“What the hell, Van? Come on. Where's your balls? Zy is here, yet you just sit there?” Kian said, one of Van's cousins. Walang nagawa si Van kundi pumunta sa party sa Tagaytay. It's Vero's birthday. Vero is also one of Van's cousins. “Oh, shut up. Just mind your own business,” mariing ani ni Van sa pinsan. “And, what the hell? Kailan ka pa naging mahina sa pag-inom?” sambit pa nito na sinamaan na lang ni Van ng tingin. Van didn't expect that his fiancée, Zy, would come here to the Philippines today. Tumawag siya kaninang umaga at nagpapasundo sa airport. Gustong ipasundo na lang ni Van si Zy sa mga driver, pero alam nito na makakarating sa mama niya kung gagawin niya iyon kaya wala itong nagawa kundi iwan si Belinda para sunduin si Zy. Van can't help but think of Belinda. Pumasok pa rin si Belinda sa trabaho at hindi maiwasang ipagdasal ni Van na walang pagpapahirap na gawin ang ina niya rito. “Do we have a problem?” Napasulyap si Van sa tabi niya nang magsalita si Zy. Van
Hindi maiwasang magtaka ni Belinda sa kinikilos ni Van. Wala man sinasabi, pero biglang naramdaman ni Belinda na may mali kay Van.Pagod at inaantok man siya, pero napansin niya agad iyon. Nakagat niya tuloy ang labi at saka huminga ng malalim.“Gusto ko sana, pero marami pa kasi akong gagawin at kailangang tapusin. Hindi pa ako pwedeng umuwi,” Belinda gently said to Van.Tinanggal niya ang yakap at medyo lumayo para tignan si Van. Napatitig siya kay Van. Gulo ang buhok nito at talagang kapansin-pansin na may kung ano sa kanya.“Are you okay? May nangyari ba?” Nag-alalang tanong ni Belinda nang hindi na niya mapigilan ang sarili at hinawakan ang pisngi ni Van para matignan ito ng maayos.Mapungay na tinignan ni Van si Belinda. Naninikip pa rin ang dibdib ni Van sa guilty na nararamdaman niya.“I'm fine,” tanging nasambit ni Van kay Belinda habang nakatitig ito mismo sa mukha ni Belinda. They both looked at each other's faces.“Come on. What is it? Sa trabaho ba? May problema sa trabaho
“Where are you? Kanina pa kita hinahanap rito. Bakit umalis ka agad? Ni hindi mo ako sinabihan na aalis ka pala.” Van tiredly looks at Belinda who is peacefully sleeping inside his car.“May ginagawa lang ako. Wala na ako sa Tagaytay. Let's just see each other the next day. May mga gagawin pa kasi ako at hindi pwedeng—”“But, Van, you need to come back here. Hindi ba nasabi ni Tita Cecilla na pupunta sila rito? Pupunta rin ang parents ko rito for breakfast, baka nga nandito na sila, eh.”Napahilot sa noo si Van.“Iha, good morning!” Until he heard his mom on the other line.“Your Mama is here na. Please, come back here right now. Tita Cecelia, good morning po.” After that, the call ended.Van looks at Belinda again before closing his eyes dahil alam niyang kailangan niyang iwan ulit si Belinda at pumunta sa Tagaytay. The last thing he doesn't want to happen is his mother getting angry again and getting hysterical.At hindi rin gusto ni Van na malaman ng ina niya ang pagiging malambot
“Van, pinapatawag ka ni lolo. He is waiting for you in his room." Nang marinig ni Van iyon ay napaayos siya sa pagkakaupo.He was planning to talk to his lolo and he thought that it was the best time to do so. Pagpasok na pagpasok ni Van sa kwarto ng lolo niya ay tinapunan siya agad ng masamang tingin ng lolo.“You left here earlier and what? Pinuntahan mo ang babaeng iyon? Kasama pa ba iyan sa planong saktan siya?” Mariin at mabilis na tanong ng lolo ni Van sa kanya, hindi man lang niya hinayaang magsalita si Van.Van sighed.“Lolo, hindi ba pwedeng huwag na natin ituloy? Ni hindi alam ni Belinda kung nasaan ang mama niya and yet, we are here? Going to do something—” Napalunok na lang si Van nang ihagis ng lolo niya ang nahawakang gamit mula sa lamesa sa tabi niya.“Nababaliw ka na ba?! We already talked yet you are still trying to convince me for something like that?!” galit na bulyaw ng lolo niya.“I want to stop this. I don't want to hurt Belinda, lolo,” matapang na ani ni Van sa
Halos mawalan sa katinuan si Belinda nang marinig ang bagay na iyon. She never expected or even thought that Van would say those three words.I love you. Shit!“Sinabi ba niyang I love you?” Wala sa sariling tanong ni Belinda at hinarap si Warren nang tuluyang maibaba ni Van ang tawag dahil may tumawag sa pangalan niya.“What the heck are you saying?” Takang tanong ni Warren dahil hindi niya gaanong narinig ang sinabi ni Belinda.Napatakip si Belinda sa labi at hindi mapigilan ang tumili. Biglang wala siyang pakialam kung may tao sa harap niya. She can't help but shout after those words sink into her head.“He said he loves me!” Parang tangang sambit ni Belinda kay Warren. Umawang ang labi ni Warren at hindi alam ang sasabihin at iisipin.Bago pa makapagsalita si Warren ay nagtatakbo na si Belinda papunta sa taas habang hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi. Ang tanging nagawa na lang tuloy ni Warren ay panoorin si Belinda na subrang sayang umaakyat. Napabuntong-hininga na lang i
Hindi mawala-wala ang ngiti ni Belinda sa labi niya habang nakaunan siya sa dibdib ni Van. Maaga na, pero walang balak ang dalawa na bumangon. Belinda knows that she needs to work today, pero hindi siya nakaalis-alis sa yakap ng asawa. Belinda really loves every time Van hugs her like this. Iyong mariing yakap, pero kahit na sobrang riin noon ay ramdam pa rin niya ang pag-iingat. “May trabaho ka ba ulit ngayon?” Belinda can't stop herself from asking that. Pansin niya kasi na medyo nagiging abala ito ng husto araw-araw. Belinda didn't know where Van exactly works, but based on what Van always said, sa labas siya nagtatrabaho, siguro ay meeting o mga bisita sa site Belinda looked at Van nang marinig nito ang malalim na buntong-hininga niya. Van looked at Belinda. Hinawakan ni Van ang pisngi ni Belinda at hinaplos iyon. “I want to marry you again. So, will you allow me if I am going to marry you again?” Instead of answering Belinda's questions, iba ang lumabas sa bibig ni Van. Hi
Chapter 46“Ahhh.” Van looks like a child when he opens his mouth habang naghihintay sa isusubo ni Belinda sa kanya.Halos mapangiwi si Warren habang nakatingin sa pinsan nito. Belinda and Van are sitting in front of Warren at kitang-kita ni Warren kung gaano kalandi ang pinsan niya.“Wala ka bang kamay at nagpapasubo ka pa? What the fvck, Van?” Hindi na maiwasan ni Warren ang sabihin nang subuan.“Inggit ka lang. Wala ka kasing ganito.” Inakbayan pa ni Van si Belinda at ngumisi ng nakakaloko. Napailing na lang si Belinda at siniko si Van sa kalokohan niya.Warren still can't believe it. Hindi siya makapaniwala sa mga galaw na pinapakita ni Van, pati nga ang mga sinabi nito kanina ay talagang parang hindi siya. Ilang buwan lang silang hindi nagkita, pero sobrang laki na nang pinagbago ni Van.Van is too serious in everything. Babaero at walang pakialam sa nararamdaman ng mga nakakasalamuha niya, kaya talagang ang tanawin na pinapakita ni Van kay Warren ay nakapanibago.“Marami namang
Chapter 47 “This is too much! Maayos naman ito, but she wants us to revise again? Hindi ba parang sumusobra na siya?” Lia sarcastically said. Nasa apartment na sila at inuwi ang mga trabahong kailangan nilang gawin. Pagkatapos pagalitan ni Manager Cecilla si Belinda at Lia sa harap ng mga kasamahan nila sa trabaho ay talagang natahimik ang buong department. “Laking pasalamat na lang natin na hindi niya tayo binigyan ulit ng deadline. Let's just revise this again.” Kahit gustong umapila ni Belinda, mas pinili niya na lang ang manahimik at gawin ang inuutos ni Manager Cecilla. Belinda really loves this work, rason kaya ayaw niyang mawala ang trabahong ‘to, and Belinda knows na mahal din ni Lia ang trabahong ‘to kaya mas lalong hindi ito pwedeng mawala sa kanila. Hindi makapaniwalang tinignan ni Lia si Belinda. “Sa ating dalawa, dapat ikaw itong galit na galit at hindi matanggap ang gustong mangyari ni Manager Cecilla. Pinaghirapan mo ang halos lahat ng ‘to, Belinda. Kaunti la
“Chesa?” gulat na ani ni Aiden nang magtama ang tingin nilang dalawa. Pumasok siya at nang makapsok ay agad namang sumara ang elevator.“Cheska, hindi Chesa,” mariing sagot ni Cheska, tinatma ang tawag nito sa kanya habang napapako ang tingin sa pasa sa mukha ng binata. “Whatever,” maikli pero mapait na tugon ni Aiden habang napangiwi sa sakit ng panga niya. Napahawak pa siya sa pisngi dahil sa pagsakit non at may kasama iyong mahihinang mura.Si Cris naman ay kunot-noo, palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Ramdam ang tensyon, pero pinili na lang na manahimik. Halata sa mga mata niya ang pag-uusisa—at pag-aalala para kay Cheska.“Anong nangyari diyan?” tanong ni Cheska, di na mapigilan ang pag-aalala. Alam niyang hindi siya dapat manghimasok, pero hindi niya mapigilan ang sariling magtanong. Hindi lang basta pasa—marami. At hindi lang basta galos sa mukha—may basag sa tingin.“May nakaaway lang ako, pero wala ito. Huwag mo na lang sasabihin kay Kuya, ah. Papagalitan nanaman ako non n
Azrael:I want to come tonight, but I still have a meeting. Pupunta ako diyan bukas mag-uusap tayo and I want to hear your asnwer about us. Goodnight. I love you.Nahigit ni Cheska ang paghinga habang nakatitig sa natanggap niyang mensahe mula kay Azrael. Gabi na, at hindi na nga siya umaasang magte-text ito lalo na at alam niyang abala ito sa sunod-sunod na meetings—isang bagay na napapakinggan na rin niya sa mga usapan ng pamilya nila. Pero heto’t nag-message pa rin ito sa kanya. Hindi lang basta mensahe… kundi mensaheng may laman—may damdamin."Haist, Azrael." Wala sa sariling ani ni Cheska habang nakangiti.Kinagat ni Cheska ang labi habang nakatitig sa tatlong salitang nasa huli ng mensahe. "I love you." She still couldn’t believe it. Ilang ulit na niyang binasa ang mga salitang iyon, pero parang bawat ulit ay may bago itong dulot sa puso niya. Tumitibok ito nang sobrang lakas, para bang hindi na niya kayang pigilan ang ngiti sa kanyang mga labi.Subrang lumulundag ang puso niya
Wala sa tono nito ang alinlangan. “Is that enough for you to hear and not think of any questions about it? O gusto mo pang ipaliwanag ko iyong mga nararamdaman ko na… sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung paano bigla ko na lang naramdaman?"“Minsan ko lang ito sasabihin kaya makinig ka.” Huminga pa si Azrael ng malalim, animo’y nag-iipon ng lakas ng loob. Inayos pa niya ang upo, para bang gustong tumindig at ipagsigawan ang nararamdaman.Napalunok si Cheska at hindi alam ang sasabihin o kung kailangan ba niyang magsalita. Hindi niya alam. Bago lang naman kasi sa kanya ang ganitong mga bagay. Lumaki siya na ang nasa isip ay makakuha ng pera para sa kapatid niya, para sa pamilya niya, hindi niya inisip na magkakaroon ng ganitong pangyayari sa buhay niya, na magkakagusto siya sa taong hindi niya kalevel at biglang aamin sa kanya.Masyado siyang nasanay sa bardagulan nilang dalawa ni Azrael kaya hindi niya alam ang sasabihin o gagawin.“I feel safe every time I am with you. I feel
Chapter 72Tinignan ni Cheska ang kamay niya, hawak pa rin iyon ni Azrael. Mahigpit, pero may ingat ang paghawak nito ng mariin.“Umayos ka nga sa pagdadrive.” Si Cheska at sinubukang kunin ang kamay niyang hawak ni Azrael, para mahawakan niya ng maayos ang manobela, pero hinigpitan lang iyon ni Azrael, hindi hinayaang mabitawan iyon. Nabigla pa siya nang halikan ni Azrael ang likod ng palad nito, marahan, para bang pinipirmi ang presensya niya sa kanyang mundo.“Azrael—”“Sinong mas gwapo sa amin?” Umawang ang labi ni Cheska sa biglang tanong niya. Tinignan ni Cheska si Aiden na ngayon ay nakapikit na at tulog. Kinagat niya ang labi at naoanguso dahil wala naman kasi talaga itong sinabi na gwapo si Aiden at gusto niya ito, hindi niya lang alam kung anong trip ng kapatid ni Azrael at sinabi niya iyon.“At talagang kailangang tignan mo muna siya bago sumagot?” Biglang sarkastikong ani ni Azrael, umigting ang panga at parang nagtatampo. "Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang na mas gwapo a
“Mag-iingat kayo.” Nakangiting ani ng mama ni Azrael kina Cheska nang ihatid na nila ito sa labas. Naramdaman ni Cheska ang init ng yakap ni Daviah—isang yakap na puno ng pag-aaruga, parang yakap ng isang tunay na ina.“Tatawag ako kapag naihatid ko na siya sa hospital.” Ani naman ni Azrael, pero hindi man lang pinansin iyon ni Cheska at niyakap si Daviah ng mahigpit, waring ayaw pa nitong kumalas.“Kapag sinaktan ka nitong anak kong ito, magsumbong ka sa akin dahil ako ang babatok sa kanya. And you are always welcome to come here, okay? Just tell Azrael if you want to visit here, open ang bahay na ito kahit wala kami.” Malambing pero may halong pananakot na biro ni Daviah, habang hinahaplos pa ang likod ni Cheska.“Ma, stop it. Bakit ko naman siya sasakt—” Sabat ni Azrael, pero agad na pinutol ni Cheska iyon.“Hindi ko na po kailangan magsumbong sa inyo kung sakali, kasi kung saktan man niya ako, ako na po ang babatok na may kasamang suntok sa anak niyo.” Cheska jokely said, ngunit na
Gulat na gulat si Cheska, pero ang mga mata niya ay unti-unti niyang pinikit. Dinama niya ang bawat segundo ng malumanay at masuyong halik ni Azrael—isang halik na hindi pilit, hindi madalian. Walang pagmamadali, walang pag-aalinlangan. Isang halik na tila sinasambit ang mga salitang hindi kailanman nabanggit.Ang kamay ni Cheska, na kanina lamang ay hindi alam kung saan hahawak, ay unti-unti ring gumapang papunta sa batok ni Azrael. Hinaplos niya iyon ng dahan-dahan, waring sinasalo ang bawat sandali na hindi niya inakalang darating. Hindi na siya basta tumatanggap ng halik—she started fighting his kisses, sumasabay sa ritmo ng damdamin niya. May kirot ng pangamba sa dibdib niya, ngunit higit doon ay ang umaapaw na damdamin na hindi na niya kayang itago.Mas lalo niyang naramdaman ang paglapit ni Azrael, halos mawala na ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Lumalim ang halik nito, para bang may gustong iparating na hindi nito masabi sa salita. Ang kamay ni Azrael ay nakapahinga sa mag
Napatigil siya.Nakagat niya ang kanyang labi nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Azrael — hindi iyon galit, hindi rin iyon simpleng inis. May kakaiba sa mga mata ng binata, isang bagay na hindi niya maipaliwanag — isang halo ng sakit, hinanakit, at isang bagay na ayaw pa nitong ilantad.Hindi siya nagsalita. Hindi siya gumalaw. Parang sa isang iglap, ang malamig na simoy ng hangin ay naging mabigat at nakakakaba.Hindi niya na rin alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob, pero nagpatuloy siya, kahit pa nararamdaman niya na baka lalo niyang saktan ang sarili niya.“Nga pala…” mahina niyang umpisa, pilit ngumingiti pero nanginginig ang tinig. “Kailan matatapos itong pagpapanggap ko bilang girlfriend mo? Naniniwala naman na siguro sila at hindi na nila iisipin na… bakla ka o ano…”"Gusto mo ng matapos?" Seryoso niyang tanong.Napatingin siya sa gilid, pilit na nilulunok ang sakit na bigla na lang sumiksik sa dibdib niya. Kung siya lang, gusto niyang manatili sa tabi nito lalo na
Chapter 68Napalunok si Aiden nang marinig ang boses ng kuya niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nagkunwaring walang sinabi kay Cheska. Habang si Cheska ay hindi nakagalaw agad dahil sa pag-iisip. Hindi niya alam kung ano iyon. Hindi niya alam ang ibig sabihin non. Hindi niya alam kung bakit nasabi nito ang mga iyonHindi niya alam kung ano ang pinapatama ni Aiden kanina. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lola, ng pera, ng lahat ng iyon. Parang isang malaking tanong ang bumalot sa isipan niya, at hindi niya alam kung saan siya magsisimula para maintindihan ang lahat.“Anong pinag–uusapan niyo?” Napabali lang si Cheska sa huwisyo nang maramdaman ang mainit na haplos sa bewang niya. Parang kuryente ang gumapang sa balat niya kaya napatigil siya sa paghinga. Dahan-dahan siyang tumingin sa gilid niya at doon, nakita niya si Azrael na seryosong nakatingin kay Aiden.May kakaibang lamig sa mga mata nito. Hindi siya galit, pero ramdam mong hindi siya natutuwa sa nadatna
“Ahh. Ang kuya mo naliligo lang. Bumaba lang ako para magpahangin.” Sagot na lang ni Cheska. Tumango si Aiden at saka tinignan ulit ang pinapanood. Aalis na sana si Cheska, papunta sa labas para magpahangin, pero hindi niya nagawa nang muli siyang tawagin ni Aiden.“Hey wait!""Ano iyon?" Tanong naman agad ni Cheska."May itatanong pala ako sa’yo, come here,” ani nito, sabay tingin sa kanya na may kakaibang kislap sa mata. Bakit kailangan pang lumapit?--Sa isip ni Cheska.Kumunot ang noo ni Cheska. Hindi niya alam kung kinabahan ba siya o ano sa tanong nito“Bakit—”“Halika kasi dito. Bakit parang takot ka? Hindi kita kakainin o sasaktan no! Takot ko na lang kay kuya kung masaktan ka kaya wala akong gagawing masama,” ani pa nito. Parang batang hindi mapakali habang may itinatagong kalokohan.May hawak itong isang bowl na popcorn at kumakain nga ito ngayon doon.Napahawak si Cheska sa batok at saka dahan dahan na lang na lumapit sa kinaroroonan ni Aiden.“Maupo ka diyan, may tatanungin