second for the day...
After the charity event ay hindi na nagpakita pa si Cassian kay Ember na lalong nagdagdag ng inis ng huli para sa una. Maliban sa inis ay nadagadagan din ang duda ni Ember. At paano pa kaya siya makukumbinsi ni Cassian kung lagi naman kontradikto ang mga lumalabas sa bibig nito sa mga ikinikilos?Katok ang ikinatingin ni Ember sa pinto at nakangiting Auntie Emilia niya ang sumilip. “Hinahanap ka ng lola mo…” anito. Tumayo si Ember. Basta ang lola niya ang humanap sa kaniya ay hindi na siya nagpapatagal at pinupuntahan niya agad. Matanda na ito at ayaw niyang mainip sa paghintay sa kaniya. “Akala ko ba magsisimula ka magtrabaho sa mama ni Adrian?” curious na tanong ni Emilia habang sinasabayan sa paglalakad papuntang kuwarto ng ina ang pamangkin. “Gano’n na nga po sana kaso…” ani Ember sabay buntong hininga. Hindi niya alam paano sasabihin ang dahilan niya para umatras sa trabahong halos ibinibigay na nga lang sa kaniya tapos nag-alangan pa siya. Hindi niya maamin kasi ayaw niyang m
Si Adrian na kanina pa nakikita ang pagtatalo nina Cassian at Ember ay hindi na nakatiis at lumakad palapit sa mga ito. Lalapit sana siya para awatin ang mga ito nang magsalita ulit si Cassian. Hindi niya itinuloy ang paglapit, nanatili na lang siya sa gilid na nakatingin sa mga ito. “I asked Mathias to help me find the one who’s behind Lauren,” paliwanag ni Cassian. “At nang malaman ko na kung sino ay sinabi ko na hayaan na lang muna kasi naka-schedule na ang byahe ko rito sa Pilipinas. Mas importante sa akin mahanap ka at maprotektahan kaysa unahin sila intindihin pa. Wala rin naman silbi kahit kausapin ko sila. They are just Lauren’s backup. As long as umaasa si Lauren na okay kami ay hindi siya lalapit kay Giancarlo para magpatulong gawan ka ng masama.”“At ang ginagawa mo ngayon?” manghang wika ni Ember. Hindi naisip ni Ember kahit kailan na aabot si Lauren sa pagsali sa mafia para lang pahirapan ang buhay niya. Nang maisip na gano’ng level na ang kademonyohan ng utak ng steps
“Asawa mo?” ulit ni Ember sa pikon na tono. “Mukhang nagka-Alzheimers ka na yata. Ipaalala ko lang an divorced na tayo, Cassian Syquia. Ex-asawa mo pwede pa pero asawa mo…” napailing siya. “Sana okay ka lang…”“You’re still my wife, Ember…” puno ng emosyon at kaseryosohang wika ni Cassian at hinawakan ang braso ni Ember. “And that’s why I’m here… I’m bringing you home. We need to be together. For us. For our b—”“The hell, Cassian!” Ember hissed kaya hindi natapos ni Cassian ang gusto pang sabihin. Ipiniksi niya rin ang brasong hawak nito para bitawan siya. “And what are you imagining?” pagak na natawa si Ember habang sinasalubong ang mga tingin ni Cassian. Pagak na tawa kasi humahalo ang kabang nararamdaman niya sa naiisip na possibility ng sinasabi nito. Umiling siya kasunod. “No…” mahinang usal niya. “You’re joking, right?”“Galing akong New York para lang mag-joke?” tanong ni Cassian sa asawa. “You’re still my wife, Ember,” puno ng sinseridad ang boses niya. “Stop that, Cassian!”
“Anyway,” sabi ni Adrian sabay ngisi habang naglalakd sila ni Ember pabalik sa bulwagan kung saan nagaganap ang charity event ng ina. “Ano ba talaga ang ikinagulat mo? Ang biglaang pagkakita sa ex mo rito sa charity event? O ang bagay na ngayon mo lang nalaman na matulungin pala ang ex mo at ang kaibigan niya?”Malakas na tawa ang isinagot ni Ember. “The last one! Iyon talaga, eh…” sabi niya na bumungisngis kasunod. “It really is surprising to learn that the two have that in their soul. Sa tagal ko na silang kilala ay nakakagulat talaga na malaman na may puso rin pala sila sa pagkakawang-gawa. Akalain ko ba naman ‘yon. Nakaka-worry tuloy… baka naman nakalog pala ang utak ng mga ‘yon.”“Aren’t you judgmental?” “And aren’t they already shown their colors to me before?” nakangiting balik ng tanong ni Ember sa kaibigan. “I’ve known them for a decade, Adrian. Since college pa ay kilala ko na sila kaya talagang nakakagulat for me na bigla ay may interes sila to sponsor sa charity ng mama
“You know them, right?” tanong ni Adrian kay Ember na kanina pa nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan sa labas ng hotel.Nasa lobby sila ng hotel at kanina pa inoobserbahan ni Adrian ang kaibigan dahil obvious na gusto nitong iwasan ang mga guests ng mama niya na bagong dating. May tumutubo ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang isipin at baka naman mali lang siya ng kutob. Hangga’t hindi niya naririnig kay Ember kung ano ang reason nito na biglang nag-iba ng mood at tila natatakot ay hindi tama na kung ano-ano ang naiisip niya. “Hindi ka nahihilo sabi mo pero namumutla ka kanina…” turan ni Adrian nang manatiling tahimik si Ember. Nasabi ni Adrian iyon kasi paglabas nila ng bulwagan kanina ay sinabi niyang dadalhin niya si Ember sa clinic na malapit pero umiling agad ito, sinabing hindi na kailangan dahil ang gusto lang nito ay lumabas at lumayo sa ginaganap na event. That’s when he realized na may gusto lang itong iwasan na naroon. And who else kung hindi ang mga bagong dati
“Biglang sumama ang pakiramdam ni Ember, ‘Ma…” paliwanag ni Adrian sa ina nang makitang naguguluhan itong nakatingin sa kanila ni Ember. “Samahan ko na lang po muna siya pahangin sa labas…” paalam ni Adrian at dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bisita ng ina, na alam niyang gustong ipakilala sana siya ng ina sa mga ito ay nginitian niya na lang sabay sabing, “Welcome to Velasquez’s Charity Event! Thank you for coming!” Kasunod niyon ay tumalikod na si Adrian para alalayan si Ember na humigpit din ang kapit sa braso niya. “Let’s go…” aya niya rito. “Nahihilo ka ba? Gusto mo bang mahiga muna?” Umiling si Ember bilang tugon, ayaw niyang maglabas sana kahit anong salita lalo na at binanggit pa talaga ni Adrian ang pangalan niya pero, “Sa labas lang tayo. I just need some air.”Si Cassian na hahakbang sana para sundan ang dalawa ay naawat sa patagilid na pag-angat ng kamay ni Mathias at iharang sa kaniya. A gesture to stop him from chasing Ember.Napansin naman iyon ni Cristina, na