ログインNanlaki ang mga mata ni Atticus, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. “Walang kwenta!” sigaw ni Edwin, galit na galit, tila matagal ng kinikimkim ang lahat. “Ang kapal ng mukha mo para dalawin ang ina mo. Pero sa mga nakalipas na taon ay hindi ka umuwi para bisitahin siya. You don’t have the right to visit your mother’s grave.” “Ako? Sa ating dalawa mas ikaw ang walang karapatang dumalaw sa puntod ng nanay ko. You drove my mother to death!” nanginginig na wika ni Yvee. “Kung hindi dahil sa pambababae mo ay hindi lalala ang sakit ni mama!” “Yvee!” biglang singit ni Ereena. “Sumusobra ka na, ha! Gan'yan ba ang dapat na trato mo sa tatay mo? Napakabastos mo kung buhay lang si mommy–” “Stop,” mariing agap ni Yvee. “Don’t you dare call my mother mommy. Hindi mo siya nanay at higit sa lahat anak ka ng babaeng sumira ng pamilya namin. Your mother is a home wrecker! At ikaw ang bunga noon. Kaya ‘wag na ‘wag mong tatawaging mommy ang nanay ko!” “‘Wag mong pagsalitaan nang gan
Tahimik ang sementeryo. Mahina ang ihip ng hangin, dala ang amoy ng lupa at tuyong dahon. Dahan-dahang huminto si Yvee sa tapat ng isang lapida. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Atticus—parang ayaw niyang bumitiw rito. Sa kabilang kamay naman niya ay isang bugkos ng bulaklak ang hawak niya. “Ito na,” mahina niyang sabi. Napatingin si Atticus sa puntod. Tahimik lang siyang nakatayo katabi ng ina niya ngunit seryoso ang ekspresyon niya. Hindi niya lubos kilala ang babaeng nakahimlay roon ngunit ramdam niya, sa higpit ng hawak ng ina niya, kung gaano ito kahalaga sa buhay nila. Marahang lumuhod si Yvee. Dahan-dahan niyang inabot ang lapida. Hinaplos niya ang pangalan na nakaukit doon na para bang sa simpleng pagdampi ng mga daliri niya ay maibabalik niya ang nakaraan. “Ma…” bulong ni Yvee. Agad na nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Ilang taon na rin ang nakalipas nang huling dumalaw si Yvee sa puntod ng kaniyang ina noong lumipat siya sa ibang bansa. Pero kahit malayo siya
Napasinghap si Rechelle sa gilid. Napakagat siya sa kaniyang labi para pigilan ang kaniyang sariling matawa. Si Atticus naman ay napakurap, pero hindi siya natakot. Sa halip ay mas lalo lang nagmukhang curious ang bata. Nais niyang masigurong gumana nga ang plano nila ng kakambal niya pero ayaw namang magkwento ng mommy niya! “Bakit po, mommy?” inosente niyang tanong, parang walang ideya kung ano ang mga sinasabi niya. Napahawak si Yvee sa kaniyang noo, pilit niyang pinipigilan ang kaniyang sarili. “Hindi gan'yan ang mga tanong ng isang bata,” madiing sabi niya. “Eh gusto ko lang naman pong malaman…” bulong ni Atticus, bahagyang ngumuso. Saglit na natahimik si Yvee pagkatapos ay marahan siyang yumuko upang magpantay ang kanilang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng kaniyang anak, mas mahinahon na ngayon ang tono. “Listen to me,” maingat niyang sabi. “Hindi lahat ng bagay ay kailangan mong itanong. At lalong hindi lahat nang iniisip mo ay sinasabi mo dapat agad. There
Pagkabukas pa lang ng pinto, agad na sumalubong kay Yvee ang ingay sa loob ng unit. “Mommy!”Hindi pa man tuluyang nakakahakbang si Yvee papasok ay mabilis nang sumugod si Atticus palapit sa kaniya. May hawak pa itong kalahating piraso ng manok na tila nakalimutan na nitong bitiwan dahil sa pagmamadali. Diretso itong yumakap sa kaniya, mahigpit na para bang matagal na silang hindi nagkikita.“Ang tagal mo po, mommy!” reklamo ni Atticus, may halong tampo ang boses.Bahagyang napangiwi si Yvee nang maramdaman niya ang diin ng yakap. May kirot na gumuhit sa kaniyang katawan, panandalian ngunit matalim. Ngunit tulad nang nakasanayan ay mabilis siyang ngumiti. “Sorry na, baby,” malambing na tugon ni Yvee habang marahan niyang hinahaplos ang buhok ng kaniyang anak. “May pinuntahan lang si mommy.” Dahan-dahang iniangat ni Yvee ang tingin niya mula kay Atticus at doon lang niya napansin si Rechelle. Nakatayo ito malapit sa mesa, may hawak na fries at tila kanina pa itong naghihintay ng pag
Nagising si Yvee dahil sa bigat ng pakiramdam niya. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya at tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Daig niya pa ang sumali sa marathon sa sobrang pagod na nararamdaman niya.Dahan-dahang dumilat so Yvee. Bumungad sa kaniya ang kulay tsokolateng kisame at puting ilaw. Isang pamilyar na hindi pamilyar na kuwarto. At bago pa niya tuluyang maunawaan ang lahat ay may naramdaman siyang mainit na bagay sa tabi niya. De javu… Para siyang ibinabalik sa nakaraan. Dahan-dahan siyang napalingon at doon tumigil ang mundo niya. Nakita ni Yvee si Gideon na mahimbing ang tulog at walang suot na pang-itaas na damit. Bigla itong gumalaw at bumaling sa gawi niya, bumaba nang kaunti ang kumot nito at napalunok siya nang masilip niyang wala itong suot na pang-ibaba. Napatingin si Yvee sa sarili niya. Unti-unti niyang inangat ang kumot at mariin siyang napapikit. Sa isang iglap ay napagtanto niya ang lahat—kung ano ang nangyari kagabi.Katulad ni Gideon ay wala ring su
Habang papaakyat sina Gideon at Yvee sa second floor ay hawak-hawak ni Gideon ang kamay ni Yvee. Inaalalayan niya ito sa bawat hakbang nila. Hanggang sa makarating sila sa second floor. Sumalubong sa kanila ang may kadilimang hallway ng inn. Medyo may kalumaan na rin ang kulay ng pintura sa pader, ang ilaw rin ay halos wala ng liwanag. Nakarating sina Gideon at Yvee sa tapat ng room 18. Kinuha ni Gideon ang susi ng kuwarto at sinubukang buksan ang pinto. Habang nakahawak si Yvee sa kaniya—tila wala pa rin sa sarili. Pagbukas pa lang ng pinto ay inalalayan muli ni Gideon si Yvee. Hilong-hilo pa rin si Yvee, kaya kapit na kapit siya kay Gideon. Umiikot ang buong mundo niya at pakiramdam niya ay isang maling hakbang niya lang ay gugulong na siya sa sahig. “Kaya mo pa?” tanong ni Gideon nang mapansin niyang pumipikit-pikit pa si Yvee. Sabay na napahinto sina Yvee at Gideon nang makapasok sila sa loob. Para bang parehong nagpoproseso sa utak nila ang nakita nila. Ang inaasahan nila
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan
Naiwan si Drew sa sulok. Nanonood siya habang umiipon ang katahimikan sa pamilya Alejado. Kinuskos niya ang kaniyang batok at saka niya napagpasiyahang lumapit. Kahit pa nahihiya ay kailangan niyang sundin ang utos ng pinsan niya. “Mr. and Mrs. Alejado,” bati niya, dahan-dahan.Lumingon si Edwin. “
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni A
Ngumiti nang malapad si Edwin na para bang nagmamalaki pa siya sa ibinalita niya. “Yes. And finally, matapos ang ilang taon, handa na siyang ituloy ang naudlot niyong kasal. Kaya maghanda ka na, Yvee. This time—” Tumigil siya saglit at tinaasan ng kilay ang kaniyang anak. “Matutuloy na ang kasal ni







