THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO!
ELLIA ELLIZESa sumunod na araw ay dumating talaga ang daddy ko dito sa US. Siya lang mag-isa at naiwan ang mga kapatid ko at si mommy ay nagpaiwan rin. Niyakap ko talaga ang daddy ko nang makita ko siya. Nais ko na malaman niya at maramdaman niya na mahal na mahal ko siya. Na kahit pa noong nakaraan lang kami nagkita ay miss na miss ko siya.Mahal na mahal ko talaga ang daddy ko. Siya ang unang lalaki sa buhay ko. Ang lalaking handang ibigay sa akin ang lahat. Ang nagmahal at tumanggap sa akin sa kabila ng ginawa ng tunay kong ina sa kanya.Dahil sa dumating ang daddy ko ay tinawagan ko ang biological father ko para magkita silang dalawa ni daddy. Ito kasi talaga ang main purpose kaya pumunta dito si daddy Noah. Sa restaurant na lang ng asawa ko kami magkikita-kita para naman madali lang.Ang asawa ko ay nasa kusina ngayon at naghahanda ng mga pagkain namin. Nagtataka nga ako dahil parang ang dami namin ngayon. Baka isama niya si Tito Allan at Jeya. Kahit pa mas matanda ito sa akin
ELLIA ELLIZEHabang nagluluto ang asawa ko ng dinner namin ay nag-aayos naman ako dito sa room namin. Kanina kasi ay tinulungan niya ako dito. Ako naman ay inaayos ko ang mga damit namin sa kabinet. Kahit pa naman maayos ay gusto ko lang talaga na ulitin para may ginagawa ako. Kanina ko pa iniisip kung tatawagan ko na ba ang daddy ko pero alam ko rin naman na kailangan ko siyang tawagan.Kung hindi ngayon ay kailan pa, kailan ko pa ba dapat sabihin sa kanya? Baka naman magalit sa akin si daddy kapag pinatagal ko pa. Kaya mas mabuti na sabihin ko na sa kanya para naman malaman na niya ngayon. Lakas loob kong tinawagan ang daddy Noah ko. Kaka-ring pa lang ay sinagot na niya agad. Ang bilis niya talaga lagi kapag ako ang tumatawag sa kanya.“Hi, baby.” nakangiti agad siya sa akin.“Hi, dad. Busy ka po ba?” tanong ko sa kanya.“Hindi naman, baby.”“Are you sure na hindi ka busy, dad?” paninigurado ko dahil ayaw ko naman na maabala ko siya sa mga ginagawa niya.“Yes po, hindi busy si dadd
ELLIA ELLIZEDahil sa nangyari ay umakyat na rin ako sa room namin. Hinayaan ko na lang ang asawa ko na magsaya. Ako naman ay magpapahinga na muna sa room niya. Gusto ko na rin kasi talagang matulog ngayon. Inaantok na kasi talaga ako kaya naman humiga na agad ako pagkapasok ko dito sa room ng asawa ko.Ang bigat na ng mga mata ko kaya hinayaan ko ang sarili ko na tangayin ng antok.“Mahal,” narinig ko na may bumubulong sa akin pero inaantok pa rin ako.“Hmmm..”“I love you,” malambing na bulong ng asawa ko kaya napangiti ako.“Tapos na ba kayo?” tanong ko sa kanya habang nakapikit ako.“Tapos na po,” sagot niya sa akin.“Matulog na tayo,” sabi ko pa dahil antok talaga ako.“Ayaw ko pang matulog,” sagot niya sa akin at naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko.“Bakit?”“I want you,” bulong niya sa akin at hinalikan na niya ang leeg ko.“M–Mahal,” sambit ko na naging tunog ungol na kasi naiinitan na rin ako.Kapag ganito siya ay mabilis talagang umiinit ang katawan ko na hindi ko
ELLIA ELLIZE“Nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap.” “May kailangan ka ba?” seryoso na tanong ng asawa ko.“Wala naman, gusto ko lang makipag-kwentuhan sa inyo. Nakalabas na ako sa ospital, pero pinilit ko lang ang doktor. Kasi naiinip na ako doon, naiinis kasi ako dahil hindi mo naman ako dinadalaw,” sabi niya sa akin.“Busy kasi ako at sinabi ko na ‘yon sa ‘yo. May asawa na rin kasi ako kaya siya na talaga ang uunahin ko,” sabi pa ni Aedan.“Alam ko naman ‘yon. Kahit naman noon na driver ka niya ay siya naman lagi ang top priority mo. Sa totoo lang ay masaya ako, masaya ako dahil pinsan ko pala si Elli. Small world diba? Kasi ang wife ng ex ko ay ang mismong pinsan ko lang,” nakangiti na sabi niya pero para sa akin ay ang awkward ng sitwasyon namin.“Kaya sana ay maging mabait ka sa asawa ko, Jeya. Kilala kita dahil sabay tayong lumaki. Mabait si Elli at hindi siya gumagawa ng gulo kaya sana ganun ka rin,” sabi ng asawa ko na ikinagulat ko.“Grabe ka naman sa akin. Ma
ELLIA ELLIZE“Elli, siya ang sinasabi ko sa ‘yo na kapareho mo ng mga mata,” sabi ni tito Michael na ikinagulat ko.Tama siya magkakulay nga kami ng mga mata ang kamukha ko siya.“What’s your name, iha?” tanong niya sa akin.“E–Elli po,” nauutal na sagot ko sa kanya.“Elli? Elisia?” tanong niya sa akin.“Kilala mo po ba siya?” tanong ko sa kanya.Hindi ko talaga alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Parang naiiyak ako pero hindi ko naman alam kung bakit.“Yes, iha. Kilalang-kilala ko,” sagot niya sa akin.“Siya ba ang mommy mo? Kumusta na siya?” tanong niya sa akin kaya mas lalong bumigat ang puso ko.“Hindi po siya ang mommy ko,” sagot ko sa kanya.“Akala ko anak ka niya,” sabi niya sa akin.“Anak po niya ako pero hindi po siya ang mommy ko. Dahil pinabayaan lang po niya ako. Iniwan na parang hayop at kung hinahanap mo po kung saan na siya. Wala na po, patay na po siya,” sagot ko sa kanya.“I’m sorry, iha. Hindi na sana ako nagtanong,” sabi niya sa akin.“It’s okay po. Mataga
ELLIA ELLIZE“Kaya mo ba pinakasalan si Elli para siya ang gumastos sa ‘yo?!” sabi ni Liam na ikinagulat ko.“What are you talking about?” kunot noo na tanong ko kay Liam.“Huwag ka ngang magpaloko sa isang ‘yan, Elli,” sabi pa niya sa akin kaya mas lalo akong naiinis sa kanya.“Ano bang sinasabi mo?” “Alam naman natin na kaya ka lang naman niya pinakasalana para maiahon sa kahirapan ang pamilya mo at lalo na ang sarili mo–”Hindi ko na kaya ang lumalabas sa bibig niya kaya naman mabilis akong tumayo at sinampal ko siya. Na dahilan para ikagulat niya. Pero hindi ko na kasi talaga kaya na may sasabihin na naman siya.“Never insult my husband in my own face,” galit na sabi ko sa kanya.“But, I’m—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinuntok siya ng asawa ko. Halatang nagulat rin siya sa ginawa ni Aedan. At kahit na ako ay ganun rin. Sobrang nagulat rin ako sa nangyari. Kasi sure ako na naubos na ang pasensya ng asawa ko sa lalaking ito.“Lakas ng loob mong saktan ako!” sigaw