Home / LGBTQ+ / Objection, My Love! / CHAPTER 6- Rafael's POV

Share

CHAPTER 6- Rafael's POV

Author: Lady Goulding
last update publish date: 2026-11-13 00:51:34

“Gabriel, hanggang kailan mo balak itago sa akin na may problema ka?”

Napatingin sa akin si Gabriel bago muling ibinalik ang attention niya sa laptop.

“Good morning din sa iyo.”

“I'm serious.”

“Rafael, I'm working.”

“Exactly. Iyon na nga ang problema. Ilang linggo ka nang puro trabaho, halos hindi kumakain, at kapag tinatanong kita kung okay ka lang, lagi mong sagot ay fine ka lang.”

Napabuntong-hininga siya.

“I'm not a child. I can take care of myself.”

“Then start taking care of yourself.”

Inilapag ko sa tabi niya ang kape na binili ko bago pumasok. Ni hindi niya iyon nilingon.

“Hindi ako iinom niyan.”

Napataas ang kilay ko.

“Since when?”

“Since I don't feel like drinking coffee.”

“Wow. That's new.”

“People change, Santiago.”

Napangiti ako nang bahagya.

Two months.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang malaman naming may taong nasa loob mismo ng firm ang kumuha ng original documents tungkol sa nawawalang pondo ng Meridian Holdings. Sa loob ng dalawang buwan, sunod-sunod ang naging meetings, investigations, at kung anu-anong legal complications na kinailangan naming ayusin.

Pero kahit papaano, naging maayos na ulit ang relasyon namin ni Gabriel.

Hindi na kami tulad ng dati na halos lahat na lang ay pinag-aawayan. Natuto na kaming makinig sa isa't isa, mag-adjust, at higit sa lahat, magtiwala ulit.

Still, I knew Gabriel better than anyone.

Kapag may problema siya, mas gugustuhin niyang solohin iyon kaysa amining kailangan niya ng tulong.

At nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na nagugustuhan ang mga napapansin ko sa kanya.

Palagi siyang pagod. Wala siyang ganang kumain. Minsan, bigla na lang siyang nahihilo o naduduwal kahit wala naman siyang ginagawa.

At ang pinakanakakapagtaka? Hindi na niya kayang tiisin ang amoy ng kape. Something was definitely wrong.

Nagsimula ang araw sa isang importanteng presentation sa conference room.

Nandoon ang mga senior associates, partners, at ilang representatives ng client namin. Nasa harap ako, hawak ang presentation remote habang ipinapaliwanag ang mga legal issues tungkol sa corporate governance, unauthorized transfer of shares, at possible remedies para sa mga kumpanyang nakaranas ng fraudulent transactions.

“That brings me to the final point of my presentation. It's not enough to identify irregularities. We also have to establish who authorized the transactions, who benefited from them, and how we can preserve the evidence.”

Nagpalit ako ng slide.

“That concludes my presentation. Thank you, everyone. I'll be happy to answer any questions.”

Tumango si Atty. Marco Reyes.

“Excellent presentation, Rafael. Your discussion on corporate officers' liability was particularly helpful. Does anyone have anything to add?”

Gaya ng inaasahan ko, halos lahat ay napatingin kay Gabriel.

Napangiti ako.

Hindi na bago ang ganitong eksena.

For years, kilala kaming dalawa bilang magkaribal sa bawat legal discussion. Kapag ako ang nagpe-present, siguradong may tanong siya. Kapag siya naman, hindi ko rin pinalalampas ang kahit pinakamaliit na pagkakamali.

Minsan, mas matagal pa ang pagtatalo namin kaysa sa actual presentation.

Pero ngayong araw, tahimik lang siyang nagbukas ng notebook.

“Gabriel?” tawag ni Atty. Marco. “Anything to add?”

Nag-angat siya ng tingin.

“May recent Court of Appeals ruling tungkol sa liability ng corporate officers kapag may unauthorized issuance ng board resolutions. I think it would be worth including in your references.”

I blinked. Iyon lang? Walang criticism? Walang follow-up questions? Kahit isang sarcastic comment?

“Thank you,” sagot ko. “I'll look into it.”

Tumango lang siya at isinara ang notebook. Napatingin sa amin si Atty. Marco.

“That's it? Walang tanong si Gabriel?”

Bahagyang ngumiti ang asawa ko. “Not today, Attorney.”

Nagtawanan ang ilan. Pero ako, hindi natawa.

Kilala ko ang lalaking iyon. At kapag bigla siyang nawalan ng gana na kontrahin ako, may dahilan iyon.

“Before we end the meeting, may isa pa akong announcement.”

Tumayo si Atty. Marco at inayos ang suot niyang salamin.

“The National Corporate Law and Governance Conference will be held in Davao City next month. Our firm has been invited to present one of our recent case studies.”

May ilang associates na agad nagkatinginan. “Rafael, I'd like you to lead our delegation this year.”

I nodded.

“Thank you, Attorney. I'll prepare the necessary documents.”

“Make sure everything is ready ahead of schedule. Ayokong magkaroon tayo ng last-minute revisions.”

“Understood.”

Pagkatapos ng meeting, agad akong nilapitan ng mga kasamahan namin.

“Congratulations, Rafael!”

“Davao! Sana makasama kami.”

“Sir, may dinner ba kapag nanalo tayo?”

Napatawa ako. “Let's see. Depende kung gaano kayo kahusay gumawa ng reports.”

“Sir, parang may kondisyon!”

Nagtawanan ang lahat. Habang abala sila, nakita kong inaayos na ni Gabriel ang mga gamit niya. Nilapitan ko siya.

“Villanueva.”

Hindi siya agad tumingin. “Congratulations,” sabi niya.

Napangiti ako. “That's unusually sincere.”

“Gusto mo bang punahin ko presentation mo?”

“Honestly, I was expecting it.”

“Maganda naman kasi.”

Napataas ang kilay ko. “Are you sure you're feeling okay?”

Napatingin siya sa akin. “Bakit ba lahat na lang nagtatanong niyan?”

“Because you've been acting strangely.”

“Baka nasanay ka lang na lagi akong nakikipagtalo sa iyo.”

Tumawa ako nang mahina. Pagkatapos, bahagya akong lumapit para hindi marinig ng mga kasamahan namin.

“Uuwi ka ba sa akin mamaya?”

“May tatapusin pa akong reports.”

“I'll wait.”

“Hindi mo kailangang maghintay.”

“I know.”

Umiling siya pero hindi niya napigilang ngumiti. At kahit papaano, gumaan ang pakiramdam  ko.

“Gabriel, are you feeling okay?”

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Yu Sang sa hallway. Magkatabi silang naglalakad habang may dalang mga dokumento.

“Why?” tanong ni Gabriel.

“You've been different lately.”

“Different how?”

“Palagi kang inaantok. Ang tahimik mo na, tapos halos hindi ka na kumakain kapag break.”

“Busy lang.”

Umiling si Yu Sang.

“Matagal ka nang busy. Pero lately, parang anytime puwede ka nang makatulog kahit nakatayo.”

Napangiti nang pilit si Gabriel.

“I'm fine.”

Nang marinig ko iyon, halos mapailing ako. Ilang beses ko na ring narinig ang sagot na iyan.

For weeks, napansin kong palagi siyang pagod. Halos wala nang gana sa pagkain, at kahit ang paborito niyang kape ay hindi na niya kayang inumin.

At hindi lang iyon. Minsan, paggising pa lang namin sa umaga, diretso na siya sa banyo dahil nasusuka siya.

Noong una, inisip kong stress lang. Marami rin naman kaming inaasikaso sa firm, at alam kong hindi siya magaling magpahinga kapag may deadlines.

Pero habang tumatagal, lalo akong nag-aalala.

Nagpa-checkup na rin siya sa ilang doktor. Nagpa-blood test, sumailalim sa iba't ibang examinations, pero wala pa ring makitang malinaw na dahilan kung bakit palagi siyang naduduwal at nanghihina.

May mga gabi ring pag-uwi namin, halos hindi na siya nakakakain. Hihiga lang siya saglit at makakatulog na agad.

At kinabukasan, ganoon na naman. Hindi ko na alam kung paano siya kukumbinsihing huwag balewalain ang nararamdaman niya.

Bandang hapon, biglang nag-anunsiyo si Atty. Marco. “Everyone, don't go home yet. I'm treating the department to dinner tonight!”

Agad na nagsigawan ang mga associates. “Attorney, may special occasion po ba?”

“Did you win the lottery?”

“May promotion po ba?”

Tumawa si Atty. Marco. “Just send me your orders. Kahit anong gusto ninyo, order lang.”

Nagsigawan sa tuwa ang lahat. Lumapit ako sa kanya.

“Attorney, sure po ba kayo? Baka maubos ang budget.”

“Rafael, isang dinner lang naman. Hindi ako mauubusan ng pera.”

Nagtawanan ang lahat. Matagal na naming mentor si Atty. Marco. Pareho kaming hinubog sa ilalim niya, at isa siya sa iilang taong kayang pagsabihan kaming dalawa nang hindi nauuwi sa argumento.

Pagdating ng pagkain, nagtipon-tipon ang lahat sa conference lounge.

Punong-puno ng fried chicken, pasta, burgers, pizza, at desserts ang mahabang mesa. Katabi ko si Atty. Marco nang pumasok si Gabriel kasama si Yu Sang.

Napansin kong bigla siyang huminto sa may pintuan.

“Gabriel?”

Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. “Ano ba ang celebration?” tanong niya.

“May magandang balita raw si Attorney,” sagot ni Yu Sang.

Tumayo si Atty. Marco at itinaas ang baso niya.

“Before everyone starts eating, I have something to share.”

Unti-unting natahimik ang lahat. Malaki ang ngiti niya.

“My wife is pregnant.”

Saglit na natahimik ang silid bago nagsimulang magpalakpakan at magsigawan ang lahat.

“Congratulations, Attorney!”

“Magiging daddy na kayo!”

Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya. “Congratulations, Attorney. That's wonderful news.”

Tumawa siya. “Thank you! Maaga pa sa pregnancy, pero we're very excited.”

Habang nagkukuwento siya tungkol sa pagbubuntis ng asawa niya, napansin kong nakatingin si Gabriel sa plato niya.

Hindi man lang nito ginalaw ang pagkain. “Are you okay?” bulong ko.

Tumango siya. “You haven't eaten anything.”

“I'm not hungry.”

“Again?”

“Rafael, please.”

Hindi na ako nakipagtalo. “Fine. At least drink some water.”

Kinuha niya ang baso at uminom. Pero ilang segundo pa lang ang lumipas, bigla siyang tumayo.

“Excuse me.”

Mabilis siyang nagtungo sa restroom. Sinundan ko siya ng tingin. May kung anong kumurot sa dibdib ko.

“Gabriel!”

Naabutan ko siyang nakasandal sa lababo, isang kamay ang mahigpit na nakahawak sa gilid nito.

“I'm fine,” agad niyang sabi.

“Nasusuka ka na naman?”

“Baka may nakain lang akong hindi hiyang sa akin.”

Napakunot ang noo ko.

“Wala ka ngang kinakain.”

Nagbanlaw siya ng bibig at kumuha ng tissue. Lumapit ako sa kanya.

“Seriously, Gabriel. Ano ba talaga ang nararamdaman mo?”

Tiningnan niya ako nang may pagkainis.

“I'm a lawyer, Rafael. Hindi ako patient mo.”

“Asawa mo ako. Kaya nagtatanong ako.”

Natahimik siya. Mas binabaan ko ang boses ko.

“Tell me.”

Nag-atubili muna siya bago sumagot.

“Palagi akong pagod. Wala akong ganang kumain. Nahihilo ako, tapos madalas akong nasusuka sa umaga.”

“Gaano na katagal?”

“Ilang linggo na.”

Napatingin ako sa kanya. “Why didn't you tell me?”

“Ayokong mag-alala ka sa isang bagay na baka wala naman palang problema.”

“Gabriel, nag-aalala na ako.”

Umiwas siya ng tingin. Biglang pumasok sa isip ko ang kuwento ni Atty. Marco. Ang morning sickness ng asawa niya. Ang kawalan ng gana sa pagkain. Ang hindi na nito pagtitiis sa amoy ng kape.

At hindi ko maiwasang magtanong.

“Gabriel…”

“Ano?”

“Have you ever considered na baka buntis ka?”

Diretso siyang napatingin sa akin. Ilang segundo siyang hindi gumalaw bago natawa nang hindi makapaniwala.

“Are you crazy, Santiago?”

“I'm just asking.”

“Lalaki ako, Rafael.”

“I know.”

“Then bakit mo naisip iyon?”

Hindi ako agad nakasagot. Alam kong kakaiba ang tanong ko. Pero ayokong basta balewalain ang mga sintomas niya.

“I'm not saying that's what's happening. Gusto ko lang na magpa-check ka ulit. Baka may hindi nakita sa mga naunang tests.”

Napailing siya.

“Nagpatingin na ako. Ilang beses na.”

“Then let's find another doctor.”

“Rafael—”

“Please, Gabriel.”

Natahimik siya. Kilala niya ako. Alam niyang hindi ako basta susuko kapag kalusugan niya ang pinag-uusapan.

Bago pa siya makasagot, biglang tumunog ang cellphone niya.

Isang notification mula sa laboratoryo ng ospital.

Your latest laboratory results are now available. Please contact your attending physician for further instructions.

Nakatitig lang siya sa screen. Napansin kong nanginginig ang mga daliri niya.

“Ano iyon?”

“Nothing.”

Pero alam kong hindi iyon totoo. Inabot ko ang kamay niya.

“Patingin.”

Nag-atubili siya bago binuksan ang attachment. Magkatabi naming binasa ang resulta.

Hindi ko maintindihan ang lahat ng nakasulat doon. Pero nang makarating ako sa huling bahagi, agad kong napansin ang isang salita.

POSITIVE.

Napakurap ako. Tumingin ako kay Gabriel.

“Sa iyo ba ang result na ito?”

Tumango siya. “Positive?”

Hindi siya nakasagot. Sa unang pagkakataon, nakita kong tunay siyang natakot.

Hinawakan ko ang kamay niya at niyakap. “Whatever this means, aalamin natin. Hindi kita pababayaan.”

Isinandal niya ang mukha niya sa dibdib ko. “Rafael, I'm scared.”

Mas hinigpitan ko ang yakap ko.

“I'm here. Okay? Nandito lang ako.”

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng result. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ng mga doktor.

Pero sigurado akong hindi niya kailangang harapin ito nang mag-isa.

Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina. Gusto kong ma-review ang ilang pending documents bago ang meeting namin ni Atty. Marco.

Naabutan kong nakaupo na si Gabriel sa desk niya, nakatitig sa laptop. Mukha pa rin siyang pagod.

“Good morning.”

“Morning.”

“Nakapagpahinga ka ba kagabi?”

“Medyo.”

Lumapit ako sa kanya. “Have you scheduled another consultation?”

“Not yet.”

“Gabriel.”

“Aasikasuhin ko, Rafael.”

Napabuntong-hininga ako. “Sige. Pero sasama ako.”

“Kaya ko naman.”

“I know you can. Pero hindi mo kailangang solohin lahat.”

Napatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. Bago pa ako makapagsalita, tumunog ang cellphone ko. Si Atty. Marco.

“Hello, Attorney?”

“Rafael, we have a problem.”

Agad akong napatuwid.

“What happened?”

“May bagong board resolution na isinumite sa SEC.”

“About Meridian?”

“Yes. Authorization ito para sa transfer ng disputed shares.”

Napakunot ang noo ko.

“Who signed it?”

Sandaling natahimik si Atty. Marco. Pagkatapos ay sumagot siya.

“Nandoon ang pangalan ng asawa mo.”

Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko.

“That's impossible.”

“Ipapadala ko sa iyo ang copy.”

Pagkababa ng tawag, agad kong binuksan ang email. At nandoon nga. Isang scanned copy ng board resolution na may pirma ni Gabriel. Humarap ako sa kanya.

“Gabriel.”

Napatingin siya. “What?”

“Did you sign this?”

Agad siyang tumayo at sinuri ang dokumento. “That's impossible.”

Nanigas ang mukha niya. “Rafael, I didn't sign this.”

Tiningnan ko siya. “I know.”

Napatingin siya sa akin. “Naniniwala ka sa akin?”

“Of course I do. Hindi kita pagbibintangan nang walang dahilan.”

Huminga siya nang malalim. “Then who did this?”

Muli kong tiningnan ang dokumento. Hindi lang ang pirma ang nakakuha ng attention ko.

Nandoon din ang pangalan ng witness.

LARA MENDOZA.

Bago pa kami makapagsalita, muling tumunog ang cellphone ko. Isang message mula sa unknown number. Binuksan ko iyon.

Congratulations, Rafael. Magiging ama ka na. Pero dapat mong malaman na hindi lang ang positive test ni Gabriel ang lihim na itinatago ng asawa mo.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.

Tumingin ako kay Gabriel. “What's this?”

Lumapit siya at binasa ang message. Umiling siya.

“I don't understand.” Ako rin.

Paano nalaman ng taong ito ang laboratory results ni Gabriel? At bakit ginagamit iyon para takutin ako? Makalipas ang ilang segundo, may panibagong message.

May kalakip na larawan. Binuksan ko iyon.

Larawan ni Gabriel habang palabas ng isang private medical clinic ilang linggo na ang nakalipas.

Hindi ako nagkamali. Siya talaga iyon.

May nakasulat sa ibaba.

ASK YOUR HUSBAND WHAT REALLY HAPPENED THE NIGHT YOU GOT MARRIED.

Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone. “Gabriel…”

Nakita kong namutla siya. “Where did you get this?”

“Someone sent it to me.”

Matagal niyang tinitigan ang larawan. Pagkatapos, pabulong siyang nagsalita.

“Oh, God.” Lumapit ako at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

“Gabriel, what's going on?”

Umiling siya. “Nothing. Wala iyon.”

“Don't do that.”

“Do what?”

“Don't shut me out. Not after everything we've been through.”

Nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

“Rafael, there's something about our wedding night na hindi ko masyadong maalala.”

Napahinto ako. “What do you mean?”

“Naalala ko ang wedding natin. Naalala kong umuwi tayo pagkatapos. Pero kinabukasan…”

Hindi niya itinuloy. “Kinabukasan, what?”

Yumuko siya. “Nakakita ako ng isang bagay sa room ko. Akala ko naitapon ko na iyon.”

Napalunok ako. “What was it?”

Sa halip na sumagot, kinuha niya ang bag niya at naglabas ng isang maliit na envelope.

Luma na iyon at bahagyang gusot. Wala ring pangalan o anumang nakasulat sa labas.

Dahan-dahan niya iyong binuksan. May isang photograph sa loob.

Nang makita ko ang larawan, para akong nawalan ng hangin. Kuha iyon noong gabi ng kasal namin.

Nakahiga si Gabriel sa kama, suot pa rin ang wedding suit niya.

Pero hindi siya nag-iisa. May isang babaeng nakaupo sa tabi niya.

At nang mas malinaw kong makita ang mukha nito, agad ko siyang nakilala.

Lara Mendoza.

Napatingin ako kay Gabriel. “Gabriel…”

Umiling siya. “Rafael, I swear. I don't remember this.”

Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Galit? Selos? Takot? O lahat ng iyon nang sabay-sabay?

Bago pa ako makapag-isip, may isa pang photograph na nahulog mula sa envelope.

Pinulot ko iyon.

Larawan ni Gabriel habang palabas ng isang hospital room. May petsang nakasulat sa ibabang bahagi.

Dalawang araw pagkatapos ng kasal namin. At nang baligtarin ko ang larawan, may nakasulat sa likod na tuluyan kong ikinuyom ang kamao.

YOU WERE NEVER SUPPOSED TO KNOW THAT A CHILD WAS CONCEIVED THAT NIGHT.

Dahan-dahan akong napatingin sa asawa ko.

“Gabriel…”

Nanginginig ang buong katawan niya. Sa unang pagkakataon mula nang ikasal kami, nakaramdam ako ng takot na hindi ko maipaliwanag.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing iyon. Hindi ko alam kung bakit may litrato si Lara sa kuwarto namin.

At higit sa lahat, hindi ko alam kung anong batang tinutukoy sa sulat. “May kailangan ka bang sabihin sa akin tungkol sa wedding night natin?”

Binuka ni Gabriel ang bibig, pero hindi agad nakapagsalita. Bago pa siya makasagot, may kumatok sa p***o. Tatlong sunod-sunod na katok. Pagkatapos ay may narinig kaming pamilyar na boses.

“Rafael? Nandiyan ba kayo? We need to talk.”

Napatingin ako sa p***o. Si Lara. Dahan-dahan kong ibinaba ang litrato.

Paglingon ko kay Gabriel, nakita kong lalo itong namutla. At doon ko na-realize na hindi pa pala namin alam ang buong katotohanan.

Dahil ang babaeng nasa litrato ay hindi lang basta bahagi ng nakaraan namin. Maaaring siya rin ang susi sa isang lihim na kayang sumira sa pagsasama namin.

At sa pagkakataong iyon, isang tanong lang ang paulit-ulit na umikot sa isip ko.

Kung may nangyari nga noong gabi ng kasal namin, bakit si Lara ang may hawak ng katotohanang hindi maalala ng sarili kong asawa?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Objection, My Love!   Chapter 9- Gabriel's POV

    “Gabriel, bago ka magdesisyon, kailangan mong maintindihan na hindi ordinaryong kaso ang meron ka.”Tahimik akong nakaupo sa private consultation room ng St. Isabela Medical Center. Nasa harap ko ang makapal na folder ng medical reports, habang si Dr. Nathaniel Lim ay abala sa pag-review ng mga resulta sa tablet niya.Sunday evening na. Ilang oras ko nang binabasa ang bawat laboratory finding, bawat measurement, at bawat medical assessment. Kung legal documents ang hawak ko, matagal ko nang natukoy kung saan may inconsistency. Pero ibang usapan kapag sarili mong katawan ang pinag-uusapan.“That's the complete picture,” sabi ni Nathaniel. “We've ruled out the suspected malignant tumors and other conditions. Based on the ultrasound, hormonal results, and additional assessments, the findings are consistent with an early pregnancy. Approximately six to seven weeks.”Hindi ako agad nakasagot.Six to seven weeks.Alam ko na ang ibig sabihin ng mga numerong iyon. Ilang beses ko nang kinuwent

  • Objection, My Love!   CHAPTER 8- Gabriel's POV

    “Rafael, please tell me na hindi totoong may nakita tayong baby sa ultrasound.”Hindi agad sumagot ang asawa ko.Nakatayo kami sa hallway ng isang private diagnostic hospital sa Makati. Halos kalahating oras na ang lumipas mula nang makuha namin ang resulta ng laboratory examination ko, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat.Hawak ni Rafael ang ultrasound photographs habang ako naman ay nakatitig lang sa sahig.Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap paniwalaan—ang abnormal na resulta ng blood test ko o ang nakita namin sa ultrasound.“Gabriel, let's hear the doctor out first.”Napabuntong-hininga ako.“That's exactly what we've been doing. Listening to doctors. Taking tests. Reading results. And now you're telling me na may embryo sa loob ng katawan ko?”Napahawak ako sa noo.I'm a lawyer. Sanay akong humarap sa complicated cases, mag-analyze ng evidence, at maghanap ng sagot sa mga tanong na hindi madaling masagot.Pero ngayon, sarili kong katawan ang hin

  • Objection, My Love!   CHAPTER 7- Rafael's POV

    “Rafael, please tell me hindi ito ang iniisip kong ibig sabihin.”Nakatitig si Gabriel sa laboratory report habang magkatabi kaming nakaupo sa private consultation room. Hawak niya ang cellphone niya, pero halatang ilang beses na niyang binasa ang resulta nang hindi pa rin makapaniwala.POSITIVE.Iyon lang ang salitang paulit-ulit na bumabagabag sa amin.Inabot ko ang kamay niya.“Let's hear what the doctor has to say first. Hindi pa natin alam ang buong picture.”“But the result is positive.”“I know.”“Then why are you acting like it's nothing?”Napabuntong-hininga ako.“Hindi ko sinasabing walang problema. I'm just saying na huwag muna tayong mag-conclude hangga't hindi natin alam ang ibig sabihin nito.”Napatingin siya sa akin.“Easy for you to say. Hindi ikaw ang may abnormal result.”Hindi ako agad nakasagot.Tama naman siya. Hindi ako ang ilang linggong halos walang ganang kumain. Hindi ako ang palaging nasusuka tuwing umaga. At higit sa lahat, hindi ako ang may kinatatakutang

  • Objection, My Love!   CHAPTER 6- Rafael's POV

    “Gabriel, hanggang kailan mo balak itago sa akin na may problema ka?”Napatingin sa akin si Gabriel bago muling ibinalik ang attention niya sa laptop.“Good morning din sa iyo.”“I'm serious.”“Rafael, I'm working.”“Exactly. Iyon na nga ang problema. Ilang linggo ka nang puro trabaho, halos hindi kumakain, at kapag tinatanong kita kung okay ka lang, lagi mong sagot ay fine ka lang.”Napabuntong-hininga siya.“I'm not a child. I can take care of myself.”“Then start taking care of yourself.”Inilapag ko sa tabi niya ang kape na binili ko bago pumasok. Ni hindi niya iyon nilingon.“Hindi ako iinom niyan.”Napataas ang kilay ko.“Since when?”“Since I don't feel like drinking coffee.”“Wow. That's new.”“People change, Santiago.”Napangiti ako nang bahagya.Two months.Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang malaman naming may taong nasa loob mismo ng firm ang kumuha ng original documents tungkol sa nawawalang pondo ng Meridian Holdings. Sa loob ng dalawang buwan, sunod-sunod ang nagi

  • Objection, My Love!   CHAPTER 5- Gabriel’s POV

    “May isang bagay kang hindi sinasabi sa akin, Gabriel. At gusto kong marinig iyon mula mismo sa iyo bago ko pa malaman sa ibang tao.”Iyon ang unang bungad ni Rafael nang makarating ako sa opisina kinabukasan. Nakatayo siya sa harap ng conference room, hawak ang cellphone at may nakabukas na email sa screen. Hindi siya nakangiti. Wala ring bakas ng karaniwang pang-aasar sa mukha niya. Sa halip, may malamig na determinasyon sa mga mata niyang mas nakakakaba kaysa sa anumang sigaw.“Good morning din sa iyo,” sagot ko habang inilalapag ang bag ko.“Don't dodge the question.”“Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo.”Iniabot niya sa akin ang cellphone. Nandoon ang email na natanggap ko kagabi.THE REAL REASON LARA MET GABRIEL BEFORE THE WEDDING.Binuksan ko ang attachment at muling nakita ang mensaheng galing kay Lara.Gabriel, please don't tell Rafael about my father's offer. I need to speak to you first.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. “May paliwanag ako,” sabi ko.“Then explain.

  • Objection, My Love!   CHAPTER 4- Gabriel’s POV

    “May nangyari ba sa inyo ni Lara bago tayo ikasal?”Natigilan ako sa pagbukas ng laptop ko. Nasa private lounge kami ng Villanueva Santiago Law Firm. Halos wala nang tao sa opisina dahil pasado alas-dose na ng tanghali, pero hindi pa rin kami makapagpahinga. May panibagong dokumentong kailangang ihanda para sa Meridian case, at bukod doon, may isang taong tila determinado akong sirain ang reputasyon ko.Dahan-dahang ibinaba ni Rafael ang dalawang paper cup sa mesa. Hindi niya inalis ang tingin sa akin.“Anong klaseng tanong ’yan?”“Simple lang, Gabriel. May nangyari ba sa inyo ni Lara?”Napabuntong-hininga ako. “Wala.”“Sigurado ka?”“Hindi ko kailangang magsinungaling sa ’yo.”“Hindi mo rin kailangang magtago ng impormasyon.”Tumigas ang panga ko. “Kung tungkol sa mensaheng natanggap mo kagabi, malinaw na may gustong manggulo sa atin. Hindi ibig sabihin na totoo ang lahat ng nakasulat doon.”“Hindi ko sinabing totoo. Tinatanong kita.” Kinuha ko ang kape at uminom. Mainit pa iyon, per

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status