sumagot.

“Ang pagsasabi mo sa akin ng mga bagay na ito ay lalo lamang nagpapakita na hindi ka sigurado sa relasyon ninyo ni Morris. Kung ganoon, hindi mo kailangang mag-aksaya ng oras para kumbinsihin ako. Mas mabuting ituon mo ang atensiyon mo sa boyfriend mo.”

Pagkasabi niyon, naghanda siyang umalis.

Ngunit nang mapagtantong nabuking ang tunay niyang iniisip, naalala ni Serena kung paano basta na lamang hinawakan ni Morris ang kamay ni Brixie sa gate ng unibersidad.

Biglang sumiklab ang kaniyang selos.

Agad niyang hinawakan ang kamay ni Brixie.

“Huwag kang magmalinis! Childhood sweetheart? Hmph! Magandang pangalan lang iyan para sa isang backup plan!”

“Ikaw!”

Namula ang mukha ni Brixie sa galit.

Agad niyang sinubukang alisin ang pagkakahawak ni Serena, ngunit hindi niya inaasahang sa bahagyang paghila lamang niya ay biglang mapapaupo sa sahig ang babae.

Katatapos lamang magbayad ni Morris nang makita niya ang pagbagsak ni Serena.

Agad siyang lumapit upang tulungan itong tumayo.

“Love, okay ka lang ba?!”

Nang makita ni Brixie kung paano nagmamadaling alalayan ni Morris si Serena, biglang sumikip ang kaniyang dibdib. Ngunit hindi pa niya alam na ang simpleng pangyayaring iyon ay maaaring mauwi sa isang mas malaking hindi pagkakaunawaan.

Paano kung siya na naman ang sisihin ni Morris, kahit hindi naman niya sinadyang saktan si Serena?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 7

    Maya-maya, napunta ang tingin nito sa kakaibang disenyo ng cat stand na nasa gilid.Tahimik na pinagmasdan ito ni Brixie nang ilang sandali bago maingat na nagtanong.“Kuya, gusto mo ba talaga si Ate?”Pagkarinig sa tanong na iyon, dahan-dahang itinaas ni Connor ang kanyang makikitid na mga mata sa likod ng salamin at sinalubong ang tingin niya.“Bakit mo naitanong?”Marahil ay dahil masyadong malakas ang presence ni Connor, kahit tahimik lamang itong nakatayo at may taglay na itong natural na awtoridad na nakapagpapailang sa mga tao.Hindi nangahas si Brixie na salubungin nang matagal ang tingin nito. Tahimik niyang iniwas ang mga mata niya.“Oo”Bahagyang kumislap ang mga mata ni Connor bago ito muling bumaling sa cat stand.Mahahaba at maninipis ang mga daliri nito. Malinis at makinis ang mga iyon, na parang puting jade na kumikinang sa liwanag.“Siya ang mapapangasawa ko.”Dahil ba magiging asawa niya ang ate ko kaya niya ito gusto?Bahagyang natigilan si Brixie.Naalala niya ang

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 6

    Bahagyang sumama ang tingin ng ama ni Brixie sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan? Paki bigyan mo nga ng tsaa sa magiging bayaw mo.”“Ah…”Namula ang pisngi ni Brixe. Agad siyang tumayo, sumunod sa sinabi ng ama, at muling pinuno ang teacup ni Connor bago magalang na inilapag iyon sa tabi nito.“Kuya, tsaa po para sayo.”Malambing at matamis ang boses niya. Dahil nakatulog siya kanina, biglang may naalala si Connor at napangiti ito.……Habang kumakain sila, halatang wala sa sarili si Nathalie. Panay ang tingin niya sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa habang halos hindi niya napapansin ang pagkaing isinusubo niya.Paulit-ulit siyang binibigyan ng makahulugang tingin ng kanyang ina.“Nathalie, kuhanan mo naman ng pagkain si Connor. Huwag mong sarilinin ang lahat.”“Ah, okay.”Kinuha ni Nathalie ang pagkain, ngunit bago pa niya maihain ang pagkain kay Connor, biglang tumunog ang cellphone niya.Kinabahang sumulyap siya sa kanyang cellphone bago biglang tumayo.“Excuse me. Sasagutin ko lan

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 5

    Tumango si Nathalie.“Napakatalino niya. Marunong siyang magpinta at tumugtog ng piano. Wala pa akong nakilalang taong mas romantiko kaysa sa kanya.”Hindi pa kailanman narinig ni Brixie ang ate niya na magsalita nang ganoon tungkol sa isang lalaki.Dahil dito, saglit siyang natigilan.“Kung ganoon, bakit ka pumayag na ma-engage kay Kuya Connor?”Napatawa nang mapait si Nathalie.Bahagyang nanginig ang kanyang labi habang dumulas ang isang luha mula sa sulok ng kanyang mata.“Akala mo ba gusto ko ito? May isa sa atin na kailangang magsakripisyo para sa pamilya. Bata ka pa, at lumaki kayong magkasama ni Morris. Paano ko matitiis na ikaw ang magbigay ng ganoong sakripisyo?”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Brixie.Sa loob ng maraming taon, akala niya ay malungkot lamang ang kanyang ate matapos ma-engage dahil ayaw nitong maitali sa responsibilidad ng pag-aasawa nang maaga.Hindi niya kailanman naisip na tahimik palang nagsasakripisyo ang ate niya para sa kanya....Nang gabing iy

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 4

    Matapos tulungang makatayo ni Morris si Serena, galit na galit niyang tinitigan si Brixie.“Brix, Ano to? bakit mo itinulak si Serena?!”Nakasandal si Serena sa mga bisig ni Morris habang bahagyang nakapout.“Love, hindi naman kasalanan ni Brix. Gusto na niyang umuwi, pero gusto ko pang makipag-bonding. Kaya naisip kong pigilan muna siyang umalis. Hindi ko lang inaasahang bigla siyang magagalit...”Lalong nag sumiklab ang galit ni Brixie.“Kalokohan! Hindi naman ganun ang nangyari!”Hindi kailanman inakala ni Brixie na gagawa ng ganoong kwento si Serena sa harap niya mismo.“Ang dami mong masasakit na sinabi sa akin! Hinawakan mo pa ang kamay ko. Inalis ko lang ang kamay mo, pero hindi naman ako gumamit ng malakas na pwersa para matumba ka. Halatang sinadya mong magmukha akong masama!”Ngunit ang tanging narinig ni Morris ay ang pag-amin ni Brixie na inalis niya ang kamay ni Serena, na naging dahilan upang matumba ito.Lalong kumunot ang noo niya.“Brix, simula noong birthday mo, para

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 3

    Kinabukasan, palabas ng classroom si Brixie kasama ang isang lalaking kaklase habang pinag-uusapan nila ang kanilang research topic.Mula sa malayo, nakita sila ni Morris.Agad itong umapit at hinawakan ang braso ni Brixie.“Halika rito. May sasabihin ako sa iyo.”May balak din naman si Brixie na ibalik ang kwintas sa kanya, kaya nagpaalam muna siya sa kaklase at sinabing itutuloy na lamang nila ang kanilang pag-uusap sa cafeteria mamaya.Nang makitang lumalayo ang lalaki, lalong dumilim ang mukha ni MorrisKumunot ang noo niya bago mapairap.“Brixie, sino ang lalaking iyon?”Malamig ang naging sagot ni Brixie“Ano naman ang pakialam mo?”Lalong nagdikit ang mga kilay ni Morris“Pinapaalalahanan lang naman kita. Huwag kang masyadong lumapit sa mga lalaking iyan. Karamihan sa kanila, may ibang motibo.”Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon mula kay Morris.Noon, iniisip ni Brixie na dahil may gusto rin sa kanya ang lalaki, ayaw nitong may ibang lalaking lumalapit sa kanya

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 2

    Wavy ang buhok ng babae, makakapal ang kilay, malalaki ang mga mata, at matingkad na pula ang lipstick. Taglay niya ang mapang-akit na ganda ng isang femme fatale sa hatinggabi.Hindi pa kailanman nakita ni Brixie ang babaeng ito sa grupo ng mga kaibigan ni Morris.Bubuksan pa lamang sana niya ang bibig upang tanungin kung sino ito nang biglang tumayo si Morris at naglakad palapit sa babae.Sa harap ng lahat, ipinalibot niya ang braso sa balikat nito at hinalikan ito sa pisngi.“Hindi ka naman late. Halika, ipakikilala kita sa kanila. Siya si Serena, girlfriend ko.”Pagkarinig ni Brixie sa mga salitang iyon, para bang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa loob ng kaniyang ulo.Biglang natahimik ang buong private room.Salit-salitang napunta ang mga tingin ng lahat kina Brixie at Serena. Ilang segundo lamang ang lumipas, ngunit para kay Brixie, tila isang buong siglo ang bawat sandali.Pagkatapos, biglang sumabog ang tawanan, hiyawan, at panunukso ng mga naroon.“Grabe ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status