
The Secret Heiress He Betrayed
Limang taon nang tinitiis ni Sabrina ang pangmamaliit ng pamilya ng asawa niyang si Caleb. Para sa mga Salvador, isa lang siyang sunud-sunurang asawa at palamunin na napangasawa ni Caleb dahil sa utang. Wala silang kaalam-alam na si Sabrina pala ang totoong may-ari ng kumpanyang nagpapanatili sa marangya nilang pamumuhay. Sadyang nagpapanggap lang siyang mahina para malaman kung totoong mahal at tapat sa kanya ang asawa.
Pero nang tuluyan nang manaig ang kasakiman at pagtataksil, inakusahan si Sabrina ng pagnanakaw at pinalayas sa harap ng mga taong minsang itinuring niyang pamilya. Wala siyang dalang kahit ano, pero hindi siya nagmakaawa. Sa halip, iniwan niya ang divorce papers at tuluyang binitiwan ang buhay na matagal niyang ipinaglaban.
Ngayon, ang lalaking minsang yumurak sa pagkatao niya ay desperadong lalapit sa isang bilyonaryong kumpanya para humingi ng tulong. Ang hindi niya alam, ang babaeng itinaboy niya ang mismong taong may hawak ng kapalaran ng negosyo niya.
Sa araw na muli silang magkaharap, hindi na ang dating Sabrina ang makikita ni Caleb. Isa na siyang babaeng kayang magpabagsak sa lalaking minsang nagparamdam sa kanya na wala siyang halaga.
Paano haharapin ni Caleb ang katotohanang ang dating asawang minamaliit niya ang siya na ngayong may kontrol sa lahat? At kapag tuluyan nang bumagsak ang pride niya, may pag-asa pa kaya siyang mapatawad ng babaeng minsan niyang sinaktan?
Basahin
Chapter: CHAPTER 6SABRINA POVNanginginig ang mga kamay ni Caleb habang nakatitig sa mga dokumentong nakalatag sa mahogany table. Ang dating mayabang na arkitektong walang pakialam habang pinaaalis niya ako ilang araw lang ang nakalipas ay parang biglang nawalan ng lakas. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkataranta. Wala na siyang matakbuhan o maidadahilan, at ang pinakamasakit sa lahat, nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ng babaeng dati niyang minamaliit."Sabrina... please," pakiusap ni Caleb. Basag ang boses niya habang lumapit sa akin. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko, pero agad akong umatras at matalim siyang tiningnan. Mabilis namang pumagitna si Marcus para harangan siya."Huwag na huwag mong iisipin na may karapatan kang hawakan si Ms. Del Monte," malamig na babala ni Marcus.Sa isang tabi, namumula na sa galit at hiya si Alexa. Paulit-ulit pa itong pumipitik ng takong sa sahig habang nakatingin sa akin na para bang gusto niya akong lamunin sa sobrang inis."Aba, ang kapal talaga ng mukha
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 5SABRINA POVMalamig ang hangin sa executive conference room sa 45th floor ng Vanguard Group building dahil sa centralized air conditioning. Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling glass window habang pinagmamasdan ang tanawin ng BGC skyline. Suot ko ang charcoal gray tailored suit na sadyang ipinatahi para sa akin, kasama ang malinis na white blouse sa loob. Malayo sa dating Sabrina na laging nakasuot ng lumang apron at abalang naglilinis sa mansyon ng mga Salvador, ibang-iba na ang babaeng nakatayo sa harap ng salamin ngayon.Ilang araw na lang at tuluyan nang mawawalan ng pagkakataong makabangon ang kumpanya ni Caleb kung hindi niya makukuha ang pondong kailangan niya. Habang tumatagal, lalo siyang nawawalan ng pag-asa. At ngayon, dumating na rin ang araw na hinihintay ko.Bumukas ang malaking pinto ng conference room. Narinig ko ang sunod-sunod na yabag ng mga taong pumasok, kasunod ang pamilyar na boses ng executive assistant kong si Marcus."Architect Salvador, pasok po kayo. H
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 4SABRINA POVLimang araw na ang lumipas mula noong gabing iyon. Habang abala ako sa pagrepaso ng mga financial report sa executive office ng Vanguard Group sa BGC, unti-unti namang bumabagsak ang mundo ni Caleb Salvador.Hindi ko na kailangang mag-utos o maglagay pa ng hidden camera para lang sirain ang mga plano niya. Sarili niyang mga desisyon, pati na ang panghihimasok ng pamilya niya, ang unti-unting nagdala sa kanila sa ganitong sitwasyon. Ayon sa secretary ko, sunod-sunod nang umaatras ang mga pangunahing local investors sa hotel project nila. Akala siguro ng pamilya Salvador ay magiging maayos ang lahat dahil nakuha nila si Alexa Tauzon, pero hindi nila alam na baon din sa utang ang ama nito sa iba't ibang bangko. Ngayon, nagsisimula nang maningil ang mga ito. Sa madaling salita, ang pamilyang ipinagmamalaki nilang magiging katuwang nila ay isa palang ticking time bomb na puwedeng sumabog anumang oras.Umupo ako sa swivel chair at pinagmasdan ang mga dokumento ng Salvador & Asso
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 3SABRINA POVPagkauwi ko mula sa hotel, dumiretso ako sa kwarto namin. Tahimik na ang buong mansyon dahil tulog na ang mga kasambahay. Malamang, nagdiriwang pa ang pamilya Salvador kasama ang mga bisita nila matapos ang tagumpay ng gabing iyon.Inilapag ko ang maliit kong shoulder bag sa vanity table bago binuksan ang drawer. Kinuha ko ang maliit na itim na kahon na limang taon ko nang itinatago. Nandoon ang mga dokumentong nagpapatunay kung sino talaga ang may-ari ng Vanguard Group at ng Salvador & Associates—at ang pangalan ko ang nakalagay sa mga papeles na iyon. Iniligtas ko ang kumpanya nila mula sa pagkalugi gamit ang isang blind trust fund. Pinayagan ko ring maging lead architect si Caleb dahil gusto kong makita kung paano siya magtrabaho kapag binigyan ng kapangyarihan at pagkakataong patunayan ang sarili niya.Maya-maya, bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Caleb na nakabukas na ang unang butones ng polo niya at medyo magulo ang buhok. Halatang pagod siya mula sa inuman, pe
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 2SABRINA POVAlas-siyete ng gabi nang dumating ang driver para sunduin ako papunta sa grand hotel kung saan gaganapin ang celebration para sa proyektong napanalunan ni Caleb. Kahit sinabi niyang huwag na akong sumama dahil baka mapahiya lang siya sa akin, nag-iwan pa rin siya ng formal invitation sa bedside table. Hindi dahil gusto niya akong nandoon, kundi dahil ipinilit ng nanay niya na dapat nakikita ang isang mabuting asawa sa tabi ng kanyang mister sa mga ganitong event. Para lang akong tropeong puwede nilang ipakita sa publiko kapag kailangan nila, pero balewalain kapag wala na akong silbi sa kanila.Pagpasok ko sa grand ballroom, agad akong sinalubong ng malakas na tugtog, tawanan ng mga makapangyarihang tao, at liwanag mula sa mamahaling chandelier sa kisame. Suot ko ang simpleng beige dress na nabili ko noon sa pinakamurang ukay-ukay, habang ang mga bisita naman ay nakasuot ng mga damit mula sa sikat na international designers. Agad kong nakita si Caleb sa di kalayuan. Abala s
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 1SABRINA POVKasalanan ko bang minahal ko ang lalaking ito nang walang kondisyon? Limang taon na ang nakalipas mula nang pakasalan ko si Caleb Salvador. Para sa buong pamilya niya, isa lang akong babaeng walang maipagmamalaking apelyido, walang magandang kinabukasan, at walang ibang alam kundi ang sumunod sa gusto nila.Nasa kusina ako ngayon, abala sa pagluluto ng paboritong braised beef shank ng biyenan kong si Donya Consolacion. Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako para mamalengke, maglinis ng buong mansyon, at maghanda ng almusal para sa pamilya Salvador. Pero kahit anong gawin ko, wala man lang akong naririnig na papuri o kahit simpleng pasasalamat mula sa kanila."Sabrina! Bakit ang tagal ng kape ko? Gusto mo bang magkasakit ako dahil sa kabagalan mo?" sigaw ni Donya Consolacion mula sa dining room habang malakas na inilapag ang tasa sa marmol na lamesa.Agad kong pinatay ang kalan, inayos ang apron ko, at dinala ang kape sa hapag-kainan. Nandoon na ang dalawa kong hipag
Huling Na-update: 2026-10-20

NOT HIS BRIDE
Si Alessa ay isang simpleng event stylist na buong-buong nagpakatanga sa kanyang long-term boyfriend na si Kevin. Pero sa halip na pasasalamat, ang isinukli sa kanya ay pagtataksil—sapilitan siyang ginawang tagapag-ayos ng pre-nup at kasal ni Kevin at ng inggiterang kapatid nitong si Chloe. Sa mismong araw ng shoot, habang paulit-ulit siyang pinapahiya at dinudurog sa harap ng marami, nagpasya siyang hindi na magpapakita ng kahinaan.
Sa isang desperadong hakbang, hinila niya ang nakatayong estranghero sa tabi niya at ipinahayag na ikakasal siya rito. Ang hindi alam nina Kevin, ang lalaking hinawakan niya ay si Rafael Singson-Ledesma—ang bilyonaryong kapatid sa labas at pinakakinamumuhiang kalaban ng kanilang pamilya. Pumayag si Rafael sa pekeng kasunduan, hindi dahil sa awa, kundi dahil pareho silang may gustong patunayan at pabagsakin. Ngunit habang unti-unting lumalalim ang kanilang palabas sa harap ng madla, ang pekeng relasyon ay nagsisimulang lumiko sa isang laro kung saan ang unang ma-in love, siya ang talo.
Basahin
Chapter: KABANATA 6Alessa POVTahimik ang loob ng kotse habang binabagtas namin ang kahabaan ng C5 highway patungong BGC. Ang tanging ingay na maririnig ay ang mahinang tunog ng aircon at ang alingawngaw ng mga iniisip ko. Pagkatapos ng kaguluhang ginawa namin sa gala, alam ko na hindi na tatahimik ang buhay ko simula sa gabing ito. Siguradong bukas ng umaga, aabutin na ng mga tabloid at business news sites ang balita tungkol sa pag-anunsyo ng engagement namin ng pinakamakapangyarihang lalaki sa Singson-Ledesma Group. Si Kevin at ang pamilya niya ay tiyak na nagwawala na sa galit habang pinag-iisipan kung paano nila kami uubusin.Lumingon ako kay Rafael na seryosong nagmamaneho habang nakatingin sa daan. Kahit suot na nito ang puting polo shirt dahil tinanggal na niya ang tuxedo jacket kanina, bakas pa rin sa tindig niya ang awtoridad at kapangyarihan."Hindi ka ba natatakot sa pwedeng gawin ng ama mo?" pagbasag ko sa katahimikan habang inilalagay ang isang kamay sa ibabaw ng aking hita. "Kitang-kita ko
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: KABANATA 5Alessa POVAng ingay ng mga camera flash ay parang sunod-sunod na kidlat na pumipitik sa gitna ng madilim na silid. Lahat ng mata sa grand ballroom ay nakatutok sa amin ni Rafael. Ang mga bulung-bulungan ay mabilis na kumalat parang apoy sa damuhan, at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Don Leonardo sa matinding hiya at galit habang pinapanood kaming hawak ni Rafael sa bewang sa gitna ng entablado."Rafa, pinapahiya mo ang buong angkan natin sa harap ng mga taong ito!" nanginginig na sigaw ni Don Leonardo habang lumalakad palapit, hawak ang tungkod nito na para bang gusto kaming ipamalo.Hindi natinag si Rafael. Bahagya pa itong ngumisi, yung ngiting may halong pait at tagumpay na nagpatigil sa matanda. "Angkan? Anong angkan ang sinasabi mo, Don Leonardo? Simula noong araw na itaboy ninyo ang ina ko at ipagkait sa akin ang apelyidong ito, wala na akong kilalang Singson-Ledesma kundi ang sarili ko. At ngayon, dinadala ko ang babaeng ito hindi bilang bahagi ng pamilya ninyo, kundi
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: KABANATA 4Alessa POVAlas-siyete ng gabi nang huminto ang kulay-itim na Rolls-Royce sa tapat ng Grand Ballroom ng Singson-Ledesma Hotel and Towers dito sa BGC. Ang buong paligid ay naglalagablab sa liwanag ng mga mamahaling chandelier at sa dami ng mga dumadagsang mamamahayag at sikat na personalidad sa industriya. Ito ang gabi ng opisyal na charity gala at ang pinakahihintay na anunsyo ng pag-iisang dibdib nina Kevin at Chloe. Para sa kanila, ito ang pinakamahalagang gabi ng kanilang mga angkan. Para sa akin, ito ang simula ng pagguho ng kanilang mundo.Bago buksan ng driver ang pinto, naramdaman ko ang paghawak ni Rafael sa kamay ko. Malamig man ang mga daliri nito kanina, ramdam ko ngayon ang pagiging pamilyar at matatag ng kapit niya. Lumingon ako sa kanya at nakita kong seryoso itong nakatingin sa akin habang bahagyang nakataas ang isang gilid ng labi."Remember, Sasha. We own this night. Just follow my lead and let them choke on their own shock," bulong ni Rafael sa akin, ang boses ay mab
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: KABANATA 3Alessa POVTahimik ang buong biyahe mula Tagaytay pabalik ng Maynila. Tanging ang mahinang tunog ng aircon at ang boses mula sa radio ang bumasag sa tensyon sa loob ng itim na SUV ni Rafael. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinapanood ang mga ilaw sa kalsada na mabilis na lumilipas. Hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Isang oras ang nakakalipas, isa lang akong api-apihang event planner na pinag-isipan ng masama at pinagtawanan sa mismong pre-nup shoot ng ex ko. Ngayon, sakay ako ng sasakyan ng isa sa pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa, at kasundo ko na siya sa isang pekeng kasunduan."Hindi ka pa rin ba makapaniwala sa ginawa mo, Ms. Buenavista?" basag ni Rafael sa katahimikan habang nananatiling nakatuon ang mga mata sa daan. Seryoso ang mukha nito, pero may bahid ng sarkasmo ang boses.Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Mas nagtataka ako kung bakit ka pumayag agad sa isang desperadong ideya, Mr. Singson-Ledesma. Hindi ba dapat ay pina
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: KABANATA 2Alessa POVTumahimik ang buong paligid. Para bang biglang pinatay ang background music ng resort at ang tanging naririnig ko na lang ay ang malalakas na kabog ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang tingin ng buong production crew, pati na ang pagtigil ng mga photographer sa pag-click ng kanilang mga camera.Nakatitig sa akin sina Kevin at Chloe na para bang nakakita sila ng multo. Ang ngiting-tagumpay kanina sa mga labi ni Chloe ay napalitan ng pagkakabukas ng bibig sa sobrang gulat. Si Kevin naman ay namula ang mukha, lumipat ang tingin sa akin at kay Rafael na nakahawak pa rin sa matigas na braso."Sasha, anong kalokohan 'to?" basag ni Kevin sa katahimikan, mabilis na nawala ang pagiging relaxed nito at napalitan ng pagka-alarma. "Sino ka ba sa inaakala mong... At si Rafa pa talaga ang napili mong gawing biro? Gising, Sasha! Event planner ka lang dito, hindi ka kabilang sa mga Singson-Ledesma!"Lalong sumiklab ang galit sa dibdib ko nang marinig ko ang pangungutya sa tono niya. Tinin
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: KABANATA 1Alessa POVMabigat ang hawak kong clipboard habang pinapanood ko silang dalawa sa gitna ng grand garden ng isang sikat na resort sa Tagaytay. Ang lamig ng simoy ng hangin, pero ang pakiramdam ko ay parang pinandidirihan ako ng buong katawan."Babe, doon tayo sa may gazebo! I want the Manila Bay sunset in the background," malambing na reklamo ni Chloe habang nakasabit ang mga kamay nito sa braso ni Kevin.Si Kevin. Ang ex-fiancé ko ng tatlong taon. At si Chloe, ang kinakapatid ko na walang ibang ginawa kundi ang mang-agaw ng kung anong meron ako. Ngayon, ako pa ang hired event planner para sa pre-nup shoot at kasal nila. Sobrang kapal ng mukha. Ginamit nila ang desperasyon ko para sa pondo ng event styling company ko para utusan ako. Akala nila, iiyakan ko sila at magmamakaawa ako.Naramdaman ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa batok ko, pero pinilit kong itaas ang baba ko. Ayokong makita nilang durog na durog na ako. Kailangan kong tapusin ang araw na ito nang nakatayo."Sasha, paki
Huling Na-update: 2026-10-14
Chapter: CHAPTER 6KATRIANA POVNatahimik ang buong silid nang marinig ang sinabi ni Rafa. Maging ang mga kasamang negosyante ni Marco na nasa may pinto ay napaatras, halatang natakot sa pangalan at presensya ng lalaking kaharap nila. Si Marco, na nang-api sa akin kanina, ay nakatayo lang habang napapangiwi sa sakit dahil sa pagkakahawak ni Rafa sa pulso niya. Para siyang nawalan ng sasabihin."Rafa... bitawan mo nga ako," paos na sabi ni Marco habang pilit na hinihila ang kamay niya. Namumula na ang pulso niya sa higpit ng pagkakahawak ni Rafa. "Anong klaseng biro 'to? May asawa ang babaeng 'yan, at ako 'yun!"Marahas na binitawan ni Rafa si Marco. Halatang tinamaan ang pride ng ex-husband ko dahil napahiya siya sa harap mismo ng mga kakilala niya. Agad niyang hinawakan ang pulso niya at hinimas iyon habang masama ang tingin sa aming dalawa."Dating asawa, Marco. Linawin natin," malamig kong sagot habang diretso siyang tinitingnan. Wala na akong balak na matakot sa kanya. "At kung nagtataka ka kung paa
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 5KATRIANA POVAlas-siyete ng gabi nang makarating ako sa private dining room ng isang eksklusibong restaurant sa BGC na nakalagay sa calling card ni Rafa. Pagpasok ko pa lang, ramdam ko na agad ang lamig ng aircon at napansin ko ang marangyang disenyo ng silid na puro dark wood at kristal ang gamit. Nandoon si Rafa, nakaupo habang umiinom ng alak. Nananatili ang seryosong ekspresyon sa mukha niya, at diretso siyang nakatingin sa akin nang pagbuksan ako ng waiter ng pinto."You're punctual. I like that in a business partner," bungad niya habang itinuturo ang bakanteng silya sa tapat niya.Maingat akong umupo at inayos ang likod ko para hindi mahalata ang kaba ko. Hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang pinasok ko, pero sigurado akong wala na akong ibang mapagpipilian. Naubos na ang mga luha ko. Ang natitira na lang sa akin ay ang kagustuhang makuha ang hustisyang para sa akin at ang galit sa mga taong sumira sa buhay ko."Hindi ako pumunta rito para makipagkuwentuhan, Mr. Singson-Ledes
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 4KATRIANA POVMabilis akong naglakad palayo sa Function Room B habang pilit na kinakalma ang paghinga ko. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay lalo akong nadudurog sa sobrang inis. Nakakagigil! Ang kapal talaga ng mukha ni Marco na sabihing wala akong kakayahan, na para bang hindi ako ang nagpuyat, pumirma ng mga dokumento kahit halos hindi na makatulog, at nag-isip ng mga paraan para lang maitayo ang kumpanyang ipinagmamalaki niya ngayon. Pero kahit masakit ang lahat, mas nangingibabaw ang galit ko kaysa sa lungkot. Hinding-hindi na ako iiyak sa harap nila.Pagdating ko sa malawak na hallway malapit sa elevator, saka lang ako huminto para huminga nang malalim. Inayos ko ang mga hibla ng buhok na dumikit sa noo ko dahil sa pawis at inayos din ang kwelyo ng luma kong blazer. Doon ko napansin na may tumawag pala sa akin kanina habang nasa interview room pa ako. Unregistered number. Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bag nang biglang may humarang sa dinadaanan ko.Isang matangkad na
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 3KATRIANA POVIniwan ko muna si Liam sa tiyahin ng kaibigan ko na si Aling Nena, ang namamahala sa lumang paupahan. Nagbayad ako ng advance para sa isang linggong pag-aalaga niya kay Liam habang naghahanap ako ng trabaho. Sakto na lang ang natitirang pera ko para sa gatas ng anak ko at ilang de-lata, kaya kailangan kong kumita agad bago tuluyang maubos ang pera ko.Suot ko ang pinakamaganda kong blazer, isang lumang Armani na itinago ko pa noong dalaga ako at nagtatrabaho bilang junior architect sa isang kilalang firm. Medyo luma na ang tela at hindi na kasingganda ng dati, pero maayos pa rin naman itong tingnan. Kailangan kong magmukhang presentable dahil ang pupuntahan ko ay ang Grand Continental Hotel sa Makati. May opening para sa posisyong senior project coordinator doon. Kahit alam kong hindi maganda sa resume ko ang pitong taong wala akong naging trabaho, wala naman akong ibang choice kundi subukan.Pagpasok ko pa lang sa malaking glass door ng hotel, agad kong naramdaman ang la
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 2KATRIANA POVMahirap huminga kapag pakiramdam mo, wala ka nang natira sa buhay kundi ang mga bisig mong mahigpit na yumayakap sa anak mo.Ang tinutuluyan namin ngayon ay isang kuwarto sa lumang apartment sa Sampaloc na nahanap ko sa tulong ng dati kong kakilala noong college. Luma na ang mga dingding, may tagas ang gripo sa maliit na banyo, at ang tanging higaan namin ay isang manipis na kutson na inilatag ko sa sahig para kay Liam. Nakabalot pa rin siya sa tuwalya habang mahimbing na natutulog. Halatang pagod na pagod siya sa kakaiyak kagabi dahil sa lamig ng ulan at sa nangyari sa restaurant.Habang nakatingin ako sa mukha niyang namumula pa dahil sa sipon, naramdaman kong kumikirot ang sentido ko. Halos wala nang laman ang pitaka ko. Tatlong libong piso na lang ang natitira sa ATM account ko. Iyon na ang huling pera ko bago tuluyang i-freeze ni Marco ang joint accounts namin ilang oras matapos niya kaming palayasin.Kinuha ko ang cellphone ko. Kahit alam kong masasaktan lang ako, b
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: CHAPTER 1KATRIANA POVHabang pinupunasan ko ang kaunting pawis sa noo ng limang taong gulang naming anak na si Liam, hindi ko mapigilang ngumiti. Pitong taon na kaming kasal ni Marco. Pitong taon kong tiniis ang lahat, tinulungan siyang itayo ang kumpanya niya mula sa wala, at isinantabi ang sarili kong pangarap bilang arkitekto para lang maging maayos ang buhay ng pamilya namin. Akala ko noon, kailangan ko lang magsakripisyo para makaahon kami sa hirap.Ngayong gabi, si Marco pa mismo ang nagyayang mag-celebrate kami sa isang sikat at eksklusibong rooftop restaurant sa BGC. "Para naman ito sa pamilya natin, Kat," sabi niya kanina habang inaayos ko ang kwelyo ng mamahalin niyang suit. Suot ko ang paborito kong pulang damit, ang huling damit na binili ko para sa sarili ko bago ko tuluyang ilaan ang bawat sentimo sa tuition at mga bayarin ni Liam.Pagpasok namin sa private dining room, nagulat ako nang makita ang buong pamilya ni Marco. Nandoon din ang pinakamatalik kong kaibigan na si Chloe. Hi
Huling Na-update: 2026-10-20