Share

Chapter seven

Penulis: AnneVillamin
last update Tanggal publikasi: 2026-04-01 21:30:42

Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon, ngunit hindi ang sala.

Naka-upo si Amara sa couch, yakap ang sarili habang nakatitig sa sahig. Halos hindi siya gumagalaw, pero sa loob niya, parang may bagyong hindi matigil. Ramdam niya ang bigat ng bawat nangyari ngayong araw—lalo na ang tagpong muntik nang mabunyag ang lahat.

Si Jayden.

At si Ethan.

Hindi niya maiwasang bumalik sa alaala ng café, ng paraan ng pagtitig ni Ethan kay Jayden, ang mga obserbasyon ng bata, at ang nakakabalisang tanong ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Wife's Secret Son   Chapter 10

    Patuloy ang ingay at saya sa reception hall, ngunit para kay Amara, unti-unti nang lumalabo ang lahat. Ang tawanan, ang musika, ang mga pagbati—lahat iyon ay parang nasa malayo, habang ang isip niya ay nananatiling nakatali sa isang bagay.Sa dance floor, kakatapos lang nila ng kanilang first dance ni Ethan. Mahinahon siyang humiwalay sa kanya, ngunit nanatili ang kamay nito sa baywang niya, tila ayaw siyang pakawalan agad.“You did well,” mahina niyang sabi.Napatingin si Amara sa kanya. “I just followed you.”Bahagyang ngumiti si Ethan. “Then keep doing that.”Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang dating ang simpleng linyang iyon. Parang may ipinapahiwatig, isang pangako na hindi niya lubos na naiintindihan.Bago pa siya makasagot, muling nagsalita ang host.“Ladies and gentlemen, let’s give another round of applause for our newlyweds!”Nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti siya, nagkamaliit sa gitna ng mga camera flashes, ngunit sa likod ng mga iyon—isang lihim ang unti-unting

  • My Wife's Secret Son   Chapter nine

    Dahan-dahang humakbang si Amara sa gitna ng aisle, ramdam ang bawat tibok ng puso niya na parang kasabay ng bawat hakbang. Kanina pa tumutugtog ang entrance song, at habang naririnig niya ang bawat salita, lalo niyang nararamdaman ang bigat ng sandaling iyon.Hindi na siya makakabalik.Hindi na siya pwedeng umatras.Habang papalapit siya sa altar, mas lumilinaw sa paningin niya ang lalaking naghihintay sa kanya—si Ethan Reyes. Nakatayo ito, diretso ang tindig, suot ang itim na tuxedo na lalong nagpapatingkad sa presensya nito. Ngunit hindi ang itsura nito ang nagpahina sa tuhod ni Amara.Kundi ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.Parang siya lang ang nakikita nito sa buong simbahan.Napakagat siya sa labi at pilit inayos ang paghinga. Hindi ako si Amara… si Althea ako ngayon, paalala niya sa sarili.Isang hakbang pa.Isa pa.Hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa altar.“Take her,” sabi ng officiant habang inaabot siya ng ama niya kay Ethan.Marahang hinawakan ni Ethan ang kamay

  • My Wife's Secret Son   Chapter eight

    Maagang nagising si Amara, ngunit hindi dahil sa excitement. Kundi dahil sa kaba na tila hindi niya maalis sa dibdib. Ilang segundo siyang nakahiga, nakatitig sa kisame, habang pilit niyang iniintindi ang katotohanan. Ito na. Ang araw ng kasal niya. At hindi lang basta kasal. Ikakasal siya bilang si Althea. Ang bigat ng responsibilidad ay parang nakapatong sa dibdib niya, at kahit anong pilit niyang huminga nang malalim, ramdam niya ang pagkilos ng kanyang puso—malakas, mabilis, parang handang tumalon sa dibdib niya.“Amara…” mahinang tawag mula sa pintuan.Napalingon siya at nakita ang mama niya, si Carmen, na nakatayo roon. Tahimik, pero punong-puno ng bigat ang presensya nito. Hindi kailangan ng salita para ipaalala sa kanya kung gaano kaseryoso ang araw na ito.“Ma…” mahina niyang sagot.Lumapit si Carmen at umupo sa tabi niya. Ilang segundo silang parehong tahimik, walang sinasabi, ngunit pareho nilang alam ang iniisip ng isa’t isa. Ang katahimikan ay punong-puno ng hindi nasasab

  • My Wife's Secret Son   Chapter seven

    Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon, ngunit hindi ang sala.Naka-upo si Amara sa couch, yakap ang sarili habang nakatitig sa sahig. Halos hindi siya gumagalaw, pero sa loob niya, parang may bagyong hindi matigil. Ramdam niya ang bigat ng bawat nangyari ngayong araw—lalo na ang tagpong muntik nang mabunyag ang lahat.Si Jayden.At si Ethan.Hindi niya maiwasang bumalik sa alaala ng café, ng paraan ng pagtitig ni Ethan kay Jayden, ang mga obserbasyon ng bata, at ang nakakabalisang tanong ni Jayden kanina. Ang lahat ay naghalo sa kanya, parang dagok sa dibdib.Sa kabilang sofa, nakaupo ang mama niya, si Carmen, seryosong nakatingin sa kanya. Katabi nito ang papa niya, si Ricardo, tahimik pero halatang nag-iisip ng malalim. Ang presensya nila ay parehong nakakaaliw at nakaka-pressure, parang hawak nila ang bawat hakbang ng kanyang buhay.“Amara…” mahinang tawag ni Carmen.Hindi agad siya sumagot. Tumahimik, dahan-dahan na parang ayaw gumalaw sa bigat ng nangyayari.“Anak,” dagdag ni

  • My Wife's Secret Son   Chapter six

    Maagang nagising si Amara, hindi dahil sa alarm kundi dahil sa bigat ng pakiramdam sa dibdib niya. Para bang may kung anong hindi maipaliwanag na kaba na bumabalot sa kanya. Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame, tahimik, pilit inaayos ang magulong isip.Pero bumabalik pa rin.Paulit-ulit.Ang paraan ng pagtingin ni Ethan sa kanya kagabi.Ang lalim ng boses nito habang kausap siya.At ang halik…Napapikit siya agad at napahawak sa labi niya, parang gusto niyang burahin ang alaala—pero hindi niya magawa.“Stop it…” mahina niyang bulong sa sarili.Hindi pwede. Hindi dapat. Hindi niya pwedeng maramdaman ‘yon—lalo na para sa fiancé ng kambal niya.Mabilis siyang bumangon at pilit ibinalik ang sarili sa realidad. Kailangan niyang maging kalmado. Kailangan niyang maging si Althea sa harap ng iba—confident, elegant, at walang bahid ng kahinaan.Habang nag-aayos siya sa harap ng salamin, napatingin siya sa sarili niya. Maayos ang buhok, simple pero classy ang suot, at walang bakas ng kagul

  • My Wife's Secret Son   Chapter five

    Ang malamig na hangin sa labas ng kotse ay parang nagpapaalala kay Amara na may realidad siyang kailangan harapin. Ramdam pa rin niya ang init ng halik ni Ethan sa labi niya—parang naka-imprint sa bawat hibla ng katawan at puso niya. Ngunit habang nakaupo siya sa passenger seat, tahimik niyang pilit kinokontrol ang sarili. Alam niyang may lihim siyang tinatago, isang lihim na hindi puwede malaman ni Ethan—at mas lalo siyang nababahala dahil mas lalo siyang nahuhulog sa kanya.Tahimik si Ethan nagmamaneho. Ang mga ilaw ng streetlights ay dumadaan sa mukha ni Amara, nagpapakita ng bawat emosyon na pilit niyang itinatago. Napapatingin siya kay Ethan, at kahit simpleng pagtingin lang iyon, ramdam niya ang init sa dibdib niya. Ang mga mata niya ay nakatuon sa kalsada, ngunit nararamdaman niyang nakatitig sa kanya si Ethan mula sa gilid, at ramdam niya ang intensity na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.“Althea… are you okay?” mahina niyang bumulong, ramdam ang concern sa boses niya.Napal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status