INICIAR SESIÓNSamantala kampanteng nakaupo si Jaime sa kanyang komportableng upuan. May ngiti sa kanyang mga labi habang iniisip ang perang dahan-dahan nilang nakukuha mula sa kumpanya. Pakiramdam niya ay perpekto ang lahat. Wala namang nakapansin, at akala niya ay mananatiling ganito ang lahat nang matagal pa. Alam niyang nasa ibang bansa pa si Xander kasama ang babaeng magiging hadlang sa kanyang kagustuhan na mapasakamay ang kompanya......, kaya kampante siya. Walang magbabantay, walang titingin, at sila ang masusunod sa lahat ng bagay.Isang araw, habang nagpapahinga siya, biglang dumating ang isa sa kanyang mga tauhan ... Hinihingal ito at mukhang nagmamadali.“Sir Jaime! May gusto sana akong ibalita sa inyo,” sabi ng tauhan habang nakayuko nang bahagya.Tumingin si Jaime nang hindi gumagalaw ang kanyang upuan. “Ano iyan? Bakit parang nagmamadali ka? May problema ba?”“Hindi naman problema, pero nakakagulat lang . Nakita ko po kasi si Xander kanina. Umuwi na po siya galing sa ibang bansa. At
Abala si Xander habang nakaupo sa kanyang mesa sa opisina. Matagal siyang nawala kaya masarap sa pakiramdam na makita ulit ang kanyang opisina at ang kanyang mga tauhan. Akala niya ay maayos ang lahat. Ang mga ulat na ipinadala ni Jestony habang wala siya ay maganda at malinis ang naroon na pinagdadaanan ng kompanya. Kaya naman kampante siyang nagbubukas ng mga dokumento at nakikipag-usap sa mga empleyado. Pumasok ang kanyang matagal nang personal assistant na si Jana .kumbaga lihim lang ito at walang nakaalam. Hawak nito ang isang makapal na papel. Hindi gaya ng nakasanayan, hindi maganda ang mukha ni Jana. Seryoso ito at mukhang nag-aalala. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga papel sa mesa sa harap ni Xander. “Ano iyan, Jana? May mali ba sa mga ulat?” tanong nito habang seryoso ang mukha .Nung panahong kasama niya sina Selena sinabi niya kay Jana na huwag muna tumawag kung tungkol sa kompanya ang sasabihin dahil gusto niya ipunin ang mga problema kung meron man . Huminga nang mal
Matapos ang mahaba at tila walang katapusang paghihintay, sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay nila. Ang araw ng kanilang pag-uwi. Sa loob ng mahabang panahon, ito lang ang laman ng isip at puso ni Selena ang makauwi na . Hindi na sya takot kung ano ang madatdatnan niya sa pilipinas dahil nabalitaan niya wala na ang mga Voss wala na rin sigurong maghahabol sa kanila . Maagang-maaga pa, bago pa man sumikat ang araw, gising na si Selena. Tinitingnan niya ang apat na maleta na nakasalansan nang maayos sa sulok ng kwarto.. Lahat ay handa na. Tila ba sinisimbolo nito na wala na silang hahabol pa sa lugar na iyon tanging magagandang alaala na lang ang iiwan dito, at ang pag-asa na mas magiging maganda ang kanilang buhay sa tahanang babalikan nila.Napatingin sya sa buong paligid ng bahay na pagmamay ari ni Michael .Ilang taon na pala syang umasa sa tulong ni Michael ngayon gusto niya sarili naman niya ang kanyang haharapin kasama si Alex at ang dalawang bata . Dahan-dahan n
Dahan-dahang idinilat ni Damien ang kanyang mga mata. Sa una, malabo ang lahat. Kahoy na kisame ang nakita niya, at naamoy niya ang amoy ng mga halamang gamot at malinis na tela. Sinubukan niyang umupo, pero parang mabigat ang buong katawan niya. Napahinto siya sandali at huminga nang malalim.“Saan ako?” bulong niya sa sarili. Mahina at paos ang kanyang boses.Tumingin siya sa paligid. Hindi ito ang maliit na kwarto sa bahay nina Temyong at Gloria ang mga taong tumulong sa kanya .. Hindi rin ito ang ilalim ng puno kung saan madalas siyang nagpapahinga. Ito ay isang simpleng kwarto na may dingding na kahoy. Habang tinitingnan niya ang paligid, biglang sumakit ang kanyang ulo. Napahawak siya sa kanyang noo at napapikit nang mariin. Parang may mga alaala na pilit na bumabalik sa kanyang isipan.At bigla… dumating ang lahat.Isang malakas na ugong ang narinig niya. Pagkatapos ay ang pagyanig ng buong eroplano. Nakita niya ang takot sa mukha ng ibang pasahero. Ang lakas ng makina na lal
Limang araw na ang lumipas mula noong mahanap nila si Warlito sa gubat, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising nang maayos. Sa labas, hindi pa rin siya matagpuan ng mga taong naghahanap sa kanya. Walang balita, walang senyales, at unti-unting bumabigat ang takot ng lahat.Dahil habang dumadami ang araw na di nila makita lalo silang nangamngamba . Sa loob ng maliit na kubo nina Mang Sebyo at Aling Marta, tahimik ang lahat. Nakahiga si Warlito sa banig na sadyang inihanda para sa kanya. Maputla ang kanyang mukha at malalim ang kanyang paghinga, tila nasa isang mahimbing na pagtulog na ayaw niyang wakasan. Minsan ay gumagalaw siya nang kaunti, minsan ay bumubulong ng hindi maintindihang pangalan, pero hindi siya dumidilat at hindi siya nakakausap nang totoo. Madalas na lumalapit si Aling Marta sa kanya, hinahawakan ang kanyang noo para tingnan kung may lagnat, at tinititigan siya nang matagal na parang hinihintay na lang niyang idilat niya ang kanyang mga mata. “Mukhang h
Pagdating nila sa gubat, agad silang naghiwa-hiwalay para maghanap. Tinawag nila ang pangalan ni Damien aka Warlito nang paulit-ulit, malakas man o pabulong, pero walang sumasagot. Tanging huni ng mga ibon at kaluskos ng hangin sa mga dahon ang naririnig nila. Walang bakas ng paa, walang damit na nahagip ng tingin, walang anuman na magsasabi kung nasaan siya. Hanggang sa nakita ni Clara sa ilalim ng isang malaking puno ang bag na kilalang-kilala niya. Ito ang lumang bag na laging dala ni Damien tuwing pumupunta siya sa bukid may kaunting punit sa gilid at nakatali ng pulang lubid. Nakatambak lang ito sa lupa, parang sadyang inihagis lang doon. Tumakbo siya palapit at inangat ito. Walang laman ang loob. Walang tubig, walang pagkain, walang mga gamit na karaniwang laman nito. Parang tinanggalan lang ito at iniwan. Napaluhod si Clara habang hawak-hawak ang walang laman na bag. Biglang bumigat ang kanyang dibdib at hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Lumapit sina
SELENA POV ***4:37 AM. Nanginginig ang kamay ko habang hawak yung pregnancy test. Dalawang pulang guhit. Maliwanag. Hindi pwedeng magkamali. _"Imposible..."_ bulong ko sa sarili. Isang gabi lang. Isang pagkakamali. Isang estranghero na hindi ko nga maalala ang mukha ng buo... maliban sa mala
*Xander POV - CHAPTER 11: Naiwan* Nanatili akong nakatayo Ingay ng gulong sa driveway lang ang maririnig Nasa bintana ako. Nakatingin sa baba. Dalawang SUV. Isang van at ang mga katulong abala sa pagpasok ng mga maleta sa sasakyan . Si Lolo. Damien. Tito Roderick. at Mga guard. Paalis na papu
*Xander POV Paglabas ko ng mansion, malakas na sara ng pinto sa likod ko. Hindi ko sinasadya makinig. Pero narinig ko pa rin boses ni Lolo bago ako makalabas ng hallway. Mababa. Seryoso. "Kunin mo..." Kunin ang ano? Dahil kailangan ko ng magpahinga nagpasya akong matulog nalang sa condo
*Damien POV - Continuation* Paglabas ko ng hotel, hindi agad ako sumakay ng kotse .Nanatiling nakatayo na para bang ang bigat para sa akin na may nabuntis akong babae . Tumayo lang ako sa gilid ng kalsada. Malamig ang hangin dahil katatapos lang umulan . Sa isip ko parin ang lahat . Selena







