FAZER LOGINPagkatapos ng seremonya at bago kami maglakad palabas, isa-isang lumapit sa amin ang aming mga magulang. Unang yumakap sa akin si Nanay—ang ina ni Jun.“Anak,” sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok, “salamat at dumating ang araw na ito.”Napangiti ako nang buong-puso. “Salamat din po sa pagtanggap sa akin, Nanay.”“Hindi ka na namin kailangang tanggapin pa, Jayzel. Matagal ka nang bahagi ng pamilya namin.” Muli niya akong niyakap nang mahigpit.Pagkatapos, lumapit si Tatay—ang ama ni Jun—at hinalikan ako sa noo. “Maligayang pagdating sa pamilya, Atty. Jayzel.”“Salamat po, Tatay.”“Alagaan mo ang anak namin, ha?” biro niya.Napatawa ako. “Opo, ako po ang bahala.”“Pero huwag mo rin masyadong pagbibigyan. Matigas ang ulo niyan minsan.”“Tatay naman!” reklamo agad ni Jun.Nagtawanan kaming lahat.“Anak, sinasabi ko lang ang totoo,” nakangiting sagot ng kaniyang ama.“Wala man lang akong kakampi sa mismong araw ng kasal ko?”“May asawa ka na. Siya na ang kakampi mo ngayon.”Napatin
Matapos ang aming sumpaan, dumating ang bahagi ng seremonya kung saan isusuot na namin ang aming mga singsing.Nang iabot sa amin ang maliit na kahon, marahan itong binuksan ni Jun. Nasa loob ang dalawang singsing na pinili namin nang magkasama. Simple lamang ang disenyo—walang masyadong palamuti, ngunit para sa amin, sapat na ang mga iyon upang katawanin ang pangakong binitiwan namin sa harap ng Maykapal.Kinuha ni Jun ang aking singsing. Nanginginig nang bahagya ang kaniyang mga daliri habang hawak iyon.Napangiti ako sa kaniya. “Kinakabahan ka pa rin?”“Kaunti,” mahina niyang sagot.“Akala ko ba handa ka na?”“Handang-handa. Pero hindi ba puwedeng kabahan ang lalaking ikakasal sa babaeng pinakamamahal niya?”Natawa ako nang mahina. “Puwede naman.”Dahan-dahan niyang isinuot ang singsing sa aking daliri. “Jayzel, tanggapin mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pagmamahal at pangakong mananatili ako sa iyong tabi.”Nang matapos siya, hinawakan ko ang kaniyang kamay at kinuha a
“Gusto kong maalala mo na minsan, may isang babaeng nagmahal sa iyo nang matagal... at isang araw, pinili mo rin siyang mahalin.”Nanginginig ang mga labi ni Jun habang pilit niyang pinipigilan ang panibagong buhos ng kaniyang mga luha.“Hindi ko maipapangakong hindi kita masasaktan kailanman. Hindi ko rin maipapangakong palagi akong magiging matatag sa lahat ng pagkakataon,” pagpapatuloy ko. “Pero ipinapangako kong hindi ko hahayaang ang pride o takot ang magpasya para sa atin. Matututo akong humingi ng tawad. Matututo akong magpatawad. At sa bawat pagkakataong kailangan nating magsimula muli, haharap ako sa iyo at pipiliin kitang muli.”Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha habang nakatitig sa kaniyang mga mata.“Jun, ikaw ang matalik kong kaibigan. Ikaw ang lalaking minahal ko kahit hindi ko alam noong una kung may patutunguhan ba ang nararamdaman ko. At ngayong araw... ikaw na ang magiging asawa ko.”Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang aking nanginginig na boses.“Mahal
“Jun…”Nang banggitin ko ang kaniyang pangalan, bigla akong napaiyak. May ilang bisitang marahang natawa sa labis na tuwa, ngunit hindi ko na iyon pinansin.Dahil ang lalaking nasa harap ko ay hindi lamang ang lalaking pakakasalan ko ngayong araw. Siya rin ang taong nakasama ko sa napakaraming taon ng aking buhay—ang matalik na kaibigang nakakaalam ng pinakamaliliit na bagay tungkol sa akin, ang lalaking minsan kong inakalang hindi kailanman magiging akin.Ngayon, nasa harap ko siya, naghihintay na marinig ang mga salitang matagal kong kinimkim sa aking puso.“Hindi ko alam kung saan ako magsisimula,” nanginginig kong sabi habang hawak ang mikropono. “Dahil kung iisipin ko ang lahat ng pinagdaanan natin, parang napakarami kong gustong sabihin sa iyo.”Ngumiti si Jun habang patuloy na pinupunasan ang kaniyang mga luha.“Pero may isang bagay na sigurado ako: matagal na kitang mahal.”Mas lalong tumulo ang aking mga luha habang nagpapatuloy.“Bago pa natin naisip na maaari tayong maging
Ngunit bago ako tuluyang ibigay sa kaniya, marahang hinawakan ni Papa ang kaniyang balikat.“Jun.”“Opo, Papa.”“Anak, inaalagaan mo na siya noon bilang kaibigan. Ngayon, asawa mo na siya.”Tumango si Jun, seryoso at buo ang mukha. “Opo.”“Hindi ko hinihiling na hindi mo siya masasaktan kailanman. Walang taong perpekto,” patuloy ni Papa. “Ang hinihiling ko lang, kapag nasaktan mo siya, huwag mo siyang iwan sa sakit na iyon. Matuto kang makinig. Matuto kang umamin kapag mali ka. At huwag mong hayaang maramdaman niyang mag-isa siya kahit magkatabi kayo.”Napapikit si Jun sa lalim ng paalalang iyon. “Opo, Papa. Pangako ko po.”Iniabot ni Papa ang kamay ko sa kaniya. Ngunit bago kami tuluyang humarap sa altar, marahan munang nagmano si Jun sa aking mga magulang. Hinawakan niya ang kamay ni Mama at inilapit iyon sa kaniyang noo.“Salamat po sa pagtitiwala ninyo sa akin.”Hinawakan ni Mama ang kaniyang pisngi nang may labis na lambing. “Alagaan mo ang anak namin, hijo.”“Opo, Ma.”Pagk
Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang naramdaman ko nang magsimulang tumugtog ang awiting “Ikaw at Ako”.Parang biglang tumahimik ang buong mundo.Naririnig ko ang saliw ng musika, ang mahinang paghikbi ng ilang bisita, at ang mabagal naming mga hakbang nina Mama at Papa sa marmol na sahig. Ngunit sa lahat ng bagay na nasa paligid ko, iisa lamang ang malinaw kong nakikita:Si Jun.Nakatayo siya sa dulo ng mahabang daanan—nakaharap sa akin, at umiiyak.Hindi ko napigilang mapangiti habang nananalaytay ang init sa aking mga pisngi.Kanina, habang nasa holding room ako, paulit-ulit kong iniisip kung ano ang magiging hitsura niya sa araw na ito. Iniisip ko kung magiging seryoso ba siya, kung magbibiro pa rin ba siya upang maibsan ang kaba, o kung pipilitin niyang magmukhang kalmado gaya ng dati.Hindi ko inakalang iiyak siya nang ganoon bago pa man ako makarating sa kaniyang piling.Nang makita kong pinupunasan niya ang mga luha sa kaniyang pisngi habang nakatitig at nakangiti sa aki
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n







