LOGINCHAPTER 2
Makalipas ang isang oras, huminto ang isang marangyang itim na sasakyan sa harap ng City Hall.
Napatingin si Delia sa gusali. Kanina, dahil sa galit kay Nolan, agad niyang tinanggap ang alok ng estranghero. Pero ngayong nandito na sila, saka niya napagtantong hindi biro ang desisyong gagawin niya.
“May dala ka bang valid ID?” tanong ng lalaki.
“Oo. Lagi akong may dala.”
“Good.”
Nauna itong bumaba ng sasakyan bago umikot at pinagbuksan siya ng p***o.
Mainit ang panahon sa labas. Kahit maikli lamang ang nilakad nila mula sa parking area hanggang sa entrada ng gusali, bahagyang pinawisan na ang noo ni Delia.
Hinawakan muli ng lalaki ang kaniyang kamay habang naglalakad sila.
Malaki at mainit ang palad nito. Mahaba ang mga daliri at mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya. Gayunpaman, hindi pa rin nito tuluyang nawala ang kaba sa kaniyang dibdib.
Huminto siya. “Sandali lang.”
Dahan-dahang binawi ni Delia ang kaniyang kamay.
“Sigurado ka ba talaga sa ginagawa natin?”
“Hindi ako mahilig magbiro,” sagot ng lalaki.
“Pero hindi nga tayo magkakilala,” seryoso niyang sabi. “Ni hindi ko alam ang pangalan mo. Hindi ko alam kung anong trabaho mo, kung saan ka nakatira, o kung anong klaseng tao ka.”
Pumayag lang naman siya dahil galit si Delia kay Nolan. Pero hindi biro ang magpakasal sa taong hindi kilala.
“Leandro Roosevelt ang pangalan ko. Dalawa lang ang pagpipilian mo. Bumalik ka kay Nolan at pakasalan ang lalaking niloko ka, o ituloy mo ang kasal kasama ko.”
Napakagat si Delia sa kaniyang ibabang labi. Kung siya lang ang masusunod, wala siyang pipiliin sa dalawa. Pero hindi ganoon kadaling kanselahin ang kasal. Ayaw niyang makita ang lola niya na nag-aalala at nasasaktan para sa kaniya.
“Ikaw ang pipiliin ko,” sagot ni Delia.
Muling sumikip ang dibdib ni Delia nang maalala ang pagtataksil ni Nolan.
Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay malampasan ang problemang kinakaharap niya.
Pero sandali siyang napaisip.
Leandro Roosevelt? Bakit parang pamilyar ang pangalan niya? Saan kaya niya iyon narinig?
Gayunpaman, isinantabi na lamang niya ang bagay na iyon. Sa maikling panahon, alam niyang wala na siyang mahahanap na ibang lalaking papayag na pakasalan siya.
Bukod sa napakaguwapo ni Leandro, halata rin sa kilos at pananamit nito na nagmula siya sa mayamang pamilya. Samantalang siya, bukod sa kaniyang magandang mukha, wala naman siyang ibang maipagmamalaki.
Mabilis lamang na naiproseso ang kanilang marriage certificate, at hindi nagtagal ay nakalabas na silang dalawa.
Ngunit pagkalabas nila, agad na kinuha ni Leandro ang marriage certificate na hawak niya.
“Ako na lang ang magtatago niyan!” sabi ni Delia habang sinusubukang bawiin ito.
“Sa akin muna.”
Seryoso ang tono ng lalaki, na para bang hindi ito tatanggap ng anumang pagtutol.
Napakagat sa labi si Delia, ngunit hindi na siya nakipagtalo dahil lamang sa dokumento.
“Siya nga pala, tungkol sa kasal bukas…”
“Ako na ang bahala sa lahat.”
“Ah, sige.”
Masunurin siyang tumango.
“Ipapahatid na kita sa bahay ninyo.”
Ilang sandali pa, huminto ang isang sasakyan sa harapan nila. Agad na bumaba ang driver at pinagbuksan si Delia ng p***o.
Gusto sana niyang tanungin si Leandro kung saan ito pupunta, pero hindi na niya itinuloy. Kahit mag-asawa na sila, ngayon lang naman sila nagkakilala.
Pagkasakay, ibinigay niya ang address ng kanilang bahay. Habang bumibiyahe, saka niya naisip kung paano ipapaliwanag sa pamilya ang nangyari.
Napabuntong-hininga siya.
Isang araw bago ang kasal, nagawa niyang palitan ang lalaking pakakasalan niya.
Siguro, sa buong lungsod, wala nang ibang babaeng gumawa ng ganoong kabaliw na desisyon.
***
“Ano?! Papalitan mo ang groom? Delia, nababaliw ka na ba?!”
Gaya ng inaasahan, halos magwala si Veronica Sarmiento ang stepmother niya, nang malaman niyang ibang lalaki ang pakakasalan ni Delia.
Tahimik na yumuko si Delia at hinintay munang matapos itong magsisigaw bago naglakas-loob na magsalita.
“Niloko po ako ni Nolan. Hindi ko na siya kayang pakasalan.”
“Tsk! Sabi ko na nga ba, magsasawa rin sa iyo si Kuya Nolan. Tama talaga ako!”
Hindi napigilang ngumisi ni Bianca, ang nakababata niyang kapatid sa ama. Halata sa mukha nito ang kasiyahan sa nangyari sa kaniya.
“Sandali!” biglang singit ni Veronica. “Paano 'yong perang ibinigay ng pamilya Vargas noong pamamanhikan? Kailangan ba nating ibalik iyon? At sino ba itong ipinalit mo? Magbibigay din ba siya ng pera?”
Napakurap si Delia.
Sa dami ng nangyari, hindi na niya naisip ang tungkol doon.
Siguradong kailangang ibalik ang perang ibinigay ng pamilya Vargas. Pero kung magbibigay rin ba si Leandro ng ganoong halaga, hindi niya alam. Ni hindi nga niya magawang itanong iyon sa lalaki.
“Basta, hindi ko ibabalik ang perang iyon!” mariing sabi ni Veronica. “Kung hihingiin iyon ni Nolan, problema mo na kung paano mo babayaran. Huwag mong asahang ibabalik ko ang kahit isang sentimo!”
Napakuyom ang mga kamao ni Delia. Inaasahan na niyang hindi papayag ang kaniyang madrasta na ibalik ang pera, pero hindi pa rin niya napigilang magalit.
“Hay naku! Kumain na nga tayo!” naiinip na singit ng kaniyang amang si Roberto. “Lumalamig na ang pagkain. Huwag na nating pag-usapan ang mga walang kuwentang bagay na 'yan.”
Napatingin si Delia sa kaniyang ama. Gusto sana niyang magtanong kung wala man lang ba itong pakialam na niloko siya ng lalaking pakakasalan niya. Ngunit nang makita ang pagkainis sa mukha nito, pinili na lamang niyang manahimik.
“Kayo na lang po ang kumain. Pupuntahan ko muna si Lola sa hospital,” mahinang sabi niya.
“Ano?!” singhal ni Roberto. “Bukas na ang kasal mo, pupunta ka pa sa hospital? Hindi ka ba natatakot na baka magdala 'yan ng malas?”
“Hayaan mo na siya,” sarkastikong sabi ni Veronica. “Napakabait naman niyang apo, hindi ba? Kung gusto niyang mag-alaga ng matanda, hayaan mo siya.”
Hindi na sumagot si Delia at mabilis na lumabas ng bahay.
Ngunit pagkalabas niya ng p***o, tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Napangiti siya nang mapait.
Ano nga ba ang inaasahan niya?
Sa pamilyang iyon, wala namang tunay na nagmamalasakit sa kaniya maliban sa kaniyang lola.
Pero mabuti na rin siguro iyon. Kahit papaano, hindi na niya kailangang magpaliwanag nang mahaba tungkol sa biglaang pagpapalit ng lalaking pakakasalan niya.
CHAPTER 5Direktang tumingin sa kaniyang mga mata si Leandro. Hindi napigilan ni Delia ang mamula kaya bahagya siyang yumuko bago muling naglakas-loob na magsalita.“Leandro, puwede ba akong humingi ng isa pang pabor?”“Ano 'yon?”“Kapag nakaayos na si Lola sa bago niyang kuwarto, puwede mo ba siyang kausapin? Kahit sabihin mo lang na aalagaan mo ako nang mabuti para hindi na siya mag-alala.” Pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay habang nakikiusap. “Alam kong marami na akong hinihingi, pero please?”Naalala ni Delia na minsan na rin niyang hiniling iyon kay Nolan.Ngunit kahit ilang beses siyang nakiusap, hindi ito pumayag. Naalala pa niya ang sinabi nitong:“Ayoko ngang makakita ng taong may terminal lung cancer, tapos gusto mo pang mangako ako sa kaniya? Paano kung hindi ko matupad ang pangako ko at multuhin niya ako kapag namatay siya?” Napakagat sa labi si Delia habang hinihintay ang magiging tugon ni Leandro.“Susubukan ko,” sagot ng lalaki.Agad na lumiwanag ang kaniyang muk
CHAPTER 4Hindi napigilang mamula ni Delia. Alam niyang guwapo si Leandro, pero ngayong nakasuot ito ng puting suit, para itong prinsipe sa isang fairy tale.“Mommy!” bulong ni Bianca habang hinihila ang braso ng kaniyang ina. “Hindi ba sabi mo matanda ang pakakasalan ni Ate? Bakit ang bata at guwapo niya?!”Halos mamatay si Bianca sa inggit. Akala niya ay magdurusa ang kaniyang ate matapos lokohin ni Nolan. Bakit ngayon ay mas guwapo at mukhang mas mayaman pa ang ipinalit nito?“Baka artista lang na binayaran para magpanggap na groom!” naiinis na sabi ni Veronica.“Tama na nga 'yan!” singit ni Roberto na kanina pa nakatitig sa mga mamahaling sasakyan. “Bilisan na natin! Baka mahuli pa tayo sa hotel!”Maingat na inalalayan ni Leandro si Delia papasok sa Rolls-Royce. Sa labas, abala pa rin ang mga kapitbahay sa pagkuha ng litrato sa mamahaling mga sasakyan.“Bakit kailangan mo pang magdala ng ganito karaming kotse? Hindi ba masyadong magarbo?” mahinang tanong ni Delia.“Ayaw mo ba?”Ba
CHAPTER 3“Miss Delia? Hindi ba bukas na ang kasal mo? Bakit nandito ka pa?”Gulat na napatingin ang nurse nang makita siyang pumasok sa kuwarto ng kaniyang lola.Bahagyang ngumiti si Delia.“Tapos na po kasi ang mga kailangan kong asikasuhin, kaya naisip kong dalawin muna si Lola.”“Napakabait mo talagang apo,” nakangiting sabi ng nurse.Ngunit pagtalikod nito ay hindi nito napigilang mapabuntong-hininga.Tatlong buwan nang naka-confine si Lola Ising sa hospital dahil sa lung cancer. Nasa huling stage na ang sakit nito, at ayon sa mga doktor ay wala na silang gaanong magagawa kundi panatilihin itong komportable.May tatlo itong anak, ngunit ni isa sa kanila ay bihirang dumalaw. Ang apo lamang nitong si Delia ang palaging pumupunta upang alagaan ito.“Lola, nandito na po ako.”Lumapit si Delia sa kama at maingat na hinawakan ang payat at halos buto't balat nang kamay ng matanda.“Delia?” mahinang tawag nito. “Bakit nandito ka pa? Hindi ba bukas na ang kasal mo?”“Wala na po akong kail
CHAPTER 2Makalipas ang isang oras, huminto ang isang marangyang itim na sasakyan sa harap ng City Hall.Napatingin si Delia sa gusali. Kanina, dahil sa galit kay Nolan, agad niyang tinanggap ang alok ng estranghero. Pero ngayong nandito na sila, saka niya napagtantong hindi biro ang desisyong gagawin niya.“May dala ka bang valid ID?” tanong ng lalaki.“Oo. Lagi akong may dala.”“Good.”Nauna itong bumaba ng sasakyan bago umikot at pinagbuksan siya ng pinto.Mainit ang panahon sa labas. Kahit maikli lamang ang nilakad nila mula sa parking area hanggang sa entrada ng gusali, bahagyang pinawisan na ang noo ni Delia.Hinawakan muli ng lalaki ang kaniyang kamay habang naglalakad sila.Malaki at mainit ang palad nito. Mahaba ang mga daliri at mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya. Gayunpaman, hindi pa rin nito tuluyang nawala ang kaba sa kaniyang dibdib.Huminto siya. “Sandali lang.”Dahan-dahang binawi ni Delia ang kaniyang kamay.“Sigurado ka ba talaga sa ginagawa natin?”“Hindi ako mahil
CHAPTER 1“Shit, Nolan! It’s too fast!”“Can’t you handle this? Honey, there’s more to come.”Nanlaki ang mga mata ni Delia nang makita ang nagkalat na mga damit sa sahig. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto, nakita niya ang dalawang taong magkayakap sa kama, kasabay ng malalakas na ungol na nagmumula sa loob ng kuwartong magiging silid sana nilang mag-asawa. Bukas na ang kasal nila ni Nolan Vargas. Handa na ang lahat, pati ang bagong kamang kahapon lang naihatid. Pero ngayon, sa mismong kamang iyon, nakikipagtalik ang fiancé niya sa ibang babae! “Ang babaeng kasama ng fiancé mo, ay girlfriend ko.” Napalingon si Delia nang marinig ang isang malamig na boses mula sa kaniyang likuran. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa kaniya. Nakasuot ito ng mamahaling damit at halatang hindi ordinaryong tao. Gwapo ito, matangos ang ilong at matalim ang mga mata. Malamig ang ekspresyon nito, na para bang walang sinumang puwedeng basta lumapit sa kaniya. Hindi niya alam kung kailan ito duma







