Share

Kabanata 3

Author: zerenette
last update publish date: 2026-11-12 16:00:15

Pagod na ibinagsak ni Adeline Marie Vintiz ang kanyang handbag sa ibabaw ng sofa nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay.

Alas-nuwebe na ng gabi.

Buong araw siyang nakipag-usap sa mga pasyente, nag-asikaso ng mga medical records, at humarap sa isang lalaking tila walang interes na makipagtulungan sa kanyang psychiatric evaluation.

Dmitri Caesar Rossi.

Hindi niya maiwasang maalala ang malamig na titig nito. Sa lahat ng naging pasyente niya, marahil ito ang isa sa pinakamahirap basahin. Hindi dahil kulang siya sa kakayahan, kundi dahil sadyang hindi nagbibigay ng pagkakataon ang lalaki na makilala siya.

Napabuntong-hininga siya. Gayunpaman, hindi iyon ang pinakamabigat na bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Ang bahay na ito. Ang mga taong nakatira sa loob.

Iyon ang tunay na dahilan kung bakit halos hindi na siya makaramdam ng kapanatagan tuwing umuuwi.

“Well, look who’s finally home.”

Napatingin siya sa direksiyon ng hagdan.

Nakatayo roon si Lorenz Perez, ang anak ng kanyang amain mula sa unang asawa. Nakasuot ito ng mamahaling polo shirt habang hawak ang isang baso ng alak. Sa tabi nito ay ang kambal na kapatid na si Lory, abala sa pagtingin sa kanyang mga kuko.

Pareho silang nasa hustong gulang na, ngunit kung umasta ay para bang pag-aari nila ang buong mundo.

“Akala ko ba may sarili kang apartment?” nakangising tanong ni Lorenz. “Bakit ka pa bumabalik dito?”

Hindi siya pinansin ni Adeline. Dumiretso siya sa kusina upang kumuha ng tubig.

“How rude,” komento ni Lory.

“Masama lang siguro ang araw niya. Baka may pasyenteng hindi sumunod sa mga sinasabi niya,” natatawang sagot ng kapatid nito.

Napahinto si Adeline sa pagbukas ng refrigerator. Dahan-dahan siyang lumingon.

“At least, may mga taong binabayaran para makinig sa akin. Kayo, kahit libreng payo na ang ibigay ko, wala pa ring pag-asang matuto.”

Nawala ang ngisi ni Lorenz.

“Watch your mouth, Adeline,” inis nitong saad.

“Then stop giving me reasons to use it.”

Kinuha niya ang bote ng tubig at tuluyang umalis sa kusina.

Hindi niya kailangang makipagtalo sa dalawang iyon. Matagal na niyang alam na walang saysay ang pakikipag-usap sa mga taong lumaki sa paniniwalang palagi silang tama dahil anak sila ng isang makapangyarihang lalaki.

Pagdating niya sa sala, nakita niya ang kanyang ina na tahimik na nakaupo sa isang sulok. May hawak itong tasa ng tsaa, ngunit tila hindi naman iniinom.

“Ma.”

Agad itong napatingin sa kanya.

“Anak, nakauwi ka na pala.”

Lumambot ang ekspresyon ni Adeline. Lumapit siya at hinalikan ang noo ng ina bago umupo sa tabi nito.

“Kumain ka na ba?” tanong niya rito.

Tumango ang babae.

“Oo naman. Ikaw? Mukhang pagod na pagod ka.”

“Okay lang ako, Ma.”

Sandaling pinagmasdan niya ang mukha nito. May bahagyang pamumula sa bandang pulsuhan ng ina, na agad niyang napansin. Napakunot ang kanyang noo.

“Anong nangyari sa kamay mo?”

Mabilis na ibinaba ng kanyang ina ang manggas.

“Wala ito. Nabangga ko lang sa mesa kanina.”

Hindi agad sumagot si Adeline. Bilang isang psychiatrist, sanay siyang magmasid sa maliliit na pagbabago ng kilos ng isang tao. Alam niya kung kailan umiiwas sa katotohanan ang isang tao. Alam niya kung kailan may gustong itago ang isang tao sa likod ng mga salitang maingat nitong pinipili. At higit sa lahat, kilalang-kilala niya ang kanyang ina.

“Ma, please. Huwag mo akong pagsinungalingan.”

“Adeline…” mahinang saad nito tila may iniiwasan.

“May ginawa na naman ba siya?” galit niyang usisa rito.

Hindi sumagot ang ina niya. Sapat na iyon.

Napapikit si Adeline at mariing pinisil ang bridge ng kanyang ilong. Ramdam niya ang unti-unting pag-akyat ng galit sa kanyang dibdib.

Ilang taon na. Ilang taon na niyang pinipilit na kumbinsihin ang kanyang ina na iwan ang lalaking iyon. Ilang beses na rin siyang nag-alok na ilipat ito sa sarili niyang apartment. May sapat siyang pera upang tustusan ang pangangailangan nito. Hindi na nito kailangang magtiis sa isang bahay na puno ng takot at pananakit.

Pero palagi lamang siyang tinatanggihan.

“Ma, ilang beses pa ba nating pag-uusapan ito?” mahinang tanong niya.

“May sarili akong lugar. Maaari kang tumira roon. Hindi mo kailangang manatili rito.”

Umiling ang kanyang ina.

“Huwag na, anak,” mabilis nitong sagot.

“Why? Bakit ba ayaw mong umalis?” inis niyang wika.

“May pamilya ako rito.”

Napatawa siya nang walang saya.

“Pamilya?”

Tiningnan niya ang paligid. Ang malaking bahay na ito ay maaaring magmukhang perpekto sa paningin ng ibang tao. Malawak ang sala, mamahalin ang mga kasangkapan, at bawat sulok ay nagpapakita ng kayamanang dala ng pagiging isang mataas na opisyal ng militar ni General Guillermo Perez.

Ngunit para kay Adeline, isa lamang itong magarang kulungan.

“Ma, hindi mo kailangang ipagtanggol ang mga taong nananakit sa iyo.”

“Anak, hindi mo naiintindihan,” naiiyak nitong wika.

“Then make me understand!”

Napatingin sa kanila ang ilang katulong na nagkataong dumaan. Agad namang hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay.

“Hinaan mo ang boses mo.”

Doon siya tuluyang natahimik.

Hindi iyon ang unang beses na narinig niya ang mga salitang iyon. Hinaan mo ang boses mo. Huwag kang sasagot. Huwag mo siyang galitin.

Mga salitang paulit-ulit niyang naririnig mula pagkabata. Mga salitang unti-unting nagturo sa kanyang ina na manahimik sa tuwing nasasaktan.

At iyon ang pinakakinamumuhian niya. Hindi lamang ang kanyang amain, kundi pati ang sistemang bumuo sa pamilyang iyon. Isang tahanang ang kapangyarihan ay ginagamit upang manakot at ang takot ay ginagawang paraan upang mapanatili ang pagsunod ng lahat.

“Ma,” mas mahinahon niyang sabi. “Hindi mo ba naiisip na baka mas mabuti kung tayong dalawa na lang?”

Napaiwas ng tingin ang kanyang ina.

“Alam mong hindi ganoon kadali.”

“Alam ko. Pero hindi ibig sabihin na wala tayong magagawa.”

“Adeline, please. Ayokong magkaroon na naman ng problema,” pagmamakaawa nito.

Napatingin siya sa ina.

Iyon na naman.

Hindi simpleng pag-aalala ang nakikita niya sa mga mata nito. Isa iyong takot na matagal nang nakatanim at patuloy na pinapalalim ng lalaking tinatawag nilang General.

Alam niyang tinatakot nito ang kanyang ina. Alam niyang ginagamit nito ang posisyon, koneksiyon, at impluwensiya upang iparamdam na wala itong mapupuntahan.

At kahit gaano siya katalino, kahit gaano karaming libro tungkol sa pag-uugali ng tao ang nabasa niya, hindi niya kayang basta burahin ang takot na iyon.

Hindi rin niya kayang kalabanin nang basta-basta ang isang lalaking may kapangyarihang magpagalaw ng mga taong armado. Hindi siya takot para sa sarili niya.

Ang kinatatakutan niya ay ang maaaring gawin ng General sa kanyang ina kapag tuluyan silang lumaban.

“Fine,” mahinang sabi niya.

Hindi dahil sumang-ayon siya. Kundi dahil alam niyang wala siyang mapapala sa pagpipilit ngayong gabi.

“Adeline Marie.”

Agad siyang napalingon nang marinig ang malalim na boses mula sa likuran. Nakatayo sa bungad ng sala si General Guillermo Perez.

Matangkad, matikas, at nakasuot ng maayos na uniporme. May ilang medalya sa kanyang dibdib na patunay ng mga posisyong hinawakan niya sa militar. Sa paningin ng publiko, isa siyang respetadong opisyal na may malinis na reputasyon at matibay na prinsipyo. Ngunit kilala ni Adeline ang tunay na mukha nito.

“General,” malamig niyang bati.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

“I heard you came home late,” saad nito.

“May trabaho ako.”

“You’re living under my roof. The least you can do is inform this household when you’re coming home.”

Bahagyang napataas ang kilay niya.

“Last time I checked, I was an adult. I don’t remember needing permission to come home.”

Nawala ang bahagyang ngiti sa mukha ng lalaki.

“Mind your manners, young lady,” banta nito.

“Then mind your behavior, General.”

Biglang tumayo ang kanyang ina.

“Adeline, tama na.”

Ngunit hindi na niya inalis ang tingin sa kanyang amain.

Hindi niya ito kailanman minahal. Hindi niya rin ito itinuring na ama. At kahit anong pilit nitong ipakita sa ibang tao na isa itong mabuting haligi ng kanilang tahanan, hindi niya makakalimutan ang lahat ng ginawa nito sa kanyang ina.

“Your mother has been telling me about your little suggestion,” sabi ng General.

Naramdaman niyang nanigas ang kanyang panga.

“Anong suggestion?”

“That she should leave this house and live with you.”

“She deserves a peaceful place to live,” rektang sagot niya rito.

Napangiti nang bahagya ang lalaki.

“Careful, Adeline. You’re making decisions that don’t concern you.”

“She is my mother. It concerns me.”

Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata.

Pagkatapos ay bahagyang lumapit ang General.

“Don’t forget who you’re dealing with.”

Hindi siya umurong.

“Believe me, General. I never forget.”

Ilang segundo pa silang nagtitigan bago tuluyang tumalikod ang lalaki.

“Go upstairs. And don’t interfere with matters you don’t understand.”

Pinanood niya itong umalis. Nang tuluyan itong mawala sa kanyang paningin, saka lamang siya nakahinga nang malalim.

“Anak…” mahinang tawag ng kanyang ina.

Tumingin siya rito.

“Please don’t provoke him.”

Napapikit siya.

“Ma, siya ang nang-aapi sa iyo. Bakit parang ako pa ang kailangang mag-ingat?”

Hindi nakasagot ang babae. At iyon ang pinakamasakit. Dahil sa loob ng bahay na iyon, alam niyang walang kalayaan ang ina niya.

Nang gabing iyon, hindi agad nakatulog si Adeline.

Nasa loob siya ng kanyang silid, nakaupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa laptop na nakabukas sa harap niya. May ilang dokumentong kailangan niyang ayusin para sa susunod niyang consultation kay Dmitri Caesar Rossi.

Napatingin siya sa nakasulat na pangalan.

Dmitri Caesar Rossi.

Isang lalaking may reputasyong kinatatakutan maging ng mga taong sanay humawak ng baril. Isang dating preso na tila walang pagsisisi sa mga nagawa niya. Isang lalaking hindi niya lubos maintindihan sa kabila ng kanyang propesyon.

Napahilig siya sa sandalan ng upuan.

Malaki ang halagang matatanggap niya sa kasong iyon. Sapat upang makapagsimula siya ng sariling klinika balang araw. Sapat upang makabili ng mas malaking bahay. Sapat upang mailayo ang kanyang ina sa lugar na ito.

Ngunit higit sa lahat, sapat upang hindi na siya kailangang mamuhay sa ilalim ng anino ni General Guillermo Perez.

Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang kanyang bank application. Tiningnan niya ang kanyang ipon. Hindi pa sapat. Malayo pa. Napapikit siya at marahang ibinaba ang cellphone.

“Just a little longer, Ma,” bulong niya.

Hindi niya alam kung ilang taon pa bago niya tuluyang mailabas ang kanyang ina sa bahay na iyon. Pero isang bagay ang sigurado siya.

Hindi niya hahayaang doon na lamang gugulin ng ina ang natitirang bahagi ng buhay nito. At kung kinakailangan niyang harapin ang isang lalaking tulad ni Dmitri Caesar Rossi upang makuha ang perang kailangan niya, gagawin niya iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Obey Before You Beg   Kabanata 3

    Pagod na ibinagsak ni Adeline Marie Vintiz ang kanyang handbag sa ibabaw ng sofa nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay.Alas-nuwebe na ng gabi.Buong araw siyang nakipag-usap sa mga pasyente, nag-asikaso ng mga medical records, at humarap sa isang lalaking tila walang interes na makipagtulungan sa kanyang psychiatric evaluation.Dmitri Caesar Rossi.Hindi niya maiwasang maalala ang malamig na titig nito. Sa lahat ng naging pasyente niya, marahil ito ang isa sa pinakamahirap basahin. Hindi dahil kulang siya sa kakayahan, kundi dahil sadyang hindi nagbibigay ng pagkakataon ang lalaki na makilala siya.Napabuntong-hininga siya. Gayunpaman, hindi iyon ang pinakamabigat na bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Ang bahay na ito. Ang mga taong nakatira sa loob.Iyon ang tunay na dahilan kung bakit halos hindi na siya makaramdam ng kapanatagan tuwing umuuwi.“Well, look who’s finally home.”Napatingin siya sa direksiyon ng hagdan.Nakatayo roon si Lorenz Perez, ang anak ng kanyang ama

  • Obey Before You Beg   Kabanata 2

    Hindi iyon ang inaasahan niyang itsura ng isang ex-convict. Sa totoo lang, may sarili na siyang imaheng nabuo tungkol sa lalaki matapos niyang basahin ang kaniyang background. Akala niya isa ito sa mga lalaking napabayaan na ang sarili matapos ang ilang taong pagkakakulong. Marahil ay magulo ang buhok, may makapal na balbas, at bakas sa mukha ang hirap na pinagdaanan.But this man? He was nowhere near her expectations. Napakatangkad nito, malapad ang mga balikat at halatang alagang-alaga ang pangangatawan. Nakasuot ito ng mamahaling itim na suit na akmang-akma sa matikas nitong tindig. Maayos ang pagkakasuklay ng maitim nitong buhok, na lalong nagbigay-diin sa matatalim nitong facial features. Malakas ang dating ng panga nito, matangos ang ilong, at kapansin-pansin ang makapal na kilay. Ngunit ang pinakanakuha ng kaniyang atensiyon ay ang mga mata nito. Beautiful. Too beautiful. Napakaganda ng kulay at hugis ng mga iyon, ngunit may kakaibang lamig sa paraan ng pagtingin nito

  • Obey Before You Beg   Kabanata 1

    “You’re kidding, right?”Hindi makapaniwalang napatingin si Adeline Marie Vintiz sa lalaking nakaupo sa harap ng kaniyang mesa. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa makapal na brown envelope bago muling tumingin sa lalaki.Unfortunately, hindi ito nagbibiro.“That’s the amount, Doctor. Iyon ang professional fee mo para sa initial assessment at mga susunod pang consultation. The client is also willing to pay twice as much kung kinakailangan.”Napakurap si Adeline.Twice?Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magdududa sa narinig.“May I ask why he specifically requested me?”“Your reputation precedes you, Doctor. Isa ka sa pinakamagaling na psychiatrist sa bansa. Your credentials, professional background, and success rate are quite impressive. The client was particularly interested in your expertise.”Napataas ang isang kilay ni Adeline.Nakakabola naman.“That’s flattering. Pero marami namang psychiatrist na maaaring humawak sa kaso niya. Why me?”“Because he wants you.”Napabuntong-

  • Obey Before You Beg   Prologue

    The underground was never meant for the weak.Dito, walang batas na sinusunod. Walang hustisya. Walang awa. Tanging dugo, lakas, at kapangyarihan lamang ang umiiral.At sa gabing iyon, muling mababahiran ng dugo ang kongkretong sahig ng isang lihim na fighting arena sa ilalim ng pinakamahigpit na bilangguan sa Italya.“ROSSI! ROSSI! ROSSI!”Umaalingawngaw ang mga sigawan sa buong lugar.Libo-libong sigaw ang nagsasapawan. May mga lalaking nakatayo sa ibabaw ng mga bangko, may mga nakasandal sa kalawangin na rehas, at may ilan pang nagsusugal ng libo-libong euros sa dalawang lalaking kasalukuyang nasa loob ng makeshift fighting cage.Pero iisa lamang ang pangalan na paulit-ulit nilang isinisigaw. Dmitri Caesar Rossi.Nakatayo siya sa gitna ng ring, walang suot na pang-itaas, habang ang ilang patak ng dugo ay dumadaloy mula sa gilid ng kanyang bibig pababa sa matipuno niyang dibdib. May sariwang sugat siya sa kanang kilay at namamaga ang isang bahagi ng kanyang mukha. Ang mga tattoo sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status