ZED DAVEN’S POV“Fuck!” Napamura akong bigla sa aking sarili ng makita ko ang dugo sa noo ni Blaze at parang wala na siyang lakas upang umahon pa sa swimming pool. Natatarantang tumalon ako sa pool at sinagip siya. Nang makaahon na ako sa tubig, inilapag ko ang katawan niya sa gilid ng pool. Masyado siyang maraming nainom na tubig, dagdagan pa ng maraming dugo na lumabas mula sa sugat sa noo niya kaya siya nawalan ng malay. Pinakinggan ko ang heartbeat niya at nang mapagtanto kong humihinga pa siya, kaagad akong ng perform ng CPR sa kanya. Binuksan ko ang daanan ng hangin niya sa pamamagitan ng pagtagilid ng kanyang ulo pabalik at pag-angat ng kanyang baba. Sinarado ng aking kamay ang ilong niya. Huminga muna ako ng malalim at saka tinakpan ng aking bibig ang bibig niya upang makalikha ako ng airtight seal. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng dalawang segundong paghinga habang pinapanood ang pagtaas ng kanyang dibdib. Pinasundan ko ulit ng dalawang paghinga at saka binigyan ng tatlumpon
Kalahating oras din ang lumipas bago ko natapos ang pagtahi ng sugat sa noo ni Blaze. Pagkatapos kong ma-inject sa kanya ang nararapat na gamot para sa sakit at pamamaga ng kanyang sugat, sinigurado ko munang bumaba na ang kanyang lagnat, bago ako umalis at lumabas ng aking clinic. Nagtungo ako sa isang unit ko na nasa 56th floor. Nasa 55th Floor lang naman ang clinic ko kaya mabilis lang ako nakarating sa unit ko kung saan ako natutulog. Fifteen years old pa lang ako nang maisipan kong itayo ang Skyline Condominium at masasabi kong isa ito sa pinakamataas na condominium sa buong bansa. Parang regalo na rin ito ni lola sa akin noong 15th birthday ko dahil siya na ang umako ng lahat ng mga gastos sa pagpapagawa nito. Mula 55th floor hanggang top floor ay ginawa kong exclusivo para lamang sa akin at tanging fingerprint ko lamang ang siyang susi para makapasok dito. Isa sa mga rason ko ay si Dad. Ayoko kasi na basta-basta na lang siya papasok dito at guguluhin ang buhay ko. Iwan ko
“Boss, pare, payong kaibigan lang, huwag mong daanin sa init ng ulo ang problema mo. Kaya kita sinamahan dito dahil alam kong kailangan mo rin ng kausap. Ano bang gumugulo diyan sa utak mo? Tungkol ba ito sa sinabi ko sayo na pagpapakasal kay Lexie?” nagtatakang tanong sa akin ni Leon, habang inaabot sa akin ang baso ng alak.Agad ko namang kinuha yon at mabilis na tinungga. Sa pagkakataong ito hindi na ako gumamit ng baso pa. Agad kong tinungga ang laman ng bote sa kagustuhan na mabilis akong malasing at makatulog.“Boss, dahan-dahan lang. Alalahanin mong may concert ka pa mamaya. Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo sakaling malaman nila na pumunta ka ng concert na lasing.” paalala sa akin ni Leon.Saglit akong natigilan ng marinig ang sinabi niya.“Fans? Sa tingin mo ba Leon, darating siya?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Leon habang patuloy pa rin sa pagtungga ng alak.“Huh? Sino Boss?” nalilitong tanong ni Leon.“Si Blaze. Sa tingin mo darating ba siya? Sadyang nagpareserve
BLAZE'S POV Masaya akong nakikipag harutan kay Zed habang kumakain kami. Sinusulit ko ang bawat minuto na kasama ko siya dahil hindi ko alam kung kailan na naman ulit kami magkikita. "Peanut, may itatanong sana ako sayo. Ano kasi, yung kaibigan ko problemado, kaya humingi siya sa akin ng advice. Hindi kasi ako magaling sa pagbibigay ng ganun kaya naisip ko na tanungin ka." Napatingin ako kay Zed nang magsalita siya habang kami ay kumakain. "Bakit ano ba ang problema niya?" Balewala kong tanong habang patuloy pa rin sa pagkain. "Ganito kasi yun. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa girlfriend niya ang tunay na identity niya, dahil mali ang pagkakakilala nito sa kanya nung umpisa pa lang." Tiningnan ako ni Zed, waring inaaral ang aking reaksyon. "Huh? Bakit naman? Ano ba ang pagkakakilala sa kanya nung umpisa?" takang tanong ko. Nakita ko siyang napakamot sa kanyang batok. Waring nag-iisip pa kung sasabihin sa akin o hindi. "Teka, Tikman mo ito mahal, ang sarap." sabay pasub
Nag half bath lang ako kaya di nagtagal, lumabas na rin ako sa bathroom, bihis ang bagong bili niyang damit para sa akin. Isa itong casual chiffon dress na kulay pula at abot lamang hanggang tuhod. May kasama itong maliit na silver belt sa baywang na bumagay sa silver sandals na binili na rin niya sa akin. Aaminin kong magaling si Dr. Zane pumili ng damit na nababagay sa isang babae. Malamang palagi na niya itong ginagawa, ang regalohan ang mga babae niya. Pero ayokong isama ang sarili ko na isa sa mga niregalohan niya. Babayaran ko ito sa kanya kapag nakaluwag-luwag na ako.Napatingin siya sa akin at nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Lumabas ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti siya sa akin.“Wow, you look stunning tonight.” manghang wika niya ng makalapit na ako sa kanya. “Stunning pa ba itong pagmumukha ko, eh, mayroong bendahe ang noo ko.” agad na kontra ko sa kanya, habang pasimpleng sumusulyap sa hickey sa kanyang leeg.“Okay lang yan. Hin
“Hi, how are you?” agad akong nakabawi ng marinig ko ang tanong niya sa akin. “I’m..I’m Fine.” nauutal kong sagot. Nakita ko siyang pilyo na ngumiti. “Alright, Do you know how to sing Crazy?” “What?” biglang sagot ko dahil nalito ako sa tanong niya. Nakita ko siyang cute na ngumiti, at parang nang-aakit na nakatitig sa akin. “I mean, the song Crazy for you. Do you know how to sing that song?” tanong ulit niya habang pasimpleng pinipisil ang aking kamay. “Y…yes.” nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako sa mga ginagawa niya. “Music, please.” agad niyang request sa operator. Di nagtagal maririnig na ang intro ng kakantahin naming dalawa. Nakita ko siyang sumenyas na siya ang mauna na kakanta, naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. Magkataob pa rin ang aming mga palad, nang sinimulan na niyang kantahin ang unang lyrics ng kanta. “Swaying room as the music starts Strangers making the most of the dark Two by two, their bodies become one I see you thro
ALAS ONSE na nang gabi nang makauwi ako sa dorm. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating eh. Agad akong nagpalit ng pantulog na damit saka sumalampak sa aking higaan.Kahit anong iyak ko ngayon, ayaw nang lumabas ng luha sa aking mga mata, paano naubos ko nang palabasin kanina sa daan pa lang. Ayaw kong dalhin pa dito sa kwarto ko, baka pasukin pa ng negative vibes at malasin ako araw-araw. Mabuti na lang at linggo bukas, uuwi muna ako sa amin. Babalik na lang ulit ako dito sa Monday, kapag pasukan na naman. Bahala na kung pagagalitan ulit ako ni mom at dad, mag bingi-bingihan na lang ako, tutal naman sanay na akong binubungangaan nila simula ng mamatay si Ate. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at ini-on. Pinatay ko kasi ito kanina dahil ayaw ko ng dinidistorbo ang pagluluksa ko sa namatay kong puso. Kailangan kong ilibing kaagad. Ilibing sa limot lahat-lahat ng sakit. Ngunit paano ako makakalimot kung ganitong pilit hinuhukay ni Zed ang puso kong nalibing ko na. Nanatili lang
“Oink, wake up, we're here.” bigla akong naalimpungatan ng nararamdaman kong may mga kamay na pumipisil sa aking ilong. “Zed,” sambit ko ng makita ang kulay berde na mga mata na nakatitig sa akin. “S..sorry.” hinging paumanhin ko kay King ng napagtanto na namamalikmata lang pala ako. “It’s ok.” mahinang sagot ni King, bagamat halata na nasaktan siya dahil napagkamalan ko siyang si Zed. Tahimik siyang bumaba sa kotse. Nakita ko siyang nagsindi ng sigarilyo at agad na hinithit ito. Bumaba na rin ako ng kotse tsaka inikot ang aking paningin sa buong paligid. Agad akong namangha sa lugar na pinuntahan namin. “Azure Nature Park” ang nakasulat sa sign board ng entrance. Maraming naggagandahang bulaklak ang nakapaligid sa park na ito. Sa gilid ay mayroong gawa sa bermuda grass na footwalk na pang dalawahan paakyat ng bundok. “Ano kaya ang mayroon sa itaas?” sa loob-loob ko. Binalingan ko si King. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Nananatili lang