Compartilhar

My Stranger Husband Is a Secret Billionaire
My Stranger Husband Is a Secret Billionaire
Autor: Mira Solenne

Chapter 1

Autor: Mira Solenne
last update Data de publicação: 2026-11-08 23:09:52

CHAPTER 1

“Shit, Nolan! It’s too fast!”

“Can’t you handle this? Honey, there’s more to come.”

Nanlaki ang mga mata ni Delia nang makita ang nagkalat na mga damit sa sahig. Mula sa bahagyang nakabukas na p***o, nakita niya ang dalawang taong magkayakap sa kama, kasabay ng malalakas na ungol na nagmumula sa loob ng kuwartong magiging silid sana nilang mag-asawa.

Bukas na ang kasal nila ni Nolan Vargas. Handa na ang lahat, pati ang bagong kamang kahapon lang naihatid. Pero ngayon, sa mismong kamang iyon, nakikipagtalik ang fiancé niya sa ibang babae! 

“Ang babaeng kasama ng fiancé mo, ay girlfriend ko.” 

Napalingon si Delia nang marinig ang isang malamig na boses mula sa kaniyang likuran. 

Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa kaniya. Nakasuot ito ng mamahaling damit at halatang hindi ordinaryong tao. Gwapo ito, matangos ang ilong at matalim ang mga mata. Malamig ang ekspresyon nito, na para bang walang sinumang puwedeng basta lumapit sa kaniya. 

Hindi niya alam kung kailan ito dumating o kung gaano na ito katagal na nakatayo sa likuran niya.

“A-Ano?” gulat na sabi ni Delia.

“Pareho tayong niloko,” mahinang wika ng lalaki.

Napaluha si Delia nang makita ang malaking prenup picture nila ni Nolan na nakasabit sa dingding. Sa larawan, masaya siyang nakangiti habang yakap siya ng lalaki mula sa likuran.

Kay saya niya noong araw na iyon. Pero ngayon, para siyang basang sisiw na nakatayo sa pintuan, umiiyak habang pinapanood ang pagtataksil ng lalaking pakakasalan niya bukas.

“D-Delia?” 

Napansin siya ni Nolan. Agad itong napabalikwas mula sa ibabaw ng babae. Sa sobrang pagkataranta ay muntik pa itong mahulog sa kama habang nagmamadaling hinahanap ang kaniyang damit. 

Samantala, kalmado lamang ang babaeng kasama niya.

Hinila nito ang kumot upang takpan ang sarili bago tamad na sumandal sa headboard. Ni hindi man lang ito nagpakita ng takot o pagkahiya nang makitang nakatayo sa pintuan ang sarili nitong boyfriend.

“Delia, baby please let me explain!” nagmamadaling sabi ni Nolan. 

Hinablot nito ang bedsheet at ibinalot sa baywang bago lumapit kay Delia.

“Hindi ito ang iniisip mo. Kaya kong ipaliwanag ang lahat!”

Tinitigan siya ni Delia.

Limang taon niyang minahal si Nolan. Ipinaglaban niya ito sa kabila ng pagtutol ng kaniyang pamilya dahil naniniwala siyang ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.

Pero ngayon, habang nakikita niya itong halos hubad matapos makipagtalik sa ibang babae, hindi niya mapigilang masaktan. Ang lalaking buong puso niyang pinagkatiwalaan ay siya ring nagtaksil sa kaniya, isang araw bago ang kanilang kasal. 

“Pak!”

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Nolan.

Napalingon ang lalaki sa lakas ng pagkakatama. Maging ang babaeng nasa kama ay bahagyang napatuwid sa pagkakaupo.

“Sige,” sabi ni Delia habang pinipigilan ang panginginig ng kaniyang boses. “Magpaliwanag ka.”

“D-Delia, hindi ko talaga sinasadya.” Hinawakan ni Nolan ang namumulang pisngi. “Gusto ko lang sanang subukan kung komportable 'yong bagong kama natin. Kaso... nadala lang kami. Hindi ko napigilan ang sarili ko.”

Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita.Napatingin siya sa kama bago muling ibinalik ang tingin sa lalaki.

“Anong sabi mo? Subukan ang kama?” may halong galit na wika ni Delia.

Kung sinabi nitong pinilit siya ng babae o kaya ay may naglagay ng kung anong gamot sa kaniyang inumin, baka maniwala pa siya roon.

Pero ang sabihin nitong nakipagtalik siya sa ibang babae dahil gusto niyang subukan ang kanilang bagong kama? Nagpapatawa ba ito?

“Nolan, tingin mo ba tanga ako?”

“Hindi naman sa gano'n—”

“Bukas na ang kasal natin!” Hindi na napigilan ni Delia ang pagtaas ng boses. “Bukas, Nolan! Pero ngayon, sa mismong kama na pinili ko para sa ating dalawa, may kasama kang ibang babae!”

“Delia, puwede bang hinaan mo naman ang boses mo?”

Napatawa ang dalaga nang mapait.

“Talaga? Nahuli kitang may ibang babae, tapos ako pa ngayon ang kailangan mong patahimikin?”

Kumuyom ang mga kamao ni Nolan. Unti-unting nawala ang pagkataranta sa mukha nito at napalitan ng pagkainis.

“Sige! Oo na! Niloko kita! Nakipagtalik ako sa ibang babae! Masaya ka na?”

Para bang may kung anong matalim na bagay na tumusok sa dibdib ni Delia.

“Pero kasalanan mo rin naman kung bakit ako nagkaganito!”

Napakunot ang noo ni Delia. “Ano?”

“Limang taon na tayo, Delia! Limang taon! Pero hanggang ngayon, kung umasta ka, akala mo napakabanal mo! Ayaw mong magpahawak, ayaw mong makipaghalikan nang matagal, at kahit malapit na tayong ikasal, ayaw mo pa ring ibigay ang sarili mo sa akin!”

Hindi makapaniwalang napatitig si Delia sa lalaki.

“Lalaki ako!” pagpapatuloy ni Nolan. “May pangangailangan din ako! Ano bang gusto mong gawin ko? Magtiis nang magtiis habang naghihintay kung kailan ka magiging handa?”

“So, ang sinasabi mo, kasalanan ko kung bakit mo ako niloko?” naguguluhang taong ng dalaga.

Napahawak si Delia sa kaniyang dibdib.

Matagal niyang iningatan ang sarili dahil gusto niyang maging espesyal ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Alam iyon ni Nolan. Noong una nga ay sinabi pa nitong handa siyang maghintay dahil mahal na mahal siya nito.

Iyon pala, habang pinaniniwala siyang nirerespeto nito ang kaniyang desisyon, sa ibang babae naman nito kinukuha ang gusto niya.

Napatingin si Delia sa engagement ring na suot niya. Ngayon, gusto na lamang niyang tanggalin iyon at ihagis sa mukha nito. 

“Hindi na matutuloy ang kasal,” malamig niyang sabi. 

Agad na nagbago ang ekspresyon ni Nolan. “Delia, huwag kang magpadalos-dalos!” 

Biglang lumambot ang boses ng lalaki.

“Baby, makinig ka. Bukas na ang kasal natin. Nakapagbayad na tayo sa hotel, nakapag-imbita na tayo ng mga bisita, at nakahanda na ang lahat. Hindi ba puwedeng kalimutan na lang natin ang nangyari? At isa pa, paano si Lola mo?” 

Doon lamang muling napatingin si Delia sa kaniya.

“Alam mong matagal na niyang hinihintay na makita kang ikasal,” pagpapatuloy ni Nolan. “Kung bigla nating kakanselahin ang kasal bukas, siguradong mag-aalala siya. Gusto mo bang madismaya siya sa iyo?”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Delia.

Ang kaniyang lola ang nagpalaki sa kaniya. Ito rin ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Matagal na nitong hinihiling na makita siyang masaya at may sarili nang pamilyang masasandalan.

Lalo pa ngayong humihina na ang kalusugan nito, ayaw niyang bigyan ito ng anumang dahilan para mag-alala. At ngayon, ginagamit nito ang kahinaan niyang iyon para pilitin siyang magpatawad.

“Tama ka. Hindi ko puwedeng hayaang mag-alala si Lola. Kaya hindi puwedeng makansela ang kasal bukas,” mahinang sabi niya.

Napangiti nang tuluyan si Nolan. Gaano man kagalit si Delia, hindi nito kayang suwayin ang gusto ng kaniyang lola.

At dahil sa ugali nitong laging inuuna ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili, sigurado siyang patatawarin din siya nito kalaunan.

“Come here, baby. Alam kong nasaktan kita, pero pangako, hindi na ito mauulit.”

Lumapit si Nolan at akmang yayakapin siya.

Ngunit bago pa nito mahawakan si Delia, isang malamig na boses ang biglang namagitan.

“Kung kailangan mo ng lalaking pakakasalan bukas, ako na lang.” 

Natigilan ang lahat.

Dahan-dahang napalingon si Delia sa matangkad na lalaking kanina pa tahimik na nakatayo sa kaniyang likuran.

“Seryoso ka?” naguguluhang tanong ni Delia sa lalaki.

“Kung nagbibiro ba ako o hindi, malalaman mo kapag sinubukan mo,” sagot ng lalaki bago hinawakan ang kamay niya. 

“Sino ka ba?! Fiance ko siya!” galit na sigaw ni Nolan habang sinusubukang paghiwalayin ang dalawa.

Ngunit mabilis siyang itinulak ng lalaki palayo. Pagkatapos, malamig nitong sinulyapan ang babaeng nasa kama bago hinila si Delia palabas ng kuwarto.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My Stranger Husband Is a Secret Billionaire   Chapter 5

    CHAPTER 5Direktang tumingin sa kaniyang mga mata si Leandro. Hindi napigilan ni Delia ang mamula kaya bahagya siyang yumuko bago muling naglakas-loob na magsalita.“Leandro, puwede ba akong humingi ng isa pang pabor?”“Ano 'yon?”“Kapag nakaayos na si Lola sa bago niyang kuwarto, puwede mo ba siyang kausapin? Kahit sabihin mo lang na aalagaan mo ako nang mabuti para hindi na siya mag-alala.” Pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay habang nakikiusap. “Alam kong marami na akong hinihingi, pero please?”Naalala ni Delia na minsan na rin niyang hiniling iyon kay Nolan.Ngunit kahit ilang beses siyang nakiusap, hindi ito pumayag. Naalala pa niya ang sinabi nitong:“Ayoko ngang makakita ng taong may terminal lung cancer, tapos gusto mo pang mangako ako sa kaniya? Paano kung hindi ko matupad ang pangako ko at multuhin niya ako kapag namatay siya?” Napakagat sa labi si Delia habang hinihintay ang magiging tugon ni Leandro.“Susubukan ko,” sagot ng lalaki.Agad na lumiwanag ang kaniyang muk

  • My Stranger Husband Is a Secret Billionaire   Chapter 4

    CHAPTER 4Hindi napigilang mamula ni Delia. Alam niyang guwapo si Leandro, pero ngayong nakasuot ito ng puting suit, para itong prinsipe sa isang fairy tale.“Mommy!” bulong ni Bianca habang hinihila ang braso ng kaniyang ina. “Hindi ba sabi mo matanda ang pakakasalan ni Ate? Bakit ang bata at guwapo niya?!”Halos mamatay si Bianca sa inggit. Akala niya ay magdurusa ang kaniyang ate matapos lokohin ni Nolan. Bakit ngayon ay mas guwapo at mukhang mas mayaman pa ang ipinalit nito?“Baka artista lang na binayaran para magpanggap na groom!” naiinis na sabi ni Veronica.“Tama na nga 'yan!” singit ni Roberto na kanina pa nakatitig sa mga mamahaling sasakyan. “Bilisan na natin! Baka mahuli pa tayo sa hotel!”Maingat na inalalayan ni Leandro si Delia papasok sa Rolls-Royce. Sa labas, abala pa rin ang mga kapitbahay sa pagkuha ng litrato sa mamahaling mga sasakyan.“Bakit kailangan mo pang magdala ng ganito karaming kotse? Hindi ba masyadong magarbo?” mahinang tanong ni Delia.“Ayaw mo ba?”Ba

  • My Stranger Husband Is a Secret Billionaire   Chapter 3

    CHAPTER 3“Miss Delia? Hindi ba bukas na ang kasal mo? Bakit nandito ka pa?”Gulat na napatingin ang nurse nang makita siyang pumasok sa kuwarto ng kaniyang lola.Bahagyang ngumiti si Delia.“Tapos na po kasi ang mga kailangan kong asikasuhin, kaya naisip kong dalawin muna si Lola.”“Napakabait mo talagang apo,” nakangiting sabi ng nurse.Ngunit pagtalikod nito ay hindi nito napigilang mapabuntong-hininga.Tatlong buwan nang naka-confine si Lola Ising sa hospital dahil sa lung cancer. Nasa huling stage na ang sakit nito, at ayon sa mga doktor ay wala na silang gaanong magagawa kundi panatilihin itong komportable.May tatlo itong anak, ngunit ni isa sa kanila ay bihirang dumalaw. Ang apo lamang nitong si Delia ang palaging pumupunta upang alagaan ito.“Lola, nandito na po ako.”Lumapit si Delia sa kama at maingat na hinawakan ang payat at halos buto't balat nang kamay ng matanda.“Delia?” mahinang tawag nito. “Bakit nandito ka pa? Hindi ba bukas na ang kasal mo?”“Wala na po akong kail

  • My Stranger Husband Is a Secret Billionaire   Chapter 2

    CHAPTER 2Makalipas ang isang oras, huminto ang isang marangyang itim na sasakyan sa harap ng City Hall.Napatingin si Delia sa gusali. Kanina, dahil sa galit kay Nolan, agad niyang tinanggap ang alok ng estranghero. Pero ngayong nandito na sila, saka niya napagtantong hindi biro ang desisyong gagawin niya.“May dala ka bang valid ID?” tanong ng lalaki.“Oo. Lagi akong may dala.”“Good.”Nauna itong bumaba ng sasakyan bago umikot at pinagbuksan siya ng pinto.Mainit ang panahon sa labas. Kahit maikli lamang ang nilakad nila mula sa parking area hanggang sa entrada ng gusali, bahagyang pinawisan na ang noo ni Delia.Hinawakan muli ng lalaki ang kaniyang kamay habang naglalakad sila.Malaki at mainit ang palad nito. Mahaba ang mga daliri at mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya. Gayunpaman, hindi pa rin nito tuluyang nawala ang kaba sa kaniyang dibdib.Huminto siya. “Sandali lang.”Dahan-dahang binawi ni Delia ang kaniyang kamay.“Sigurado ka ba talaga sa ginagawa natin?”“Hindi ako mahil

  • My Stranger Husband Is a Secret Billionaire   Chapter 1

    CHAPTER 1“Shit, Nolan! It’s too fast!”“Can’t you handle this? Honey, there’s more to come.”Nanlaki ang mga mata ni Delia nang makita ang nagkalat na mga damit sa sahig. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto, nakita niya ang dalawang taong magkayakap sa kama, kasabay ng malalakas na ungol na nagmumula sa loob ng kuwartong magiging silid sana nilang mag-asawa. Bukas na ang kasal nila ni Nolan Vargas. Handa na ang lahat, pati ang bagong kamang kahapon lang naihatid. Pero ngayon, sa mismong kamang iyon, nakikipagtalik ang fiancé niya sa ibang babae! “Ang babaeng kasama ng fiancé mo, ay girlfriend ko.” Napalingon si Delia nang marinig ang isang malamig na boses mula sa kaniyang likuran. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa kaniya. Nakasuot ito ng mamahaling damit at halatang hindi ordinaryong tao. Gwapo ito, matangos ang ilong at matalim ang mga mata. Malamig ang ekspresyon nito, na para bang walang sinumang puwedeng basta lumapit sa kaniya. Hindi niya alam kung kailan ito duma

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status