Share

CHAPTER 2

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2025-08-13 20:32:03

    INILABAS ni Kola Matias ang yellow notepad na nasa dalang shoulder bag, kasalukuyan siyang nasa kompanya ng Moretti nang mga sandaling 'yon at nakaupo sa may lobby, naghihintay na magsimula ang interview. Masyado yata siyang napaaga.

    LOSE your virginity: check!

    Nilagyan ng check mark ang 'lose your virginity' na isinulat niya sa kaniyang notepad. Six months ago dumating siya sa planong iyon na gusto niyang mawala ang pagkabirhen niya sa pamamagitan ng one-night stand, dahil wala naman na sila ng taong pinaglalaanan niya ng pagkabirhen niya at hindi na rin niya nakikita ang sarili niya na magpakasal pa sa iba. Gusto na lang niyang mamuhay mag-isa at ilaan sa pamilya niya ang buhay niya hangang pagtanda. Ganoon nga siguro ang epekto ng pagiging sawi sa pag-ibig.

     She only wants Lawrence and she doesn't want anyone else. Hindi biro ang apat na taon. At ang rason kung bakit sila naghiwalay ay dahil nainip na ito sa paghihintay sa kaniya kung kailan niya gustong magpakasal dito. Isa siyang breadwinner at nahihirapan siyang iwan ang pamilya niya, ang ending, siya ang iniwan ng nobyo niya.

     At naiimagine niyo ba kung gaano kasakit, na after three months ng paghihiwalay nila ay nabalitaan na lang niya na si Lawrence at ang pinsan niyang si Cindy ay magkasintahan na?

    She felt betrayed, pero kasalanan niya.

    At kagabi nga ay nagawa niya ang plinano niya. Isinuko niya ang kaniyang pagkababae sa lalaking hindi niya kilala. Yes, nakipag one-night stand siya. Hindi alam ni Kola kung paano niya kinayang gawin iyon, pero kinaya niya! Naisuko niya ang pagkababae na inalagaan niya sa loob ng bente siete taon!

     Nagsisisi ba siya? Pinakiramdaman niya ang sarili kung may pagsisisi ba siyang nararamdaman. Pero wala. Malinaw na malinaw pa kay Kola kung paano naganap ang lahat kagabi. Kung ano ang pakiramdam ng pinaghalong sarap at sakit na naranasan niya. Hangang ngayon nga ay ramdam niya ang hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita at tila siya binugbog ng magdamag, ngunit kailangan niyang magtungo sa interview, dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapasok sa Moretti Empire. Kapag nakapasok siya sa kompanyang ito ay malaking oportunidad iyon para sa kaniya. Hindi lamang 'yon, makakabayad na siya sa mga utang niya at masusuportahan na niya ulit ang ina at mga kapatid.

     Biglang tumunog ang cellphone ni Kola at ang kaibigang bakla ang tumatawag—si Jessy. Dahil sa hindi pa naman nagsisimula ang interview, sinagot niya ang tawag.

   "Oy, sis. Ano na ang balita sa'yo? Tinangay ka agad ng lalaking 'yon kagabi."

     Natawa siya sa bungad ni Jessy. "Okay lang ako..."

   "Tapos?"

    Nangunot ang noo niya. "Tapos?"

   "Tapos ano ang nangyari? Naisuko mo ba ang bataan?'

     Alam ni Jessy at ng kaibigan nilang si Paula ang tungkol ginawa niya. Ofcourse pinigilan siya ng mga ito sa kagustuhan niyang mawala ang pagkabirhen niya sa isang estranghero at baka raw pagsisihan niya, pero hindi siya nagpapigil. Gusto niyang gawin iyon kahit isang beses lang sa buhay niya, at gaya nga ng sabi niya, alam naman kasi niya na hindi na siya makakapag-asawa pa.

    "Uy, ano na? Sagutin mo nga ang tanong kong maharot ka!"

    "Wala na. Naisuko ko na," mahinang boses na tugon niya, tumingin-tingin pa sa paligid para siguraduhing walang nakakarinig sa sinasabi niya.

     Isang matinis na sigaw ang pinakawalan ni Jessy sa kabilang linya. Nailayo pa nga ni Kola ang cellphone sa tenga dahil para siyang mabibingi sa tili nito. Siguro kung sa personal lang ay puno na siya ng hampas ng kaibigan.

    "Lantutay ka! Ginawa mo nga?"

    "Ah-uh." Kung sumagot siya ay tila kung ano lang ang nawala sa kaniya.

     Muling sumigaw ang bakla.

    "Ano ba, Jessy! Nabibingi naman ako," sita niya sa kaibigan.

    "Grabe ang sarap ng fafa na nakauna sa'yo. Hindi ka ba nagsisisi?"

     Natahimik siya.

    "Hindi—"

     Napigil ang pagsasalita niya ng tinawag siya ng babaeng lumapit sa kaniya. Base sa suot nito mukha itong empleyado ng Moretti company.

    "Ms. Kola Matias, right?"

     Agad na pinindot ni Kola ang end call at hindi na nagawang magpaalam pa kay Jessy.

    "Yes po."

    "Please go to C-suite floor, Miss Matias..."

     May pagtataka sa tinig niya. "C-suite? You mean sa office po ng CEO?" Paglilinaw niya sa kausap.

     Hindi niya alam na ang mismong CEO pala ang mag-iinterview sa ganito? Parang bago sa pandinig niya.

     Ngumiti at tumango lamang ang babae at iginiya siya nito patungo sa elevator. Natitigilan man ay sumunod na lamang si Kola sa babae.

    Tahimik at kabadong pinuntahan ni Kola ang nasabing palapag. Sumalubong sa kaniya ang makintab na sahig na gawa sa marmol, dahil sa sobrang kintab ay nagkakaroon na ng reflection ang mga ilaw na nasa kisame. Puting puti ang pintura ng pader na nakadagdag ng linis at lawak na pakiramdam at sa pinakadulong bahagi na kaniyang natanaw ay isang maliit na fountain na pinapaligiran ng disenyong halaman. Parang ang sarap manatili roon habang pinapakinggan ang tunog ng tubig na nanggagaling sa fountain. Pero hindi siya maaring magtagal doon, alam niyang pribadong parte iyon ng kompanya at tanging laan lamang sa CEO ng Moretti Empire. Huminga muna ng malalim si Kola at lakas loob na tinungo niya ang nag-iisang pintuan na nakita, dinig ang tunog ng kaniyang takong sa makintab na sahig. Inayos ang itim na pencil cut skirt at ang white blouse na suot, maging ang kaniyang eye glasses pagkaraan ay muli siyang nagpakawala ng malalim na hinga bago kumatok.

    "Come in."

     Hindi agad nakagalaw si Kola nang marinig ang boses na 'yon. Nagsalubong ang kaniyang kilay, hindi niya alam kung nagkakamali lang ang pandinig niya pero para bang narinig na niya ang tinig na 'yon sa kung saan. Pinilig niya ang ulo, mukhang dahil sa kaba ay kung anu ano na ang naiisip niya. Kabadong binuksan ni Kola ang pintuan. Isang malawak, maganda at mabangong office ang bumuluga kay Kola. May malalaking bintana ang opisina na tanaw ang kagandahan ng lungsod, makakapal at elegante ang kurtinang nakasabit roon. Wala sa loob na napangiti siya dahil sa pagkamangha, pero daglian din nawala ang ngiting iyon nang mapatingin sa lalaking nakaupo sa mismong gilid ng office table at tila hinihintay siya. Naka krus ang mga braso nito na tila inip na inip na.

    "Kola Matias."

     Tinakasan ng kulay ang mukha ni Kola at biglang tila nawalan ng pwersa ang mga binti nya, kasabay ng panlalamig ng kaniyang mga kamay nang mapagsino ang lalaking kaharap ngayon. Gustuhin man niyang tumakbo palabas ng opisina ay hindi niya magawa dahil nanigas na siya ng tuluyan sa kinatatayuan. Hindi na nga niya napapansin ang pagpigil niya sa kaniyang hininga na tila ba sa ganoong paraan ay magising siya kung panaginip lamang iyon.

    "You..." usal niya na nakarating sa pandinig ng lalaki.

     Nagpakawala ng nakalolokong ngiti si Demus.

    "Remember me, Ms. Matias?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 5

    NAISTORBO ang dalaga sa pagninilay-nilay nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang silid. Mabilis siyang tumayo upang buksan ang pintuan. Nabungaran niya ang binatilyong kapatid na si Cedric sa labas ng silid niya. "Bakit?" "Nagpapahingi ng pambili ng bigas si mama, ate." Sabay palad nito sa dalaga, tipong akala mo ay lagi siyang may iaabot sa tuwing hihingi sa kaniya. Hirap talaga kapag breadwinner sa pamilya. "Wala na naman bigas?" Nanlulumong tanong niya sa kapatid. "Mabilis maubos, ate. Nandito rin kasi sina Kuya Evan, hindi ba?" Hindi siya umimik. Si Evan ang kapatid niyang panganay na may asawa at dalawang anak na pero madalas pa rin makipisan sa bahay nila. Wala naman problema sana sa kaniya iyon, ang kaso siya lahat ang nagpapakain sa mga ito na halos makuba na siya sa kakatrabaho. Bumuntong hininga siya, muling pumasok sa silid upang kumuha ng pera para pambili ng bigas. Inabot niya kay Cedric. "Bumili ka na, ibalik mo ang sukli parang aw

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 4

    "Your resistance only fuels my desire, Ms. Matias." 'Yan ang huling tinuran ni Demus nang tanggihan niya ang alok nito. Wala sa loob na napatitig si Kola sa black calling card na binigay sa kaniya ni Demus bago niya lisanin ang opisina nito. "Bakit ko ba tinanggap ito? Eh para na rin tinanggap ko ang alok niya nito..." kausap ng dalaga sa sarili habang nakaupo sa kaniyang maliit na kama. Aminin man o hindi ni Kola, naroon ang pagka engganyo niya na tanggapin ang alok ni Demus, lalo na nang sabihin nito ang laki ng sahod niya sa isang araw. Pero pinipigilan pa rin niya ang sarili. Biglang napaharap sa small vanity mirror sa kaniyang harapan. Inayos ang suot na malaking eye glasses. Hindi siya pangit, hindi rin naman siya saksakan ng ganda, iyon ang tingin niya sa kaniyang sarili. May pagka-old fashioned siya sa pananamit noon pa man. Ano ang nakita ni Demus sa kaniya? Muling nag-flash back ang tagpo nang gabing angkinin siya ni Demus... THIS IS WRONG... But

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 3

    PASIMPLENG pinag-aralan ni Kola ang hitsura ng kaharap. Hindi talaga siya maaring magkamali. Ito ang lalaking nakaniig niya kagabi! Higit na gwapo pala ito sa mas maliwanag. Damn, the man could pass for a movie star. Tall and gorgeous on his business suit. Wala yatang eva na hindi mahuhumaling sa kakisigan ng lalaking ito at hindi makapaniwala si Kola na ito ang estrangherong umangkin sa kaniya kagabi lamang. Ngunit ibang-iba ang aura ng lalaking ito ngayon kumpara kagabi. He looks cold, intimidating and dominant. Every inch of him screams power. "You're drooling," puna ng lalaki na walang kangiti-ngiti sa labi. But there is something in his eyes na hindi nito maitago o sadya nitong ipinapakita sa kaniya nang mga sandaling 'yon. Lust! Parang biglang nahiya ang dalaga at alam niya nang mga sandaling iyon ay pulang-pula ang mukha niya. "I wonder how you managed to even get here after what we had last night." Makahulugang sabi ng lalaki. Parang may

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 2

    INILABAS ni Kola Matias ang yellow notepad na nasa dalang shoulder bag, kasalukuyan siyang nasa kompanya ng Moretti nang mga sandaling 'yon at nakaupo sa may lobby, naghihintay na magsimula ang interview. Masyado yata siyang napaaga. LOSE your virginity: check! Nilagyan ng check mark ang 'lose your virginity' na isinulat niya sa kaniyang notepad. Six months ago dumating siya sa planong iyon na gusto niyang mawala ang pagkabirhen niya sa pamamagitan ng one-night stand, dahil wala naman na sila ng taong pinaglalaanan niya ng pagkabirhen niya at hindi na rin niya nakikita ang sarili niya na magpakasal pa sa iba. Gusto na lang niyang mamuhay mag-isa at ilaan sa pamilya niya ang buhay niya hangang pagtanda. Ganoon nga siguro ang epekto ng pagiging sawi sa pag-ibig. She only wants Lawrence and she doesn't want anyone else. Hindi biro ang apat na taon. At ang rason kung bakit sila naghiwalay ay dahil nainip na ito sa paghihintay sa kaniya kung kailan niya gustong magpakasal

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 1

    A VIRGIN, HUH? Isang nakakalokong ngisi ang kumawala sa labi ng Filipino-Italian na si Demus Moretti, matapos makita ang pulang marka sa bed sheet ng kama. Tanging iyon na lamang ang naiwan ng babaeng nakaniig niya kagabi sa hotel na 'yon. When he woke up this morning, she was gone. Ni hindi niya nalaman ang pangalan nito—sabagay, kailan pa ba siya nag-abalang alamin ang pangalan ng mga nakaka-one night stand niya? But he vividly remember her face, her fucking innocent but seductive face. She's a fucking virgin... Naglaro sa kaniyang isipan ang mga naganap kagabi sa pagitan nila ng estranghera. Demus could still smell the woman on his skin, he could still remember her taste on his tongue, the feel of her breasts against him, her mouth on his and the image of her above him made every part of his body hardened. Dahil doon ay dali-dali siyang nagtungo sa banyo and took a long shower. "Damn," he muttered. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Bakit ba siya nag-aabalang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status