LOGIN“Are you sure about this?” tanong ni Theo habang inaayos ng stylist ang buhok ko. Ang mga ilaw ng hotel ballroom ay nakakasilaw at sa labas ng glass doors ay naririnig ko na ang mga reporter— naghihintay sa ‘breaking news’ na magpapaingay sa buong business world.
“Yes,” sagot ko kahit hindi sigurado. “Wala nang atrasan, ‘di ba? We already signed the papers.” Ngumiti siya. “That’s right. Wala nang atrasan.” Lumapit siya, inayos ang kwelyo ng white polo dress ko, simple pero elegante, bagay sa isang 'Montenegro'. “Breathe, Alianna,” bulong niya. “After tonight, you’ll be reborn.” “Reborn or condemned,” sabi ko at pilit na ngumiti. Ngumiti rin siya, pero may lalim sa mga mata. “Depende kung paano mo lalaruin ang laban.” --- “Ladies and gentlemen,” anunsyo ng host, “we welcome you to the official press conference of Mr. Theo Montenegro, CEO of Montenegro Holdings and his new fiancée, Miss Alianna Villareal.” Parang sumabog ang bulungan ng mga tao. Flash after flash. Hindi lang nakakasilaw, nakakabingi pa ang ingay. The whispers were vicious and judging. “Isn’t she bankrupt?” “She’s using him to climb back up.” “She’s ten years younger, classic gold digger move.” Pinilit kong maging matatag at pinilit kong ngumiti. Ninong Theo, on the other hand, looked like a king— calm, powerful, untouchable. Nakatayo siya sa tabi ko at ang kamay niya ay marahang nakahawak sa bewang ko, parang sinasabi sa lahat 'she's mine'. “Thank you for joining us tonight,” sabi niya sa mikropono, malalim at buo ang boses. “We wanted to share this with everyone personally. After everything that’s happened, I believe in second chances— for my company, and for the people I care about.” Tumikhim ako at kinuha ang mikropono. “After the loss of my parents, I thought I’d lost everything,” sabi ko at pilit na kinalma ang buo kong sistema. “But T-Theo, helped me see that it’s not the end. I’m grateful that he chose to stand by me.” Tahimik ang audience pero ramdam ko ang panghuhusga. At bago pa ako makapagpatuloy ay biglang bumukas ang pinto ng ballroom. “Stand by you?” Isang boses ng babae, matinis pero malakas. At nang lumingon ako, naroon siya. Maganda siya, sobra. Matangkad, may suot na sleek red dress, at confident ang bawat hakbang. Her name rolled in whispers across the room. “Samantha Reyes.” Ang ex ni Theo. At isa sa mga directors ng Montenegro Holdings. “Oh my God…” bulong ng isang reporter. “That’s his former fiancée!” Napako ako sa kinatatayuan ko. Samantha’s eyes found mine, and her smile was sharp enough to cut glass. “So this is her?” tanong niya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “The woman you’re marrying? Theo, really?” Ninong Theo’s jaw tightened. “Samantha, not now.” “Not now?” Tumawa siya pero halatang mapait iyon. “You announce your engagement to the entire media without even informing the board and you expect me to stay quiet?” Lahat ng camera ay nakatutok sa amin. Ramdam ko ang tensyon at ang galit ni Samantha. Lumapit siya at halos ilang pulgada na lang ang layo sa akin. “Tell me, Alianna,” sabi niya at pilit ang ngiti. “Do you even love him? Or is this just part of your little comeback story?” Nanginig ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pero bago pa ako makasagot, si Ninong Theo ang sumagot para sa akin. “She doesn’t need to explain herself to you,” madiin niyang sabi. “We’re getting married. That’s all that matters.” Nagulat ako sa tono niya, malamig at mapanganib. Pero si Samantha ay hindi pa rin nagpatinag. “Married?” she repeated at saka tumawa. “You mean a merger, right? Because that’s all she’s good for. A scandal, a name, a broken company you can use.” Napigil ko ang paghinga. Hindi ko alam kung nasaktan ako dahil totoo iyon o dahil sa harap ni Ninong Theo, ganoon ako tingnan ng mundo. “Enough,” sabi ni Ninong Theo at lumapit kay Samantha. “Leave.” “Or what?” tanong niya at lantarang hinahamon siya. “You’ll destroy me like you destroyed everyone else who crossed you?” That made me blink. What does she mean? But Ninong Theo didn’t answer. Instead, he turned to the reporters. “Press conference is over,” sabi niya nang matatag. “No more questions.” Tinanggal niya ang coat niya at marahang isinampay sa balikat ko, parang sinasabi sa lahat na protektado niya ako. At kahit hindi niya sinabi, ramdam kong mensahe niya iyon para kay Samantha. Pagbalik namin sa kotse ay tahimik kaming dalawa. The city lights passed by like ghosts, and my thoughts were a storm. “Who was she to you?” tanong ko sa wakas. “Someone from the past,” sagot niya nang maiksi. “Walang halaga.” “Doesn’t look like it,” sabi ko. “She looked like she's ready to kill me.” Napabuntonghininga siya. “Samantha doesn’t like losing. And she just lost.” “Lost what?” “Me,” sabi niya na diretso ang tingin sa kalsada. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Selos? Galit? Hindi ko dapat maramdaman iyon. Hindi pa nga kami totoong mag-asawa. Pero nang maalala ko ang paraan ng pagtitig ni Samantha sa kanya, parang may kurot sa dibdib ko. “You didn’t have to defend me like that,” sabi ko. “You made it worse.” “No,” sagot niya. “I made it clear.” Napalingon ako sa kanya. “Clear?” “That you’re mine,” sabi niya nang walang pag-aalinlangan. At sa isang iglap, parang biglang huminto ang oras. “Don’t say things you don’t mean, Ninong Theo,” bulong ko. “Who said I don’t mean it?” balik niyang tanong sa akin. "And don't call me ninong. I'm you're fiance now." Ilang minutong katahimikan. Walang ibang maririnig kung hindi ang tibok ng puso ko at ang mahina niyang buntonghininga. Pag-uwi namin sa bahay niya ay dumiretso siya sa study room niya na parang library na rin. Iniwan niya akong mag-isa sa sala, pero ramdam kong may bagyong nabubuo sa loob ng mansyon. At bago ako pumasok sa kwarto ko, narinig ko siyang may kausap sa telepono— mahina, pero malinaw. “Keep an eye on Daniel Reyes. He’ll make a move soon.” “No, she doesn’t know. And she must never find out.” Napahinto ako. Daniel Reyes? Samantha Reyes? Ngayon ko lang napagtanto parehas ng apelyido ang ex-boyfriend ko at ang ex-fiance ni Theo. Nanginig ang kamay ko. What if Samantha and Daniel were connected? What if Theo already knew more than he was telling me? At doon ko naramdaman... Hindi lang pala ako ang naglalaro sa laban na ‘to. Kasama ako sa isang mas malaking giyera at baka si Theo mismo, hindi ko rin ganap na kakampi.Tahimik ang buong safehouse mula nang dumating kami kagabi. Wala kang maririnig kundi hampas ng hangin mula sa dagat, at ang pag-alon na tila sumasabay sa sobrang bigat ng dibdib ko. Wala pa ring masyadong tao rito—iilan lang na tauhan ni Theo ang nagbabantay sa perimeter, puro highly trained, walang kahit sinong maaaring magpagala-gala.Nakatulog si Theo nang mahigpit ang yakap sa ’kin. Marahil pagod na pagod siya sa biyahe, sa tensyon sa Paris, sa pagdating ng childhood friend niyang si Clara… at sa biglaang pagbabalik namin sa Pilipinas. Pero ako? Hindi ako nakatulog nang maayos.Pakiramdam ko ay mayroon pang tinatago si Theo.Kaya habang mahimbing pa si Theo at mabagal ang hinga niya, dahan-dahan akong bumangon. Sinigurado kong hindi gagalaw ang kama. Sinigurado kong hindi siya magigising. Huminga ako nang malalim, tumayo, at lumabas ng kwarto.Tahimik. Walang tao sa hallway.Ang safehouse ay parang private coastal villa na ginawang fortress—puro minimalist, puro glass windows na
Pagkalapag namin sa Pilipinas, hindi na kami dumaan sa regular exit ng airport. May sariling ruta si Theo, isang secured passage na tanging mga kilala lang niya ang pinapayagang gumamit. Tahimik kami pareho habang sinasakay kami sa isang black SUV na may heavily tinted windows. May tatlong sasakyan na nakapailalim bilang convoy—dalawa sa harap, isa sa likod.Wala ni isang salita si Theo habang nagmamaneho ang head driver niya, si Marco—isang matangkad na lalaki na halatang military ang dating. Ang mga mata niya ay parang built-in scanner, laging alerto sa bawat gilid ng kalsada. Ako naman ay nakatingin lang sa labas, sinusubukang huminga nang normal."Are you okay?" tanong ni Theo na para bang ilang oras na niyang pinipigilan."I'm… still processing everything," sagot ko, hindi tumitingin sa kanya.Ibinalik niya ang kamay ko sa kanya—mainit, matatag, at nakakahinahon. “Safe ka na ngayon. I promise you that.”Pero kahit narinig ko ang pangako, hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko alam
Tahimik ang buong suite matapos ang sinabi ni Clara. Para bang may manipis na ulap ng takot na namalagi sa paligid namin. Ramdam ko ang labo ng utak ko dahil sa mga narinig—si Daniel ay nasa Paris, nanonood, sumusunod… at may plano.Huminga si Theo nang malalim at tumayo. “Clara, sumama ka muna sa’kin. We’ll talk outside.” Tumingin siya sa’kin. “Alianna, stay here. I’ll just be at the hall.”Ayaw ko sana siyang paalisin, pero ramdam ko rin sa tono niya na kailangan niya munang ayusin ang anumang dapat niyang malaman mula kay Clara. May bahagi rin sa’kin na natatakot malaman kung anong tatalakayin nila.Clara gave me a small, apologetic smile before following Theo. Dinig ko ang marahang pagsara ng pinto.Naiwan akong mag-isa sa loob ng suite.At nang biglang sumiksik ang katahimikan, doon ko lang ramdam ang panginginig ng kamay ko. Hindi dahil sa lamig… kundi dahil sa katotohanang may taong nanonood sa amin kahapon.May taong nakaabot mismo sa pintuan ng buhay namin.Dito sa Paris.Nag
Kinaumagahan, medyo mabigat pa ang pakiramdam ko sa eyelids kapag dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Maliwanag ang silid—malambot ang sikat ng araw na pumapasok mula sa floor-to-ceiling windows ng bagong suite namin. Tahimik. Malinis. Parang walang nangyaring kaguluhan kagabi.Pero may kakaibang lamig sa dibdib ko.Nakahiga ako sa gilid ng kama, habang si Theo ay nakaupo na sa mahabang sofa, naka-polo at half-buttoned, hawak ang phone niya. Mukhang kakagising lang niya, pero alerto na agad—parang may iniisip na mabigat.“Good morning,” sabi niya, hindi lumilingon.Napakurap ako. “Ngayon ka lang bumati nang hindi nakatingin sa’kin.”Doon siya dahan-dahang tumingin, at parang may kung anong tension sa pagitan namin—remnants of last night, the warmth, the closeness, the vulnerable confessions.Pero iba ang expression niya ngayon. Iba ang ngiti. Parang pilit.“May dadating kasi,” wika niya finally. “Someone I need to talk to.”May kumislot sa sikmura ko. “Daniel?”“No. Someone fro
Tahimik kaming dalawa ni Theo habang papunta sa top floor. Hindi ito ‘yong tahimik na komportable—kundi ‘yong tahimik na may mabigat na humihinga sa pagitan namin. The kind that sits in your chest, sa gitna ng leeg mo, parang may nakadagan.Hawak ni Theo ang kamay ko mula pa nang umalis kami sa dating suite. Hindi ko alam kung para ba iyon sa seguridad ko o para mapakalma niya ang sarili niya. Pareho siguro. Kanina, nung nakita niya ‘yong mga mensahe ni Daniel, parang may sumabog sa loob ni Theo na hindi ko pa nakikita noon. Tahimik siyang galit—iyong tipo ng galit na delikado.Pagdating namin sa pinakataas na floor, bumungad agad ang dalawang security guards na naka-black suit. Tahimik silang yumuko kay Theo, all professional, all alert. At doon ko lang talaga naramdaman ang bigat na dala ng apelyido niya.“Sir Montenegro, the suite has been cleared. No signs of intrusion,” sabi ng isang guard in accented English.Theo only nodded, hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko. “Double the patr
Tahimik ang buong suite nang magising ako kinagabihan. Akala ko maaga pa, pero pagtingin ko sa wall clock, 6:47 PM na pala. The emotional hurricane from earlier made me feel tired. I reached for the other side of the bed — malamig na. Wala si Theo.Napasinghap ako.Kahapon lang, he confessed everything — not the whole truth, pero malalaking piraso. Daniel’s involvement. The danger around me. The years Theo spent quietly protecting me. The feelings he tried so hard to bury. It was overwhelming. Terrifying. Comforting. Confusing.At ngayon, wala siya sa tabi ko. Of course. Business meeting—urgent, daw. Pero bakit parang may mas mabigat pang gumigising sa dibdib ko?I sat up, huminga nang malalim, then walked toward the balcony. Paris evenings were supposed to be beautiful. Romantic. Peaceful. But as I looked out at the city lights, parang may nakaaligid na multo sa hangin.Pagbalik ko sa kama, tumunog bigla ang phone ko.A small vibration.A single notification.Unknown number.Hindi ko







