مشاركة

CHAPTER 7

مؤلف: Bri Xie
last update تاريخ النشر: 2026-10-29 22:50:14

Maya-maya, napunta ang tingin nito sa kakaibang disenyo ng cat stand na nasa gilid.

Tahimik na pinagmasdan ito ni Brixie nang ilang sandali bago maingat na nagtanong.

“Kuya, gusto mo ba talaga si Ate?”

Pagkarinig sa tanong na iyon, dahan-dahang itinaas ni Connor ang kanyang makikitid na mga mata sa likod ng salamin at sinalubong ang tingin niya.

“Bakit mo naitanong?”

Marahil ay dahil masyadong malakas ang presence ni Connor, kahit tahimik lamang itong nakatayo at may taglay na itong natural na awtoridad na nakapagpapailang sa mga tao.

Hindi nangahas si Brixie na salubungin nang matagal ang tingin nito. Tahimik niyang iniwas ang mga mata niya.

“Oo”

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Connor bago ito muling bumaling sa cat stand.

Mahahaba at maninipis ang mga daliri nito. Malinis at makinis ang mga iyon, na parang puting jade na kumikinang sa liwanag.

“Siya ang mapapangasawa ko.”

Dahil ba magiging asawa niya ang ate ko kaya niya ito gusto?

Bahagyang natigilan si Brixie.

Naalala niya ang sinabi ni Connor habang kumakain sila kanina, nang purihin nito ang personalidad ni Nathalie. Dahil doon, inakala niyang labis na umiibig ang lalaki sa kanyang ate.

Mabuti naman.

Kung hindi naman pala ganoon kalalim ang nararamdaman ni Kuya Connor para kay Ate, baka mas makabubuti na huwag na nilang ituloy ang engagement.

Kung obligasyon lamang ang dahilan kung bakit nito gustong pakasalan ang si ate, bakit may kakaibang lungkot sa mga mata nito sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Ate?

O baka naman may ibang dahilan kung bakit hindi nito kayang pakawalan ang babaeng hindi naman nito lubos na kilala.

Sa pag-iisip na iyon, biglang gumaan ang pakiramdam ni Brixie.

Pagkatapos, masigla niyang ipinakita kay Connor ang iba't ibang laruan na binili niya para kay Oreo.

Nagpatuloy ang paglilibot nila hanggang sa tawagin sila ng ina ni Brixie para kumain ng dessert.

Sa wakas, pakiramdam ni Brixie ay matagumpay niyang natapos ang kanyang misyon.

Hindi na rin nagtagal si Connor para sa hapunan. Bumaba muna ito at makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na rin, gamit ang dahilan na mayroon pa siyang kailangang asikasuhin.

Namamaga naman ang mga mata ni Nathalie dahil sa kakaiyak. Hindi pa rin ito bumaba para maghatid kay Connor, kaya naman napagalitan siya nang husto ng kanilang mga magulang.

Nang gabing iyon, palihim na pumasok si Brixie sa silid ng kanyang ate.

Sa oras na iyon, nakasuot si Nathalie ng puting nightgown habang nakaupo sa bay window. Wala itong buhay na titig, para bang isang manikang nawalan ng kaluluwa.

Biglang nakaramdam ng kirot sa puso si Brixie.

Dahan-dahan siyang lumapit at iniabot ang mainit na gatas na dala niya.

“Ate, hindi ka kumain ng dinner kanina. Here, uminom kana lang ng gatas”

Bahagyang umungol si Nathalie bilang pagsang-ayon.

“Iwan mo nalang diyan. I'll drink it later.”

Umupo si Brixie sa tabi niya at hinawakan ang kamay ng kanyang ate, gaya ng ginagawa nila noong mga bata pa sila.

“Ate, ayaw mo ba talagang pakasalan si Kuya Connor?”

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Nathalie. Pilit siyang ngumiti, ngunit halatang hindi natural ang pagkakakurba ng kanyang mga labi.

“Ano pa bang silbi ng sagot ko? Wala kana man alam sa nangyayari?”

Napasimangot si Brixie.

“20 years old na ako Ate! Five years lang ang tanda mo sa akin.”

Napatawa si Nathalie. Sa wakas, may bahagyang init nang bumalik sa kanyang mga mata.

“Bata ka pa. Ako parin ang mas nakakatanda sayo.”

Mapagmahal na sumandal si Brixie sa balikat ng kanyang ate.

“Ate, Hindi kami ok ni Morris.”

Kumunot ang noo ni Nathalie.

“Bakit? Inaway ka ba niya?”

Umiling si Brixie.

“No Ate, may girlfriend na siya. Sinabi niyang childhood sweetheart lang ang tingin niya sa akin.”

Agad na naunawaan ni Nathalie ang ibig sabihin ng kapatid.

Sumulyap siya kay Brixie at napansing tila maayos naman ang mood nito. Ngunit nang mapansin niya ang mga kamao ng kapatid na mahigpit na nakakuyom hanggang halos manginig ang mga daliri nito, hindi niya napigilang mapailing.

“Yung g**o na yun.! Humanda siya sa akin bukas!”

Hindi napigilan ni Brixie ang tumawa.

Mula pagkabata hanggang sa paglaki nila, palaging pinoprotektahan ni Nathalie ang kanyang nakababatang kapatid, kahit pa kailangan nitong harapin ang anumang kahihinatnan.

Kaya naman alam ni Brixie na sa kabila ng lahat, mahal na mahal siya ng kanyang ate.

“Ate, huwag mo nalang ituloy ang engagement nyo?”

Bahagyang umayos ang pagkakaupo ni Brixie bago nagpatuloy.

“Nagtanong-tanong ako para sa iyo kanina. Hindi naman pala ganoon kadesperado si Kuya Connor na pakasalan ka. Pareho naman kayong hindi mahal ang isa’t isa, kung pipilitin ninyo ang sarili ninyo sa relasyong ito, pareho lang kayong masasaktan.”

Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.

“Mas makabubuti kung ngayon palang itigil nyo na. Yun nga lang, mapapagalitan ka lang naman nina Mom and Dad.”

Pagkarinig sa mga salita ng kapatid, biglang nanigas ang katawan ni Nathalie.

Dahan-dahan siyang lumingon kay Brixie.

“Brixie, may alam ka ba?”

Hindi sumagot ng oo o hindi si Brixie.

Sa halip, mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng kanyang ate.

“Ate, just trust me. Kung ano talaga ang gusto mo, iyon ang piliin mong ipaglaban.”

…

Mabilis na lumipas ang three-day holiday.

Pagbalik ni Brixie sa school, hindi niya inaasahang makakasalubong niya si Morris sa mismong school gate.

Suot nito ang gray sweatshirt na ipinares sa matching sweatpants, kaya mukha itong fashionable at puno ng energy.

Nang makita si Brixie, itinapon ni Morris ang upos ng sigarilyong hawak niya.

“Hindi ba sinabi ko sayo na sabay tayong babalil ng school? Bakit ka naunang umalis?”

Totoong nag-message si Morris kay Brixie kahapon at niyaya itong sabay silang bumalik sa school.

Pero isang tingin lang ang ginawa ni Brixie sa mensahe bago niya iyon tuluyang dinelete.

“May gagawin pa ako, kaya umalis ako ng maaga.”

Akala ni Morris ay tuluyan na niyang napalambot ang puso ni Brixie noong huli silang magkita.

Hindi niya inaasahang ganoon pa rin ito kalamig sa kanya ngayon.

Unti-unti siyang nainis.

Ngayon lang siya nahirapan na suyuin si Brixie?

Napakamot siya sa ulo at bahagyang nagbago ang tono ng boses niya, na para bang siya pa ang agrabyado.

“Galit ka pa ba? Tinanggap mo na nga ang gift ko, di ba?”

Walang anumang emosyon sa mukha ni Brixie habang inilabas niya mula sa kanyang bag ang gift box at iniabot iyon kay Morris.

“Hindi ko gustong tanggapin ito, pinilit mo lang yan na ibigay, kaya ngayon ibinabalik ko na sayo.”

Natigilan si Morris habang nakatitig sa dalawang gift box na hawak niya.

“Hindi, hindi ganun yun, birthday gift ko yan sayo para sayo talaga yan.”

Hindi na siya pinansin ni Brixie at dire-diretsong naglakad papasok ng school.

Ngunit mabilis siyang hinabol ni Morris, hinawakan ang kamay niya, at muling isiniksik sa mga palad niya ang gift box.

“Brix, hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Nagsorry na ako di ba?”

Bahagyang tumaas ang boses ni Morris habang nakakunot ang noo.

“Binigay ko na sa iyo ito, bakit ibinabalik mo pa. Kung talagang ayaw mo niyan, itapon mo nalang!”

Napatigil si Brixie.

Tumingin siya sa gift box na pilit na ibinabalik sa kanya ni Morris, saka dahan-dahang itinaas ang mga mata upang salubungin ang nagpipigil nitong galit na tingin.

Sa pagkakataong iyon, hindi na siya ang dating Brixie na madaling magpalambot ng puso sa ilang matatamis na salita nito.

Dahil ngayon, sa wakas, naunawaan na niya ang isang bagay.

Hindi lahat ng taong nakasama mo mula pagkabata ay nakatakdang manatili sa buhay mo magpakailanman.

Sa loob ng maraming taon, sapat na ang isang ngiti nito para makalimutan niya ang lahat ng sakit.

Pero ngayon, iba na.

Kung kaya niyang ibigay ang puso niya sa ibang babae, kaya rin ni Brixie na bawiin ang pusong matagal niyang ipinagkatiwala rito.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 7

    Maya-maya, napunta ang tingin nito sa kakaibang disenyo ng cat stand na nasa gilid.Tahimik na pinagmasdan ito ni Brixie nang ilang sandali bago maingat na nagtanong.“Kuya, gusto mo ba talaga si Ate?”Pagkarinig sa tanong na iyon, dahan-dahang itinaas ni Connor ang kanyang makikitid na mga mata sa likod ng salamin at sinalubong ang tingin niya.“Bakit mo naitanong?”Marahil ay dahil masyadong malakas ang presence ni Connor, kahit tahimik lamang itong nakatayo at may taglay na itong natural na awtoridad na nakapagpapailang sa mga tao.Hindi nangahas si Brixie na salubungin nang matagal ang tingin nito. Tahimik niyang iniwas ang mga mata niya.“Oo”Bahagyang kumislap ang mga mata ni Connor bago ito muling bumaling sa cat stand.Mahahaba at maninipis ang mga daliri nito. Malinis at makinis ang mga iyon, na parang puting jade na kumikinang sa liwanag.“Siya ang mapapangasawa ko.”Dahil ba magiging asawa niya ang ate ko kaya niya ito gusto?Bahagyang natigilan si Brixie.Naalala niya ang

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 6

    Bahagyang sumama ang tingin ng ama ni Brixie sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan? Paki bigyan mo nga ng tsaa sa magiging bayaw mo.”“Ah…”Namula ang pisngi ni Brixe. Agad siyang tumayo, sumunod sa sinabi ng ama, at muling pinuno ang teacup ni Connor bago magalang na inilapag iyon sa tabi nito.“Kuya, tsaa po para sayo.”Malambing at matamis ang boses niya. Dahil nakatulog siya kanina, biglang may naalala si Connor at napangiti ito.……Habang kumakain sila, halatang wala sa sarili si Nathalie. Panay ang tingin niya sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa habang halos hindi niya napapansin ang pagkaing isinusubo niya.Paulit-ulit siyang binibigyan ng makahulugang tingin ng kanyang ina.“Nathalie, kuhanan mo naman ng pagkain si Connor. Huwag mong sarilinin ang lahat.”“Ah, okay.”Kinuha ni Nathalie ang pagkain, ngunit bago pa niya maihain ang pagkain kay Connor, biglang tumunog ang cellphone niya.Kinabahang sumulyap siya sa kanyang cellphone bago biglang tumayo.“Excuse me. Sasagutin ko lan

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 5

    Tumango si Nathalie.“Napakatalino niya. Marunong siyang magpinta at tumugtog ng piano. Wala pa akong nakilalang taong mas romantiko kaysa sa kanya.”Hindi pa kailanman narinig ni Brixie ang ate niya na magsalita nang ganoon tungkol sa isang lalaki.Dahil dito, saglit siyang natigilan.“Kung ganoon, bakit ka pumayag na ma-engage kay Kuya Connor?”Napatawa nang mapait si Nathalie.Bahagyang nanginig ang kanyang labi habang dumulas ang isang luha mula sa sulok ng kanyang mata.“Akala mo ba gusto ko ito? May isa sa atin na kailangang magsakripisyo para sa pamilya. Bata ka pa, at lumaki kayong magkasama ni Morris. Paano ko matitiis na ikaw ang magbigay ng ganoong sakripisyo?”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Brixie.Sa loob ng maraming taon, akala niya ay malungkot lamang ang kanyang ate matapos ma-engage dahil ayaw nitong maitali sa responsibilidad ng pag-aasawa nang maaga.Hindi niya kailanman naisip na tahimik palang nagsasakripisyo ang ate niya para sa kanya....Nang gabing iy

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 4

    Matapos tulungang makatayo ni Morris si Serena, galit na galit niyang tinitigan si Brixie.“Brix, Ano to? bakit mo itinulak si Serena?!”Nakasandal si Serena sa mga bisig ni Morris habang bahagyang nakapout.“Love, hindi naman kasalanan ni Brix. Gusto na niyang umuwi, pero gusto ko pang makipag-bonding. Kaya naisip kong pigilan muna siyang umalis. Hindi ko lang inaasahang bigla siyang magagalit...”Lalong nag sumiklab ang galit ni Brixie.“Kalokohan! Hindi naman ganun ang nangyari!”Hindi kailanman inakala ni Brixie na gagawa ng ganoong kwento si Serena sa harap niya mismo.“Ang dami mong masasakit na sinabi sa akin! Hinawakan mo pa ang kamay ko. Inalis ko lang ang kamay mo, pero hindi naman ako gumamit ng malakas na pwersa para matumba ka. Halatang sinadya mong magmukha akong masama!”Ngunit ang tanging narinig ni Morris ay ang pag-amin ni Brixie na inalis niya ang kamay ni Serena, na naging dahilan upang matumba ito.Lalong kumunot ang noo niya.“Brix, simula noong birthday mo, para

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 3

    Kinabukasan, palabas ng classroom si Brixie kasama ang isang lalaking kaklase habang pinag-uusapan nila ang kanilang research topic.Mula sa malayo, nakita sila ni Morris.Agad itong umapit at hinawakan ang braso ni Brixie.“Halika rito. May sasabihin ako sa iyo.”May balak din naman si Brixie na ibalik ang kwintas sa kanya, kaya nagpaalam muna siya sa kaklase at sinabing itutuloy na lamang nila ang kanilang pag-uusap sa cafeteria mamaya.Nang makitang lumalayo ang lalaki, lalong dumilim ang mukha ni MorrisKumunot ang noo niya bago mapairap.“Brixie, sino ang lalaking iyon?”Malamig ang naging sagot ni Brixie“Ano naman ang pakialam mo?”Lalong nagdikit ang mga kilay ni Morris“Pinapaalalahanan lang naman kita. Huwag kang masyadong lumapit sa mga lalaking iyan. Karamihan sa kanila, may ibang motibo.”Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon mula kay Morris.Noon, iniisip ni Brixie na dahil may gusto rin sa kanya ang lalaki, ayaw nitong may ibang lalaking lumalapit sa kanya

  • My Sister's Fiance, My Unexpected Love   CHAPTER 2

    Wavy ang buhok ng babae, makakapal ang kilay, malalaki ang mga mata, at matingkad na pula ang lipstick. Taglay niya ang mapang-akit na ganda ng isang femme fatale sa hatinggabi.Hindi pa kailanman nakita ni Brixie ang babaeng ito sa grupo ng mga kaibigan ni Morris.Bubuksan pa lamang sana niya ang bibig upang tanungin kung sino ito nang biglang tumayo si Morris at naglakad palapit sa babae.Sa harap ng lahat, ipinalibot niya ang braso sa balikat nito at hinalikan ito sa pisngi.“Hindi ka naman late. Halika, ipakikilala kita sa kanila. Siya si Serena, girlfriend ko.”Pagkarinig ni Brixie sa mga salitang iyon, para bang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa loob ng kaniyang ulo.Biglang natahimik ang buong private room.Salit-salitang napunta ang mga tingin ng lahat kina Brixie at Serena. Ilang segundo lamang ang lumipas, ngunit para kay Brixie, tila isang buong siglo ang bawat sandali.Pagkatapos, biglang sumabog ang tawanan, hiyawan, at panunukso ng mga naroon.“Grabe ka

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status