Share

Kabanata 2

Author: zerenette
last update publish date: 2026-11-06 20:37:24

Hindi iyon ang inaasahan niyang itsura ng isang ex-convict. Sa totoo lang, may sarili na siyang imaheng nabuo tungkol sa lalaki matapos niyang basahin ang kaniyang background. Akala niya isa ito sa mga lalaking napabayaan na ang sarili matapos ang ilang taong pagkakakulong. Marahil ay magulo ang buhok, may makapal na balbas, at bakas sa mukha ang hirap na pinagdaanan.

But this man? He was nowhere near her expectations.

Napakatangkad nito, malapad ang mga balikat at halatang alagang-alaga ang pangangatawan. Nakasuot ito ng mamahaling itim na suit na akmang-akma sa matikas nitong tindig.

Maayos ang pagkakasuklay ng maitim nitong buhok, na lalong nagbigay-diin sa matatalim nitong facial features.

Malakas ang dating ng panga nito, matangos ang ilong, at kapansin-pansin ang makapal na kilay. Ngunit ang pinakanakuha ng kaniyang atensiyon ay ang mga mata nito.

Beautiful. Too beautiful.

Napakaganda ng kulay at hugis ng mga iyon, ngunit may kakaibang lamig sa paraan ng pagtingin nito.

Sa kaliwang kilay nito ay may isang peklat na hugis X. Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling, ngunit lalo lamang nitong pinatingkad ang pagiging mapanganib ng mukha nito.

Napansin din niya ang mga tattoo na bahagyang nakalitaw mula sa manggas ng kaniyang suit. Mayroon sa leeg nito, sa mga kamay, at tila umaabot pa hanggang sa mga braso.

Hindi niya alam kung ilan ang kabuuan ng mga iyon. But one thing was certain. He was exceptionally handsome. At kung hindi niya pa nababasa ang background nito, hindi niya kailanman iisiping dating nakulong ang lalaking nakaupo sa kaniyang harapan.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mukha nito. Nakatingin din ito sa kaniya. Hindi basta nakatingin.

He was studying her. Parang may sinusuri itong isang bagay sa kaniyang mukha na hindi niya maintindihan.

“Doctor?”

Napakurap si Adeline nang marinig ang boses nito.

“Yes. I’m sorry.”

Mabilis niyang inayos ang ekspresyon at muling ngumiti.

“Please, have a seat. I’m Doctor Adeline Marie Vintiz. I’ll be handling your psychiatric evaluation and consultations from now on.”

Hindi agad ito sumagot. Sa halip, bahagyang ibinaba nito ang tingin sa nameplate na nasa ibabaw ng mesa niya bago muling tumingin sa kaniya.

“Adeline Marie Vintiz,” ulit nito.

“Yes, Mr. Rossi.”

“Dmitri,” he stated.

Bahagyang napakunot ng noo si Adeline.

“Pardon?”

“Call me Dmitri.”

Tumango siya.

“All right, Mr. Rossi.”

Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. Hindi niya pinansin iyon.

“Before we begin, I’d like to establish a few things regarding our professional relationship. Lahat ng mapag-uusapan natin sa loob ng consultation room na ito ay mananatiling kumpidensiyal, maliban na lamang sa mga pagkakataong may legal at ethical obligations akong kailangang sundin. I also expect honesty and cooperation from you. Hindi magiging produktibo ang mga session natin kung hindi ka makikipagtulungan.”

Sumandal ito sa upuan.

“You’re giving me instructions already, Doctor?”

May kakaibang himig ang pagkakasabi nito.

“Not instructions, Mr. Rossi. Professional guidelines.”

“There’s a difference?”

“Certainly.”

Binuksan ni Adeline ang folder nito.

“Now, if you’re comfortable, I’d like to begin with a few questions about your personal history.”

“Go ahead.”

Tiningnan niya ang unang pahina ng assessment form.

“How would you describe your current emotional condition?”

“Fine.”

Naghintay siya. Ngunit wala na itong idinagdag. Sumulyap siya rito.

“Are you experiencing any difficulty sleeping?”

“No.”

“Recurring nightmares?”

“No.”

“Anxiety? Irritability? Unusual mood changes?”

“No.”

Muli siyang tumingin dito.

“Mr. Rossi, I need more than one-word answers.”

“And I already gave you my answers.”

Napapikit si Adeline sandali. Goodness!

Mukhang mahaba-habang pasensiya ang kakailanganin niya sa lalaking ito.

“All right. Let’s try something else. May I know what prompted you to undergo psychiatric evaluation?”

Bahagya nitong ikiniling ang ulo.

“Do I need a reason?”

“Usually, yes. Hindi naman karaniwang nagigising ang isang tao isang umaga at bigla na lamang magdedesisyong magpatingin sa psychiatrist nang walang dahilan.”

“Perhaps I wanted to see you.”

Natigilan si Adeline. Muli niyang tiningnan ang mukha nito bago nagbigay ng isang magalang na ngiti.

“Unfortunately, Mr. Rossi, I’m not here to entertain personal interests. I’m here to assess your psychological well-being.”

Sa unang pagkakataon, may bahagyang pagbabago sa mga mata nito. Parang naaaliw. Hindi niya alam kung dahil ba sa sinabi niya o sadyang ganoon lamang ito makipag-usap.

“You’re quite serious about your work, Doctor.”

“I wouldn’t be doing it properly if I weren’t.”

He whistled softly. Pagkatapos ay bahagya itong yumuko at ipinatong ang magkabilang siko sa mga tuhod.

“Tell me something, Doctor Vintiz.”

“Yes?”

“Do you believe people can change?” he asked.

Sandali niyang pinag-isipan ang tanong nito.

“Of course! Hindi naman permanente ang pag-uugali ng isang tao. Maaari siyang magbago ng pananaw, matutong kontrolin ang kaniyang emosyon, at magkaroon ng mas maayos na paraan ng pagharap sa mga problema. However, genuine change requires acknowledgment, willingness, and consistent effort.”

Hindi ito kumibo.

“Why do you ask?”

Saglit na bumaba ang tingin nito sa mga papel na hawak niya.

“Because people seem to believe that once a man has been imprisoned, he’ll always be a criminal.”

Maingat niyang pinagmasdan ang mukha nito. Wala siyang nakitang galit o pagkainis sa ekspresyon nito. Wala ring bahid ng pagsisisi.

Kalmado lamang.

“Your past doesn’t automatically define who you are today, Mr. Rossi. Pero hindi rin nangangahulugang maaari na nating balewalain ang lahat ng nangyari noon. Our experiences, especially traumatic ones, can influence how we think and behave.”

“And if I told you that I have no regrets?”

Natigilan si Adeline.

“About what?”

“Everything.”

Ilang segundo silang nagtitigan. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong ibig nitong ipahiwatig, ngunit kakaiba ang paraan ng pagkakasabi nito. Parang wala itong pakialam.

Parang kahit ano pa ang ginawa nito noon, wala itong nakikitang dahilan para magsisi.

“Then I’d ask you to elaborate,” sagot niya sa wakas. “Ang kawalan ng pagsisisi ay hindi awtomatikong nangangahulugang may problema sa mental health ang isang tao. Just as having regrets doesn’t automatically mean someone has a psychological disorder.”

Ilang segundo pa itong nakatitig sa kaniya. Pagkatapos ay ngumiti. Hindi iyon mainit na ngiti. Hindi rin palakaibigan. It was a strange smile that made her wonder what exactly was going through his mind. It brings shiver down her spine.

“Interesting.”

Ibinaba ni Adeline ang tingin sa hawak niyang ballpen.

“Let’s proceed with the assessment, Mr. Rossi.”

“By all means, Doctor.”

Muli niyang sinimulan ang pagtatanong.

“Now, regarding your imprisonment—”

“Let’s not start there,” he cuts her off almost immediately.

Natigil ang kamay niya.

“May I know why?” she asked nervously.

“Because I don’t particularly enjoy discussing things that have already happened.”

“Unfortunately, your past is relevant to your assessment,” giit niya.

“Then perhaps you’ll have to find another way to understand me.”

Napatingin siya rito. At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang consultation nila, napagtanto niyang hindi lamang ito isang mahirap kausap na pasyente.

Isa itong lalaking sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya.

Walang bakas ng kaba sa kilos nito. Hindi ito nag-aalinlangan sa bawat sagot at hindi rin nagpapakita ng anumang senyales na hindi ito komportable sa mga tanong niya.

Sa halip, para bang natutuwa pa itong panoorin siyang subukang unawain siya. Huminga siya nang malalim.

“All right, Mr. Rossi. We’ll take it one step at a time.”

Sumulyap ito sa relong suot nito.

“How long do these sessions usually last?”

“An hour, depending on the assessment.”

“Then I suppose you have fifty-three minutes left.”

Napatingin si Adeline sa sarili niyang relo.

Tama ito. Hindi niya namalayang ganoon na pala katagal ang lumipas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Obey Before You Beg   Kabanata 3

    Pagod na ibinagsak ni Adeline Marie Vintiz ang kanyang handbag sa ibabaw ng sofa nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay.Alas-nuwebe na ng gabi.Buong araw siyang nakipag-usap sa mga pasyente, nag-asikaso ng mga medical records, at humarap sa isang lalaking tila walang interes na makipagtulungan sa kanyang psychiatric evaluation.Dmitri Caesar Rossi.Hindi niya maiwasang maalala ang malamig na titig nito. Sa lahat ng naging pasyente niya, marahil ito ang isa sa pinakamahirap basahin. Hindi dahil kulang siya sa kakayahan, kundi dahil sadyang hindi nagbibigay ng pagkakataon ang lalaki na makilala siya.Napabuntong-hininga siya. Gayunpaman, hindi iyon ang pinakamabigat na bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Ang bahay na ito. Ang mga taong nakatira sa loob.Iyon ang tunay na dahilan kung bakit halos hindi na siya makaramdam ng kapanatagan tuwing umuuwi.“Well, look who’s finally home.”Napatingin siya sa direksiyon ng hagdan.Nakatayo roon si Lorenz Perez, ang anak ng kanyang ama

  • Obey Before You Beg   Kabanata 2

    Hindi iyon ang inaasahan niyang itsura ng isang ex-convict. Sa totoo lang, may sarili na siyang imaheng nabuo tungkol sa lalaki matapos niyang basahin ang kaniyang background. Akala niya isa ito sa mga lalaking napabayaan na ang sarili matapos ang ilang taong pagkakakulong. Marahil ay magulo ang buhok, may makapal na balbas, at bakas sa mukha ang hirap na pinagdaanan.But this man? He was nowhere near her expectations. Napakatangkad nito, malapad ang mga balikat at halatang alagang-alaga ang pangangatawan. Nakasuot ito ng mamahaling itim na suit na akmang-akma sa matikas nitong tindig. Maayos ang pagkakasuklay ng maitim nitong buhok, na lalong nagbigay-diin sa matatalim nitong facial features. Malakas ang dating ng panga nito, matangos ang ilong, at kapansin-pansin ang makapal na kilay. Ngunit ang pinakanakuha ng kaniyang atensiyon ay ang mga mata nito. Beautiful. Too beautiful. Napakaganda ng kulay at hugis ng mga iyon, ngunit may kakaibang lamig sa paraan ng pagtingin nito

  • Obey Before You Beg   Kabanata 1

    “You’re kidding, right?”Hindi makapaniwalang napatingin si Adeline Marie Vintiz sa lalaking nakaupo sa harap ng kaniyang mesa. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa makapal na brown envelope bago muling tumingin sa lalaki.Unfortunately, hindi ito nagbibiro.“That’s the amount, Doctor. Iyon ang professional fee mo para sa initial assessment at mga susunod pang consultation. The client is also willing to pay twice as much kung kinakailangan.”Napakurap si Adeline.Twice?Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magdududa sa narinig.“May I ask why he specifically requested me?”“Your reputation precedes you, Doctor. Isa ka sa pinakamagaling na psychiatrist sa bansa. Your credentials, professional background, and success rate are quite impressive. The client was particularly interested in your expertise.”Napataas ang isang kilay ni Adeline.Nakakabola naman.“That’s flattering. Pero marami namang psychiatrist na maaaring humawak sa kaso niya. Why me?”“Because he wants you.”Napabuntong-

  • Obey Before You Beg   Prologue

    The underground was never meant for the weak.Dito, walang batas na sinusunod. Walang hustisya. Walang awa. Tanging dugo, lakas, at kapangyarihan lamang ang umiiral.At sa gabing iyon, muling mababahiran ng dugo ang kongkretong sahig ng isang lihim na fighting arena sa ilalim ng pinakamahigpit na bilangguan sa Italya.“ROSSI! ROSSI! ROSSI!”Umaalingawngaw ang mga sigawan sa buong lugar.Libo-libong sigaw ang nagsasapawan. May mga lalaking nakatayo sa ibabaw ng mga bangko, may mga nakasandal sa kalawangin na rehas, at may ilan pang nagsusugal ng libo-libong euros sa dalawang lalaking kasalukuyang nasa loob ng makeshift fighting cage.Pero iisa lamang ang pangalan na paulit-ulit nilang isinisigaw. Dmitri Caesar Rossi.Nakatayo siya sa gitna ng ring, walang suot na pang-itaas, habang ang ilang patak ng dugo ay dumadaloy mula sa gilid ng kanyang bibig pababa sa matipuno niyang dibdib. May sariwang sugat siya sa kanang kilay at namamaga ang isang bahagi ng kanyang mukha. Ang mga tattoo sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status