Share

PANGALAWANG ARAW SA DAVAO

Maaga ako dinala sa isang magarbong bahay, ngunit ang spasyo ng paligid ay hindi gaanong malaki, di katulad sa mansyon ni Oliver. Ang bahay na ito, ay napaligiran ng maraming antik na mga dekorasyon sa bakuran, at puro tiles ang buong sahig. Ang hagdan ay gawa sa marmol na may design na kulay kape sa pinaghalong zigzag line na kulay puti. Sa pagpasok ko pa lang ay namangha na ako, hanggang sa napansin ko na ang bahay na ito ay walang sofa o upuan sa loob.

"Sh*t!" napamura ako.

Itinulak ako ng kasama kong lalaki, at muntik na akong mapasubsob sa sahig. Lumingon ako sa kanya at nagawa pa nitong ngumiti, matapos ng ginawa niya sa akin. Gigil ako na gustong sipain siya sa mukha, ng makita ko ang itsura nito na natutuwa sa kanyang ginawa. Kahit naiinis ako sa kanya ay wala akong magagawa, sapagkat nakatali ang dalawa kong kamay. Mabuti na lamang at, mabilis kong naihakbang agad, ang aking kaliwang paa.

"Pagbumaliktad ang sitwasyon, sisiguradohin ko na kayong dalawa naman ang itatali ko, a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status