LOGINIninom na ni Caleb ang tubig. Habang umiinom, hindi maalis ang inis na nararamdaman niya. Ano ba ang pumasok sa isip ng asawa at tinitikis silang dalawa ng anak nila? Dati, kapag ganitong oras ng almusal ay may nakahain ng masarap na almusal.
At kapag nagtalo silang dalawa, awtomatiko na hahatiran siya ng masarap na tanghalian ng asawa sa opisina niya.
Bigla tuloy naalala ni Caleb ang eksena nila sa mesang ito kapag agahan.
“Wow! Arroz Caldo!” masayang sasabihin ni Maddison, ang magana nilang anak.
“Yuxk! Bakit may manok na nakababad? Ayoko ng manok na nakalagay sa lugaw, nakakasuka ang lasa niyan!” pagrereklamo naman ni Mason.
“Ang arte nito! Arroz Caldo ‘yan, hindi lugaw,” pagkontra ni Maddison sa kapatid.
Inirapan ni Mason ang kapatid na babae. “Pinaganda mo lang ang tawag, pareho lang din naman sila. Kanin na nilagyan ng sabaw.”
Dahil sa narinig na pagtatalo ng magkapatid, masamang tiningnan ni Caleb ang asawa.
“Raven, ilang beses ng sinabi sa iyo ni Mama na huwag ka ng nagluluto niyan dahil pagkain ng mahihirap ‘yan! Ano na lang ang sasabihin sa atin ng mga kaibigan ko?”
“Masustansiya ‘yan. Saka, para maiba naman ang almusal. Tutal, kanin pa rin naman ‘yan.”
“Kahit pa ano’ng sustansya niyan, hindi pa rin siya magandang tingnan. Biro mo, pinaghalo-halo mo ang kanin, manok, itlog, at kung ano-anong gulay diyan? Parang kaning-baboy tingnan! Nakakahiya ‘yang pagkain na ‘yan!”
“Ha? Pagkain ng mga babaoy? Tapos, pinapakain mo sa akin, Mama? Ano’ng klase kang nanay?” segunda ni Mason sa ama.
Sumikip ang dibdib ni Raven nang muling maalala ang dating eksena na iyon sa bahay nila ni Caleb. Hindi niya pa rin masagot ang tanong sa isip niya kung saan ba siya nagkulang kay Mason. Ibinigay naman niya ang lahat ng pagmamahal at pag-aaruga niya sa bata.
“Burrrp!”
Napahinto si Raven sa pagbabalik-tanaw at saka nilingon si Maddison.
“Oops! Sorry, Mama… sobrang sarap kasi ng arroz caldo mo!”
Sinilip ni Raven ang laman ng mangkok na nasa harapan ni Maddison. Bahagya siyang natawa sa nakita.
“Ang sarap po kasi talaga, Mama! At saka ang tagal ko na kasing hindi nakakain nito.”
Nginitian ni Raven ang anak.
“Hayaan mo, mula ngayon, lagi ka ng makakakain niyan. At saka kung ano pa ang gusto mong kainin. Wala ng magbabawal at makikialam sa gusto mong kainin, anak.”
“Talaga, Mama? Hindi na natin kailangang magpunta pa dito sa bahay nila Lola para lang makakain ng lugaw at arroz caldo? ”
“Oo.”
“Kung ganun, Mama. Huwag ka munang magluto bukas. Kumain naman tayo dun sa sikat na kainan, ‘yung may malaking bubuyog.”
“Sige.”
“Yeheyy!”
HINATID ni Raven si Maddison sa eskwelahan nito. Nakababa na ito ng sasakyan niya nang dumating ang isang pamilyar na sasakyan at pumarada sa tabi niya.
Nakita ni Raven ang anak na si Mason, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin sa bata. Sariwa pa sa isip niya ang inakto nito at mga binitiwang mga salita kagabi sa kaarawan nito.
“Maddison!” tawag ni Mason sa kakambal sabay takbo sa harapan nito habang may hawak na maliit na paper bag.
“Binilhan ako ni Auntie Ingrid ng mga candy. Iba-ibang flavor. Eto ‘yung uso ngayon na kinakain ng mga mayayaman. Mahal daw ang mga ‘to, sabi niya!” pagmamalaki ni Mason habang ipinapakita ang laman ng paper bag na dala niya.
Pero hindi kinakitaan ng inggit o pagkagusto sa candy ang mukha ni Maddison.
“Ang dami nga. Alam ba ni Papa ‘yan? Pero di ba ang sabi ni Mama kapag sobrang dami ang kinain mong candy ay pwede kang magkasirang ipin? At kapag nasira ang ngipin, masakit ‘yun. Iyan ang sabi ni Mama.”
“Eh, ano ngayon? May bago na akong Mama, si Auntie Ingrid, at hindi na ako pwedeng pakialaman ng dati kong Mama! Ikaw na lang ang may Mama sa kanya!”
Nagulat si Maddison sa sinabi ng kapatid. Naawa siya para sa ina. Gusto sana niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili. Kapag umiyak siya, matutuwa lang lalo ang kapatid.
“At ang sabi pa ni Auntie Ingrid, i-share ko ito sa lahat ng kaklase natin. Except you! Beh!”
“Mason, tigilan mo na nga ‘yang mga sinasabi mo. Sige, ituloy mo pa ‘yan. Kapag nalaman ni Mama ‘yang mga sinasabi mo, itatakwil ka na niya ng tuluyan.”
“Oy, Maddison. Ako ang nagtakwil sa kanya bilang nanay ko. Sino ba naman ang may gusto sa nanay na ang alam lutuin ay parang sa kaning-baboy? Siguro, ikaw lang.”
Pagkasabi nun ay tumakbo na si Mason papasok sa gate ng eskwelahan. Nanggigigil si Maddison sa inaasal ng kapatid kaya inis na dumampot siya ng maliit na bato para sana ipukol rito. Pero hindi niya kayang gawin, kaya nagngingitngit na pinakawalan na lang niya ang batong nasa kamay habang nakatingin sa papalayong bulto ng kapatid.
NANG dumating si Caleb sa opisina niya ay may nakita siyang tatlong layer ng lunch box na nasa ibabaw ng mesa niya. Iyon agad ang sumalubong sa kanya kaya napangiti siya. Alam naman niyang hindi siya matitiis ni Raven at ang asawa pa rin ang unang susuko sa kanilang dalawa. Katunayan ang ipinadalang pagkain nito.
Sisipol-sipol na nagkakad si Caleb papunta sa mesa niya. Saktong pagkaupo niya ay tumunog ang telepono niya. Bahagyang umangat ang isang kilay niya ng nakita ang pangalan ni Ingrid sa screen ng telepono niya.
“Ingrid?”
[“Dude! Nakita mo ba ‘yung pinadala kong pagkain mo? Kainin mo ‘yan mamayang lunch.”]
Napatingin si Caleb sa kulay berdeng lalagyan ng pagkain sa ibabaw ng mesa niya, halata ang pagka-dismaya sa mukha niya.
“Ikaw ba ang nagluto nito?”
[“Yes! Grabe! Ang hirap-hirap pala magluto! Grabe ang effort ko diyan. Parang ayaw ko na uliting magluto pa!”]
Pagkatapos ay narinig ni Caleb ang malulutong na tawa ng kababata sa kabilang linya.
“Okay. Sige na, marami na akong kailangang gawin.”
[“Napaka-workaholic mo pa rin, dude. As usual… Hey! Huwag kang magpipigil ng ihi, ha? Tumayo-tayo ka rin para mag-CR.”]
Agad na tinapos na ni Caleb ang tawag. Inilapag niya ang telepono sa ibabaw ng mesa niya, tapos ay muling napalingon sa pagkain na pinadala ni Ingrid.
Nung nalaman niya na galing iyon kay Ingrid ay nawalan na siya ng gana na kainin iyon. Pinindot niya ang intercom at pinapasok sa loob ng opisina niya ang sekretarya niya.
“Nagdala ba ng lunch ko ang asawa ko?”
“Hindi po nagpupunta ang asawa n’yo simula kaninang umaga.”
Hindi naiwasan ni Caleb ang mapasimangot nang narinig ang sagot ng sekretarya. Inginuso niya ang pagkaing pinadala ni Ingrid.“Kainin mo ‘yan sa lunch mo.”
“Po?”
“Kapag dumating ang asawa ko at may dalang pagkain, sabihin mo na kumain na ako. Ipauwi mo na lang sa bahay ‘yung dala niya,” inis na sabi ni Caleb.
Nahalata ng sekretarya ang hindi magandang mood ng amo kaya umoo na lang siya rito ay saka tahimik na lumabas ng kuwarto pagkaraang damputin ang lunch box.
~CJ
Habang matamang nakatingin si Caleb sa mukha ni Raven, nagkaroon siya ng realisasyon na ang pagkakakuha ni Raven sa unang puwesto noong preliminary ay hindi lang suwerte o tsamba. Katunayan nun ang pagkakakuha niya uli ng unang ranking ngayong finals.Nagsimula na ang challenge competition. Ang nasa top 20 ay pwedeng pumili ng isang kalahok na nasa top 20 rin para hamunin. Pwedeng magbigay ng tanong o problema ang kalahok na iyon para sa kalahok na pinili niya. Kailangang sagutin ng hinamon ang tanong o problema. At kapag hindi niya nasagot ang naturang tanong o problema ay awtomatikong tanggal na siya sa kompetisyon. Kasabay nun, kapag nasagot naman ng hinamon ang tanong o problema, ang humamon naman ang awtomatikong maaalis sa kompetisyon.Ang top 20 hanggang 18 ay pinili si Raven para hamunin. Matagumpay na nasagutan ni Raven ang mga ibinigay sa kanyang tanong at problema ng tatlong kalahok. Kaya naman, naalis silang tatlo sa kompetisyon. Sumunod namang namili ang top 17 hang
Namilog ang mga mata ni Ingrid ng nakita niyang iyong kaibigan niyang reporter na nag-interview kay Mason ang tumatawag. Napahawak si Ingrid sa dibdib niya. Bakit naman ngayon pa siya tinatawagan ng lalaki? Para kasing hindi maganda ang kutob niya sa tawag na iyon. Ang balak ni Ingrid ay hayaan lang itong mag-ring nang mag-ring hanggan sa magsawa ang kaibigan sa kakatawag. Pero parang wala itong balak na tigilan ang pagtawag sa kanya. Kaya naman napilitan na si Ingrid na sagutin ang tawag.“Hello.”[“Ingrid, inalis ako sa field. Hindi na ako reporter. Inilipat ako sa research group. Na-demote ako, Ingrid!”]“So? Ano naman ang kinalaman ko sa pagkakalipat sa ‘yo?”[“Ano’ng kinalaman mo? Marami lang namang puwersa ang nanggigipit sa itaas. Kung hindi ako aalisin bilang reporter, ipapasara nila ang kumpanyang pinapasukan ko!”]Napaawang ang mga labi ni Ingrid sa narinig. “Si Attorney Eris ba ang puwersan iyon?” [“Hindi lang si Mercader!”] Halata ni Ingrid sa boses ng kausap ang tako
Maagang umuwi si Caleb ng araw na iyon. Kanina pa siya hindi mapalagay. Alam niyang mabuti ang intensyon ni Ingrid para gawin ang pagpapa-interview kay Mason, pero wala siyang karapatan para kontrolin ang direksyon ng opinyon ng publiko tungkol sa kanya, kay Mason at kay Raven.“Boss!” tawag ng sekretarya niya sa labas ng bintana na may kasama pang pagkatok.Ibinaba ni Caleb ang salamin ng bintana. Saka naman inilusot ng sekretarya ang telepono niya para may ipakita o ipabasa sa amo.“May mga negatibong video ni Miss Ingrid ang kumakalat sa internet!”Kinuha ni Caleb ang telepono at saka pinanood ang video.Ipinakita doon si Ingrid habang nakaupo sa kandungan ng isang lalaki. Na
Sinubukan ni Raven na muling itipa ang username at password niya. Pero “wrong password” ang mensaheng lumitaw sa screen.Napaisip si Raven. Matagal na niyang hindi binubuksan ang account na iyon. Paano’ng bigla na lang itong nag-notipika na napalitan ang password niya?SAMANTALA, sa bahay ng mga Santana, patamad na nakaupo si Ingrid sa sofa sa sala ng bahay. Ang isang kamay niya ay hawak ang telepono niya sa tapat ng tenga niya, at ang isang kamay niya ay humahagod sa buhok niya.[“Dude, na-hack ko na ang facegram account ng kapatid mo. Marami siyang mga post doon na mga video at mga pictures ng dalawa niyang anak. Walang ibang nakakakita nun dahil naka-
Hindi na kaya ni Rainier na magbasa pa ng mga nakakainsultong komento patungkol kay Raven. Itinigil na niya ang pagbabasa ng mga komento sa social media at saka pumasok muli sa loob ng pribadong kuwarto niya.Hindi siya naupo sa upuan sa likod ng mesa niya. Sa halip ay tumayo siya sa tabi ng bintana, kung saan tanaw niya ang kalsada sa ibaba. Dinukot niya ang telepono niya at saka mau tinawagan.“Alisin mo ang lahat ng negatibong search sa social media na may kinalaman kay Raven. At kung sino man ang mahuli na may kinalaman sa pagpapakalat nun ay kailangan nating mabigyan agad ng aksyon!”Masama ang loob ni Rainier. Kung siya nga ay nasasaktan sa mga negatibo at maduduming mga komento, mas lalo ng hindi niya kayang hayaan na masaktan si Raven.Pag
Tumikwas ang isang kilay ni Elcid.“Bakit? Hindi ka ba sure na makukuha mo ang unang puwesto katulad nung preliminary?” tila nanunukso na tanong nito.Mabilis na ngumiti si Raven. “Uncle, mukhang sinusundan mo ang ako Math Olympiad, ah?”Umirap si Elcid. “Hindi ko sinadya. Aksidente ko lang na nakita. Huwag kang asyumera.”Nang huminto na ang sasakyan ni Elcid sa tapat ng tinutuluyan ni Raven, muling hinarap ni Raven ang lalaki.“Uncle, sana hindi mo ako biguin. Iyun talaga ang pangarap ko, ang magtrabaho sa Quantum Sphere.”“Let’s see…” sagot ni Elcid habang mahinang tumango-tango.Pero hindi pinanghinaan







