LOGINNakatayo ako sa terrace ng bahay nina Jun sa probinsiya, tahimik na pinagmamasdan ang malawak na taniman sa di-kalayuan. Mahangin sa bahaging iyon ng bahay. Sariwa ang amoy ng mga halaman, at paminsan-minsan ay naaamoy ko ang mamasa-masang lupa na naderetso ng hamog ng umaga. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ang ilang punong namumunga at ang maliliit na bahay sa kabilang bahagi ng kalsada.Iba ang pakiramdam sa lugar na ito.Walang ingay ng mga nagmamadaling sasakyan, walang sumasabog na stress mula sa lungsod, at walang mabibigat na responsibilidad na kailangang madaliing tapusin. Para bang humihinto ang oras at binibigyan ako ng pagkakataong balikan ang mga bagay at sugat na matagal kong ikinubli sa aking sarili.Napangiti ako nang kusang dumapo ang tingin ko sa singsing na kumikinang sa aking daliri.Minsan, naiisip ko pa rin kung paano nangyari ang lahat. Ilang buwan lamang ang nakalipas, pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na sapat na ang maging simpleng kaibigan ni Jun. Sapat
Hindi ako nakapagsalita.Kakarating lang niya mula sa Canada, ng ayain ko siya sa gala. Nagulat din ako, dahil parang nag iba siya ng pakikitungo sa akin. At alam kong may kinalaman doon ang aming mga damdamin. Kinuha kongt pagkakataon ang paghihiganti kina Jureza upang maihayag ko ang aking pagmamahal sa kanya.“Ang maging tagasalo mo habang nagdurugo ang sarili mong puso? Ilang beses akong umiyak nang mag-isa sa kuwarto ko habang ikinakuwento mo sa akin ang mga babaeng nagustuhan mo? Ilang beses kong pinilit ngumiti at sabihing ayos lang kahit ang totoo, gusto ko na ring sumuko?”Napapikit ako. Wala akong karapatang pigilan siya.“Jayzel, pasensiya na...”“Ang pinakamasakit, Jun, ay hindi naman iyong hindi mo ako mahal noon. Ang pinakamasakit ay ang malaman na parang wala akong karapatang masaktan o magselos dahil... kaibigan mo lang naman ako.”Napalunok ako habang pilit nilulunok ang bara sa aking lalamunan.“Patawarin mo ako,” ulit ko, halos pabulong na. “Kung maaari ko lang ibal
Pagdating namin sa bahay nina Kuya Kim, sinalubong kami ng mainit na liwanag mula sa loob.Tahimik ang paligid, ngunit hindi iyon ang katahimikan ng tensiyon at pangamba. Sa halip, may kakaibang gaan na bumalot sa aming sistema sa pagpasok sa isang tahanang alam kong ligtas kami mula sa mundong kanina lamang ay pilit na nagdidikta ng magiging buhay ko.Nauna nang bumaba si Kuya Kim upang kausapin ang mga kasambahay at ilang tauhan. Si Kuya Marco naman ang tumulong sa pag-aayos ng aking wheelchair sa tamang posisyon.“Dahan-dahan, Kuya,” sabi ko nang maramdaman kong bahagyang tumalbog ang upuan.“I know.. ” sagot ni Kuya Marco. “Hindi naman kita ibabagsak sa sahig.”“Hindi ko naman sinasabing ibabagsak mo ako.”“Pero iyan ang mukha ng nag-aalinlangan.”Napailing na lang ako. Nang maayos na ako, agad na lumapit si Jayzel at sinuri kung may nararamdaman ba akong kirot o sakit mula sa aking operasyon.“Okay lang ako,” paniniguro ko.“Sigurado ka ba?”“Oo naman.”“Kung sumakit ang tahi mo,
Hindi ko na nilingon ang malaking bulwagang iniwan namin sa likuran.Sapat na ang lahat ng trahedya at kahihiyang nangyari ngayong gabi. Hindi ko na kailangang manatili pa roon upang panoorin ang tuluyang pagbagsak ng mga taong nag-abang at gumawa ng masamang plano laban sa akin. Bahala na ang mga abogado at ang mga kinauukulan sa mga susunod na hakbang; ang mahalaga, ang buong katotohanan ay nailantad sa tamang paraan, at hinding-hindi na muling makokontrol ng mga taong may sariling makasariling interes ang aking buhay.Sa aking tabi, tahimik at maingat na itinutulak ni Jayzel ang aking wheelchair habang kasabay namin sina Kuya Kim, Kuya Marco, at Ate Rose Ann sa paglakad palayo. May ilang tauhan ng seguridad ang sumalubong sa amin upang gabayan kami palabas ng gusali, ngunit nang makalayo na kami sa main hall, ang tanging naiwan ay ang payapang katahimikan ng gabi.Pagod ako.Hindi lamang dahil sa pisikal na biyahe o sa mahabang oras ng pag-upo at paggaling mula sa aking operasyon,
“Sumagot ka!”“Papa!”Mabilis na sumabat si Dom, puno ng panggigigil ang boses. “Tumigil ka na sa pag-iinarte at pagpapanggap mo, Jureza!”Napatitig si Jureza sa kaniyang kuya, nanlalaki ang mga mata. “Kuya, hindi mo naiintindihan—”“Hindi ko naiintindihan?” Halos mapatawa si Dom sa sobrang galit at kahihiyan. “Buong akala namin, may magandang kinabukasan kang binubuo. Buong akala namin, seryoso ka kay Jun at magkakaroon ng magandang pagkakataon ang pamilya natin dahil sa relasyong iyan. Tapos, ito pala ang hayop na ginagawa mo sa likod namin?”“Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin—”“Kung gayon, ano? Ipaliwanag mo nang maayos!”Hindi makasagot si Jureza; nanatili siyang nakatungo at nanginginig. At sa gitna ng katahimikang iyon, biglang umalingawngaw ang malakas at masakit na tunog ng isang sampal.PAAAK!!Napalingon ang lahat. Sinampal ni Dom si Jureza. Dahil sa lakas ng pagkakasampal, nawalan ito ng balanse at napaupo sa matigas na sahig, hawak ang pisngi habang nanlalaki ang m
Isang mapait at malamig na tawa ang lumabas sa mga labi ni Jureza sa screen—isang tunog na kailanman ay hindi ko narinig mula sa kaniya noong magkausap kami nang harapan at nagpapanggap siyang umiiyak.“Kapag naging bahagi na ako ng pamilya Sanchez, hindi na natin kailangang mag-alala sa pera,” pagpapatuloy ng kaniyang boses sa video. “Makakakuha ng malaking puhunan ang kumpanya, makikilala ka bilang taong malapit sa mga may-kapangyarihan, at hindi na tayo kailangang mamuhay na parang laging naghihintay kung kailan babagsak ang lahat.”“Hindi ako sigurado kung magandang ideya ito, Jureza,” sagot ng boses ni Harold mula sa screen.“Wala ka nang ibang pagpipilian.”“Jureza—”“Makinig ka sa akin. Kung gusto mong iligtas ang kumpanya at ang sarili mo, kailangan mong gawin ang parte mo. Ako ang bahalang dumiskarte kay Jun. Ikaw ang bahalang siguraduhing walang makakaalam at hindi ka magpapakita sa publiko na parang may espesyal tayong ugnayan.”Napayuko si Harold sa video. At bago tuluyang
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga







![MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)