LOGIN
Nanginig ang kamay ni Emely habang nakatingin sa harap niya at halos hindi na makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
Pakiramdam niya ay parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib niya habang unti-unting nanlalamig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa takot, kaba, o dahil sa gulat na hindi niya inaasahang mararamdaman muli matapos ang ilang taon.
Kung alam niya lang na makikita niya ang lalakeng tinatakasan niya sa loob ng tatlong taon ay hindi na sana siya pumunta sa meeting na ito at hindi na siya nag renew ng contract pa rito.
Mas gugustuhin pa niyang maghanap ng ibang trabaho kaysa harapin ang taong pilit niyang kinalimutan.
Ang taong naging dahilan kung bakit tuluyang nagbago ang buhay niya. Ang taong iniyakan at minahal niya ng subra.
Parang nong isang araw lang ay kalat ang pagkakaroon ng isang bagong boss sa kompanya, isang boss na magaling sa negosyo, pero masyadong mainitin ang ulo at walang sinasanto.
Halos lahat ng empleyado ay iyon ang pinag-uusapan sa pantry, elevator, at maging sa group chat nila.
Sabi ng iba, sobrang talino raw nito pagdating sa negosyo, na lahat ng hinahawakan niya ay talaga namang nagiging matagumpay.
Sabi naman ng iba, wala raw itong pakialam kahit gaano pa katagal sa kumpanya ang isang empleyado. Kapag hindi nito nagustuhan ang trabaho mo, sisibakin ka agad.
Ang narinig niya lang ay naipamana na ang kompanya rito dahil ito lang naman din ang kaisa isang tagapagmana ng kompanya dahil ang mga kapatid nito ay may mga sarili ring kompanya, pero rinig niya rin na may sarili din naman na kompanya ito na pinaghirapan niyang itayo, pero hindi lubos akalain ni Emely na ito ang lalakeng tinataguan at tinatakasan niya sa loob ng ilang taon.
Ni hindi nga niya pinagtuonan ng pansin ang pagbabago ng boss nila dahil ang gusto lang niya ay magkaroon siya ng pera para mapagtustos sa pangangailangan ng anak niya.
Hindi niya akalaing sa laki ng mundo ay dito pa sila muling magkikita.
Sa mismong lugar kung saan araw-araw siyang nagtatrabaho.
Sa mismong lugar kung saan wala siyang mapagtataguan.
Nakatayo ito sa harapan, maganda ang tikas ng katawan, matangkad at talaga namang titiklop ang isang babae kapag may ginawa ito.
Kitang-kita pa rin ang natural nitong karisma kahit hindi naman ito ngumingiti.
Ang mamahaling suit na suot nito ay lalong nagbigay ng awtoridad sa presensya nito.
Kitang kita ang kagwapuhan kahit na nakakunot ang noo, ang isang kamay ay nakatago sa bulsa ng slacks nito.
Mas mature na ito ngayon.
Mas seryoso.
Mas malamig.
At mas nakakatakot.
“What? Do you all think this is a playground? You are fvcking giving me a proposal na kahit bata ay magagawa! This is a big company, yet you all give me this sh1ts?” Sarkastikong tanong na ni Alexander kaya halos naging maamong tupa ang lahat at halos hindi an nga rin sila makahinga sa takot.
Parang bumigat ang hangin sa loob ng conference room.
Walang kahit sino ang naglakas-loob na sumagot.
Ang iba ay nakayuko.
Ang iba naman ay hindi makatingin nang diretso rito.
Kumabog pa lalo ang dibdib ni Emely nang mapansin niya ang paglibot ng tingin nito sa lahat.
Pakiramdam niya ay para siyang isang kriminal na anumang oras ay matutuklasan.
Gusto na lang tuloy ni Emely ang itago at ibaon ang sarili niya sa lupa para hindi siya nito makita.
Kung maaari lang sana ay maglaho siya sa mismong sandaling iyon.
“Who the fvcking shit in charge of this fvcking project?” Muling tanong nito gamit ang nakakatakot na boses.
Nanlaki lang ang mata ni Emely nang tumayo ang katabi niyang si Linda, na siyang in charge sa project na ginagawa at hindi alam ni Emely kung dahil sa kaba lang o hindi, o baka namamalik mata lang siya, pero halos mawalan siya ng hangin sa katawan nang magtama saglit ang mata nilang dalawa bago tignan ang tumayong nasa katabi niya.
Ilang segundo lang iyon.
Napakaiksi.
Pero para kay Emely ay parang tumigil ang oras.
Parang bumalik ang lahat ng alaala na pilit niyang ibinaon sa limot.
Humigpit pa lalo ang hawak ni Emely sa papel at tumatagaktak na ang pawis sa kanya.
Pakiramdam niya ay nanginginig na rin maging ang tuhod niya.
“Sir, a-ako po ang in charge,” kinakabahan din namang sambit ni Linda.
“Oh? It’s you? You damn fvcking useless. This is a big fvcking project, yet you are giving me this kind of paper and presentation? Do you want to lose your job right now?” Galit pa rin, pero may halo ng sarkastiko ang boses nito.
Namutla si Linda.
Maging ang ibang empleyado ay napalunok.
Natahimik ang lahat sa tinuran nito at walang naglakas loob pa na nagsalita.
Tanging tunog ng aircon at mabilis nilang paghinga ang maririnig sa buong silid.
Akala ni Emely ay muli pa itong magsasalita ng masasakit na salita, pero tuluyan nang nanuyo ang lalamunan niya na imbes kay Linda nakatingin ang bago nilang boss ay sa kanya na ito nakatingin, tumagal pa ang tingin nito bago muling tumingin sa Powerpoint at saka sa papel na hawak.
Parang may kung anong bumalot sa buong katawan niya.
Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.
Hindi niya malaman kung nakilala pa ba siya nito o hindi, o baka nakalimut na dahil hindi naman siya importanteng tao para sa kanya.
At iyon ang mas lalong nagpalala ng kaba niya at hindi niya na maintindihan ang sarili niya sa ngayon!
“Umalis na kayo at siguraduhin niyong kapag ibabalik niyo sa akin yan ay maayos na, or else I’ll replace you all and make a reform on this company,” mariin na lang na sambit ni Alexander at saka seryoso nang naupo at saka may pinindot sa laptop sa harap niya.
Nag-unahan pa ang iba sa paglabas, sa takot na baka bigla na lang bawiin ng bago nilang boss ang sinabi at panatilihin pa roon.
Halos magkabanggaan pa nga ang ilan sa pagmamadaling makalabas.
Dahil sa takot sa meeting, halos sabay sabay pang huminga ng malalim ang lahat nang makalabas sila.
“Grabe, nakakatakot siya,” sambit pa ni Daryll, isa sa kasama niya sa team.
“Gwapo sana, pero nakakatakot,” sambit pa ni Linda habang hawak ang dibdib na para bang magkakaroon na ito ng sakit sa puso sa nangyare.
“Ako yata ilang taon nabawas sa buhay ko,” reklamo pa ng isa nilang kasamahan.
Nagkatawanan pa ang iba, pero halatang pilit lamang iyon para mabawasan ang tensyon.
Habang si Emely ay para nang naging isang zombie habang naglalakad dahil hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng pagtatago niya at pagtakas sa lalakeng minahal niya noon ay bigla na lang magcocross ang landas nila sa pinagtatrabahuan pa niya.
She sighs as she remembers her son, ang anak niyang anak rin ng boss niya ngayon.
Agad na sumagi sa isip niya ang masayahing mukha ng bata.
Ang anak na buong buhay niyang inalagaan mag-isa.
Ang anak na hindi kailanman nakilala ang ama nito.
Muli siyang suminghab nang mapagtantong subrang hirap ng nangyayare sa buhay niya ngayon.
Parang kailan lang ay maayos ang buhay niya bilang single mom, tapos ngayon ay biglang naging komplekado ang lahat.
3 years.
It’s been 3 years since they broke up.
Tatlong taon na niyang tinatakasan ang ama ng anak niya at tatlong taon na rin niyang tinatago kay Alexander na nagkaanak sila.
Tatlong taon na niyang pinaniniwala ang sarili na hindi na sila muling magkikita.
Na mananatiling lihim ang lahat.
Na hindi nito malalaman ang tungkol sa batang bunga ng isang pagkakamali.
She was just really afraid.
She’s afraid that he’ll know about their Son, dahil ang relasyon nila noon ay laro lang naman para kay Alexander, it’s not that serious, it’s a game, larong bigla na lang nagbunga ng isang bata.
At iyon ang pinakakinatatakutan niya.
Paano kung malaman nito?
Paano kung kunin nito ang anak niya?
Paano kung sabihing wala itong pakialam?
Alin man sa dalawang iyon ay ayaw niyang mangyari.
“Kainis!” Singhal na lang ni Emely at saka inuntog ang noo sa lamesa niya dahil hindi naman na niya alam kung ano ba ang iisipin niya o gagawin.
Isang beses.
Dalawang beses.
Tatlong beses.
Hanggang sa napalingon ang ilan niyang katrabaho sa kanya.
Pero wala na siyang pakialam.
Dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon...
pakiramdam niya ay unti-unting bumabalik ang magulong nakaraan na pilit niyang tinakasan.
“Huh?” gulat na gulat na tanong ni Linda. Halos mapatayo pa siya sa gulat habang nakatingin sa secretary ni Alexander. Tumitig lang si Emely sa laptop niya at hindi na tiningnan ang secretary ni Alexander na nasa harapan nilang lahat. “Ah, yes. Huwag na raw i-revise. Pipirmahan na ni Sir ang proposal and report ng team niyo. Binasa niya ulit, and I think nagustuhan na niya,” sambit nito. Pero kahit nakangiti ang secretary, ramdam ni Emely ang tingin nito sa kanya. Parang may alam. At iyon ang lalong nagpailang sa kanya. Hindi sinabi ni Emely sa mga kasamahan niya ang sinabi ni Alexander. Ayaw niyang sabihin dahil baka kung ano-ano ang isipin ng mga ito. She didn't want to explain. She didn't even know how to explain what happened herself. Lung magtatanong sila kung ano ba ang nangyare sa pagpunta niya roon ay talagang hindi niya alam kung ano man ang sasabihin niya. And she definitely couldn't tell them the truth. Not after what happened. Kinagat ni Emely ang labi niya at
Alam niyang malabo iyon.Sobrang labo.Pero hindi niya mapigilang asarin ito bigla.“Of cour—” Galit na bulyaw ni Alexander.Pero muli na naman itong natigilan nang hawakan ni Emely ang kurbata nito.Napatingin si Alexander sa kamay niya.Then he cursed under his breath.“Kapag ba sinabi kong nanlalalaki ako, magvo-volunteer ka?” Napatawa nang kaunti si Emely.Pero hindi niya napansin kung paano bumaba ang tingin ni Alexander sa labi niya.Hindi niya rin napansin ang pagbabago sa ekspresyon nito.Napapikit na siya habang natatawa, pero halos manlaki ang mata niya nang bigla niyang maramdaman ang kamay ni Alexander sa bewang niya.“Ano bang—”“Kiss me and I'll give you this whole day to fix that fvcking report of yours.”Biglang natigil ang oras sa narinig ni Emely. Pakiramdam niya ay nabingi siya at mali lang ang pagkakadinig niya.Hanggang sa maramdaman niya ang haplos ni Alexander sa likod niya at makita ang ngisi sa labi nito.Nalaglag ang panga ni Emely.For a second, she couldn't
Mabilis ang kabog ng dibdib ni Emely.But then, she needed to do this.She really need to do this Ayaw niya rin namang mawalan ng trabaho. At alam niya rin kung gaano na kailangan ng mga kasama niya ang mga trabahong meron sila ngayon.Hindi lang naman siya ang maaapektuhan kapag tuluyan silang sinisante ni Alexander.Malaking kompanya ang pinagtatrabahuan nila at malaking tulong yun, kaya kung sakaling ma tanggal sila. Malaking kawalan yun. Kaya kahit kinakabahan siya, kailangan niyang lakasan ang loob niya.Kahit na may parte sa kanya na huwag gawin, kailangan niya pa ring gawin.Kumatok siya ulit nang tatlong beses nang wala siyang narinig na kung ano sa loob at hindi bumukas ang pinto.She waited.Wala siyang narinig.Kaya muli siyang kumatok.This time, mas malakas na.Alam niyang may ilang napapalingon sa kanya mula sa labas ng opisina, pero wala na siyang pakialam. Wala na rin siyang oras para mahiya o mag-isip kung ano ang iisipin ng ibang tao.Nang wala na naman siyang mari
Chapter 6Napaupo si Linda sa upuan niya na tila nawalan ng lakas.Nanlalabo na ang mga mata nito habang nakatitig sa laptop na ilang gabi nilang pinaghirapan.“Ano bang problema?” halos maiyak niyang sambit. “Maganda naman 'to, ah. Ilang beses natin 'tong chineck. We even reviewed every single detail before calling it a day last night.” Bulong niya dahil hindi talaga niya maunawaan kung bakit hindi pumasa.“Marami akong bayarin...” mahinang sambit ni Steph habang napapayuko. “Hindi puwedeng mawalan ako ng trabaho. Yung gamot ni Lola... paano na lang?”Nakagat ni Emely ang labi nang marinig yun.Habang si Carl naman ay tahimik lang.Nakaupo ito habang paulit-ulit na iniikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri niya. Ilang segundo siyang hindi nagsalita bago tuluyang tumayo.“I think...” napabuntong-hininga siya. “Let's just pack our things.”Napatingin ang lahat sa kanya.“Excuse me?” hindi makapaniwalang tanong ni Steph.“Come on.” Napailing si Carl. “Impossible 'yung pinapagawa niya
Chapter 5“Anong nangyayari?” Nagtatakang tanong ni Emely nang makita ang mga kasamahan niyang nagkakandarapa sa kani-kanilang ginagawa.Ni hindi nga niya maibaba ang bag na dala dahil sa nadatnan niya.Natapos na nila ang report kagabi dahil talagang nag-overtime silang lahat. Masaya pa nga silang naghiwa-hiwalay dahil finally, sa wakas ay tapos na rin ang ilang araw nilang pinaghirapan. They were even celebrating before going home, convinced that everything had gone well.Pero ngayong umaga...It was pure chaos. Na para bang may panibagong dagok nanaman sa team nila.May nagkakalat ng mga documents sa mesa, may nagmamadaling magbukas ng files sa laptop, at may halos hindi na mapakali sa kakalakad pabalik-balik. The entire department was already in panic mode.“Anong nangyari?” ulit niyang tanong habang inilalapag ang bag niya.“Pinakuha ni Sir Monteverde ang report na tinapos natin.” Halos hindi na tumitingin sa kanya si Daryll habang nagmamadaling inaayos ang mga papeles. “And? M
Chapter 4“How’s the project proposal going?”Muntik nang matapon ni Emely ang hawak na tasa na may mainit na tubig nang bigla na lang magsalita si Alexander pagkatapos ng mahabang katahimikan. Akala niya ay tatahimik na ito hanggang sa matapos siyang magtimpla at hindi na papansinin, pero mali siya.Halos mapaso pa siya sa gulat.Mabilis niyang hinigpitan ang hawak sa tasa habang pilit na pinapakalma ang sarili.Pakiramdam niya ay tumigil saglit ang puso niya nang marinig ang boses nito.Napasulyap siya rito kahit na sinubukan naman niya ang sariling huwag gawin.Pero paano ba niya magagawang hindi tumingin?Nakasandal na ito ngayon sa pader sa gilid habang nasa kamay nito ang tasa ng kape na tinitimpla nito kanina nang madatnan niya ito.Relax lang ang postura nito.Parang wala itong pakialam sa paligid.He still looked so attractive kahit na nakasandal lang naman siya doon.Ang natural nitong kagwapuhan ay talaga namang sobrang nakakaakit pa rin at parang mas lalong lumakas ang dat







