LOGIN"Naawa?" natatawang pag-ulit ni Aria. "Bakit naman ako maaawa sa aso na 'yon?""Dahil ginagamit ninyo siya," diretsong sabi ko. "Ginagamit ninyong alipin sa mga academic requirements ninyo, tapos ngayon nagpapakasaya kayo rito habang siya, nagpapakapagod para sa inyo."Mas lumakas ang tawa ni Romnick. "At ano naman ngayon kung ginagamit namin siya? Eh siya naman ang nagpiprisinta! Siya ang nagmamakaawang tumulong!""Kaibigan ninyo siya, di ba?" sigaw ko nang bahagya."So?" mapang-uyam na ngumiti si Romnick. "Kung tutuusin, iyon lang naman ang tanging pakinabang niya sa grupo namin. Ang dali kasing utuin ng gagong 'yon! Utuin mo lang ng kaunting ngiti ni Aria, gagawin na agad nang walang tanong-tanong. Parang aso! Sunud-sunuran!"Mas lalong lumakas ang tawanan ng buong barkada."True!" sabat ng isa pang babae. "At ang pangit pa ng porma! Apat ang mata, tapos ang baduy pa ng gupit! Para talaga siyang asong gala na umaaligid kay Aria!"Nanggigigil ang mga kamay ko sa mesa. Gusto kong sab
Bahagya akong ngumiti, mapait. "Oo. Akala ko kasi iyon ang gusto ko. Pero... matagal ko na ring gustong mag-Political Science, at bumalik ako roon." Tinitigan ko siya nang diretso. "Ngayon, ikaw naman ang mag-isip kung ano talaga ang gusto mo, Jun. Kaibigan kita, kaya hindi kita pipilitin."Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago ko idinagdag: "Pero kung babalik ka sa Engineering, kausapin mo ang kuya mong si Marco. Si Mylene. Ang buong pamilya mo. Sabihin mo sa kanila."Napabuntong-hininga siya. "Siguradong magugulat sila... dalawang beses na akong nagpalit ng desisyon.""Normal lang iyon. Mas mabuting magbago ka ngayon dahil nalaman mong iyon talaga ang gusto mo, kaysa manatili ka sa isang kursong hindi mo naman pinili para sa sarili mo."Hindi na siya nakasagot. Alam niyang tama ako."Kakausapin ko sila," mahinang sambit niya."Promise?"Napatango siya. "Oo. Promise."Ngumiti ako nang bahagya. "Good."Akala ko tapos na ang usapan at hihinga na kami nang maluwag, pero may bigla
Matapos ang ilang sandali ng mabigat na katahimikan, ako na rin ang unang bumasag sa espasyo sa pagitan namin. Kitang-kita ko pa rin ang bakas ng pagkalugi at pagkawasak sa mukha ni Jun, pero may kailangan pa kaming tapusin."May isa pa akong kailangang tapusin," basag niya sa katahimikan habang nakayuko.Napakunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?""Research ni Romnick."Napailing ako agad, mabilis na sumiklab ang inis sa dibdib ko. "Ilang research na ba ang ginagawa mo para sa kanya?"Napabuntong-hininga siya habang iniiwas ang tingin. "Dalawa.""Dalawa?" nanggigigil na tanong ko. "At iyong una, natapos mo na?"Tumango siya. "Oo.""Tapos ngayon, etong bago na naman?""Deadline bukas."Hindi na ako nakapagpigil. "Jun, huwag mo nang gawin."Nag-angat siya ng tingin, medyo nagulat sa diin ng boses ko. "Ano?""Narinig mo ako. Huwag mo nang gawin.""Pero kailangan niya—""Siya ang kailangan gumawa, Jun! Hindi ikaw!""Jayzel—""Hindi!" diretsong putol ko. Walang halong biro, buo ang desisyon k
POV: JayzelHabang nagsasalita si Jun, nanatili akong tahimik sa kabilang dulo ng bench.Hindi sa wala akong pakialam. Sa totoo lang, sa bawat salitang binibitawan niya, parang may tumutusok din sa dibdib ko. Naririnig ko ang sakit sa boses niya—ang boses ng isang taong gising na gising na sa bangungot ng sarili niyang katangahan. Nakita ko kung paano gumuho ang yabang niya kaninang umaga, at ngayon, heto siya, basag na basag at aminadong lugi na lugi na sa maling pagpili ng taong pinaglalaanan niya ng panahon.Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, “Yan kasi, ang tigas ng ulo mo.” Gusto ko siyang tapikin nang malakas para matauhan siya nang tuluyan.Pero nakita ko ang luha sa mga mata niya. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya habang kinukwento kung paano siya ginamit nina Romnick at Aria. At doon ko napagtanto—hindi na niya kailangan ng sermon ngayon. Ang kailangan niya ay taong tatanggap sa kanya kahit na ang bobo ng mga naging desisyon niya."Jayzel..." muling tawag niya sa a
Ilang sandali kaming parehong tahimik.Nasa tabi ko si Jayzel, pero hindi siya tulad ng dati. Ang mga mata niya ay hindi nakatingin sa akin; diretso itong nakatuon sa kadiliman sa harapan, parehong mahigpit na nakakapit sa strap ng kanyang backpack na parang pilit niyang kinakaya ang bigat ng paligid. Tahimik siya, at dahil ako ang nagbasag ng katahimikan kanina at humiling ng usapang ito, alam kong ako ang may pananagutang magsimula.Huminga ako nang malalim, ramdam ang panginginig ng boses ko."Jayzel..."Bahagya siyang lumingon. Walang emosyon ang mukha. Walang salitang lumabas sa bibig niya.Kaya ipinagpatuloy ko, pilit na nilulunok ang sarili kong pride. "Sorry."Simple lang. Pero sa pagkakataong ito, wala na akong balak pang magpaligoy-ligoy. Ubos na ako. "Sorry sa lahat ng sinabi ko kanina. Sorry kung nainis ako sa'yo. Sorry kung umalis ako habang nagsasalita ka pa."Tahimik pa rin siya. Ni hindi man lang gumalaw ang mga balikat niya.Napayuko ako sa semento. Pakiramdam ko, isa
Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit na nakakapit sa strap ng backpack. Mukhang gigil na gigil ang pagkakahawak niya roon. Pero hindi pa rin iyon sapat para sabihin sa akin kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito.Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Ngayon, halos magkapantay na kami. Pero hindi pa rin siya nagsasalita."Nag-message ako sa'yo..." simula ko, alam na alam ko kung gaano katanga pakinggan ang sinabi ko pero iyon lang ang lumabas sa lalamunan ko.Bahagya niyang tinaasan ang kilay niya, ang mga mata ay nananatiling seryoso. "Alam ko."Dalawang salita. Iyon lang. Pero parang mas lalo akong kinabahan sa loob ko kaysa kanina nang naghihintay ako."Seen mo lang.""Oo."Napayuko ako sandali, hindi matagalan ang titig niya. "Akala ko..."Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako agad."Ano?"Napatingin ulit ako sa kanya. "Akala ko hindi mo na ako kakausapin Akala ko ayaw mo na akong makita."Tahimik siya nang ilang sandali. Tiningnan niya
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang







