Share

CHAPTER 5

Author: Bri Xie
last update publish date: 2026-10-27 23:56:49

Tumango si Nathalie.

“Napakatalino niya. Marunong siyang magpinta at tumugtog ng piano. Wala pa akong nakilalang taong mas romantiko kaysa sa kanya.”

Hindi pa kailanman narinig ni Brixie ang ate niya na magsalita nang ganoon tungkol sa isang lalaki.

Dahil dito, saglit siyang natigilan.

“Kung ganoon, bakit ka pumayag na ma-engage kay Kuya Connor?”

Napatawa nang mapait si Nathalie.

Bahagyang nanginig ang kanyang labi habang dumulas ang isang luha mula sa sulok ng kanyang mata.

“Akala mo ba gusto ko ito? May isa sa atin na kailangang magsakripisyo para sa pamilya. Bata ka pa, at lumaki kayong magkasama ni Morris. Paano ko matitiis na ikaw ang magbigay ng ganoong sakripisyo?”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Brixie.

Sa loob ng maraming taon, akala niya ay malungkot lamang ang kanyang ate matapos ma-engage dahil ayaw nitong maitali sa responsibilidad ng pag-aasawa nang maaga.

Hindi niya kailanman naisip na tahimik palang nagsasakripisyo ang ate niya para sa kanya.

...

Nang gabing iyon, halos hindi nakatulog si Brixie.

Paulit-ulit siyang nagpalit ng posisyon sa kama, ngunit hindi pa rin niya mahanap ang komportableng pwesto.

Bandang madaling-araw na lamang siya tuluyang nakatulog.

Dahil dito, hindi pa man siya nakakatagal sa pagtulog ay pumasok na ang kanyang ina at hinila siya palabas ng kama.

“Brixie, bumangon ka na! Mag-ayos ka agad. Darating dito si Connor ngayong araw!”

Kinusot ni Brixie ang mga mata niya. Antok na antok pa siya at hindi agad naintindihan ang sinabi ng ina.

“Bakit po darating si Kuya Connor?”

“Anong bakit? Hindi ba dapat bumisita siya sa pamilya ng magiging asawa niya?”

“Ah...”

Wala nang nagawa si Brixie kundi bumangon at mag-ayos.

Habang dumaraan siya sa kwarto ng ate niya, nagkataong lumabas din si Nathalie.

Nakasuot ito ng rose-pink dress, at ang mukha ay kasing-sariwa ng isang namumulaklak na peach blossom. Masigla ang ekspresyon nito, na para bang walang nangyaring pagkalugmok kagabi.

Pagkakita kay Brixie, lumapit si Nathalie at kinurot ang namumulang pisngi niya.

“Brixie, pumunta ka ba sa kwarto ko kagabi?”

Tumango si Brixie.

Kapag umiinom ng alak ang kanyang ate, madalas itong hindi na nakakaalala sa mga nangyayari.

“Kung ganoon, may nasabi ba akong hindi dapat sabihin sa iyo?”

Umiling si Brixie.

“Wala naman.”

Napabuntong-hininga si Nathalie.

“Mabuti naman. Halika na, mag-almusal na tayo.”

Habang pinagmamasdan ni Brixie ang papalayong ate, hindi niya maiwasang makaramdam ng kirot sa puso.

...

Hindi pa gaanong katagal matapos ang almusal nang tumunog ang doorbell.

Sumulyap si Tita Rachel sa video doorbell at ngumiti kay Brixie.

“Si Morris! Kahapon pa lang nagsimula ang holiday niya, pero heto at hindi na makapaghintay na makita ka ngayong araw.”

Bago pa makapagsalita si Brixie upang pigilan siya, binuksan na ni Tita Rachel ang p***o.

Tahimik na napabuntong-hininga si Brixie.

Hindi naman niya masisisi si Tita Rachel sa hindi pagtatanong muna sa kaniya. Mula pagkabata, palagi na silang bumibisita ni Morris sa bahay ng isa't isa. Sanay na ang dalawang pamilya sa kanilang pagiging malapit.

“Tita Rachel!”

Bago pa tuluyang makapasok si Morris, narinig na ang kanyang boses.

Kasunod nito, sunod-sunod na lumitaw ang mga kahon ng regalo sa entrance.

Binuksan niya ang shoe cabinet at nagpalit ng tsinelas na para bang sarili niyang bahay ang pinasok niya.

Sakto namang lumabas ang ina ni Brixie.

Pagkakita kay Morris, agad itong ngumiti.

“Morris, nandito ka na pala! Bakit ang dami mong dalang gamit?”

Magalang na binati ni Morris ang ina ni Brixie.

“Hello po, Tita. Gift-giving festival  ngayon, kaya hindi ako pwedeng pumunta nang walang dalang regalo. May dala po akong tonics at tsaa. Kapag palagi po kayong umiinom ng mga ito, mananatili kayong bata at maganda!”

Magaling talagang maglambing si Morris sa mga nakatatanda.

Ilang salita lamang ang sinabi niya, ngunit agad nang natuwa ang ina ni Brixie.

“Sige na, pumunta ka na sa sala. Nandoon si Brixie.”

Napabuntong-hininga si Morris at naghanda nang pumasok sa sala.

Ngunit bago pa siya makalakad nang malayo, lumapit si Brixie.

“Morris, lumabas ka muna. May sasabihin ako sa iyo.”

Kinamot ni Morris ang kanyang ilong at sumunod sa kaniya palabas.

Bagama't Setyembre na, matindi pa rin ang init ng panahon. Ilang sandali pa lamang sa ilalim ng araw ay parang gusto mo nang bumalik sa loob ng bahay.

Hinila ni Morris ang kwelyo ng kaniyang T-shirt.

“Brixie, hindi ba pwedeng sa kuwarto mo na lang tayo mag-usap? Ang init-init dito!”

Bahagyang kumunot ang magagandang kilay ni Brixie.

“Morris, malinaw kong sinabi sa iyo kahapon na huwag ka nang magpakita ta makipag usap sa sa akin. Kaya ano ang ibig sabihin ng pagpunta mo rito sa bahay namin?”

Alam ni Morris na may pagkakamali rin siya sa nangyari noong nakaraang araw.

Kaya nakahanda na siyang suyuin si Brixie ngayong araw.

Sa ganitong sitwasyon, kailangan lang maging matiyaga.

“Brix, humingi na ako ng tawad sa iyo kahapon, pero gusto ko ulit humingi ng tawad ngayon. Sorry. Hindi sana kita pinagdudahan at pinagbintangan nang walang dahilan.”

Napabuntong-hininga si Brixie.

“Kung pumunta ka rito para humingi ng tawad, sige. Tinatanggap ko na.”

Agad na nagliwanag ang mga mata ni Morris.

Alam niyang madaling suyuin si Brixie.

Magbubukas pa lamang sana siya ng bibig upang magsalita nang biglang nagbago ang tono ng babae.

“Kaya ngayon, pwede bang huwag mo na akong kausapin mula ngayon at ayaw na rin kitang makita pa?”

Agad na kumunot ang noo ni Morris.

Sa sobrang pagkadismaya, napahawak siya sa buhok niya.

“Hindi! Brixie, ano ba talaga ang ibig mong sabihin?! Dahil lang sa nangyari noong nakaraang gabi, puputulin mo na agad ang lahat ng ugnayan natin?!”

Dahil lang sa nangyari?

Kung hindi dumating si Kuya Connor sa tamang oras noong gabing iyon, baka hanggang ngayon ay pinagmumukha pa rin siyang t***a nina Morris at Serena na isang babaeng walang modo at mahilig gumawa ng gulo.

Ngunit ngayon, basta na lamang pinalampas ni Morris ang lahat sa pamamagitan ng pagtawag dito na “maliit na bagay.”

Ipinakita lamang nito kung gaano kawalang-sincerity ang paghingi niya ng tawad.

Tahimik na pinagmasdan ni Brixie ang lalaking nasa harap niya.

Ganoon pa rin ang kaniyang itsura—matutulis na kilay, maningning na mga mata, at gwapong mukha.

Noon, sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Morris, hindi niya mapigilang kumabog ang kanyang puso.

Ngunit ngayon, pakiramdam niya ay isa na lamang itong estranghero.

Nang makitang hindi sumasagot si Brixie, bahagyang lumambot ang tono ni Morris.

May inilabas siyang dalawang maliliit at bilog na kahon ng regalo mula sa bulsa niya.

“Brix, pinalitan ko na ang heart-shaped necklace na ibinigay ko sa iyo noong kaarawan mo. Ako mismo ang pumili ng bagong kwintas na ito. Buksan mo at tingnan kung magugustuhan mo. At ito naman, isang pares ng pearl earrings bilang regalo ko sa iyo para humingi ng tawad.”

Sapilitan niyang inilagay ang dalawang kahon sa mga kamay ni Brixie, na para bang natatakot siyang ibabalik ng babae ang mga ito.

Pagkatapos, tumawa siya at mabilis na tumakbo palayo.

“Brix, tanggapin mo na ang mga regalo ko! Ituturing ko na lang na pinatawad mo na ako!”

“Hoy! Sino ba ang may gusto ng mga regalo mo?!”

Nang matauhan si Brixie, hinabol niya si Morris nang ilang hakbang.

Ngunit mahahaba ang mga binti nito at mabilis itong nakalayo.

Napakagat-labi siya habang nakatingin sa mga kahon ng regalo sa kanyang kamay, lihim na naiinis sa nangyari.

Sa sandaling iyon, dahan-dahang dumaan ang isang itim na BL luxury car sa harap niya at huminto sa tapat ng kanilang bahay.

Si Kuya Connor iyon.

Mula sa malayo, nakita ni Brixie ang lalaki habang bumababa mula sa kotse.

Nakaayos ang kaniyang suit, tuwid at matangkad ang tindig, at bahagyang kumikislap sa sikat ng araw ang gold-rimmed glasses sa kanyang ilong.

Malamig, marangal, at hindi madaling lapitan ang kaniyang dating.

Abala ang driver sa pag-aayos ng mga kahon ng regalo mula sa trunk nang lumapit si Brixie.

Magalang siyang bumati.

“Kuya.”

Mahinang sumagot si Connor bago tumingin sa kaniya gamit ang kalmado at hindi matinag na mga mata.

“N*****i na kayo ulit?”

Siya?

Dalawang segundo munang nag-isip si Brixie bago naunawaan na si Morris ang tinutukoy nito.

Malamang, nakita ni Connor ang eksena nila ni Morris kanina.

Bigla siyang nakaramdam ng kaunting hiya. Tutal, si Connor ang tumulong sa kaniya noong nakaraang gabi.

“Hindi po. Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Hindi ko naman siya basta-bastang mapapatawad.”

Hindi napansin ni Brixie na hindi na ganun ka-reserved ang tono niya kapag nakikipag-usap kay Connor.

Matapos siyang pakinggan, nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Connor. Bahagya lamang siyang tumango.

“Pumasok ka na.”

Tahimik na pinisil ni Brixie ang kanyang mga labi.

Talagang para siyang malaking iceberg.

Ang ate niya ay masigla, malaya, at puno ng passion. Kung makakasama nito araw-araw ang isang lalaking kasinglamig ni Connor, hindi kaya ito mahirapang huminga?

Nang matauhan, mabilis siyang humakbang patungo sa p***o upang buksan iyon para kay Connor.

Pagkatapos, malinaw siyang tumawag sa loob ng bahay.

“Dad, Mom, Ate! Nandito na po si Kuya Connor!”

Isa-isang lumapit ang mga miyembro ng pamilya upang salubungin si Connor at makipagpalitan ng pagbati.

Pagkatapos, nakipagkuwentuhan si Connor sa ama ni Brixie sa sala, habang nagtungo naman ang ina nito sa kusina upang tumulong sa paghahanda.

Sinubukan ni Nathalie na tumulong sa kusina, ngunit walang-awang pinaalis siya ng kanilang ina.

“Umalis ka nga rito! Ano ba ang ginagawa mo at nanggugulo ka lang? Lumabas ka at makipagkuwentuhan kay Connor!”

Atubiling sumagot si Nathalie.

“Nakikipag-usap pa siya kay Dad.”

Lumingon ang ina nila sa dalawang lalaking maayos na nakaupo sa sofa.

“Ano ba naman ang pag-uusapan nila kapag magkasama sila? Siyempre, current affairs, politics, business trends, at kung anu-ano pang bagay na nakakaantok!”

Habang nagsasalita, bahagya niyang itinulak si Nathalie.

“Malapit na kayong kumuha ng marriage license! Hindi ba magandang pagkakataon ito para mas makilala ninyo ang isa't isa?”

Walang nagawa si Nathalie kundi umalis sa kusina matapos siyang palayasin ng ina.

Nang makita niya si Brixie na naghahandang umakyat sa hagdan, agad niya itong hinawakan at hinila palayo.

“Brixie, halika! Magkwentuhan tayo sa sala!”

Sapilitan na namang naisama si Brixie sa isang bagay na ayaw niya.

Sa totoo lang, minsan na niyang narinig ang pag-uusap ng kanyang ama at ni Connor.

Napaka-boring at nakakaantok ng mga paksa ng mga ito!

At gaya ng inaasahan, nang palihim silang lumapit sa sala, pinag-uusapan ng kanilang ama ang isang kumpanyang biglang nalugi sa loob lamang ng isang gabi.

Kumunot ang noo ng kanilang ama na si Greg habang isa-isang sinusuri ang mga posibleng dahilan ng pagbagsak ng kumpanya—mula sa mga tunggalian sa kapangyarihan sa loob ng pamilya hanggang sa kawalan ng kakayahan ng namumuno rito.

Samantala, nanatiling kalmado si Connor.

Paminsan-minsan lamang siyang sumasagot ng maiikling salita, ngunit kapag nagbibigay siya ng opinyon, madalas na natutukoy niya ang mahahalagang detalye na hindi napansin ng kanilang ama .

Paulit-ulit na tumango si Greg habang lalong humahanga kay Connor.

Hindi nakapagtatakang nagawa niyang pamunuan ang negosyo ng pamilya sa murang edad. Talagang kahanga-hanga ang bagong henerasyon!

Samantala, hindi sapat ang tulog ni Brixie noong nakaraang gabi.

Habang patuloy siyang nakikinig sa usapan ng dalawang lalaki, hindi niya namalayang napahikab siya.

Unti-unting napunta ang kaniyang tingin sa itim na dial ng relo sa pulso ni Connor.

Habang tumatagal, lalo ring lumalabo ang kaniyang paningin.

Nagsisimula nang bumagsak ang kanyang ulo sa isang tabi dahil sa antok….nang biglang umubo ang kanyang ama.

Nagulat si Brixie at agad na nagising.

Pagmulat niya, nagtatakang tumingin siya sa paligid—at nagkataong nagtama ang kanyang mga mata sa bahagyang nakangiting mukha ni Connor.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila may kung anong pahiwatig sa ngiting iyon.

Napakurap si Brixie at mabilis na iniwas ang tingin. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kaniya ng simpleng ngiti ni Connor. Isa lang ang sigurado siya—may kung anong dahilan kung bakit tila may kakaiba ang ipinahihiwatig.

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng ngiti ni Connor, at bakit pakiramdam ni Brixie ay para bang may napansin ang lalaki na hindi niya dapat napansin

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 7

    Maya-maya, napunta ang tingin nito sa kakaibang disenyo ng cat stand na nasa gilid.Tahimik na pinagmasdan ito ni Brixie nang ilang sandali bago maingat na nagtanong.“Kuya, gusto mo ba talaga si Ate?”Pagkarinig sa tanong na iyon, dahan-dahang itinaas ni Connor ang kanyang makikitid na mga mata sa likod ng salamin at sinalubong ang tingin niya.“Bakit mo naitanong?”Marahil ay dahil masyadong malakas ang presence ni Connor, kahit tahimik lamang itong nakatayo at may taglay na itong natural na awtoridad na nakapagpapailang sa mga tao.Hindi nangahas si Brixie na salubungin nang matagal ang tingin nito. Tahimik niyang iniwas ang mga mata niya.“Oo”Bahagyang kumislap ang mga mata ni Connor bago ito muling bumaling sa cat stand.Mahahaba at maninipis ang mga daliri nito. Malinis at makinis ang mga iyon, na parang puting jade na kumikinang sa liwanag.“Siya ang mapapangasawa ko.”Dahil ba magiging asawa niya ang ate ko kaya niya ito gusto?Bahagyang natigilan si Brixie.Naalala niya ang

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 6

    Bahagyang sumama ang tingin ng ama ni Brixie sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan? Paki bigyan mo nga ng tsaa sa magiging bayaw mo.”“Ah…”Namula ang pisngi ni Brixe. Agad siyang tumayo, sumunod sa sinabi ng ama, at muling pinuno ang teacup ni Connor bago magalang na inilapag iyon sa tabi nito.“Kuya, tsaa po para sayo.”Malambing at matamis ang boses niya. Dahil nakatulog siya kanina, biglang may naalala si Connor at napangiti ito.……Habang kumakain sila, halatang wala sa sarili si Nathalie. Panay ang tingin niya sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa habang halos hindi niya napapansin ang pagkaing isinusubo niya.Paulit-ulit siyang binibigyan ng makahulugang tingin ng kanyang ina.“Nathalie, kuhanan mo naman ng pagkain si Connor. Huwag mong sarilinin ang lahat.”“Ah, okay.”Kinuha ni Nathalie ang pagkain, ngunit bago pa niya maihain ang pagkain kay Connor, biglang tumunog ang cellphone niya.Kinabahang sumulyap siya sa kanyang cellphone bago biglang tumayo.“Excuse me. Sasagutin ko lan

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 5

    Tumango si Nathalie.“Napakatalino niya. Marunong siyang magpinta at tumugtog ng piano. Wala pa akong nakilalang taong mas romantiko kaysa sa kanya.”Hindi pa kailanman narinig ni Brixie ang ate niya na magsalita nang ganoon tungkol sa isang lalaki.Dahil dito, saglit siyang natigilan.“Kung ganoon, bakit ka pumayag na ma-engage kay Kuya Connor?”Napatawa nang mapait si Nathalie.Bahagyang nanginig ang kanyang labi habang dumulas ang isang luha mula sa sulok ng kanyang mata.“Akala mo ba gusto ko ito? May isa sa atin na kailangang magsakripisyo para sa pamilya. Bata ka pa, at lumaki kayong magkasama ni Morris. Paano ko matitiis na ikaw ang magbigay ng ganoong sakripisyo?”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Brixie.Sa loob ng maraming taon, akala niya ay malungkot lamang ang kanyang ate matapos ma-engage dahil ayaw nitong maitali sa responsibilidad ng pag-aasawa nang maaga.Hindi niya kailanman naisip na tahimik palang nagsasakripisyo ang ate niya para sa kanya....Nang gabing iy

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 4

    Matapos tulungang makatayo ni Morris si Serena, galit na galit niyang tinitigan si Brixie.“Brix, Ano to? bakit mo itinulak si Serena?!”Nakasandal si Serena sa mga bisig ni Morris habang bahagyang nakapout.“Love, hindi naman kasalanan ni Brix. Gusto na niyang umuwi, pero gusto ko pang makipag-bonding. Kaya naisip kong pigilan muna siyang umalis. Hindi ko lang inaasahang bigla siyang magagalit...”Lalong nag sumiklab ang galit ni Brixie.“Kalokohan! Hindi naman ganun ang nangyari!”Hindi kailanman inakala ni Brixie na gagawa ng ganoong kwento si Serena sa harap niya mismo.“Ang dami mong masasakit na sinabi sa akin! Hinawakan mo pa ang kamay ko. Inalis ko lang ang kamay mo, pero hindi naman ako gumamit ng malakas na pwersa para matumba ka. Halatang sinadya mong magmukha akong masama!”Ngunit ang tanging narinig ni Morris ay ang pag-amin ni Brixie na inalis niya ang kamay ni Serena, na naging dahilan upang matumba ito.Lalong kumunot ang noo niya.“Brix, simula noong birthday mo, para

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 3

    Kinabukasan, palabas ng classroom si Brixie kasama ang isang lalaking kaklase habang pinag-uusapan nila ang kanilang research topic.Mula sa malayo, nakita sila ni Morris.Agad itong umapit at hinawakan ang braso ni Brixie.“Halika rito. May sasabihin ako sa iyo.”May balak din naman si Brixie na ibalik ang kwintas sa kanya, kaya nagpaalam muna siya sa kaklase at sinabing itutuloy na lamang nila ang kanilang pag-uusap sa cafeteria mamaya.Nang makitang lumalayo ang lalaki, lalong dumilim ang mukha ni MorrisKumunot ang noo niya bago mapairap.“Brixie, sino ang lalaking iyon?”Malamig ang naging sagot ni Brixie“Ano naman ang pakialam mo?”Lalong nagdikit ang mga kilay ni Morris“Pinapaalalahanan lang naman kita. Huwag kang masyadong lumapit sa mga lalaking iyan. Karamihan sa kanila, may ibang motibo.”Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon mula kay Morris.Noon, iniisip ni Brixie na dahil may gusto rin sa kanya ang lalaki, ayaw nitong may ibang lalaking lumalapit sa kanya

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 2

    Wavy ang buhok ng babae, makakapal ang kilay, malalaki ang mga mata, at matingkad na pula ang lipstick. Taglay niya ang mapang-akit na ganda ng isang femme fatale sa hatinggabi.Hindi pa kailanman nakita ni Brixie ang babaeng ito sa grupo ng mga kaibigan ni Morris.Bubuksan pa lamang sana niya ang bibig upang tanungin kung sino ito nang biglang tumayo si Morris at naglakad palapit sa babae.Sa harap ng lahat, ipinalibot niya ang braso sa balikat nito at hinalikan ito sa pisngi.“Hindi ka naman late. Halika, ipakikilala kita sa kanila. Siya si Serena, girlfriend ko.”Pagkarinig ni Brixie sa mga salitang iyon, para bang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa loob ng kaniyang ulo.Biglang natahimik ang buong private room.Salit-salitang napunta ang mga tingin ng lahat kina Brixie at Serena. Ilang segundo lamang ang lumipas, ngunit para kay Brixie, tila isang buong siglo ang bawat sandali.Pagkatapos, biglang sumabog ang tawanan, hiyawan, at panunukso ng mga naroon.“Grabe ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status