Natigilan si Ember na nakatingin sa message request na naroon sa messaging app na gamit. Picture ni Cassian—asawa niya—ang nasa profile at ang pangalan ay Boss Angel. Dahil akala niya ay bagong account ng asawa niya iyon ay agad niyang tinugon ang request.
Pag-open pa lang ni Ember sa message ay mga larawan na agad ang tumambad sa kaniya. Larawan na hindi kay Cassian. Larawan na iba-iba ang kuha pero lahat ay walang mukha kung kanino iyon.
Babae.
Babae ang nasa mga larawan na ikinakunot-noo ni Ember.
Muli niyang inisa-isang tingnan ang mga larawan. Sa larawan na kamay ang kinuhaan ay halatang ang singsing na suot ang gustong ipakita sa kaniya ng kung sinong nagpadala. Ang isang larawan naman ay nakatutok sa leeg ng babae sa larawan at ang kuwintas na kapares ng suot nitong singsing ang mas pinapakita.
Set ng alahas ang pinapakita sa kaniya ng kung sinong Boss Angel na iyon. Imposible naman na naging alahero na ang asawa niyang CEO ng isang triple-A construction company at pinadala sa kaniya ang mga larawan para ipakita lang.
Napalunok si Ember sa kung anong sama ng loob na nagsisimulang magpakabog sa dibdib niya. Hindi siya tanga para balewalain ang mga larawan. Hindi niya kilala kung sino ang babae dahil ayaw magpakita ng mukha at halatang nang-aasar lang.
Muli niyang tiningnan ang mga larawan isa-isa. Nahinto siya sa pinakahuling larawan dahil kakaiba ang suot nito roon sa mga nauna. Iisa lang ang dress nito sa anim na pictures pero sa ika-pitong larawan nito ay nakasuot ito ng uniform sa isang university.
University student ang babae kung gano’n.
Ang kabit ng asawa niya ay isang kolehiyala?
Ibababa na sana ni Ember ang phone sa mesa nang may message na kasunod pumasok.
BOSS ANGEL: Happy to celebrate Cassian’s birthday in Tranquil later. 🥰
Tranquil? Hotel iyon ng kaibigan ni Cassian at ang mensahe ay para sa kaniya talaga. Sinasadyang ipinapaalam sa kaniya ng kung sinong babae ng asawa niya na magkikita ito mamaya at si Cassian.
Mga walanghiya!
At Angel? Parang gusto niyang kabahan sa pangalan pero nilunok na lang niya muna ang lahat ng agam-agam. Hindi siya dapat magpadala agad sa galit at hinala.
Sa muling pagtunog ng message notification ng phone ay nakuyom na niya ang kamao habang binabasa ang kasunod na message.
BOSS ANGEL: Room 3635. Cassian truly wanted us to celebrate his birthday so grand and solemn. Lucky me, right? Actually, he promised me that he will divorce you this year. I will invite you to our wedding, don’t worry.
Napahigpit ang hawak ni Ember sa telepono. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sama ng loob. Tiningnan niya ang cake na personal niyang ginawa para kay Cassian. Tiningnan niya rin ang mga nalutong pagkain na inihanda niya dahil mamaya ay gusto niyang sorpresahin ang asawa.
Tranquil Hotel? Pupunta ba siya para hulihin ang asawa niya at babae nito o mas mabuting magkunwa na lang siyang hindi alam ang tungkol sa pagtataksil ni Cassian sa kaniya?
Kailangan niyang magdesisyon. Binalikan niya ang huling message ng babae. Imbitasyon iyon para mahuli niya ang mga ito sa akto. Patibong na rin para tuluyan siyang hiwalayan ni Cassian.
Binalikan niya tingnan ang mga alahas na suot ng babae sa mga larawan. Napakagat siya sa ibabang labi sa pagpigil na umiyak. Naalala na niya ang mga iyon, nakita niya nakaraan sa mga gamit ni Cassian. Inisip pa nga niya na baka pang-surprise ng asawa sa kaniya. Next month kasi ang birthday niya.
Inayos ni Ember ang sarili. Suot ang pantalong maong at puting blusa ay lumabas na siya ng apartment unit kung saan sila nakatira ni Cassian. Sa limang taon nilang kasal ay mas gusto ni Cassian na doon lang sila sa apartment nito sa 3rd Avenue sa New York City nakatira. Mula pa noon ay hindi siya inuuwi sa bahay nito sa Pilipinas, pinaparamdam sa kaniya lagi na hanggang papel lang ang kasal nila at hindi siya ang gusto nito maging asawa.
Pinahid ni Ember ang luhang pumatak sa pisngi dahil sa limang taon na sinayang niya para kay Cassian. Tatlong taon niya itong inalagaan dahil na-comatose ito at dalawang taon niyang tiniis ang pambabalewala nito mula nang magkamalay.
Nasa Tranquil Hotel na si Ember at dire-diretso na siya sa 36th floor. Nasa harap na siya ng Room 3635 nang maningkit ang mga mata niya sa galit. Nag-doorbell si Ember. Palakas nang palakas ang tibok ng puso niya habang hinihintay may magbukas ng pinto. Magdo-doorbell pa sana siya ng pangalawa nang bumukas na iyon at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
“Lauren?!” gulat niyang tanong sa stepsister na nakangisi sa harap niya. Tiningnan niya ang suot nitong kuwintas at singsing. “Ikaw?!”
“Yes, Ember dear. Ako nga,” proud nitong tugon sa tanong niya.
“Pumasok kayo,” utos mula sa loob ang ikinalaki lalo ng mga mata ni Ember dahil kilala niya ang boses na ‘yon.
“Mama?” gulat na sambit ni Ember. “Nandito kayo?” aniya habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa ina, asawa nito, at kay Lauren.
“Pag-usapan na natin agad kung bakit ka namin pinapunta rito,” wika ng Michelle Villareal—ang mama ni Ember habang nakatitig sa anak na nanlalaki pa rin ang mga mata sa litong nararamdaman. “Obviously, Lauren is back. Divorce Cassian.”
“No,” masama ang loob na usal ni Ember. “Kung gusto namin ni Cassian mag-divorce ay kami ang mag-uusap.”
“Cassian never touched you,” paismid na wika ni Michelle sa anak. “Your marriage has never been consummated so what’s the fuzz?”
Masama ang loob na napailing si Ember. “Ma…” pabulong niyang simula sa sasabihin. “Anak mo ako, ‘di ba? Bakit parang si Lauren lang ang importante sa ‘yo? Ano ‘yon? Palibhasa bumalik si Lauren ay dapat lahat papabor na lang sa gusto niya? Na naman? Siya na naman?”
Tumayo si Michelle at nilapitan ang anak. “Divorce Cassian, Ember,” hindi mababaling utos niya. “Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa taong hindi sa ‘yo una pa lang. You know well that you are just your sister’s replacement from the start. At ngayon na narito na si Lauren, gawin mo ang nararapat.”
“Nararapat?” masama ang loob ni Ember na humakbang palayo. “Mula pa noon ay puro nararapat para kay Lauren. Bakit gan’yan ka, Ma? Napaka-unfair mo naman sa—”
Sampal ang tumapos sa sasabihin pa sana ni Ember. At tawa ni Lauren ang nagbalik sa kaniya sa realidad na pagdating sa ina ay puro ang stepsister niya lang ang mahalaga.
“Divorce Cassian at huwag na huwag mo akong kokontrahin, Ember,” banta ni Michelle sa kaniya nang muli niyang inangat ang mukha para salubungin ang tingin nito.
Tumango si Ember. Bakit pa ba siya dapat magmatigas?
Tama naman ang ina. Isa lang siyang replacement. Isang substitute. Isang stand-in ni Lauren. Huminga ng malalim si Ember at tumalikod na para lumabas ng kuwarto nang habulin siya ni Lauren para bulungan.
“Don’t wait for Cassian, Ember dear. We will spend the whole night together as we plan. Alam mo naman…” Malanding ngiti ang pinakawalan ni Lauren, “laging sabik sa akin ang isang ‘yon tuwing magkikita kami.”
“Hello!” sabi ng batang lumapit kay Ember. Ngumiti rin ito. A sweet smile. Nginitian ni Ember ang bata. Anak ito ni Austin Mulliez at kakatapos lang ng kasal na ginanap. “Hi!” ganting bati niya sa bata. “I heard your name is Raffy. Am I right?” Mabilis na tumango ang bata. “My name is Rafaella Jane Saavedra Mulliez. And yes, it is Raffy for short.”“Wow…” nakangiting usal ni Ember. “You have a beautiful name. But why Raffy? Why not Ella or Jane?” Kumibit-balikat si Raffy. “Have no idea. Basta iyon na ang tawag nila sa akin mula pa noong baby ako.”“Oh…” manghang wika ni Ember at nanlaki pa ang mga mata dahil nasorpresa na nagta-Tagalog ang bata. “At marunong ka pala mag-Tagalog?” hindi maiwasang tanong niya rito na hindi pa rin makapaniwala. Kanina niya pa kasi ito napapansin na English ang pakikipag-usap. At sa accent nito ay inisip niyang English lang ang salitang alam nito gamitin.“Marunong ako mag-Tagalog syempre…” Napahagikhik si Raffy. “Tagalog kami mag-usap lagi nina Mommy a
—PASADENA, CALIFORNIA— Austin and Zylah… Muling basa ni Ember sa nakalagay na mga pangalan ng ikakasal sa invitation card na ipinahawak sa kaniya ni Cassian. Iniwan kasi siya ng isa at nilapitan ang tatlong kaibigan nito habang hindi pa nagsisimula ang kasal dahil wala pa ang bride. Wala naman siyang masabing kung ano pang negatibo sa mga kaibigan ni Cassian. Pero syempre alam niyang kay Lauren naman talaga boto ang mga ito noon pa kaya ano pa ba ang dapat asahan niya? Normal lang na hindi siya maging close sa mga ito. At nataon lang na confident na siya sa natural na ganda kaya ngayon ay nakakaharap na sa mga ito. Napaismid siya sa naisip na double standard na pananaw ng gaya ni Cassian. Palibhasa noon na hindi siya presentable ay kating-kati hiwalayan siya, ngayon palibhasa sobrang ganda niya na yata sa tingin nito ay nakiusap pang isama siya para mapakita at mapakilala bilang asawa. “The audacity!” inis na wika ni Ember at napailing sa inis. Sa ikatlong beses ay inilibot n
Galit na sinampal ni Ember si Cassian. “And what are you implying?” tanong niya rito kasunod. Nanlilisik ang mga mata sa insulto dahil sa sinabi nito. Ganito ba kalandi ang tingin nito sa kaniya?And that’s unfair… Gusto pang idagdag ni Ember sabihin. Kung bakit naman kasi ganito kababa ang tingin sa kaniya ni Cassian? Si Lauren na sobrang hilig sa lalaki at kung sino-sino na ang nakakama ay tila dyosa na dinadambana, tapos siya na ito lang ang kaisa-isang lalaki na nakapiling ay siya pa ang makakatanggap ng insulto mula rito?“This…” galit ding tugon ni Cassian at hinawakan ang mukha ni Ember para hindi ito makapalag at hinȧgkan ito. Marahas.Kung galit si Ember ay mas lalo na si Cassian. Hindi matanggap na may ibang lalaking posibleng hinihintay ang asawa. Pinipilit niyang ayusin ang lahat sa kanilang dalawa pero bakit ayaw ni Ember? Bakit pinaparamdam sa kaniya na kaya siyang ipagpalit agad-agad? Si Emebr ay inilagay ang mga kamay sa dibdib ni Cassian at pilit na itinulak ito palay
Inis na in-off ni Ember ang phone niya para hindi na siya matawagan pa ni Cassian. She rolled her eyes, kung kahapon ay ang ina ang sigeng tawag, ngayon si Cassian naman. But she could answer Cassian’s call kung kagaya kahapon na nasa bahay lang siya, pero busy siya at may inaasikaso. Ember’s eyes roamed around. May kaunting lungkot na nadama pero naroon din ang excitement niya sa bagong plano. Kasalukuyan kasing nasa embassy siya at inaayos ang mga papel na kailangan niya sa pagbalik ng Pilipinas. Yes, nakapagdesisyon na siyang umalis ng America kahit hindi pa naaayos ang divorce nila ni Cassian. Bahala na ito. Nang matapos si Ember sa embahada ay diretsong umuwi na siya. Wala si Sienna sa apartment nito nang dumating siya pero ilang minuto pa lang siyang nakakarating at kasalukuyang naghuhubad para sana magpalit ng damit nang may nag-doorbell.Ember rolled her eyes. Mukhang nalimutan na naman ni Sienna ang key card nito kaya hindi na naman makapasok sa sariling apartment agad. Mabi
Nagsusuklay si Ember nang mapatingin sa phone dahil sa tawag na pumapasok. Napakunot-noo siya. Kilala niya ang caller dahil sa numero nitong naka-phonebook pero natatawa siyang isipin sa kung anong dahilan ng tawag nito.Napaismid si Ember nang muling basahin ang pangalan ng ina sa Caller ID. At dahil ayaw niyang sagutin ang tawag ay tinapos iyon sa pag-click ng decline button. Akala ni Ember titigil na si Michelle pero hindi ito tumigil at muling tumawag. Sunod-sunod na pagtawag hanggang sagutin na lang ni Ember sa ikadoseng tawag nito.“Where are you?” agad na tanong ni Michelle pag-open pa lang ng linya. Galit sa ilang ulit na pag-decline sa tawag niya.“Why? Hinahanap mo ako?” matamlay na tanong ni Ember. “Ako talaga?”Tanda pa ni Ember ang excitement niya nang matanggap ng tawag ng ina limang taon na ang nakakaraan. Pinapabalik na siya sa Manila at akala niya dahil gusto na nitong bumawi bilang isang ina sa ilang taong pagpapabaya sa kaniya. Excitement na nawala nang malaman niyan
Galit na ibinalibag ni Lauren ang clutch bag na dala sa kama. Ang mga mata ay naniningkit sa poot na nararamdaman para kay Ember. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napahiya siya masyado. At kung dati ay trip niya lang paiyakin si Ember kaya inaagawan ng mga gusto, this time ay talagang kalaban na niya ito. “If you really think that you won, Ember…” nagsusulak ang kalooban na wika ni Lauren habang nakatitig sa salamin. “Then, you better know how to make sure of your defense. Akin lang si Cassian! Hindi mo siya pwedeng maagaw!” Sa galit ay kinuha ni Lauren ang isang vase at ibinato sa vanity mirror. Kasunod ay ang mga sigaw niya para ilabas ang pagkasuklam na nararamdaman para sa stepsister. Sunod-sunod na katok ang umagaw ng atensyon ni Lauren. Kasunod ay ang boses ni Michelle na tinatawag ang pangalan niya. Nang buksan ni Lauren ang pinto ay agad siyang humagulhol. “Mama… si Ember…” iyak niya. “Inagaw ni Ember si Cassian…” Natigilan si Michelle. Sa isip ay paanong naagaw ng pa