Strawberry's POV“I have to go,” ani Seven isang umaga. Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mga mata. “Magiging abala ako buong maghapon.”Banayad akong ngumiti. “Hindi ka makakauwi sa tanghali?”Nanatili ang mga mata niya sa akin. Kalaunan ay kumunot ang noo niya at ngumisi. “Gusto mo ba?”Agad akong umiling at namilog ang mga mata. Kabisado ko na ang takbo ng isip niya. Baka ano na naman ang magawa namin. “H-hindi naman sa gano’n.”“Don't worry, I'll finish everything as soon as possible. Para makauwi agad ako sa iyo.” Hinapit niya ako sa baywang at pilyong hinagod ang aking pang-upo.Nagpigil ako ng sarili. Ayokong ngumiti o kiligin sa harap niya, panigurado kasing kung ano-anong kapilyuhan na naman ang tatakbo sa kaniyang isip.Umiling ako ulit. “Ayos lang talaga. Uuwi ka rin naman sa gabi.” Tumango-tango si Seven. Nang nasa gate na siya ay bumaling ulit siya sa akin. Tinitigan niya ako gamit ang seryoso niyang tingin bago nagsalita, “Tandaan mo
Strawberry's POVNASA yate pa lang kami, matatanaw na ang nagliliwanag na mga ilaw na nagmumula sa isla sa unahan. Malamig ang hanging pandagat at parang dyamanteng nagliliwanag ang karagatan sa tuwing tinatamaan ng liwanag ng buwan.Nang dumaong ang yate sa daungan ng isla ay agad kaming sinalubong ng isang lalaki na nakasuot ng pormal na business suit. “Sir, Ma'am, this way please,” anito na agad kong sinunod habang nasa likuran ko si Seven.Halos umawang ang labi ko sa pagkamangha sa isla. Gabi pa lang ngayon, pero sobrang ganda na ng paligid. Excited na akong makita ang isla sa araw. May gusali at kung anu-anong establisyemento. Sa tingin ko ay kumpleto ang islang iyon sa mga kailangan ng mga magbabakasyon.Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay ni Seven na pumulupot sa baywang ko. “Baby. Sa cottage na tayo,” aniya sa malambing na boses.Hindi niya inaalis ang kamay niya sa baywang ko kahit noong sumakay kami ng maliit na electric car na maghahatid sa amin sa cottage namin.*
Strawberry's POVILANG minuto akong naestatwa bago sila nilapitan at naiiyak na niyakap. Sa kabila ng mga ginawa nila at pagpapahirap sa akin, sila pa rin ang nakagisnan kong magulang. Hindi mawawala ang respeto ko sa kanila.“Saan ba kayo nagpunta, nanay? Bakit iniwan n'yo na naman ako?”Inalis ni Nanay ang pagkakapulupot ng mga kamay ko sa leeg. Ilag ang mga matang bumaling ito kay Seven. Tiningnan ko sila ni Tatay, habang ako ay may luha sa mga mata, sila ay parang wala lang.Umaasa pa rin ako na pakikitaan nila ako ng kaunting pagmamahal. Umaasa pa rin akong maramdaman ang pagkalinga ng isang magulang. Pero kahit matapos ng mga nangyari, wala pa rin silang pakialam sa akin.Natigilan lang ako sa pag-iisip nang marinig ang pagkasa ng baril sa likuran ko. Namimilog ang mga matang nilingon ko si Seven. May hawak siyang baril.“Where's the money?” matigas na tanong ni Seven nang maupo siya sa sofa na kaharap nina Nanay at Tatay. Halos hindi sila makatingin kay Seven. Nananatili lang
Strawberry's POV“I need to call my boyfriend. Can I borrow your phone?” ani Monday at nakangiti pa.Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko pero nagdadalawang-isip kung ibibigay sa kaniya. Baka kasi makita niya ang picture namin ni Seven, nahihiya ako."Buti na lang saulo ko ang number niya."Iaabot ko na sana sa kaniya ang cellphone ko, kaya lang nagtaka ako nang makitang gulat siyang nakatingin sa likuran ko.“Love?” bulalas ni Monday.Nagtatakang napalingon ako sa likuran ko, pero natigilan na lang nang malaman kung sino ang nasa aking likuran. Si Seven.Naguguluhang tiningnan ko si Monday. Malaki ang ngiting makikita ngayon sa mukha niya bago mabilis na tumakbo palapit kay Seven. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Magkakilala sila? O napagkamalan niya lang si Seven?Si Seven man ay bakas ang gulat at pagtataka sa mukha. Pagtakapos ay tumingin siya sa akin na parang nag-aalala."Love, what are you doing here? Oh my God! Are you here to visit your sister?
Strawberry's POV UNANG inihatid namin si Monday sa condo nito bago kami dumeretso pauwi. Ayaw nitong magpahatid sa kanilang bahay dahil siguradong mag-o-overreact daw ang mga magulang niya kapag nalaman ang nangyari.Tahimik ako sa sasakyan buong byahe. Panay sulyap naman sa akin si Seven. Maya't maya rin ito kung bumuntonghininga na parang may gustong sabihin, pero hindi naman matuloy-tuloy.Pagkarating namin sa mansion ay agad akong umakyat sa itaas. Hindi ko na siya hinintay na makababa muna sa sasakyan para pagbuksan ako.Alam kong nakasunod sa akin si Seven, pero hindi ko siya binigyan pansin. Pagkapasok pa lang namin sa silid ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa braso.“Why did you tell her that, Strawberry? Bakit mo sinabing katulong lang kita?”Nagbitiw ako ng mapait na ngiti nang salubungin ko ang mga mata niya. “Bakit? Gusto mo bang sabihin ko na babae mo ako? Na habang malayo siya ay naglalaro ka ng apoy sa iba? Na ako ang tinutukoy niyang basahan?”Doon na nags
Strawberry's POVPARA akong nasa loob ng isang balon na walang matakbuhan. Walang sasagip, walang magbibigay ng pisi para kapitan.Mula sa mukha ng mga taong nasa akin ang paningin, nabaling kay Seven ang mga mata ko. Nakita ko ang pag-aalala na nakapaskil sa mukha niya. Lalong nanlambot ang mga tuhod ko, lalo akong napahiya.“S-sorry po, sorry po,” mahinang sambit ko. Natatarantang yumuko ako para sana pulutin ang mga basag na plato, pero dahil sa pagkataranta, kusa na lang akong tumalikod at mabilis na tumakbo.Gusto kong umiyak nang makalabas ako ng mansion. Panay ang punas ko sa mga luha ko sa pisngi, pero para itong bukas na gripo.Muling bumalik sa akin ang eksena kung saan magkatabi sina Seven at Monday, at ang narinig na petsa kung kailan sila ikakasal.“Tumigil ka na, please.” Kausap ko sa sarili. Pinatutungkulan ko ang luhang walang sawang pumapatak mula sa mga mata ko.Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay parang kakapusin ako ng hangin. Hindi ko alam na nakasuno
Strawberry's POVTINALIKURAN ni Seven si Sir Sixto at akmang aalis na, pero natigilan siya nang makita ako sa sulok ng living room. Ang kaninang madilim na mukha niya ay agad na lumiwanag at lumambot nang magtama ang mga mata namin. Sandali niyang tiningnan si Ma'am Rosi at umiling dito. "I'm sorry, ma."Matapos no'n ay hinila niya ako paalis doon at dumiretso kami sa silid niya. Nagtungo agad siya sa walk-in closet niya. Mabilis ko naman siyang sinundan.Natatakot kasi ako sa mga narinig kanina. Gusto kong malaman kung anong binabalak niyang gawin.Kanina ay agad na umuwi sina Monday matapos matawagan ang family doctor nila para matingnan ito. Awang-awa ako sa kaniya pero pikit-mata kong tinikis ang konsensyang kumakain sa akin dahil kay Seven.“S-Seven...” Hinawakan ko ang dulo ng damit niya.Nilingon niya ako at doon ko natitigan ang dugo sa pumutok niyang labi. Nag-aalalang hinawakan ko iyon. Hinuli naman niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin."Na-miss kita," bulong niya n
Strawberry's POVPAGKATAPOS kong ibaba ang tawag, nakokonsensya man ay pinilit kong isawalang bahala ang konsensya ko dahil ganoon ko na kamahal si Seven. Nakahanda na akong tanggapin ang sasabihin ng iba, kahit tawagin pa akong mang-aagaw.Nang makalapit ako sa kama namin, natigilan ako nang makaramdam na parang babaliktad ang sikmura ko. Napatakbo ako sa CR at doon isinuka ang lahat ng kinain ko nang araw na iyon.Nang matapos ay nagtataka akong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Bakit bigla akong nakaramdam ng ganito? Wala naman yata akong ibang nakain na nakakasama sa tiyan. Bumalik ako sa kama at napatingin sa cellphone ko. Naka-display roon ang petsa ngayon. Agad akong may naalala. Kailan ba noong huling dinatnan ako?Kagat-labi akong napatingin sa natutulog na si Seven. Tahimik akong tumabi sa kaniya sa pagkakahiga sa kama. Kinuha ko ang braso niya upang yakapin siya at ipinikit ang mga mata.Kahit nakapikit na ako, naaalala ko pa rin ang mga sinabi ni Monday. Umaalingawn