*MATURE CONTENT
Napagpasyahan kong sa bahay na patuluyin si Mateo. Natatakot kasi akong baka bukas ay hindi na naman siya magparamdam sa akin kaya kahit tutol siya ay pinilit ko pa rin.
"I am okay Sandra," giit niya habang magkasunod kaming pumasok ng bahay.
Wala ngayon si tatay at Vivian kaya malakas ang loob kong dito siya patulugin. Pupuntahan daw nila ang kasal ng pinsan ni Vivian sa probinsya. Paniguradong inimbitahan lang naman nila si tatay para sa pera.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mateo at nagpatuloy sa paglalakad patungong dining area. Hindi ako kumain ng tanghalian kaya nakaramdam na ako ng gutom ngayon.
"Kumain na ba kayo manang?" Nagpaluto ako ng hapunan sa kanila at nakahain na iyon pagdating namin.
Tumango siya kaya kami na lamang ni Mateo ang tahimik na kumain.
"Hihintayin na lang kitang makatulog pagkatapos ay uuwi na ako," aniya pagkatapos namin.
Nagsalubong ang aking kilay sa pagpupumilit niyang umuwi.
Sa loob nang halos limang buwan naming relasyon ni Mateo ay ngayon lang ako naging panatag na ganito.Ipinaalam na namin kay tatay ang plano naming kasal na mabilis din naman niyang pinayagan. Hindi lamang siya sumang-ayon sa kagustuhan namin na sa huwes muna magpakasal. Nais niya na sa simbahan kami unang mag-isang dibdib kagaya ng bilin din sa akin ni nanay noon kaya sinunod ko.Ang problema lang namin ay ang pamilya ni Mateo partikular na ang kan'yang ina. Napapagod na daw siyang patunayan ang sarili dito kaya pagkatapos ng aming kasal ay gusto niyang mamuhay na lamang kami nang payak, malayo sa lugar na ito."Mayroon akong nakausap sa Bicol na nagbebenta ng bahay at lupa. Mura lamang iyon at malapit pa sa bayan kaya mas madali tayong makakapagbukas ng negosyo pagkatapos ng kasal," ani Mateo habang kumakain kami ng pananghalian sa isang restaurant.Kagagaling lang namin sa pag-aasikaso ng mga papeles para sa aming kasal.Ngayong araw lang
Pinagmasdan ko ang singsing sa aking daliri. Mahigit isang buwan na ang nakakalipas simula nang isuot ito sa akin ni Mateo.Nang unang beses na dumantay ang singsing na ito sa aking daliri ay kakaibang saya ang dumaloy sa puso ko. Napakaromantiko ng oras na iyon para sa akin dahil sa harap ng Puong Maykapal ay binigkas ni Mateo ang mga katagang 'mahal kita'.Akala ko'y iyon na lamang ang aking maaalala sa tuwing titingnan at hahaplusin ko ang singsing na ito, ngunit nagkakamali pala ako.Sa isang iglap ay naging simbolo ito ng aking wasak na puso mula ng pagkabigo niyang tuparin ang isang pangako. Ang pangakong mag-iisang dibdib kami at mamumuhay ng payak malayo sa mundong ito.Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pag-ambon mula sa madilim na kalangitan. Hindi ko iyon alintana at nanatiling nakatayo sa tapat ng railings paharap sa magandang tanawin sa ibaba.Narito ako sa Top Hill Park, kung nasaan ang isa sa mga magandang alaa
"I am formally announcing the opening of Armira Chocolates Factory."Ang masigabong palakpakan mula sa mga taong dumalo sa pagbubukas namin ng pabrika ang sumalubong sa akin habang pababa ng maliit na entabladong ginawa ng mga tauhan sa hacienda.Matapos ang ilang buwang paghahanda para sa pabrika ay masisimula na din kami ng operasyon sa wakas.Binati ako ng mga investors at kliyente nang makababa ng entablado.Mayroong inihandang pagkain para sa kanila at mga libreng tsokolate na unang ginawa sa pabrika bago pa ang grand opening.Mabilis lamang na natapos ang programa kaya naiwan na lamang kaming tatlo nin Lesie at Attorney Sheldon sa lugar."Congratulations Cassandra!" Isang pulonpon ng rosas ang inabot sa akin ni Lesie habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng pabrika mula sa labas."Mabuti naitawid mo ang pagpapagawa ng pabrika sa kabila ng mga absences mo," ani Attorney Sheldon habang tutok ang kan'yang mga mata sa telepono.&
"Sigurado ka ba'ng kaya mong magmaneho ngayong gabi? Kung bukas ka na lang kaya nang maaga umuwi?"Ang nag-aalalang mukha ni Manang Dory ang pumigil sa akin palabas ng mansyon.Linggo ngayon at tuwing weekend ay sa Hacienda Miraflor na ako natutulog. Natutuwa nga ang mga katiwala ng mansyon dahil mayroon na daw silang pagsisilbihan bukod sa pagpapanatili ng kalinisan sa buong kabahayan.Hindi na lingid sa kanilang kaalaman ang sinapit kong kabiguan kay Mateo. Kahit pa hindi ko ito pormal na naipakilala sa kanila ay malugod naman silang natuwa nang ibalita kong ikakasal na ako rito. Kaya ganoon na lang ang kanilang pag-aalala sa akin nang malaman na hindi na ito natuloy."Kaya ko po manang, hindi pa naman po ganoon kalakas ang ulan."Kung tutuusin ay maaari na akong dito magpalipas ng gabi kaya lang ay sarado pa din ang maikling daan mula rito hanggang sa bahay. Ayon sa balita ay mas lalo pa'ng lalakas ng ulan hanggang bukas ng umaga at kung h
Limang minuto ang naging byahe namin patungong presinto. Kaagad na gumawa ng report ang pulis na naroon habang ipinapasalaysay muli sa akin at doon sa lalaking may-ari ng kotse ang nangyari kanina, na animo'y isang malaking aksidente."Ikaw Miss Cassandra Vidal ay nabangga ang kotseng minamaneho ni Mr. Troy Montalban dahil ayon sa iyong salaysay ay hindi mo maaninag ang daan dahil sa lakas ng ulan at madilim sa lugar," pagbubuod ng pulis sa aming salaysay kanina.Tumango na lamang ako habang panaka-naka ang sulyap sa orasang nakasabit sa pader. Malakas pa din ang ulan at sa wari ko'y hindi na talaga ito titila ngayong gabi."Ano po ba ang gusto ninyong mangyari sir?" tanong nito sa lalaki na ang pangalan ay Troy.Tiningnan muna ako nito ngunit nang taasan ko siya ng parehong kilay ay bumaling ito sa pulis."Kung kakasuhan ko po ba siya sir, ilang taon din po kaya siyang makukulong?"Napaawang ang labi ko sa seryoso niyang pagtatanong.
Suot ang akong kulay maroon na pares ng pajama ay pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.Magulo ang buhok, bakas ang kaunting itim sa ilalim ng mata at ang bahagyang pagbawas ng timbang. Ito ang aking nakikita.Sinubukan kong iangat ang magkabilang gilid ng aking labi upang makabuo ng isang ngiti ngunit hindi iyon umabot hanggang sa mata."Kumusta ka?" tanong ko sa aking sarili.Hindi pa ako okay. Ilang buwan na ba? Is it a year?Tama si Lesie I should start moving forward."Good morning!" Nakangiti kong bati kay tatay at kahit labag sa aking loob ay isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Vivian.Bakas sa mukha nila ang pagkagulat lalo na nang umupo ako upang sumabay sa kanila sa pagkain ng agahan."Manang isa pa'ng plato para sa anak ko," masayang utos ni tatay.Si Vivian naman ay tila manghang-mangha na pinagmamasdan ang ayos ko ngayon.Nakasuot ako ng puting white top na naka-tuck-in sa pulang fi
"Good morning.""Hello.""Magandang umaga po."Halos hindi matapos si Troy sa kakabati sa mga empleyado kong nakakasalubong namin. Kaunti na lang ay iisipin ko nang kakandidato siyang mayor sa bayan namin.Siya ang pinapunta ni Mr. Theodere Montalban sa opisina upang dumalo sa board meeting. Hindi lamang kasi kami mag-su-supply ng cacao sa bakeshop nila ngunit nais din ng kan'yang mga magulang na ibenta ang mismong tsokolate namin sa ibang bansa kung nasaan ang mga branches nila.Ngayon nga'y ililibot ko siya sa Hacienda Miraflor at pagawaan ng Armira Chocolate. Hindi ko lang inaasahan na para pa lang artista o pulitiko itong si Troy dahil halos lahat ng babaeng empleyado ko ay tumigil sa pagtipa sa kanilang mga laptop ng dumaan kami sa harapan nila upang batiin siya.Alam niya naman ang daan patungong Hacienda Miraflor kaya't nagkan'ya-kan'ya na lamang kaming sasakyan.Bukas na ang maikling daan patungo doon kaya mabilis kaming nakar
Ang walang tigil na pagtunog ng aking telepono ang umistorbo sa aking pagtulog. Alas-tres pa lamang ng umaga ngunit inuulan na ako ng tawag."Manang Dory?" Binalot ako ng kaba nang makita ang pangalan ni Manang Dory sa telepono kaya kaagad ko itong sinagot.Ang ingay sa kabilang linya ang bumungad sa akin."Manang?" ulit ko nang hindi siya magsalita."Sandra, nasusunog ang bodega!" humahangos nitong sabi.Mabilis akong nagbihis at bumaba. Hindi ko na ginising pa si Kuya Joel at pinaharurot ang kotse patungong hacienda.Halos magkasabay lamang kami na dumating ni Attorney Sheldon doon.Maitim na usok na ang naabutan namin dahil naapula na ang apoy."Ano po'ng nangyari? May nasaktan po ba sainyo?" tanong ko kaagad kay Manang Dory."Wala hija. Ang bodega lang ang nasunog pero walang nasaktan." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.Subalit kaagad din naman iyong naputol nang makita kong abo na lamang ang na