Share

My Wildest Era With Ninong Theo
My Wildest Era With Ninong Theo
Author: Sky_1431

Chapter 1

Author: Sky_1431
last update Last Updated: 2025-10-29 03:27:01

Umiihip ang malamig na hangin sa sementeryo na parang pinapaalala sa akin na ako na lang ang natira.

Tahimik. Wala ni isang ibon. Wala ring bulaklak na sariwa sa harap ng lapida ng mga magulang ko. Ako lang, nakaluhod at  yakap-yakap ang nanlalamig kong katawan.

“Mama, Papa...” bulong ko, halos walang boses. “I’m sorry. I failed you.”

Nanginginig ang kamay ko habang pinunasan ang mga luha na walang tigil sa pag-agos. Wala na akong trabaho, wala na ang kumpanya namin, wala na rin akong dignidad.

Ang dating pangalan na “Alianna Villareal” na tinitingala sa business world, ngayon ay pinagtatawanan at kinamumuhian sa social media.

Ang bawat post, bawat comment, puro pangungutya.

“Karma’s real, Alianna.”

“You deserve to rot.”

“Ganda lang ang puhunan, walang utak.”

Tinakpan ko ang mukha ko. I want it to stop.

Ang boyfriend kong si Daniel— ang taong inakala kong kakampi ko sa lahat ay siya pa mismo ang nagbenta ng mga sikreto ng kumpanya namin. Nawala lahat dahil sa kanya.

At ang mga kaibigan kong tinuring kong pamilya? Isa-isang naglahong parang bula nang bumagsak kami.

Wala nang natira. Wala na talaga.

Tumingala ako sa madilim na langit. “Kung may awa ka pa, kunin mo na ako,” bulong ko. “Ayoko na. Pagod na ako.”

Isinuksok ko ang kamay ko sa bag, hinanap ang maliit na bote ng gamot, ang dapat sana’y magiging huling lunas sa lahat ng sakit. Ngunit bago ko pa man mabuksan, may malamig na boses na pumunit sa katahimikan.

“Alianna.”

Napatigil ako. Kilala ko ang boses na ’yon. Dahan-dahan akong lumingon, at doon ko siya nakita, si Ninong Theo Montenegro.

Matikas pa rin, kagaya ng pagkakaalala ko sa kanya noon. Matangkad, suot ang itim na coat kahit gabi. Ang mga mata niyang kulay abo, matalim pero puno ng awa habang nakatitig sa akin.

“W-What are you doing here?” halos pabulong kong tanong.

Lumapit siya. “You shouldn’t be here alone. Lalo na sa ganitong oras.”

Natawa ako nang mapait. “Alone? That’s all I have left, Ninong Theo. Wala na akong choice.”

Nanatili siyang tahimik. Sa bawat hakbang niya papalapit ay lalo kong naramdaman ang bigat ng presensya niya. Hindi siya nagsalita agad at tumigil lang siya sa tabi ko, tinitigan ang mga puntod nina Mama at Papa.

“I miss them too,” sabi niya nang mahina. “They were good people.”

“Good people don’t deserve to die like that,” sagot ko at ramdam ang panginginig sa boses ko. “At wala akong magawa. Ni hindi ko man lang naprotektahan ang mga naiwan nilang pinaghirapan.”

Nagtagal ang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko, mahigpit pero mainit. “Let’s go, Alianna,” aniya. “Hindi ka puwedeng magpakalunod sa ganito.”

“Anong pakialam mo?” singhal ko sa kanya. “Wala ka namang alam sa pinagdaanan ko.”

Pero hindi siya bumitaw. “Alam ko. Alam kong sinira nila ang lahat ng minahal mo. At alam kong gusto mong bawiin ’yon.”

Napatingin ako sa kanya bahagyang nagulat. “Paano mo—?”

Hindi niya ako pinatapos. “Sumama ka sa akin. Tutulungan kitang bumangon. Hindi ito ang katapusan mo, Alianna.”

Bumagsak ang luha mula sa mata ko, pero ang tono ng boses niya ay matigas at buo, parang walang espasyo para tumanggap ng pagtanggi bilang sagot.

“Bakit mo ako tutulungan?” tanong ko. “Ano bang makukuha mo sa ganito?”

Sandaling natahimik si Ninong Theo. Parang may mga salitang gustong kumawala, pero pinipigilan niya. “Let’s just say that I owe your father,” sabi niya sa huli. “And I made a promise.”

Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon ay may nakita akong liwanag sa dilim. Hindi iyon awa. Hindi rin simpatiya. Kung hindi determinasyon.

“Alianna,” malumanay niyang sabi, “I can save what’s left of your family’s company. But you’ll have to trust me.”

Napangiwi ako. “Trust? After everything? I can’t even trust myself.”

He gave a small smile, one that didn’t reach his eyes. “Then let me trust for you.”

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, pero sa sandaling iyon ay parang nagbago ang ihip hangin. “May paraan pa ba para makabawi?” tanong ko sa mahina kong boses.

“Meron,” sagot niya. “Pero hindi madali. Kailangan mo akong samahan sa laban na ’to.”

“Laban?”

“Against the people who destroyed your parents. Against Daniel.”

Kahit alam ko naman ang tungkol doon ay nabigla pa rin ako. “Anong kinalaman ni Daniel—?”

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang daliri niya. “Not now. You’ll know everything when the time is right.”

Tinitigan ko siya pero nanatiling matatag ang ekspresyon niya.

“Ang gusto ko lang ngayon,” dagdag niya pa, “ay iligtas ka mula sa sarili mong galit.”

Tinitigan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin— malaki, mainit, at napapakalma ako kahit papaano. “Bakit mo ako tinatrato nang ganito?” tanong ko. “Ten years older ka sa akin, best friend ka ni Papa at ninong kita, dapat parang anak ang trato mo sa akin.”

Ngumiti siya, halos nagpapahiwatig ng delikado. “Maybe I should. Pero hindi ko magawa.”

Tila bumagal ang oras. Ang buwan at ang hangin, lahat tila nakikinig sa pagitan ng usapan naming dalawa. At doon ko naramdaman ang kakaibang tibok sa dibdib ko.

Hindi naman ito pag-ibig, siguro?

Hindi rin ito takot.

Parang apoy na matagal nang natutulog sa ilalim ng abo at ngayon ay unti-unting nagigising.

“Sumama ka sa akin,” sabi niyang muli na mas mariin ngayon. “Magpakasal ka sa akin, Alianna.”

Natigilan ako. “What... w-what did you just say?”

“Marry me,” ulit niya. “I’ll restore the company. I’ll clear your name. And in return, you’ll be my wife.”

Halos hindi ako makahinga. “Bakit? B-Bakit ako?”

He looked at me, his gaze unrelenting. “Because you’re the only one I want standing beside me when I destroy them.”

Tahimik akong napalunok. Sa ilalim ng malamig na buwan, sa gitna ng mga puntod ng mga magulang ko, isang panibagong pakikibaka ang ipinanganak.

Ang gabi ng pagwawakas ay naging simula ng paghihiganti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wildest Era With Ninong Theo   Chapter 23

    Tahimik ang buong safehouse mula nang dumating kami kagabi. Wala kang maririnig kundi hampas ng hangin mula sa dagat, at ang pag-alon na tila sumasabay sa sobrang bigat ng dibdib ko. Wala pa ring masyadong tao rito—iilan lang na tauhan ni Theo ang nagbabantay sa perimeter, puro highly trained, walang kahit sinong maaaring magpagala-gala.Nakatulog si Theo nang mahigpit ang yakap sa ’kin. Marahil pagod na pagod siya sa biyahe, sa tensyon sa Paris, sa pagdating ng childhood friend niyang si Clara… at sa biglaang pagbabalik namin sa Pilipinas. Pero ako? Hindi ako nakatulog nang maayos.Pakiramdam ko ay mayroon pang tinatago si Theo.Kaya habang mahimbing pa si Theo at mabagal ang hinga niya, dahan-dahan akong bumangon. Sinigurado kong hindi gagalaw ang kama. Sinigurado kong hindi siya magigising. Huminga ako nang malalim, tumayo, at lumabas ng kwarto.Tahimik. Walang tao sa hallway.Ang safehouse ay parang private coastal villa na ginawang fortress—puro minimalist, puro glass windows na

  • My Wildest Era With Ninong Theo   Chapter 22

    Pagkalapag namin sa Pilipinas, hindi na kami dumaan sa regular exit ng airport. May sariling ruta si Theo, isang secured passage na tanging mga kilala lang niya ang pinapayagang gumamit. Tahimik kami pareho habang sinasakay kami sa isang black SUV na may heavily tinted windows. May tatlong sasakyan na nakapailalim bilang convoy—dalawa sa harap, isa sa likod.Wala ni isang salita si Theo habang nagmamaneho ang head driver niya, si Marco—isang matangkad na lalaki na halatang military ang dating. Ang mga mata niya ay parang built-in scanner, laging alerto sa bawat gilid ng kalsada. Ako naman ay nakatingin lang sa labas, sinusubukang huminga nang normal."Are you okay?" tanong ni Theo na para bang ilang oras na niyang pinipigilan."I'm… still processing everything," sagot ko, hindi tumitingin sa kanya.Ibinalik niya ang kamay ko sa kanya—mainit, matatag, at nakakahinahon. “Safe ka na ngayon. I promise you that.”Pero kahit narinig ko ang pangako, hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko alam

  • My Wildest Era With Ninong Theo   Chapter 21

    Tahimik ang buong suite matapos ang sinabi ni Clara. Para bang may manipis na ulap ng takot na namalagi sa paligid namin. Ramdam ko ang labo ng utak ko dahil sa mga narinig—si Daniel ay nasa Paris, nanonood, sumusunod… at may plano.Huminga si Theo nang malalim at tumayo. “Clara, sumama ka muna sa’kin. We’ll talk outside.” Tumingin siya sa’kin. “Alianna, stay here. I’ll just be at the hall.”Ayaw ko sana siyang paalisin, pero ramdam ko rin sa tono niya na kailangan niya munang ayusin ang anumang dapat niyang malaman mula kay Clara. May bahagi rin sa’kin na natatakot malaman kung anong tatalakayin nila.Clara gave me a small, apologetic smile before following Theo. Dinig ko ang marahang pagsara ng pinto.Naiwan akong mag-isa sa loob ng suite.At nang biglang sumiksik ang katahimikan, doon ko lang ramdam ang panginginig ng kamay ko. Hindi dahil sa lamig… kundi dahil sa katotohanang may taong nanonood sa amin kahapon.May taong nakaabot mismo sa pintuan ng buhay namin.Dito sa Paris.Nag

  • My Wildest Era With Ninong Theo   Chapter 20

    Kinaumagahan, medyo mabigat pa ang pakiramdam ko sa eyelids kapag dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Maliwanag ang silid—malambot ang sikat ng araw na pumapasok mula sa floor-to-ceiling windows ng bagong suite namin. Tahimik. Malinis. Parang walang nangyaring kaguluhan kagabi.Pero may kakaibang lamig sa dibdib ko.Nakahiga ako sa gilid ng kama, habang si Theo ay nakaupo na sa mahabang sofa, naka-polo at half-buttoned, hawak ang phone niya. Mukhang kakagising lang niya, pero alerto na agad—parang may iniisip na mabigat.“Good morning,” sabi niya, hindi lumilingon.Napakurap ako. “Ngayon ka lang bumati nang hindi nakatingin sa’kin.”Doon siya dahan-dahang tumingin, at parang may kung anong tension sa pagitan namin—remnants of last night, the warmth, the closeness, the vulnerable confessions.Pero iba ang expression niya ngayon. Iba ang ngiti. Parang pilit.“May dadating kasi,” wika niya finally. “Someone I need to talk to.”May kumislot sa sikmura ko. “Daniel?”“No. Someone fro

  • My Wildest Era With Ninong Theo   Chapter 19

    Tahimik kaming dalawa ni Theo habang papunta sa top floor. Hindi ito ‘yong tahimik na komportable—kundi ‘yong tahimik na may mabigat na humihinga sa pagitan namin. The kind that sits in your chest, sa gitna ng leeg mo, parang may nakadagan.Hawak ni Theo ang kamay ko mula pa nang umalis kami sa dating suite. Hindi ko alam kung para ba iyon sa seguridad ko o para mapakalma niya ang sarili niya. Pareho siguro. Kanina, nung nakita niya ‘yong mga mensahe ni Daniel, parang may sumabog sa loob ni Theo na hindi ko pa nakikita noon. Tahimik siyang galit—iyong tipo ng galit na delikado.Pagdating namin sa pinakataas na floor, bumungad agad ang dalawang security guards na naka-black suit. Tahimik silang yumuko kay Theo, all professional, all alert. At doon ko lang talaga naramdaman ang bigat na dala ng apelyido niya.“Sir Montenegro, the suite has been cleared. No signs of intrusion,” sabi ng isang guard in accented English.Theo only nodded, hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko. “Double the patr

  • My Wildest Era With Ninong Theo   Chapter 18

    Tahimik ang buong suite nang magising ako kinagabihan. Akala ko maaga pa, pero pagtingin ko sa wall clock, 6:47 PM na pala. The emotional hurricane from earlier made me feel tired. I reached for the other side of the bed — malamig na. Wala si Theo.Napasinghap ako.Kahapon lang, he confessed everything — not the whole truth, pero malalaking piraso. Daniel’s involvement. The danger around me. The years Theo spent quietly protecting me. The feelings he tried so hard to bury. It was overwhelming. Terrifying. Comforting. Confusing.At ngayon, wala siya sa tabi ko. Of course. Business meeting—urgent, daw. Pero bakit parang may mas mabigat pang gumigising sa dibdib ko?I sat up, huminga nang malalim, then walked toward the balcony. Paris evenings were supposed to be beautiful. Romantic. Peaceful. But as I looked out at the city lights, parang may nakaaligid na multo sa hangin.Pagbalik ko sa kama, tumunog bigla ang phone ko.A small vibration.A single notification.Unknown number.Hindi ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status