Mag-log inAiah
—
“Saan ka galing?” tanong ni Hillary nang maupo ako sa tabi niya rito sa cafeteria.
Mabilis kong inayos ang buhok ko dahil pakiramdam ko, sa pagmamadali namin kanina, hindi ko na iyon naayos nang maigi.
She looked at me weirdly, pero mabuti na lang at ibinalik din niya ang atensyon sa kinakain.
“CR break lang,” tipid kong sagot, umaasa na sana hindi na siya mang-usisa pa.
Ngunit nag-angat siya muli ng tingin sa akin. Ang kanyang mga mala-pusang mata ay puno ng kuryosidad.
“Ha? Eh hinahanap ka nina Cherry sa CR kanina. Wala ka raw,” aniya habang nginunguya ang bacon sa rice meal niya.
Kinagat ko ang labi ko at mabilis na nag-isip. Sa isang taon na ginagawa namin ‘to ni Shiloah, ngayon pa ba ako mahuhuli?
Ang gagong ‘yon kasi! Sinabi ko na ‘wag kami rito sa school, pero talagang hindi siya makapagpigil kanina!
“Uh… sa Nursing kasi ako.”
Kumunot ang noo ng aking kaibigan. “Huh? Ginagawa mo ro’n?”
“May dinaanan lang. Pinsan ko.” I mentally noted to myself na daanan si Garret mamaya, para kung may magtanong man, mapapatunayan niyang gano’n nga ang ginawa ko.
Tumango-tango si Hillary, tila ba naintindihan agad iyon. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan na niyang binitawan ang usapan tungkol doon.
Binalingan ko ang buong paligid.
The cafeteria was packed with students, lalo na’t lunch break na. Kung hindi lang ako nagtagal sa room ni Shiloah, sana kanina pa ako nakakain. There were only thirty minutes left before our next class.
“Asan sila?” tanong ko bago uminom sa tumbler ko. Siya lang kasi ang narito, pero nakakalat naman ang mga gamit nila sa mesa.
“Pinuntahan si Engr. Jace.”
Agad akong nasamid. Ramdam ko ang kaunting tubig na pumasok sa ilong ko kaya hindi ako makahinga nang maayos. Pakiramdam ko pa ay dumiretso iyon sa baga ko.
I coughed painfully.
“Okay ka lang?” tarantang baling ng kaibigan ko sa akin. Inabutan niya agad ako ng tissue para ipamunas sa aking bibig. Kinuha ko iyon.
“O-oo,” nauubo ko pa ring sagot. “T-thanks.”
“Gaga ka. Hinay-hinay naman kasi sa pag-inom. Para ka namang uhaw na uhaw niyan.”
Hindi ko pinansin ang pagsaway niya. Sa halip, nanlalaking mata ko siyang tinitigan.
“A-anong g-ginagawa nila ro’n? Bakit pinuntahan?”
“Sino?” litong tanong niya, mukhang hindi pa agad naintindihan ang tinutukoy ko. “Ahh, si Engineer? Magpapasa kasi sila ng plates. Gusto kasing subukan ni Dashen na maihabol iyong gawa nila. Alam mo naman busy sila ngayon sa inter-school competition, kaya ngayon lang nakapag-ayos ng requirements.”
Shit. Buti na lang sa kabilang room ako dumaan!
May daanan kasi mula sa room ni Shiloah papunta sa kabila. Naka-pad lock nga lang iyon sa normal na pagkakataon. And because I was terrified of being found in his room, still smelling like sex, pinilit ko siyang buksan ‘yon para roon na ako dumaan.
He had no choice but to go through with it, dahil panay ang katok sa labas kanina ng naghahanap sa kanya.
I just couldn’t believe that those were my friends!
Kung sa mismong pintuan niya ako dumaan, they would’ve discovered my illicit ties with our professor. Isang tingin lang nila sa akin, malalaman agad nila ang sikretong nililihim ko sa loob ng isang taon.
“Bili lang ako ng pagkain,” paalam ko kay Hillary para maibsan ang kabang sumibol sa aking dibdib sa pag-iisip na muntikan na naman kaming mahuli.
I didn’t wait for her approval. Agad na akong umalis doon.
Hindi alam sa school ang relasyon namin ni Shiloah sa bahay. At mas lalong hindi nila alam ang tungkol sa pisikal na relasyon naming dalawa.
It was already bad enough that he was my stepbrother—na kinailangan naming ilihim ‘yon dahil naging professor ko siya sa university na ‘to.
Pero mas lalo namang masama kung malaman nila na ang parehong kinakapatid at propesor ko ang siyang mismong lihim na kinakalantari ko sa nagdaang taon.
“Ouch!”
Because of thinking too much about it, hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako habang naglalakad papunta sa may counter.
“Oh my god, I’m sorry,” agap ko sa babaeng nabangga ko. “Sorry talaga—”
Imbes na magalit, nakangiti itong umiling kahit na ang tray ng pagkain ay bumuhos sa kanyang dibdib.
“No, it’s okay. I was walking absentmindedly. Hindi ko nakita na may kasalubong pala ako.”
Umiling din ako. “Sorry, kasalanan ko. Hindi ko rin namalayan.”
Napatingin ako sa puti niyang damit na nabahiran ng sarsa ng hinuha ko’y menudo, na siguro’y ulam niya sana. She was wearing a white dress underneath a black blazer. Hindi katulad ko na naka-uniporme.
Is she a student? Masiyadong pormal ang suot nito kumpara sa ibang estudyante na narito.
Her hair was tied in a neat bun. May ilang takas lang na buhok sa magkabilang gilid ng kanyang mukha. She was also sporting silver eyeglasses that made her look more refined.
“It’s okay, really. You can proceed with buying your food,” aniya habang abala sa pagpupunas ng sarsa gamit ang kapirasong tissue na para sana’y sa utensil na gagamitin sa pagkain.
Pero hindi ko siya maiwanan doon kahit na sinabi niyang ayos lang. Lalo na’t nagkalat ang parehong kanin at tirang ulam sa lapag, at may mga ilang estudyanteng nakatingin sa amin dahil sa naging komosyon.
“I’ll just buy you another food—” subok kong alok para sana makabawi dahil talagang nakokonsensya ako sa nangyari, nang biglang may lumapit sa amin.
Nakayuko pa ako dahil tinitingnan ko ang mga kalat sa sahig. I should call a janitor to clean up this mess.
“What happened?”
Kumunot ang noo ko dahil sa pamilyar na tikas ng boses. At nang mag-angat ng tingin, nakita kong si Shiloah iyon.
I thought he was asking me kaya sasagot na sana ako nang marahang humalakhak ang babae. Lumipat ang tingin ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang daluhan ni Shiloah ang babae.
“I’m fine, Jace. Hindi kasi ako tumitingin,” marahang sambit nito.
Huh? They know each other? Is she a professor too? Pero hindi siya pamilyar sa akin kaya hindi ko rin sigurado.
Shiloah lifted his head, at pakiramdam ko doon niya lang din nakita na ako pala iyong nakabangga. His eyes widened a bit, pero sandali lang iyon dahil pagkaraan ay tumikhim siya.
His lips were now pressed into a thin line.
“You should be more careful next time, Ms. Guerrero,” baling niya sa akin. His voice was now formal and strict, unlike all the whispers he had told me earlier while I was under him.
Nalaglag ang panga ko nang iniwas niya ang tingin sa akin at pinagtuunan ng atensyon ang babae.
To say I was shocked would be an understatement.
Nakatayo lang ako roon at hindi alam ang susunod na gagawin, tila natuod habang pinapanood siyang tulungan ang babae sa damit nito. Kinuha niya ang kanyang panyo mula sa kanyang itim na slacks at iyon ang ginamit para ipangpunas sa pulang sarsa.
The stain was close to the woman’s chest. Ngunit hindi inalinta ni Shiloah iyon at patuloy lang sa paglinis.
“It’s my fault, Jace. Not hers.” The woman smiled apologetically at me. “I’m really sorry for being careless, Miss.”
Aiah—Mabilis ang bawat kilos ko para makarating agad sa kwarto.Halos dalawang baitang na ang nilalaktawan ko sa hagdan habang pinipigilan ang mga luha sa pagbuhos muli. I feel like if I stop even just for a second, I will break down like a goddamn mess again.I need to be alone. I need to breathe.Ngunit nang akala ko’y makakahinga na ako nang maluwag nang mabuksan ang pintuan, saka ko naman naramdaman na may humawak sa magkabilang gilid ng aking baywang at tinulak ako lalo papasok sa loob.The door slammed behind me.Nanlalaking mata kong nilingon si Shiloah na kasalukuyan ring nasa likuran ko.“What the hell are you—”Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil agresibo niya na akong sinandal sa pader malapit sa may pinto. His hands on my waist trembled a bit. His eyes were bloodshot as he shot daggers at me with it.Before I could even process what was happening, his lips suddenly crashed against mine.Napasinghap ako sa gulat.My hands flew to his chest, instinctively pushing again
Aiah—With the shock of the announcement slowly wearing off, doon ko lang napagtanto kung gaano karaming tanong ang gumugulo sa isip ko.Kailan nagsimula ‘to? Was this an arranged marriage?Base sa sinabi ni Tita Gazelle sa matandang ginang kanina, na isa pala sa mga magulang ni Engr. Santos, hindi na sila nahirapan pang kumbinsihin ang dalawa dahil bukas naman daw ang isip nila pareho sa sitwasyon na ‘to.At kung arranged marriage nga… bakit kailangan?Was it for our business? Bakit hindi ko alam? Kailan ang kasal? Paano napapayag si Shiloah na gawin ‘to? Was he forced to do it? Or did he willingly oblige?Bakit hindi niya sinabi sa akin?My mind kept spinning as one question after another piled up before I could even process the first ones.And I have a lot more. I want them all answered!Ngunit wala rito sa hapag ang pwedeng makasagot sa lahat ng tanong ko. He was far from me, standing under the spotlight, with another woman on his side.Hindi ko na masundan ang mga nangyayari. It
Aiah—Sinabi ko na sa sarili ko noon. Balang araw, kung anuman ang mayroon sa pagitan namin ni Shiloah, pwedeng magbago iyon.That either of us would eventually get tired of this setup. Na darating ang mga oras na magsasawa na rin kami sa pagtatago, sa pag-iwas sa mga matang maaaring makahalata, at sa pag-arte na para bang wala lang sa tuwing nagkakalapit kami sa harap ng ibang tao.I knew that from the start, lalo na’t wala naman kaming pinanghahawakan na pangako sa isa’t isa. Walang malinaw na plano kung hanggang kailan kami ganito.It was always temporary. Something that we both silently understood.That was why I made sure that I was ready enough when that time came.Pero hindi ko inakalang ganito.“A licensed civil engineer and now a professor, he was once known as one of the most sought-after engineers among top contractors in the industry. Please welcome the groom-to-be… Engr. Shiloah Jace Buenavista!”Nagpalakpakan ang lahat sa masiglang pagpapakilala ng host. The sound echoe
Aiah—“One of the most dangerous things that could happen in any professional environment is a blurred boundary.”Tahimik ang buong silid habang nagsusulat si Ma’am Navarro sa whiteboard.Professional Ethics. Iyon ang isinulat niya.Isa sa mga general subject namin ‘to ngayon, kaya ang iba ay halos wala ang interes sa harapan. Saka lang kasi natataranta ang mga kaklase ko kapag major subjects na ang pinag-usapan. Iyon kasi ang tutukoy kung pwede ka pa bang manatili sa engineering o kakailanganin mo nang mag-shift next semester.At dahil nga hindi naman ito major, ang iba ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Maaring may kwenta pero para sa ibang subject, o maari rin namang wala at talagang nagpipigil lang ng kanilang antok.Nakatukod ang baba ko sa aking kaliwang palad habang pilit na nakikinig, habang ang kanang kamay ay nakahawak sa ballpen para handa sa pagsusulat ng mga kakailanganing notes.“Especially,” dagdag ng guro habang nililingon kami, “when personal relationships begin
Aiah—“Sino ‘yong kausap mo kanina?” bungad ni Guinne sa akin nang makabalik sa table naming magkakaibigan.Hillary, Cherry, Agatha, Julius and Dashen were all already there. Mukhang nagpapahupa ng pagod galing sa matinding pagsasayaw. Kanina pa kasi sila roon sa dance floor at mukhang ngayon lang nakahanap ng pagkakataon na makabalik sa lamesa namin.Lahat sila ay napabaling dahil sa naging tanong sa akin.“Was that Engr. Jace?” si Guinne ulit.If I lie now, would I get caught?Tinitigan ko siya nang matagal, tinatantiya kung talagang nakita niya kami ni Shiloah. Madilim ang pwesto namin kanina, kaya nakakapagtaka na nakita niya pa kami ro’n.And since we were so focused on each other, hindi ko na rin napansin na may malapit akong kaibigan sa bandang ‘yon. I should really be careful.My heart was still beating fast from my anger earlier, pero para bang hindi ako pwedeng makahinga nang maluwag dahil pagbalik ko rito ay ito naman ang sumalubong sa akin.“Engr. Jace is here?” si Cherry
Aiah—Gusto kong sumugod. Intoxicated by alcohol mixed with my heated anger, it was the perfect combination to do exactly that.But then, I also surprised myself when I just froze there, not knowing what to do.They were talking seriously now. Hindi ko tuluyang maiwasang mapatingin sa banda nila. My eyes stayed glued to them.It was as if I was waiting for them to do it again, just so I could clearly see it this time. Na para bang hindi pa sapat ang isa para maniwala akong nangyari nga. Talagang hinihintay ko pang magkaroon ng pangalawa.Biglang tumayo si Engr. Santos mula sa kanyang kinauupuan, dahilan para tumayo na rin si Shiloah. But the woman signaled to him that it was okay, kaya muli siyang umupo roon at tahimik na pinanood ang pag-alis ng babae.I stared at him when he was left alone there.Is this it? The end of our agreement?Pero sana sinabi niya! Nilinaw niya man lang sana sa akin! Hindi ‘yong gagawin niya akong mukhang tanga habang nagpapakasasa na pala siya sa iba!And







