Share

007

Auteur: kmn
last update Date de publication: 2026-03-05 23:43:37

Aiah

“One of the most dangerous things that could happen in any professional environment is a blurred boundary.”

Tahimik ang buong silid habang nagsusulat si Ma’am Navarro sa whiteboard.

Professional Ethics. Iyon ang isinulat niya.

Isa sa mga general subject namin ‘to ngayon, kaya ang iba ay halos wala ang interes sa harapan. Saka lang kasi natataranta ang mga kaklase ko kapag major subjects na ang pinag-usapan. Iyon kasi ang tutukoy kung pwede ka pa bang manatili sa engineering o kakailanganin mo nang mag-shift next semester.

At dahil nga hindi naman ito major, ang iba ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Maaring may kwenta pero para sa ibang subject, o maari rin namang wala at talagang nagpipigil lang ng kanilang antok.

Nakatukod ang baba ko sa aking kaliwang palad habang pilit na nakikinig, habang ang kanang kamay ay nakahawak sa ballpen para handa sa pagsusulat ng mga kakailanganing notes.

“Especially,” dagdag ng guro habang nililingon kami, “when personal relationships begin to interfere with a professional judgment.”

Nanigas ako sa aking kinauupan nang matanto kung saan patungo ang lesson na ‘to.

Don’t tell me…

“Relationships between people who have a clear power imbalance… a classic example is a relationship between a teacher and a student… should be avoided. Hindi lang dahil bawal ito sa karamihan ng institutions, kundi dahil madalas ay nagiging abuso ito sa kapangyarihan.”

My fingers tightened around my pen. Bigla kong nakalimutan kung paano huminga nang ayos.

Of all the things she could discuss today, talagang ito pa ang nataon.

Kinabahan ako nang nakita kong nagtaas ng kamay si Dashen.

“Yes, Mr. Rivera?”

“What if it was consensual, ma’am?” tanong ng kaibigan ko. “Mali pa rin po ba ‘yon? Let’s say both of them are already of legal age. Parehong nasa tamang pag-iisip na.”

“Even if both parties claim it is consensual,” Ma’am Navarro answered calmly, “the society will still question the fairness of the situation because one person holds authority over the other. In our example, the teacher is responsible for the grades, evaluations, and even opportunities for the student.”

Sandaling tumigil ang matanda at iginala ang mga mata sa klase.

Hindi ko alam kung dahil ba guilty ako o ano, pero pakiramdam ko ay nagtagal ang titig nito sa akin.

Gusto kong iiwas ang tingin, ngunit gusto ko ring patunayan sa sarili ko na hindi ako apektado sa ganitong usapin.

Pinasok ko ang relasyon namin ni Shiloah na alam ko kung anong mga maaaring mangyari kapag nalaman iyon ng iba. But until then, I would keep it a secret and hope to lie my way through it until it finally reached its end.

Mrs. Navarro shifted her glance to another student. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang iniisa-isa niya lang pala ng tingin ang mga nakikinig sa kanya.

Inayos niya ang suot na salamin.

“That alone creates an imbalance. Which is why these relationships are discouraged. Kahit na sabihin pang mabuti ang intensyon nila sa isa’t isa o talagang totoong nagmamahalan sila.”

Napalunok ako.

It has been a week since Shiloah and I last talked. At tuwing may klase kami sa kanya, sinusubukan kong huwag mapatingin sa kanyang mga mata.

He would try to get my attention in between the lecture, but I remained cold. Hindi rin ako nagpapahuli sa paglabas ng classroom at agad na sumasabay sa mga kaibigan ko.

And it wasn’t solely because I was mad at him, but also because I could see Guinne’s curious eyes every time he called for me.

Speaking of Guinne, isang linggo na rin ang lumipas nang magsimulang hindi sila magpansinan ni Hillary dahil sa naging sagutan nila—na dahil din sa akin.

At ngayon… ito pa ang lesson namin.

Para akong pinaglalaruan ng kapalaran. Lihim na kinukutya, tila ba pinapaalala sa akin ang lahat ng mga kasinungalingan at kasalanan ko.

I checked my phone in the middle of the lecture dahil hindi ko matagalan ang pakikinig gayong hindi na ako kumportable sa tinatalakay sa harap.

There were new missed calls and messages from Shiloah. Gusto kong mapairap.

If he wanted a new girl to play with, bakit pa siya nanggugulo sa akin?

I smirked when a thought crossed my mind.

Ano? Hindi siya kayang paligayahin ng bago niya, kaya heto at nagkukumahog pa rin na maghabol sa akin? That’s what he gets!

But that thought only made me feel good for a moment. Dahil may parte sa akin na hindi matanggap na kailangan niya pang maghanap ng iba para lang malaman ang halaga ko.

Iritado kong pintay at ibinalik ang cellphone sa loob ng bulsa, at sinubukang makinig na lang ulit kahit na tamang-tama ako sa bawat linya na nagmumula sa aming guro.

Ngunit nang mag-angat ako nang tingin, napansin ko ulit ang kuryosong tingin ni Guinne sa gilid ko.

At bago pa maunahan ng kaba, pinandilatan ko siya.

“Makinig ka nga,” I mouthed.

He smiled. “Ikaw nga hindi nakikinig,” aniya pabalik.

Inirapan ko na lang siya at itinuon ang pansin sa harapan.

Dahan-dahan akong nagbuga ng hangin, pilit pa ring tinatago ang kaba sa akin dahil baka nakatingin pa ito.

Buti na nga lang din at hindi ko kailangang harapin si Shiloah sa araw na ‘to dahil sa makalawa pa ang susunod na lesson namin sa kanya.

I couldn’t pretend that Guinne’s curiosity about the situation doesn’t get to me, kaya mas maigi na ring hindi muna kami magkita.

Gabi na nang makauwi ako. Nagkayayaan pa kasi sa isang coffee shop para maayos ang gulo sa pagitan ni Hillary at Guinne—na noong una ay parehong matigas, ngunit kalaunan ay nagpaubaya na rin sa isa’t isa.

Kunot-noo akong naglakad papasok nang mapansin ang dami ng sasakyan na nakaparada sa harapan ng mansyon. Nakita ko rin na ang isa roon ay ang puting Hillux ni Shiloah.

He’s here? Umuwi siya?

Bago ko pa man masagot ang sariling tanong, agad na akong sinalubong ni Manang Jacinta, ang matandang mayordoma rito.

“Buti naman ay nakarating ka sa oras, hija!” hinihingal na sambit nito habang kinukuha ang bag ko mula sa akin. “Stress na stress na ang Daddy mo kanina dahil hindi ka raw matawagan sa telepono mo. Akala pa niya ay nakalimutan mo ang okasyon ngayon kaya wala ka pa.”

“Po?” lito kong tanong.

Ini-off ko nga ang cellphone ko para mapigilan ang sarili sa pagsagot sa lalaking iniiwasan ko. Hindi ko naman alam at inaasahan na tatawagan din pala ako ni Daddy ngayon.

“Ano po bang mayroon?”

It seemed like my confusion was contagious, dahil nalito rin ang matanda sa akin.

“Ha? Hindi mo alam?”

Umiling ako.

She was about to open her mouth to answer me when I heard my father’s voice nearing us.

“Manang! Si Aiah na ba ‘yan?”

“Ay, oho, sir! Kararating lang,” sigaw ng matanda. “O siya, pumunta ka na sa kwarto mo at mag-ayos. Dahil pareho tayong malilintikan kapag hindi ka agad nakababa sa takdang oras.”

My brows furrowed. “Teka, Manang. Ano po bang mayro’n?”

“Aiah!” boses ni Daddy iyon na tuluyan nang nakalapit sa amin. “Thank god, you’re here!”

Tiningnan nito ang kabuuan ko.

“Wait… why are you still in your uniform? You’re still from school?”

Tumango ako sabay lapit para halikan siya sa pisngi. “I’m with my friends, Dad. Sina Hillary and Guinne.”

“Oh.” Tumango siya. “You should’ve invited them then. Bakit hindi mo pinapunta rito? They should celebrate with us.”

“Huh? Bakit, Dad?” Hindi ko talaga maalala kung anong mayroon ngayon. “Your birthday’s still far away.”

Napaisip pa ako kung birthday ba ni Tita Gazelle ngayon, ang ina ni Shiloah na tumayo na ring ina ko sa loob ng dalawang taon.

Kaya ba siya narito?

Pero natatandaan kong malapit sa pasko ang kaarawan nito, kaya imposibleng iyon ang okasyon na tinutukoy ni Daddy at Manang Jacinta.

And Shiloah’s birthday is still a month from now.

“What do you mean? Didn’t I tell you that it’s your brother’s engagement today? So hurry up and get dressed. The program is about to start. We don’t want to keep the family of his fiancée waiting.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   010

    Aiah—Mabilis ang bawat kilos ko para makarating agad sa kwarto.Halos dalawang baitang na ang nilalaktawan ko sa hagdan habang pinipigilan ang mga luha sa pagbuhos muli. I feel like if I stop even just for a second, I will break down like a goddamn mess again.I need to be alone. I need to breathe.Ngunit nang akala ko’y makakahinga na ako nang maluwag nang mabuksan ang pintuan, saka ko naman naramdaman na may humawak sa magkabilang gilid ng aking baywang at tinulak ako lalo papasok sa loob.The door slammed behind me.Nanlalaking mata kong nilingon si Shiloah na kasalukuyan ring nasa likuran ko.“What the hell are you—”Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil agresibo niya na akong sinandal sa pader malapit sa may pinto. His hands on my waist trembled a bit. His eyes were bloodshot as he shot daggers at me with it.Before I could even process what was happening, his lips suddenly crashed against mine.Napasinghap ako sa gulat.My hands flew to his chest, instinctively pushing again

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   009

    Aiah—With the shock of the announcement slowly wearing off, doon ko lang napagtanto kung gaano karaming tanong ang gumugulo sa isip ko.Kailan nagsimula ‘to? Was this an arranged marriage?Base sa sinabi ni Tita Gazelle sa matandang ginang kanina, na isa pala sa mga magulang ni Engr. Santos, hindi na sila nahirapan pang kumbinsihin ang dalawa dahil bukas naman daw ang isip nila pareho sa sitwasyon na ‘to.At kung arranged marriage nga… bakit kailangan?Was it for our business? Bakit hindi ko alam? Kailan ang kasal? Paano napapayag si Shiloah na gawin ‘to? Was he forced to do it? Or did he willingly oblige?Bakit hindi niya sinabi sa akin?My mind kept spinning as one question after another piled up before I could even process the first ones.And I have a lot more. I want them all answered!Ngunit wala rito sa hapag ang pwedeng makasagot sa lahat ng tanong ko. He was far from me, standing under the spotlight, with another woman on his side.Hindi ko na masundan ang mga nangyayari. It

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   008

    Aiah—Sinabi ko na sa sarili ko noon. Balang araw, kung anuman ang mayroon sa pagitan namin ni Shiloah, pwedeng magbago iyon.That either of us would eventually get tired of this setup. Na darating ang mga oras na magsasawa na rin kami sa pagtatago, sa pag-iwas sa mga matang maaaring makahalata, at sa pag-arte na para bang wala lang sa tuwing nagkakalapit kami sa harap ng ibang tao.I knew that from the start, lalo na’t wala naman kaming pinanghahawakan na pangako sa isa’t isa. Walang malinaw na plano kung hanggang kailan kami ganito.It was always temporary. Something that we both silently understood.That was why I made sure that I was ready enough when that time came.Pero hindi ko inakalang ganito.“A licensed civil engineer and now a professor, he was once known as one of the most sought-after engineers among top contractors in the industry. Please welcome the groom-to-be… Engr. Shiloah Jace Buenavista!”Nagpalakpakan ang lahat sa masiglang pagpapakilala ng host. The sound echoe

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   007

    Aiah—“One of the most dangerous things that could happen in any professional environment is a blurred boundary.”Tahimik ang buong silid habang nagsusulat si Ma’am Navarro sa whiteboard.Professional Ethics. Iyon ang isinulat niya.Isa sa mga general subject namin ‘to ngayon, kaya ang iba ay halos wala ang interes sa harapan. Saka lang kasi natataranta ang mga kaklase ko kapag major subjects na ang pinag-usapan. Iyon kasi ang tutukoy kung pwede ka pa bang manatili sa engineering o kakailanganin mo nang mag-shift next semester.At dahil nga hindi naman ito major, ang iba ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Maaring may kwenta pero para sa ibang subject, o maari rin namang wala at talagang nagpipigil lang ng kanilang antok.Nakatukod ang baba ko sa aking kaliwang palad habang pilit na nakikinig, habang ang kanang kamay ay nakahawak sa ballpen para handa sa pagsusulat ng mga kakailanganing notes.“Especially,” dagdag ng guro habang nililingon kami, “when personal relationships begin

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   006

    Aiah—“Sino ‘yong kausap mo kanina?” bungad ni Guinne sa akin nang makabalik sa table naming magkakaibigan.Hillary, Cherry, Agatha, Julius and Dashen were all already there. Mukhang nagpapahupa ng pagod galing sa matinding pagsasayaw. Kanina pa kasi sila roon sa dance floor at mukhang ngayon lang nakahanap ng pagkakataon na makabalik sa lamesa namin.Lahat sila ay napabaling dahil sa naging tanong sa akin.“Was that Engr. Jace?” si Guinne ulit.If I lie now, would I get caught?Tinitigan ko siya nang matagal, tinatantiya kung talagang nakita niya kami ni Shiloah. Madilim ang pwesto namin kanina, kaya nakakapagtaka na nakita niya pa kami ro’n.And since we were so focused on each other, hindi ko na rin napansin na may malapit akong kaibigan sa bandang ‘yon. I should really be careful.My heart was still beating fast from my anger earlier, pero para bang hindi ako pwedeng makahinga nang maluwag dahil pagbalik ko rito ay ito naman ang sumalubong sa akin.“Engr. Jace is here?” si Cherry

  • My Stepbrother is My Professor and Secret Lover   005

    Aiah—Gusto kong sumugod. Intoxicated by alcohol mixed with my heated anger, it was the perfect combination to do exactly that.But then, I also surprised myself when I just froze there, not knowing what to do.They were talking seriously now. Hindi ko tuluyang maiwasang mapatingin sa banda nila. My eyes stayed glued to them.It was as if I was waiting for them to do it again, just so I could clearly see it this time. Na para bang hindi pa sapat ang isa para maniwala akong nangyari nga. Talagang hinihintay ko pang magkaroon ng pangalawa.Biglang tumayo si Engr. Santos mula sa kanyang kinauupuan, dahilan para tumayo na rin si Shiloah. But the woman signaled to him that it was okay, kaya muli siyang umupo roon at tahimik na pinanood ang pag-alis ng babae.I stared at him when he was left alone there.Is this it? The end of our agreement?Pero sana sinabi niya! Nilinaw niya man lang sana sa akin! Hindi ‘yong gagawin niya akong mukhang tanga habang nagpapakasasa na pala siya sa iba!And

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status