Share

KABANATA 5:WELCOME TO SWITZERLAND

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin at nag park si kuya sa tapat ng building na may nakaukit na 'Hotel Des Balances'

Ito na siguro ang sinasabi niya sakin na tutuluyan namin for tonight.

Tinanggal ko ang seatbelt at umimbes ng sasakyan. Pumunta naman sa likod ng kotse si kuya para kunin ang mga laguage namin. Hinintay ko siya at sabay na kaming pumasok sa Hotel Des Balances.

"Wow"bulalas ko ng makita ang view mula dito sa balcony.

"Ruess River ang tawag sa ilog. 'Yong building naman na natatanaw mo. 'Yan naman ang Lucerne's old town boulevard lies between city hall and chapel bridge along the river reuss. Matatagpuan mo diyan ang mga restaurants at  shop"paliwang sakin ni Kuya.

"Bukas, pupuntahan natin 'yan. But for now, kailangan munang magpahinga and dont for get to take your vitamins"paaalala niya sakin.

"Cheese fondue ang pina serve ko, alam kong favorite mo ang cheese eh"huling sabi ni kuya bago lumabas.

Sobrang ganda ng view mula dito. Lalo na 'yong sinabi ni kuya na chapel bridge sobrang dami ng ilaw at ang dami ko 'ding nakikitang namamasyal.

Kinuha ko ang phone ko at kumuha ako ng picture. Nag selfie na 'din ako.

Sobrang amazing ng place, sobrang relaxing at glamorous. Kaya nakakawala ng problema.

"Mukha talagang nag e-enjoy ka ah? Heto na ang cheese fondue"lumapit naman sakin si kuya.

"Wow! Bakit may sili?"natatawang sabi ko. Sabay turo sa siling topings sa cheese fondue.

"Ganito talaga ang style ng pagkain nila dito"sagot niya.

Nilantakan ko naman ang cheese fondue. Nag thumbs up ako kay Kuya ng magustuhan ko ang lasa sobrang creamy!

Kinabukasan. Nagsuot ako ng High waist Jeans at knitted longsleeve with matching rubber shoes and shades.

Excited na akong gumala kasama ang girlfriend ni kuya na si Dione.

"Hi?"bati sakin ni Dione paglabas ko sa room ko. Nakaakbay dito si Kuya Marvin.

Ngumiti ako at bumati 'din sa'kaniya, simple lang ang suot niya niyang dress na above na knee ang haba with matching white rubber shoes.

"Ang ganda mo pala sa personal, Maxine. Akala ko exaggerated lang ang pagkaka described sayo ng kuya mo"

Nakangiting nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya.

"Maganda ka 'din Dr. Dione"bati ko.

Tumawa naman ito at iningkis ang kamay niya sa braso ko. At first, nagulat ako kasi nga umasal siya na close kami. Kahit ito ang una naming pagkikita.

"Ipapasyal muna kita sa Chapel Bridge. Im sure ma-a-amaze ka sa lugar"

Ngumiti naman ako sakaniya. Napaka friendly naman niya.

****

"Like the even more famous Chapel Bridge, Spreuer Bridge is an old. covered wooden bridge with ancient paintings under its roof, representing a dance of death. Spreuer Bridge also served as part of medieval city fortifications"lintaya ni Dione habang naglalakad-lakad kami dito sa Chapel Bridge.

Tiningnan ko ang itinuturo niya. Ang ancient paintings 'yon na sinasabi niya. Sobrang nakaka amaze talaga ang Chapel Bridge na ito dahil ang ginamit na materiales ay gawa sa matibay na kahoy.

The serenity of Chapel Bridge its so amazing!

Kinuhanan ako ni kuya ng picture, kaya todo post ako. May picture 'din kaming magkasama ni Dione.

Sunod naman naming pinuntahan ang Old Town Boulevard, since malapit lang naman kaya nilakad na lang namin. Nasa dulo lang naman 'yon nitong kahabaan ng Chapel Bridge.

Pansin kong ang official nilang ginagamit na language ay German but the main spoken language is the local variant of the Alemannic Swiss German diaclect, Lucerne German.

Kunti lang naman ang binili ko sa shop. May binili akong jewelry para kay Mama.

Madami namang pinamili si Kuya at Dione na groceries. Mukhang magkasunod na magkasundo sila.

"Nag enjoy kaba?"tanong sakin ni Kuya.

"Oo naman"nakangiting sabi ko.

Mula dito sa bench na kinauupuan ko dito sa Lakeside path matatanaw mo ang asul-asul na river.

Madami 'ding mga tao ang namamasyal kasama ang pamilya nila.

Napagdesisyunan naming bumiyahe na papunta sa apartment na nirentahan ni Kuya Marvin habang nandito kami sa Switzerland, malapit lang daw 'yon dito sa Lucerne.

Bumalik kami sa Hotel Des Balances para kunin ang mga laguage namin.

Sumakay kami sa bus papunta sa apartment. Hindi naman nagtagal ang biyahe at nakaring 'din kami kaagad.

"Magpahinga ka muna, Maxine."sabi sakin ni Dione.

"Okay. Thanks"nakangiting baling ko sakaniya.

Nasa kabila lang daw ang apartment niya. At may maliit siyang clinic dito.

"Ako na ang magluluto ng kakainin natin"pag presenta ni Dione.

Si kuya naman ang nag-asikasong ayusin ang mga laguage namin.

Nag presenta akong tumulong kay Dione sa kusina pero ito mismo ang pumigil sakin.

The next day. Katulad ng ipinangako sakin ni Kuya...Buong araw kaming namasyal.

Nagsilbing tour guide naman namin si Dr. Dione. Hindi siya mahirap pakisamahan, bagay na bagay sila ni kuya Marvin. Gustong-gusto ko ang sense of humor niya.

Habang nandito ako sa switzerland, sobra akong nalilibang. Nawala ang mabigat na pasanin ko dahil sa kakaibang atmosphere dito.

Nawala ang takot at kaba ko. Nabawasan 'din ang matinding pag-iisip ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko. Parang kailan lang pictorial ng graduation ko, tapos ngayon heto. Buntis na 'ko!

****

Madaling lumipas ang mga araw at buwan. Unti-unti ng lumalaki ang baby bump ko nang hindi ko namamalayan.

At first, sobrang natatakot ako. Pero habang papalapit na papalapit ang pagsilang ko sa kaniya. Sobrang na e-excite akong makita, mayakap at mahalikan siya.

Gusto kong ipadama sa kaniya ang lahat ng pagmamahal at pag-aalaga na naranasan ko mula sa mga magulang ko.

Unti-unting pumatak ang luha ko habang hinahaplos ang malaking tiyan ko. Ngayon ako naka schedule na-i-CS.

"Kakayanin ko 'to, para sa'tin, anak. Promise ni Mommy, na mamahalin kita at hindi ko ipadadama sayo na may kulang sa pagkatao mo"napatingala ako. At mariing napapikit.

"Hi, daddy ni Alle? Kong nasaan ka man ngayon. Gusto kong ipaalam na ngayon na ako manganganak sa anak natin. Thank you, dahil sayo. Nabuo siya sa sinapupunan ko"I whispered. At malawak na ngumiti.

"Maxine, are you ready?"untag sakin ni Dr.Dione. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jholly Ann Peralta - Dawang
next po nmiss ko to......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status