Obey Before You Beg

Obey Before You Beg

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-12
โดย:  zerenetteอัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
คะแนนไม่เพียงพอ
4บท
15views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

He owns the city’s darkest secrets. She makes a living uncovering what hides inside the human mind. Neither of them expected to become each other’s greatest weakness. Dr. Adeline Marie Vintiz has spent years studying the human mind. As a psychiatrist, she knows how to read people—their fears, their lies, their trauma, and the secrets they desperately try to bury. Until Dmitri Caesar Rossi walks into her life. A ruthless Italian mafia Don. Cold. Calculating. Untouchable. A man whose name is whispered in fear and whose presence alone is enough to make powerful men bow. When Adeline is unexpectedly assigned to evaluate Dmitri, she expects a difficult patient. She doesn’t expect a man who refuses to be analyzed. He doesn’t answer her questions. He doesn’t reveal his past. And most importantly, he doesn’t allow anyone to see the man beneath the monster. But Dmitri has his own reason for letting Adeline get close. Because she isn’t just his psychiatrist. She’s the only person who has ever looked into his eyes without fear. And that makes her dangerous. As their sessions become increasingly personal, the line between doctor and patient begins to blur. Adeline finds herself drawn into a world of blood, betrayal, power, and secrets—while Dmitri slowly becomes obsessed with the one woman he should never possess. She wants to understand his mind. He wants to own hers. But when Adeline discovers that her connection to Dmitri may not have been a coincidence, she realizes that she has been walking into his trap from the very beginning. And Dmitri has only one rule for the woman who has become his greatest obsession. Obey before you beg. Because once you enter Dmitri Caesar Rossi’s world…there is no walking away.

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Prologue

The underground was never meant for the weak.

Dito, walang batas na sinusunod. Walang hustisya. Walang awa. Tanging dugo, lakas, at kapangyarihan lamang ang umiiral.

At sa gabing iyon, muling mababahiran ng dugo ang kongkretong sahig ng isang lihim na fighting arena sa ilalim ng pinakamahigpit na bilangguan sa Italya.

“ROSSI! ROSSI! ROSSI!”

Umaalingawngaw ang mga sigawan sa buong lugar.

Libo-libong sigaw ang nagsasapawan. May mga lalaking nakatayo sa ibabaw ng mga bangko, may mga nakasandal sa kalawangin na rehas, at may ilan pang nagsusugal ng libo-libong euros sa dalawang lalaking kasalukuyang nasa loob ng makeshift fighting cage.

Pero iisa lamang ang pangalan na paulit-ulit nilang isinisigaw. Dmitri Caesar Rossi.

Nakatayo siya sa gitna ng ring, walang suot na pang-itaas, habang ang ilang patak ng dugo ay dumadaloy mula sa gilid ng kanyang bibig pababa sa matipuno niyang dibdib. May sariwang sugat siya sa kanang kilay at namamaga ang isang bahagi ng kanyang mukha. Ang mga tattoo sa kanyang mga braso at dibdib ay halos natatakpan na ng pawis at dugo.

Hindi siya gumagalaw. Hindi rin siya humihingal nang malalim. Para bang hindi siya ang lalaking katatapos lamang makipaglaban sa loob ng halos dalawampung minuto.

Sa harap niya ay nakaluhod ang kalaban.

Isang lalaking halos doble ang laki sa kanya. Dating professional boxer, may ilang taong karanasan sa underground fighting, at kilala sa bilangguan bilang isa sa pinakamalalakas na preso. Ngunit ngayon, halos hindi na nito maitaas ang sariling ulo.

“Please…” mahinang pagsusumamo nito. “Enough. I surrender.”

Bahagyang yumuko si Dmitri.

Tinitigan niya ang lalaking nakaluhod sa harap niya. Walang galit sa kanyang mukha. Walang kasiyahan. Wala ring anumang emosyon na maaaring magpahiwatig na naaawa siya sa kalagayan nito.

“Did I ask you to surrender?”

Malamig ang kanyang boses. Napasinghap ang ilang nanonood.

“Rossi, finish him!” sigaw ng isang preso mula sa likuran.

“Uccidilo!”

(Kill him!)

“Mostrateci perché ti chiamano il diavolo!”

(Show us why they call you the Devil)

Hindi natinag si Dmitri.

Dahan-dahan niyang pinunasan gamit ang hinlalaki ang dugong nasa gilid ng kanyang labi. Pagkatapos ay tiningnan niya ang kanyang kamao. May dugo. Hindi niya alam kung kanino iyon. At wala siyang pakialam.

“Please, man. I have a family.”

Sandaling natahimik ang paligid. Itinaas ni Dmitri ang kanyang mga mata.

“A family?”

Isang maikling tawa ang kumawala sa kanyang labi. Walang saya. Walang init.

“Then you should’ve thought about them before stepping into my ring.”

Bago pa makapagsalita ang lalaki, mabilis na hinawakan ni Dmitri ang batok nito at marahas na ibinagsak ang mukha sa sahig. Isang malutong na tunog ang umalingawngaw. Nagsigawan ang mga tao.

Hindi pa siya tumigil. Hinila niya ang lalaki pabalik at muling sinuntok sa mukha. Isang beses. Dalawang beses. Hanggang sa tuluyan nang mawalan ng lakas ang katawan nito.

“ROSSI! THAT’S ENOUGH!”

May sumigaw mula sa gilid ng ring.

Ngunit hindi agad huminto si Dmitri.

Nang sa wakas ay bumitaw siya, bumagsak ang katawan ng kalaban sa sahig. Hindi na ito gumagalaw. Dahan-dahang tumayo si Dmitri.

Tumingin siya sa lalaking nakahandusay sa paanan niya bago iniangat ang mga mata sa mga nanonood.

“Anyone else?”

Dalawang salita lamang. Ngunit sapat na iyon upang manahimik ang buong arena.

Walang gumalaw. Walang naglakas-loob na sumagot. Iyon ang kapangyarihan ni Dmitri Caesar Rossi.

Hindi niya kailangang sumigaw upang katakutan. Hindi niya kailangang magbanta upang sundin. Minsan, sapat nang tingnan niya ang isang tao upang maalala nito kung gaano kaikli ang buhay ng isang lalaking nagkamaling hamunin siya.

“Sei diventato un problema, Rossi.”

(You’re becoming a problem, Rossi.)

Nasa loob na siya ng isang maliit na silid sa likod ng arena nang marinig niya ang boses ni Captain Satorri.

Ang matandang opisyal ang nangangasiwa sa mga lihim na laban sa loob ng bilangguan. Sa kabila ng kanyang ranggo, hindi niya kailanman nagawang tingnan si Dmitri nang diretso sa mga mata nang matagal.

Nakaupo si Dmitri sa isang lumang bangko habang nililinis ang sugat sa kanyang kilay. May nakasabit na puting tuwalya sa kanyang balikat.

Hindi man lamang siya nag-angat ng tingin.

“Is that supposed to concern me?”

“That man could’ve died,” sagot nito.

“Then perhaps he shouldn’t have fought me.”

Napahawak sa sentido si Satorri.

“You can’t keep doing this.”

Doon lamang siya tumingin.

Isang malamig na titig.

“Then stop arranging the fights.”

Natigilan ang opisyal. Ilang segundo silang nagtitigan bago napabuntong-hininga ang matanda.

“You’re getting out tomorrow.”

Walang naging reaksyon si Dmitri.

Ipinagpatuloy lamang niya ang paglilinis sa sugat.

“Your release papers have been processed. Your sentence is officially over.”

“Good.”

“That’s all you have to say?”

“What else do you expect?”

Umiling si Satorri. Sa loob ng ilang taon niyang paghawak sa bilangguang iyon, marami na siyang nakitang preso. May mga lalaking umiiyak sa tuwing nababawasan ang kanilang sentensiya. May mga nagdiriwang kapag nalalapit na ang kanilang paglaya.

Pero iba si Dmitri. Hindi ito kailanman nagmakaawa. Hindi ito kailanman nagpakita ng panghihina. At higit sa lahat, hindi ito kailanman kumilos na parang isang taong naghihintay lamang na makalaya.

Minsan nga, iniisip ng matanda na mas ligtas pa ang bilangguan kapag naroon si Rossi. Dahil kahit ang mga pinakadelikadong preso ay natutong umiwas sa gulo kapag naririnig ang pangalan nito.

“There’s one last thing,” anito.

Hindi sumagot si Dmitri.

“Your opponent tonight wasn’t supposed to be in the ring. He was brought here specifically for you.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Dmitri.

“Who sent him?” he asked.

“Someone who wants to know if you’re still as dangerous as you used to be.”

Napangiti siya nang bahagya. Isang ngiting walang kahit katiting na kabaitan.

“And what was your answer?”

Satorri swallowed.

“That you’re still the same monster.”

Tumayo si Dmitri at isinuot ang itim na kamiseta na nakapatong sa tabi niya.

“Then tell them they wasted their money,” aniya.

“Rossi.”

Huminto siya sa may pintuan.

“You’re leaving this place tomorrow. Don’t make trouble on your last night.”

Dahan-dahan siyang lumingon.

“Capitano…”

May kakaiba sa paraan ng pagkakasabi niya sa titulo nito. Hindi iyon paggalang. Mas malapit iyon sa isang babala.

“I’ve been in this cage longer than you can imagine. Don’t mistake my patience for obedience.”

Walang naisagot ang matanda. Binuksan ni Dmitri ang p***o at tuluyang lumabas. Alas-dose na ng hatinggabi nang bumalik si Dmitri sa kanyang selda.

Tahimik ang buong corridor. Ang ilan sa mga preso ay natutulog na, habang ang iba ay nakasilip lamang sa kanilang mga rehas nang makita siyang dumaan. May isang lalaking nagtatangkang humarang sa kanyang daraanan.

“Rossi.”

Hindi siya huminto.

“Hey, Rossi! I heard you’re getting out tomorrow.”

Patuloy lamang siya sa paglalakad.

“Must be nice, huh? Finally getting out of this fucking hellhole.”

Wala pa ring sagot. Ngunit nang maramdaman ng lalaki na hindi siya pinapansin, nagawa nitong hawakan ang kanyang balikat.

Maling desisyon.

Mabilis na hinawakan ni Dmitri ang kamay nito at pilipit na itinulak pababa. Napaluhod ang lalaki sa sakit.

“What did I tell you about touching me?” malamig niyang wika.

“Vaffanculo! Let go!”

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak.

“Next time, use your head before your hands.”

Binitiwan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang nangyari. Walang sinumang nagtangkang sumunod.

Pagdating sa kanyang selda, hinubad niya ang itim na kamiseta at inilapag sa maliit na mesa. Umupo siya sa gilid ng kama at saglit na tiningnan ang mga marka ng pagkakakulong sa kanyang mga braso.

Ilang taon. Ilang laban. Ilang lalaking nagkamaling isipin na kaya nila siyang patumbahin. At bukas, matatapos na ang lahat. Hindi dahil nagbago siya.

Hindi dahil natuto siyang magsisi. Kundi dahil natapos na niya ang sentensiyang ipinataw sa kanya.

Kinuha niya ang maliit na litrato na nakatago sa ilalim ng manipis niyang kutson. Isang lumang larawan iyon, halos kupas na ang mga gilid.

Tinitigan niya iyon nang ilang segundo bago ibinalik sa pinagtaguan. Walang emosyon sa kanyang mukha. Walang panghihinayang. Lalong walang pagsisisi. He smiled devilishly.

Sa kabilang panig ng pader, tumunog ang kampana bilang hudyat ng huling ronda ng mga guwardiya. Pumikit si Dmitri at sumandal sa malamig na dingding.

Tomorrow, he would walk out of prison.

And the world would soon remember why the name Rossi had once been enough to make powerful men tremble.

The Devil was coming home.

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


ไม่มีความคิดเห็น
4
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status