Chapter 07
"A-ano po kasi—," agad din naputol ng tinaas ng matanda ang kanyang kamay dahilan upang napatigil ako sa pagsasalita. "Wag mo nang ituloy kung hindi ka kumportableng sabihin, sakay na para maihatid kita sa terminal pupunta ng syudad," saad nito kaya nabuhayan ako ng loob. Napabuntong-hininga ako at mabilis na tumango. Wala akong ibang pagpipilian kundi sumakay. Mas maigi nang makalayo ako rito bago pa magising ang estrangherong lalaki. Dahan-dahan akong pumasok sa passenger seat ng pickup truck. Mababait ang mga mata ng matanda, pero hindi ko pa rin maiwasang maging alisto. Sa sitwasyon kong ito, hindi ko alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. "Anong pangalan mo, hija?" tanong ng matanda habang pinaandar ang sasakyan. Saglit akong napatingin sa kanya bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Lia po," sagot ko, kahit hindi ko alam kung bakit ko ginamit ang pangalang iyon. Tumango ang matanda. "Ako si Mang Andres. Dati akong mangingisda, pero ngayon, nagde-deliver na lang ng isda sa bayan." Nagkunwari akong interesado sa sinabi niya, pero ang totoo, ang isip ko ay punong-puno ng tanong. Sino ang lalaking iyon? Bakit hindi ko maalala ang buong nangyari? At paano ako napunta sa sitwasyong ito? "Anong ginagawa mo sa tabing-dagat nang mag-isa?" tanong ulit ni Mang Andres. "Nagising na lang po akong nandoon," sagot ko ng mahina. Saglit niya akong tiningnan pero hindi na nag-usisa pa. "Mabuti na lang at nakita kita. Delikado sa lugar na 'yan, lalo na kung wala kang kasamang kakilala." Tumango ako. Wala akong lakas makipag-usap. Masakit pa rin ang katawan ko, lalo na ang ibabang bahagi. Pilit kong iniwasan ang pag-alala sa nangyari kagabi, pero bumabalik ito sa isip ko tulad ng isang bangungot. Maya-maya, lumiko ang sasakyan patungo sa mas mataong lugar. Sa wakas, nakikita ko na ang mga tindahan, jeep, at taong naglalakad sa lansangan. Malapit na ako sa bayan. "Heto na ang terminal," ani Mang Andres habang hininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada. "Sigurado kang okay ka lang, hija?" Ngumiti ako nang pilit at tumango. "Maraming salamat po, Mang Andres." Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa terminal. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko ay lalo akong nawawala sa sarili kong mundo. Hindi ko alam kung paano magsisimula muli matapos ang gabing iyon. Ang tanging sigurado ako… hindi na ako kailanman magiging katulad ng dati. "Tama, kailangan kong maging matatag at maging matapang sa lahat na pagsubok," bulong ko habang nagpapatuloy naglakad. "Kailangan kung umuwi sa apartment ko!" dagdag kong bulong. Pinilit kong ituwid ang likod ko at lakasan ang loob ko. Hindi ako maaaring magpatalo sa takot at panghihinayang. Kahit hindi ko maalala ang lahat ng nangyari kagabi, ang mahalaga ngayon ay makabalik ako sa apartment ko at ayusin ang gulong ito. Habang naglalakad ako patungo sa pila ng pampasaherong sasakyan, pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa suot kong maluwag na damit ng lalaking iniwan ko sa sasakyan o dahil halatang magulo ang hitsura ko. Pero wala akong pakialam. Kailangan kong makauwi. Pagdating ko sa terminal, agad akong sumakay sa unang bus na papunta sa siyudad. Umupo ako sa dulo, malapit sa bintana. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip. Habang umaandar ang bus, hinayaan kong dumungaw sa labas ang paningin ko. Gusto kong aliwin ang sarili sa tanawin, pero kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang lalaking iyon. Sino siya? At bakit ko hinayaan ang sarili kong mapunta sa ganoong sitwasyon? Napakapit ako sa bag ko at napapikit nang mariin. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin pag-uwi ko, pero isa lang ang sigurado ko… Simula ngayon, magbabago na ang buhay ko. "Saan ka babà, Miss?" sambit ng kundoktor kaya bumalik ako sa aking pag-iisip. Napakurap ako at agad na ibinaling ang paningin sa kundoktor. “Sa may Sampaguita Street po,” sagot ko nang mahina habang hinugot ang pera mula sa aking bag. Kinuha niya ang bayad ko at iniabot ang ticket. "Malayo pa, Miss. Pwede ka munang matulog kung pagod ka," aniya bago lumipat sa ibang pasahero. Napatingin ako sa bintana at napabuntong-hininga. Oo nga, dapat siguro matulog muna ako. Pero paano? Kahit ipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang mga malalabo at magkakahalong alaala ng nakaraang gabi. Pinilit kong huwag magpatalo sa emosyon. Kailangan kong bumalik sa apartment, maligo, at magpahinga. Bukas na ako magpapakalunod sa pag-iisip. Kaya ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang huminga nang malalim. Ilang oras na lang… makakauwi na rin ako. Habang nakapikit ako, ramdam ko pa rin ang sakit sa katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagod o sa mga nangyari kagabi. Pero isang bagay ang sigurado—hindi ko basta-basta malilimutan ang gabing iyon. Maya-maya, naramdaman kong bumagal ang bus. Dumilat ako at tumingin sa labas. Pamilyar na ang daan. Malapit na ako sa aking bababaan. Tumayo ako at hinanda ang sarili kong bumaba. Nang huminto ang bus, agad akong lumakad palabas. Pakiramdam ko ay parang mabigat ang bawat hakbang ko. Para akong may dalang isang malaking lihim na ako lang ang may alam. Pagdating sa kanto ng Sampaguita Street, hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko at nagpatuloy sa paglakad. Gusto kong dumiretso sa apartment at kalimutan ang lahat. Pero hindi ko alam kung kaya ko. Pagpasok ko sa building, sinalubong ako ng landlady ko. “Uy, hija, ang aga mo yata umuwi? Akala ko may trabaho ka ngayon?” Napangiti ako ng tipid. “Nag-leave po ako. Medyo masama pakiramdam ko,” palusot ko. Tumango siya at sinipat ako mula ulo hanggang paa. “Mukha ka ngang pagod. Magpahinga ka, ha?” “Salamat po.” Pagpasok ko sa unit ko, agad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Ano na ang gagawin ko ngayon? "Siguro ay tawagan ko muna ang kasamahan ko sa trabaho, na ipaalam na hindi muna ako makapasok ngayon!" bulong ko sa sarili. Agad kong hinanap ang cellphone ko sa loob ng bag at tinawagan ang kasamahan ko sa trabaho. Ilang ring lang, agad siyang sumagot. "Hello, girl! Napatawag ka? Akala ko may pasok ka ngayon?" ani Sarah, ang matalik kong kaibigan at katrabaho. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Sarah, hindi muna ako papasok ngayon. Masama pakiramdam ko." Agad siyang nag-alala. "Ha? Anong nangyari? May sakit ka ba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain o gamot?"Chapter 20Pagkalipas ng ilang linggo, naging mas madalas na ang pagdalaw ni Elmer. Tuwing umaga, siya ang unang tao kong nakikita—may dalang prutas, tinapay, o minsan simpleng ngiti lang at mainit na “Magandang umaga, Irene!”“Baka mapagod ka sa kakabisita rito, Elmer,” biro ko isang araw habang nagtutulungan kaming magbunot ng damo sa paligid ng kubo.“Hindi ako mapapagod, basta may rason ako para bumisita,” sagot niya, sabay sulyap sa tiyan ko. “Ikaw at ang baby mo—kayong dalawa ang rason.”Napayuko ako, bahagyang kinilig sa kanyang sinabi. Hindi ko man sabihin, pero ramdam kong unti-unti siyang nagiging bahagi ng katahimikan at kaligayahan na matagal ko nang hinanap.Isang gabi habang umuulan at mahina ang kulog, kumatok si Elmer.“Irene! Okay ka lang ba?” tanong niya mula sa labas.Binuksan ko ang pinto, nakapayong siya at may dalang sabaw na mainit. “Gawa ni Tiya Miding. Pinapahatid niya, baka daw giniginaw ka.”“Salamat,” sabi ko, tinanggap ang sabaw at pinapasok siya sandali p
Chapter 19“Mag-iingat ka rin, Angel. Salamat, talaga,” sagot ko, medyo mahina na ang boses ko.Bago siya lumabas ng kwarto, huling tingin niyang matalim ang nagsabi sa akin na kahit wala siya, mag-isa ko na lang itutuloy ang laban. Ipinagdasal ko na sana makabalik siya ng buo at ligtas. Kasi sa oras na mag-isa ako, kailangan kong matutunan na magtago at lumaban.Lima buwan na ang lumipas.Tahimik ang paligid ng kumbento. Ang dating takot sa puso ko ay unti-unting napalitan ng kapanatagan. Dito ko unang naramdaman na parang may kakampi ako—sina Sister Agnes at ang mga madre na walang sawang nag-alaga at nagdasal para sa akin.Pero ngayon, apat na buwan na ang dinadala ko sa aking sinapupunan.Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakaupo sa ilalim ng puno ng kalachuchi sa likod ng kumbento. Ramdam ko ang maliliit na paggalaw sa loob. Para bang may paalala sa akin na hindi na ako nag-iisa. May buhay na umaasa sa akin. At dahil doon, naglakas-loob akong lumapit kay Sister Agnes.“Mother,” mah
Chapter 18Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga posibleng paraan kung paano makakatakas. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng kama at hindi na lumabas. Pero, hindi ganun ang mangyayari. Malinaw sa utak ko na wala akong ibang choice kundi mag-adjust sa bagong buhay ko dito.Pagpasok namin sa kwarto, agad akong napansin ang kab simplicity nito. Wala talagang kalaban-laban ang modernong teknolohiya. Hindi ko alam kung matututo ba akong maging kontento sa ganitong buhay o maghahanap pa rin ako ng paraan para makalabas at makabalik sa real world."Good luck sa bagong buhay mo dito, Sister Irene," pabirong sabi ni Angel habang naglakad kami patungo sa kwarto. Hindi ko siya matigilan sa mga tawanan niyang walang katapusan.Pagkatapos niyang magbiro, huminto siya saglit at nagseryoso. "Pero, Leona, seryoso… kailangan mong magplano. Hindi pwede laging tumakbo ka lang.""Oo, alam ko," sagot ko. "Pero sa ngayon, ang tanging plano ko lang a
Chapter 17Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Tahimik. Mapayapa. Hindi tulad ng mundo sa labas na puno ng ingay at panganib.Napansin kong may ilang madre na naglilinis ng hardin, at may ilan namang tahimik na nagdarasal sa maliit na kapilya. Napalunok ako. Ganito pala sa loob ng kumbento… parang ibang mundo."Sister Irene," tawag ng madre na naghatid sa amin. "Dito kayo titira habang kayo ay nasa ilalim ng aming pangangalaga."Pagpasok ko sa silid, nakita ko ang simpleng kama, isang maliit na mesa, at isang krus na nakasabit sa dingding. Walang TV. Walang cellphone. Wala kahit anong makabago.Napakagat-labi ako. "Uh… Sister, may… Wi-Fi po ba dito?" inosenteng tanong ko.Napatingin sa akin ang madre, kita sa mata ang pagtataka. "Wi-Fi?"Napahawak ako sa batok ko, biglang nahiya. "Ah… wala po… wala po akong sinabi."Natawa nang mahina si Angel sa likuran ko. "Sister Irene, mukhang hindi ka sanay sa buhay dito.""Sister Angel," sabi ng
Chapter 16Napaangat ang kilay ko. "Volunteer worker?"Tumango siya. "Oo. Hindi ka nila basta tatanggapin bilang madre, pero pwede kang magpanggap bilang isang taong gustong maglingkod muna. Sa ganitong paraan, hindi ka maghihinalaang nagtatago."Napaisip ako. Magandang ideya iyon. Hindi biglaan, hindi rin halata."Okay," sagot ko. "Paano tayo makakarating doon?"Ngumiti si Angel. "Ako na ang bahala. Pero sigurado ka na ba rito, Leona? Kapag pumasok ka roon, iba ang mundo sa loob ng kumbento. Hindi mo pwedeng gamitin ang dating buhay mo."Huminga ako nang malalim bago tumango. "Oo. Kung ito lang ang paraan para makalayo kay Salvatore… handa akong subukan."At sa unang pagkakataon, isang assassin ang magtatago sa loob ng isang banal na lugar—isang pekeng madre na may tunay na kasalanan."So, ano pa ang hinihintay mo? Tayo na Sister Irene," ngising sabi niya sa akin.Napairap ako. "Sister Irene? Talaga ba, Angel?""Oo naman!" aniya, sabay kindat. "Bagay sa’yo. Mukha kang inosente pero m
Chapter 15KinabukasanMaaga kaming nagising upang pumunta sa mall dito sa Bicol. Tahimik ang paligid habang binabagtas namin ang kalsada sakay ng lumang kotse ni Angel. Ang init ng umaga ay unti-unting sumisikat, pero hindi nito maalis ang bigat sa dibdib ko.Gusto kong isipin na ligtas ako, pero alam kong hindi pa tapos ang laban."Anong iniisip mo?" tanong ni Angel nang mapansin ang pananahimik ko."Si Salvatore," maikli kong sagot.Natahimik siya. Alam naming pareho kung anong klaseng tao si Salvatore. Kung may isang assassin na hindi dapat kinalaban, siya ‘yon. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagpatay, kundi dahil wala siyang prinsipyo.Si Angel at ako, kahit paano, may sinusunod na golden rule—hindi pumapatay ng inosente. Pero si Salvatore?Wala siyang pakialam.Para sa kanya, ang bawat buhay ay isang bayaring cheque.Kaya alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako nahahanap."Leona…" malalim ang buntong-hininga ni Angel. "Bakit mo nga ba siya inaway?"Napangiti ako