Share

Kapitulo XXVI - Survived

Imbis na umuwi sa condo upang magpahinga at mag-drama tungkol sa nangyari noong araw na iyon ay pinili kong ibuhos ang lahat ng aking oras sa pagta-trabaho. Halos buong araw akong nag-duty sa ospital hanggang sa lumagpas na ang bilang ng oras na kailangan kong punan ngayong linggo.

"Kailan mo balak umuwi sa bahay niyo? Ilang buwan ka nang hindi nagpapakita sa Mommy mo, ah? Alam pa ba ni Tita Gab itong ginagawa mo sa sarili mo?" seryosong tanong ni Ivory.

Ngumuso ako. "Bakit? Ano bang ginagawa ko? Nagta-trabaho lang naman ako, ah?" depensa ko.

Suminghap siya. "Tingnan mo nga ang sarili mo, Georgianna Isabella! Ilang araw ka nang walang matinong tulog at madalas ay wala ka pang kain! Magdo-doktor ka ba talaga? Gusto mong mag-alaga ng ibang tao pero ultimo sarili mo ay hindi mo maalagaan!" sermon niya sa akin.

Napapikit na lang ako nang marahan at hinayaan siyang pangaralan ako. Mahaba-habang sermon pa ang iginawad niya sa akin bago niya ako nakumbinsing

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status