PASENSYA NA PO KAYO KUNG NGAYON LANG ULIT NAG-UPDATE. NAGPAHINGA PO KASI MUNA AKO DAHIL YUNG MATA KO TUMAAS NA NAMN ANG GRADO AT HININTAY KO PA NA MAGAWA ANG BAGO KONG SALAMIN. BALIK UPDATE NA PO AKO ULIT.. GOD BLESS PO AND THANK YOU!
LORIE LOVEAko lang mag-isa dito kaya naman naglinis na lang ako ng buong bahay. Wala naman kasi akong ibang gagawin kundi ang maglinis. Nandito na ang lahat ng kailangan ko at hindi ko naman alam kung anong oras ba uuwi ang ninong ko. Sa totoo lang ay okay talaga na nasa trabaho siya para naman hindi niya ginugulo ang buhay ko.Inis na inis pa naman ako sa mga ginagawa niya sa akin. Panay ang halik niya at nasasanay na talaga siya. Mamaya siya sa akin, lagot talaga siya. Naiirita na ako sa nguso niya. Baka magkaroon na nga ako ng sakit sa puso dahil ang bilis ba naman ng t*bok ng puso ko sa ginagawa niya sa akin. After ko maglinis ay pumasok ako sa room ni ninong at tumambay ako sa balcony niya. Maganda kasi dito kaya naisip ko na dito na muna ako tatambay. Kitang-kita ang mga tao sa baba at ang liit nila. Gusto ko sanang tawagan si nanay pero wala pala akong phone dahil iniwan na sa kanila ang dapat na akin. Kaya naman kumuha na lang ako ng book dito sa room ni ninong at ito ang bi
LORIE LOVEMalapit na, malapit na akong bumigay pero bigla na lang siyang tumigil at nawalan na ng malay. Sa tingin ko ay nananaginip lang siguro ang lalaking ito. Baka ang buong akala niya kanina ay si Neda ako. Kaya siguro hinalikan niya ako sa labi. Ako naman itong malapit na sanang tumugon pero mabuti na lang talaga at hindi natuloy. Gusto ko naman sanang umalis na at bumangon pero hindi ko naman magawa. Lalo pa at nasa ibabaw ko siya. Ang laki niyang tao kaya hindi talaga ako makaalis. Ang bigat pa naman niya pero mabuti na lang talaga at nakakahinga pa rin ako. Hindi ko alam pero parang bumibigat na naman ang talukap ng mga mata ko.Ang lalaking ito kahit pa lasing ay hindi man lang siya amoy alak. Amoy mayaman pa rin talaga siya at nakakaantok ang amoy niya. Kaya naman ay pimikit na ako dahil bumibigay na talaga ang mga mata ko. Hindi ko na kayang labanan pa ang antok ko dahil matutulog na talaga ako.******Nagising ako na nakahiga pa rin dito sa may sahig at katabi ko pa rin
LORIE LOVE“You stay in your room. ‘Wag kang lalabas,” sabi ni ninong sa akin.“Tatawagin mo na lang ba ako?” tanong ko sa kanya dahil iniisip ko kasi na baka may iutos siya sa akin.“Yeah, tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako.”“Okay po,” sabi ko sa kanya.Tatalikod na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya kaya lumingon siya sa akin. Na para bang nagtatanong siya. Kaya naman kahit pa nahihiya ako ay kailangan kong sabihin sa kanya. “Thank you po sa chocolates,” nakangiti na sabi ko sa kanya at ako na mismo ang pumasok sa loob ng room ko. Gusto magthank you sa kanya sa binigay niya sa akin.Hindi ko na pinansin o tinapunan ng tingin ang mga bisita ni ninong. Pagpasok ko sa loob ng silid ko ay umupo agad ako sa kama ko. Inilapag ko ang mga chocolates na binigay niya sa akin. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng ganito. Mukhang mamahalin pa ito eh. “Napansin kaya niya ako kanina? Kaya ba pinauna niya ako?” tanong ko sa sarili ko.Napangiti na lang ako at tinago ko ito
LORIE LOVE“Itlog ng manok ang tinutukoy ko ha,” sabi ko sa kanya.“Alam ko,” sabi niya at mas nauna na siyang naglakad kaysa sa akin pero namumula siya.Ako naman itong napangiti na lang sa kinikilos niya dahil para siyang namaligno. Bigla na lang kasi siyang naging ibang tao. Pero nagulat ako dahil bigla na lang akong kinurot ni Manang Neda. Nananakit na ang bruha.“Ano ba ang problema mo?” tanong ko sa kanya.“Bakit ka nakangiti kay Johann?” tanong niya sa akin.“So, bawal akong ngumiti? Dapat ba laging na lang akong nakasimangot? Ganito ba?” tanong ko sa kanya at pinakita ko pa talaga sa kanya.“Tell me, ano ba ang mayroon sa inyo ni Johann?” tanong niya sa akin na halatang naiinis siya. Wala naman kaming ugnayan na dalawa ni ninong pero kapag nalaman niya na hinalikan ako ng lalaking ‘yon ay baka manggalaiti na siya sa galit.“Maid niya ako, may iba pa ba dapat. At bakit ba sa akin ka nagagalit? Para sabihin ko sa ‘yo, hindi ako katulad mo na panay ang claim na girlfriend kahit hi
LORIE LOVE“Kapag hindi ka pa tumigil ay pagsisihan mo talaga ang pagbulong-bulong mo sa akin,” sabi niya pa sa akin.“Ano ba ang gagawin mo sa ak—”“Ang hindi mo gustong gawin ko,” sagot niya at bigla na lang siyang lumingon sa akin kaya naman nagkadikit na naman ang mga labi naming dalawa. Nanlaki na naman ang mga mata ko. Bakit ba lagi na lang nangyayari ito sa aming dalawa? Bakit? Kailangan kong umalis pero nagulat na lang ako nang biglang magbago ang posisyon ko at nasa harapan na niya ako ngayon. Buhat niya ako para hindi ako mahulog.“Patikim ulit,” sabi niya at bigla na lang niyang inatake ang labi ko.Ako naman itong hindi alam ang gagawin ko. Siya ang unang halik ko. Iba ang halik niya ngayon hindi na naka-dikit lang ang mga labi namin dahil gumagalaw na talaga ito ngayon. Pero para naman ako tuod dito dahil hindi ko alam kung paano ba humalik pabalik. At bakit ko naman gagawin ‘yon? Bakit naman ako hahalik pabalik sa kanya? “Kiss me back, love.” utos niya sa akin.“Anong
LORIE LOVEKailangan kong ilagay sa pinakataas itong iba pero hindi ko abot. Kailangan ko pa ng upuan pero nagulat ako dahil may bigla na lang niya akong binuhat. Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya.“Anong ginagawa mo?” tanong ko kay ninong.“Hindi mo abot kaya binuhat na kita,” sagot naman niya sa akin.“Ibaba mo nga ako,” sabi ko sa kanya.“Ilagay mo na kasi ‘yan d’yan!” sabi niya sa akin.“Ibaba mo na lang kasi ako. Puwede naman kasi akong gumamit ng upuan para–”“Tinutulungan na nga kita eh,” sabi niya sa akin.“Kaya ko naman kas–”Nagulat ako dahil bigla na lang niya akong ibinaba pero hindi niya hinayaan na lumapat ang mga paa ko sa sahig. Buhat pa rin niya ako at nakapantay ako sa kanya. Magkalapit ang mukha naming dalawa. Sobrang lapit rin ng mga labi namin at sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Nakatingin siya sa mga mata ko at ganun rin ako sa kanya.“Mabuti na lang talaga maganda ka kahit na maldita ka,” sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.“I–Ibaba mo na