Share

Chapter 14

Hindi lamang diskarte at talino ang pinabago ni Attorney Sheldon sa akin, maging ang paraan ng aking pananamit ay nag-iba rin.

Pinasadahan ko nang tingin ang aking walk-in closet at napahinto sa tapat ng mga nakahilerang damit na pang-opisina. Marami akong biniling mga bagong damit kaya nahihirapan akong pumili kung alin doon.

Ang pagsa-shopping lamang kasi ang nagpapawala ng pagod ko mula sa trabaho. Wala akong maraming kaibigan bukod kay Lesie at kay Attorney Sheldon, na maaaring mag-aya sa isang bar o 'di kaya'y outing.

Kinuha ko ang pencil cut na light blue skirt at ipinares ito sa puting tank top. Inibabawan ko iyon ng blazer bago bumaba mula sa aking kwarto.

"Magandang umaga po," bati sa akin ni Kuya Joel, ang dapat sana'y driver ko pero mas madalas nang si tatay ang pinagmamaneho niya ngayon.

"Nasaan po si tatay?" tanong ko. Palaging wala si tatay dahil kung saan-saan sila nagpupunta ni Vivian. Hindi ko na siya nakakausap man lang kaya sa mg

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status