Share

Kabanata 56

SUMANDIG si Jacob sa doorframe nang pumasok siya sa walk-in closet kung saan inabutan niyang nagbibihis ang kanyang asawa. Dadalo sila ng birthday celebration ng kanyang lolo nang gabing iyon.

“Ano pa ang itinatayo-tayo mo riyan? Naligo ka na ba? Kumilos ka na dahil baka mahuli pa tayo sa party ni Don Juan.”

“Don’t worry… Baka bihis na ako hindi ka pa rin tapos diyan,” biro niya.

Kanina na nga lang na naligo ito inabot na ng mahigit isang oras sa banyo. Sa pagbibihis at paglalagay ng makeup naman mukhang mas matatagalan pa kaya hindi naiingli si Jacob na magsimulang mag-ayos ng sarili. Mamaya na lang siguro kapag nakita niyang patapos na si Adelyn.

Naglakad siya palapit dito nang mapansing hanggang sa kalahati lang nito nai-zipper ang suot na gown.

“Do you need help?” tanong niya.

“Ah, yeah. Zip me up please,” anito habang nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin.

Kaagad naman niyang hinila pataas ang zipper ng dress nito.

“The dress looks good on you. Ang ganda ng fit. Magaling nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status