ANMELDENLATEMaagang umalis si Jason nang araw na iyon matapos tawagan ng mama nito. May mga groceries daw na ipinabili para sa kanila at naroon na rin ang allowance na ibibigay sa kaniya, kaya pinapunta muna ito sa bahay ng parents niya para kunin ang mga iyon.Hindi naman nagreklamo si Elise. Mainit ang panahon at wala rin siyang balak lumabas. Mas gugustuhin niyang manatili sa condo kasama si Hope habang inaayos ang ilan sa requirements niya para sa enrollment.Bandang alas-diyes ng umaga, inilagay niya si Hope sa high chair para pakainin. Ilang subo pa lamang ang naibibigay niya nang biglang parang gumalaw ang paligid.Napahawak si Elise sa gilid ng mesa.Saglit siyang napapikit at hinintay mawala ang hilo. Nang dumilat siya, nakatingin sa kaniya si Hope habang hawak ang kutsarang laruan nito.“Okay lang si Mama,” sabi niya sa anak kahit mas para iyon sa sarili niya.Inisip niyang baka dahil lang sa init. Mula umaga ay kape at tinapay lang din ang kinain niya, at ilang beses pa silang nag
SUMMER HEATDumating ang bakasyon na halos hindi namalayan ni Elise. Kasabay ng pagtatapos ng klase ni Jason ay ang mabilis ding pagbabago ni Hope, na habang papalapit sa unang birthday ay mas naging malikot at mahirap bantayan. Kung dati ay kuntento na itong nakahiga o nakaupo sa playpen, ngayon ay gusto nitong gumapang kung saan-saan at humawak sa anumang maaabot.Isang umaga, nagtitimpla ng kape si Elise nang marinig niya ang excited na tawag ni Jason mula sa sala. Paglingon niya ay nakita niyang nakaluhod ang asawa sa tapat ni Hope habang ang bata ay nakatayo at mahigpit na nakakapit sa sofa.“Love, tingnan mo. Bumitaw ka, baby. Daddy's here,” panghihikayat ni Jason habang nakaabang ang dalawang kamay sakaling mawalan ng balanse ang anak.“Jason, huwag mong pilitin. Baka matumba.”“Hindi 'yan matututo kung hindi susubok.”Parang naintindihan ni Hope ang ama dahil dahan-dahan nitong binitiwan ang isang kamay. Napahawak si Elise sa counter habang nakatingin. Ilang segundo lamang nak
A WOMAN KNOWSHindi naman nauwi sa malaking away ang pag-uusap nila. Nang gabing iyon ay ipinaliwanag ni Jason kung paano sila naging magkaibigan ni Krisha. Madalas silang magkagroup, pareho silang naiiwan sa campus kapag maraming kailangang tapusin, at dahil iisa rin ang circle nila sa ilang subjects, natural lang daw na naging komportable sila sa isa't isa.Nakinig si Elise nang hindi sumisingit. Hindi niya rin gustong pilitin si Jason na aminin ang isang bagay na baka wala naman talaga. Sa paraan ng pagsasalita nito, malinaw na walang espesyal na kahulugan para rito ang friendship nila ni Krisha. Ang problema, hindi iyon ang nararamdaman niya mula sa babae.“Hindi ko naman hinihingi na i-report mo sa akin lahat ng ginagawa mo sa school,” paliwanag ni Elise habang magkatabi sila sa kama. “Ayoko lang na parang ako pa 'yung huling makakaalam na may taong naging close na pala sa 'yo.”Naupo nang mas maayos si Jason at marahang hinawakan ang kamay niya. “Gets ko. Mali ko rin siguro na h
MORE THAN A FRIENDMatagal na nakatitig si Elise sa tablet na naiwan ni Jason sa dining table. Hindi naman niya iyon sinadyang tingnan. Inaayos niya lang ang tentative schedule na ibinigay sa kaniya sa registrar nang biglang lumiwanag ang screen dahil sa sunod-sunod na notifications. Kung ibang pangalan siguro ang lumabas, baka hindi man lang niya iyon napansin. Pero nang mabasa niya ang pangalang Krisha, kusang napunta roon ang buong atensyon niya.Jason, please. Huwag mo munang sabihin sa wife mo…Hindi pa man tuluyang nawawala ang unang notification ay may sumunod na agad, at sa pagkakataong iyon ay may kasama nang litrato. Bahagyang kumunot ang noo ni Elise nang makita sina Jason at Krisha sa isang café. May mga notebook, laptop at kung anu-anong papel sa mesa, at may ilan pang estudyante sa background. Wala namang masama sa picture. Hindi sila magkayakap o magkadikit nang sobra. Sa katunayan, mukhang ordinaryong araw lang iyon pagkatapos ng klase. Nakatingin pa nga si Jason sa la
THE WORLD OUTSIDEIlang araw matapos ang naging usapan nila ni Jason tungkol sa pagbabalik niya sa school, hindi na muna iyon binanggit ni Elise.Hindi naman nagbago ang isip niya. Gusto lang niyang malaman muna kung posible ba talaga ang plano niya bago nila muling pag-usapan. Kaya nang isang umaga ay dumalaw si Riza at inalok siyang bantayan muna si Hope, naisip niyang iyon na ang pagkakataon para magtanong.“Hindi naman ako magtatagal. Pupunta lang ako sa school para magtanong sa registrar,” sabi ni Elise habang inilalagay sa bag ang ilang lumang documents niya.Karga ni Riza si Hope na abala sa paglalaro sa kuwintas nito. “Sige lang. Huwag kang magmadali. Ako na rito kay Hope.”Hinalikan muna ni Elise ang anak bago umalis.Hindi niya sinabi kay Jason na pupunta siya roon. Hindi dahil gusto niyang maglihim, kundi dahil wala pa naman siyang desisyong ginagawa. Magtatanong lang siya. Kapag nalaman niyang posible, saka niya ito kakausapin.Pagdating sa campus, kusang bumagal ang mga h
SOMEWHERE BETWEEN USHabang lumilipas ang mga buwan, pakiramdam ni Elise ay lalo ring bumibilis ang takbo ng bawat araw. Karaniwan nang nauuna siyang magising kay Jason para makapaghanda ng breakfast habang tulog pa si Hope. Pagkatapos kumain ng asawa at umalis para sa school, magsisimula naman ang sarili niyang routine—magliligpit ng pinagkainan, maglalaba, mag-aayos ng condo at, higit sa lahat, mag-aasikaso sa anak nila.Hindi naman niya kinamumuhian ang ganoong buhay. Sa katunayan, si Hope ang pinakamagandang parte ng araw niya.Habang lumalaki ang bata, lalo itong nagiging malikot at masayahin. Madalas siyang sundan nito sa kusina habang gumagapang at kakapit sa binti niya kapag abala siya sa paghahanda ng pagkain. Kapag yumuyuko naman si Elise at nagtatago sandali sa likod ng kitchen counter, tatawa nang malakas si Hope na para bang iyon na ang pinakanakakatawang bagay na nakita nito.May mga pagkakataon ding habang pinapakain niya ang anak, bigla nitong hahawakan ang mukha niya







