Mag-log in“Ano ba 'yan, tingin ba niya bagay siya kay Alexander? Mukha kaya siyang muchacha, masyadong feeling. May kaya naman siya, pero mas nagmumukha siyang mahirap kaysa kay Alexander. Pinaglalaruan lang naman siya ni Alexander eh, hindi ba yun obvious sa kanya?”
Hindi maiwasan ni Emely ang maalala ang isang pangyayari noon, when she was head over heels for Alexander, nang nag-aaral pa lang sila. Ang naalala niya ay hindi naman mayaman si Alexander noon, kaya hindi niya maiwasang magtaka kung bakit biglang siya ang boss nito.
Napapikit siya habang nakaupo sa harap ng computer niya.
Parang may kung anong humila sa kanya pabalik sa nakaraan.
Sa mga alaalang ilang taon niyang pilit na ibinaon sa limot.
Sa mga alaalang akala niya ay matagal na niyang nalampasan.
Alexander was 3 years older than her.
Freshman pa lang siya noon habang si Alexander ay nasa fourth year na at graduating na.
Isa ito sa pinakasikat na estudyante sa buong unibersidad.
Hindi lang dahil gwapo ito.
Kundi dahil kahit saan ito magpunta ay parang kusang umiikot ang atensyon ng lahat papunta rito.
Lahat ng babae ay gustong mapansin nito.
Lahat ay gustong makalapit dito.
At isa siya sa mga iyon noon.
“Umaasa siya sa wala. Hindi niya alam na ang mga kagaya ni Alexander na malaki ang potential ay aalis din kapag nakuha na niya ang gusto niya,” sambit pa ng isa na nasa labas ng cubicle.
“Saka magsasawa rin naman siya kay Emely, like duhh! Mukha namang hindi marunong magpaligaya si Emely sa kama. Kung ako lang ay baka humiyaw sa sarap si Alexander,” natatawa pang sambit ng isa pang boses.
Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang mga salitang iyon.
Parang kahapon lang nangyari.
Parang naririnig pa rin niya ang pagtawa ng mga babaeng iyon.
Parang nasa loob pa rin siya ng comfort room ng unibersidad habang pilit pinipigilan ang sarili na umiyak.
Napatitig na lang tuloy si Emely sa paa niya at kahit gusto niyang lumabas sa cubicle ay hindi niya magawa. Hinintay na lang niyang umalis ang mga ito bago siya lumabas din.
Hindi dahil duwag siya.
Kundi dahil alam niyang kapag lumabas siya noon ay baka hindi niya mapigilan ang sarili niya.
Baka masampal niya ang mga ito.
Baka maiyak siya sa harapan nila.
At ayaw niyang makita nilang nasasaktan siya.
Napasinghab si Emely nang maalala ang mga eksenang iyon noon.
She remembered how she endured those painful words because she was in love with Alexander, at dahil nga sa mahal na mahal niya ito, nagbunga nga ng isang bata ang lahat ng iyon.
Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang hinusgahan noon.
Kung ilang beses siyang pinagtawanan.
Kung ilang beses siyang pinagsabihan na nilalaro lamang siya ni Alexander.
Pero hindi siya nakinig.
Dahil mahal niya ito.
Mahal na mahal niya.
At kapag nagmamahal ang isang tao, minsan nagiging bulag ito sa mga bagay na ayaw nitong makita.
3 years.
It’s been 3 years.
Pero ngayon ay biglang parang naging sariwa na naman ang lahat sa kanya.
Parang isang sugat na matagal nang naghihilom ang muling nabuksan.
Parang lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat ng pagkadurog na pilit niyang kinalimutan ay bumalik nang isang iglap.
Napakagat siya sa labi.
Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa kanya ang lalaking iyon.
Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay kaya pa rin nitong guluhin ang mundo niya nang hindi man lang nito nalalaman.
Sa loob naman ng opisina, hindi maiwasan ni Alexander ang suminghab habang nakatingin sa resume ni Emely.
Tinapik-tapik niya ang mga daliri sa lamesa habang binabasa ang mga nakasulat sa resume at ilang mga detalye patungkol dito.
Malamig ang ekspresyon ng mukha niya.
Walang kahit anong emosyon na mababasa rito.
Pero ang katotohanan ay hindi niya inaasahan ang nangyari kanina.
Hindi niya inaasahang makikita muli ang babaeng iyon.
It’s been years and yes, hindi niya ipagkakaila na nagulat siyang makita ito.
Sa dami ng lugar sa mundo...
Sa dami ng kompanyang maaari nitong pasukan...
Dito pa talaga ito nagtatrabaho.
Sa kompanyang hawak niya ngayon.
Wala siyang pakialam sa kompanyang ito noon lalo na at may sarili naman siyang kompanya, but because no one wanted this company, wala siyang magagawa kundi tanggapin ito lalo na dahil siya ang panganay.
Isa pa, ayaw niyang tuluyang bumagsak ang negosyong ilang dekadang pinaghirapan ng pamilya nila.
Kaya kahit wala sa plano niya ay tinanggap niya ang responsibilidad.
He just didn’t expect to see that woman here.
Ang babaeng basta na lang nawala sa buhay niya.
Ang babaeng ilang taon niyang hindi nakita.
Ang babaeng minsan niyang minahal...
o baka hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tuluyang nakakalimutan.
Pinasadahan niya ang ilan pang mga detalye at nalaman niyang magdadalawang taon na ito roon.
He didn’t want to, but he couldn't help but feel impressed knowing na hindi naman ito nakapagtapos ng pag-aaral, pero nasa malaking kompanya ito at naging leader na rin ng team niya sa mga nakalipas na buwan.
Alam niya kung gaano kahirap gawin iyon.
Lalo na sa industriya kung saan diploma ang isa sa mga unang tinitingnan.
Pero mukhang hindi nagpatalo si Emely.
Mukhang ipinaglaban nito ang sarili nitong lugar.
“Matalino siya at kung nagtataka kayo kung bakit siya nakapasok sa kompanyang ito ay dahil sa kakayahan niya.”
Natigilan si Alexander sa pagbabasa ng mga detalye patungkol kay Emely nang marinig ang secretary niya sa likod.
“I know how to fvcking read, Secretary Fred,” mariin nang sambit ni Alexander nang hindi man lang tinitingnan si Fred, ang secretary niya.
“Tapos masipag rin siya. Nakausap ko nga siya kanina at mukhang mabait. And—”
Iritang tinignan ni Alexander si Fred kaya natigilan si Fred at saka napatikhim.
Kitang-kita na kasi ang umuusbong na galit dito kaya natigilan na siya.
“Do I pay you just to fvcking gossip, Secretary Fred?” Umiigting na ang pangang tanong ni Alexander.
Napakamot ng noo si Fred at saka alanganing ngumiti.
“I’m sorry, Sir,” he immediately said.
“Tsk!”
All Alexander said at saka binalik ang tingin sa laptop niya.
“May anak na rin siya, Sir,” biglang sambit ulit ni Fred.
But this time, agad nang napatayo si Alexander sa narinig.
Tumama ang mga palad niya sa ibabaw ng mesa.
Nanlaki ang mga mata niya.
“She has what?!” irita at galit na tanong ni Alexander.
Pakiramdam niya ay may kung anong sumabog sa loob ng ulo niya.
May anak?
May anak na si Emely?
“May anak na siya, Sir. At ayaw ni Madam ang babaeng may sabit. Sinasabi ko lang po kasi unang beses kitang nakitang nagbabasa ng mga detalye ng mga empleyado at mukhang interesado ka sa kanya, kaya pinapaalala ko lang.”
Agad na sambit ni Secretary Fred at agad nang lumabas sa opisina bago pa siya bugahan ng apoy ng boss niya.
Nang sumara ang pinto ay tuluyan nang natahimik ang buong opisina.
Habang si Alexander naman ay hindi makapaniwala sa narinig niya.
Irita niyang in-scroll pababa ang binabasa niya at halos humigpit ang hawak niya sa mouse nang may mabasa siya.
Pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na humampas sa dibdib niya.
Nanigas ang buong katawan niya.
At ilang segundo siyang napatitig lang sa screen.
Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita.
Parang gusto niyang isipin na mali lamang ang nababasa niya.
Pero malinaw na malinaw ang nakasulat.
Married.
Biglang nagdilim ang mukha niya.
Lalong humigpit ang hawak niya sa mouse hanggang sa halos mamuti ang mga buko ng daliri niya.
“Married?” malamig niyang bulong sa sarili.
Pero sa ilalim ng malamig niyang boses...
unti-unting sumisibol ang galit na kahit siya ay hindi maintindihan kung saan nanggagaling.
Chapter 4“How’s the project proposal going?”Muntik nang matapon ni Emely ang hawak na tasa na may mainit na tubig nang bigla na lang magsalita si Alexander pagkatapos ng mahabang katahimikan. Akala niya ay tatahimik na ito hanggang sa matapos siyang magtimpla at hindi na papansinin, pero mali siya.Halos mapaso pa siya sa gulat.Mabilis niyang hinigpitan ang hawak sa tasa habang pilit na pinapakalma ang sarili.Pakiramdam niya ay tumigil saglit ang puso niya nang marinig ang boses nito.Napasulyap siya rito kahit na sinubukan naman niya ang sariling huwag gawin.Pero paano ba niya magagawang hindi tumingin?Nakasandal na ito ngayon sa pader sa gilid habang nasa kamay nito ang tasa ng kape na tinitimpla nito kanina nang madatnan niya ito.Relax lang ang postura nito.Parang wala itong pakialam sa paligid.He still looked so attractive kahit na nakasandal lang naman siya doon.Ang natural nitong kagwapuhan ay talaga namang sobrang nakakaakit pa rin at parang mas lalong lumakas ang dat
Chapter 3May kaya ang pamilya ni Emely noon, pero hindi naman sobrang yaman.Tamang-tama lang para sabihin na nakakaangat sila sa buhay.Hindi man sila kabilang sa pinakamayayaman, pero hindi rin sila nag-aalala kung saan kukuha ng panggastos kinabukasan.May sariling kumpanya ang mga magulang niya noon.May maayos silang bahay.May sasakyan.At hindi niya kailanman kinailangan mag-alala tungkol sa pera habang lumalaki.But everything changed nang ma-bankrupt ang kumpanya at bigla niyang malaman na buntis siya.Pakiramdam niya noon ay sabay-sabay na gumuho ang mundo niya.Hindi pa siya nakaka-recover sa pagbagsak ng negosyo ng pamilya nila nang dumating ang mas malaking problema.Ang pagbubuntis niya.At mas lalong lumala ang lahat nang ipamukha sa kanya ni Alexander na laro lang ang relasyon nila noon. Napasinghab si Emely habang naglalakad palabas ng opisina.Hindi niya maiwasang maalala kung ano si Alexander noon. She remembered that she had money while Alexander didn’t have that
Chapter 2 - Past“Ano ba 'yan, tingin ba niya bagay siya kay Alexander? Mukha kaya siyang muchacha, masyadong feeling. May kaya naman siya, pero mas nagmumukha siyang mahirap kaysa kay Alexander. Pinaglalaruan lang naman siya ni Alexander eh, hindi ba yun obvious sa kanya?”Hindi maiwasan ni Emely ang maalala ang isang pangyayari noon, when she was head over heels for Alexander, nang nag-aaral pa lang sila. Ang naalala niya ay hindi naman mayaman si Alexander noon, kaya hindi niya maiwasang magtaka kung bakit biglang siya ang boss nito.Napapikit siya habang nakaupo sa harap ng computer niya.Parang may kung anong humila sa kanya pabalik sa nakaraan.Sa mga alaalang ilang taon niyang pilit na ibinaon sa limot.Sa mga alaalang akala niya ay matagal na niyang nalampasan.Alexander was 3 years older than her.Freshman pa lang siya noon habang si Alexander ay nasa fourth year na at graduating na.Isa ito sa pinakasikat na estudyante sa buong unibersidad.Hindi lang dahil gwapo ito.Kundi
Chapter 1 - Ang PagkikitaNanginig ang kamay ni Emely habang nakatingin sa harap niya at halos hindi na makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib niya.Pakiramdam niya ay parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib niya habang unti-unting nanlalamig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa takot, kaba, o dahil sa gulat na hindi niya inaasahang mararamdaman muli matapos ang ilang taon.Kung alam niya lang na makikita niya ang lalakeng tinatakasan niya sa loob ng tatlong taon ay hindi na sana siya pumunta sa meeting na ito at hindi na siya nag renew ng contract pa rito.Mas gugustuhin pa niyang maghanap ng ibang trabaho kaysa harapin ang taong pilit niyang kinalimutan.Ang taong naging dahilan kung bakit tuluyang nagbago ang buhay niya. Ang taong iniyakan at minahal niya ng subra.Parang nong isang araw lang ay kalat ang pagkakaroon ng isang bagong boss sa kompanya, isang boss na magaling sa negosyo, pero masyadong mainitin ang ulo at walang sinasanto.Halos lahat n







